< Mga Efeso 4 >

1 Kaya, bilang bilanggo sa Panginoon, nakikiusap ako sa inyo na lumakad kayo ng karapat-dapat sa pagkatawag sa inyo ng Diyos.
I exhort you, therefore, I, the prisoner in the Lord, to walk in a manner worthy of the calling wherewith ye were called: —
2 Mamuhay kayo nang may buong pagpapakumbaba at pagkamahinahon at katiyagaan. Tanggapin ninyo nang may pagmamahal ang bawat isa.
With all lowliness and meekness, with long suffering, bearing one with another in love,
3 Pagsikapan ninyong manatili ang pagkakaisa sa Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.
Giving diligence to keep—the oneness of the Spirit in the uniting-bond of peace, —
4 May iisang katawan at iisang Espiritu, katulad din nang pagtawag sa inyo sa iisang pananalig na inaasahan ng iyong pagkatawag.
One body, and one spirit, even as ye were also called in one hope of your calling,
5 At may iisang Panginoon, iisang pananampalataya, iisang bautismo,
One Lord, one faith, one immersion,
6 at iisang Diyos at Ama ng lahat. Siya ay higit sa lahat at kumikilos sa lahat at nananatili sa lahat.
One God and Father of all—who is over all, and through all, and in all.
7 Binigyan ang bawat-isa sa atin ng kaloob ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo.
To each one of you, however, hath favour been given, according to the measure of the free-gift of the Christ;
8 Katulad ng sinabi sa kasulatan: “Noong umakyat siya sa itaas, dinala niya ang mga bihag sa pagkabihag. Nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.”
Wherefore he saith—Ascending on high, he took captivity captive, [and] gave gifts unto men.
9 Ano ang kahulugan ng “Umakyat siya,” maliban nalang kung bumaba rin siya sa kailaliman ng mundo?
Now this, He ascended; what is it, —save—that he also descended into the under parts of the earth?
10 Siya na bumaba ay siya ring umakyat sa ibabaw ng buong kalangitan. Ginawa niya ito upang maaari niyang punuin ang lahat ng mga bagay.
He that descended, he, it is who also ascended over-above all the heavens, that he might fill all things;
11 Nagbigay si Cristo ng mga kaloob katulad ng mga ito: pagka- apostol, pagka-propeta, pagka-ebanghelista, pagka-pastor at pagka-guro.
And, he, gave—some, indeed, to be apostles, and some, prophets, and some, evangelists, and some, shepherds and teachers, —
12 Ginawa niya ito upang ihanda ang mga mananampalataya sa paglilingkod at sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. Ginagawa niya ito hanggang sa maabot natin ang pagkakaisa sa pananampalataya at kaalaman sa Anak ng Diyos.
With a view to the fitting of the saints for the work of ministering, for an upbuilding of the body of the Christ;
13 Ginagawa niya ito hanggang sa maging ganap tayo na katulad ni Cristo.
Until we all advance—into the oneness of the faith, and the personal knowledge of the Son of God, into a man of full-growth, into the measure of the stature of the fulness of the Christ;
14 Upang hindi na tayo maging tulad ng mga bata. Upang hindi na tayo maligaw. Upang hindi na tayo madala palayo sa bawat hangin ng katuruan, sa pandaraya ng mga tao sa pamamagitan ng matalas na pag-iisip ng kamalian at panlilinlang.
That we may, no longer, be infants—billow-tossed and shifted round with every wind of teaching, —in the craft of men, in knavery suited to the artifice of error;
15 Sa halip, sabihin natin ang katotohanan na may pag-ibig at lumago sa lahat ng paraan sa kaniya na ulo, si Cristo.
But, pursuing truth—may, in love, grow into him in all things, —who is the head, Christ, —
16 Pinag-ugnay ni Cristo ang buong katawan ng mananampalataya. Hinahawakan ito sa pamamagitan ng umaalalay na litid upang ang buong katawan ay lumago at tumibay sa pag-ibig.
Out of whom all the body—fitly framing itself together, and connecting itself, through means of every joint of supply, by way of energising in the measure of each single part—secureth the growing of the body, unto an upbuilding of itself in love.
17 Kaya, sinasabi ko ito, at pinapayuhan ko kayo sa Panginoon: huwag na kayong lumakad na katulad ng mga Gentil na lumalakad sa karumihan ng kanilang mga isipan.
This, therefore, am I saying and protesting in the Lord: —that, no longer, ye walk even as, the nations, walk—in the vanity of their minds,
18 Masama ang kanilang pag-iisip. Napalayo sila sa buhay na nasa Diyos dahil sa kamangmangan na nasa kanila dahil sa pagmamatigas ng kanilang mga puso.
Being darkened in their understanding, alienated from the life of God—by reason of the ignorance that existeth within them, by reason of their hearts being turned into stone,
19 Hindi sila nakakaramdam ng kahihiyan. Ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan sa malalaswang mga gawa, sa lahat ng uri ng kalabisan.
Who, indeed, having become past feeling, have delivered, themselves, up, with wantonness, unto making a trade of all impurity with greed.
20 Ngunit hindi ganito ang natutunan ninyo patungkol kay Cristo.
Ye, however, have, not thus, learned the Christ: —
21 Iniisip kong narinig na ninyo ang patungkol sa kaniya. Iniisip kong naturuan na kayo patungkol sa kaniya, dahil na kay Jesus ang katotohanan.
If, at least, it is, him, ye have heard, and, in him, ye have been taught—even as truth is in Jesus, —
22 Dapat ninyong hubarin ang naaayon sa dati ninyong gawain, ang dating pagkatao. Ito ay ang dating pagkatao na nabubulok dahil sa mapanlinlang na pagnanasa.
That ye were to strip off—as regardeth the former behaviour—the old man, who corrupteth himself according to his deceitful covetings,
23 Hubarin ninyo ang dating pagkatao upang mabago ang espiritu ng inyong pag-iisip.
And were to be getting young again in the spirit of your mind,
24 Gawin ninyo ito upang maisuot ninyo ang bagong pagkatao, na naaayon sa Diyos. Nilikha ito sa katuwiran at kabanalan ng katotohanan.
And were to put on the man of new mould, who, after God, hath been created in his truthful righteousness and loving kindness.
25 Kaya nga alisin ninyo ang kasinungalingan. “Magsalita ng katotohanan, ang bawat isa sa kaniyang kapwa,” sapagkat kabahagi tayo ng bawat isa.
Wherefore, stripping off what is false, be speaking truth each one with his neighbour, because we are members one of another;
26 “Magalit kayo, ngunit huwag kayong magkasala.” Huwag ninyong hayaan na lumubog ang araw sa inyong galit.
Be ye angry, and not committing sin, let not the sun be going down upon your angry mood,
27 Huwag mong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
Neither be giving place unto the adversary;
28 Sino man ang nagnanakaw ay hindi na dapat magnakaw. Sa halip, kailangan niyang magpagal. Kailangan niyang magtrabaho gamit ang kaniyang mga kamay, upang makatulong sa tao na nangangailangan.
Let, the stealer, no more, steal, but rather let him be toiling, —working with his hands the thing that is good, that he may have [wherewith] to be giving away to him that hath need;
29 Dapat walang lalabas na masamang salita sa inyong bibig. Sa halip, dapat mga salitang may pakinabang ang lalabas sa inyong bibig, upang magbigay ng pakinabang sa mga nakikinig.
Let, no putrid discourse, out of your mouth, be going forth, but if anything is good—suited to the needful upbuilding, —that it may give benefit unto them that hear;
30 At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos. Dahil sa kaniya kayo ay tinatakan para sa araw ng katubusan.
And be not grieving the Holy Spirit of God, wherewith ye have been sealed unto a day of redemption;
31 Dapat ninyong alisin ang lahat ng sama ng loob, poot, galit, pagtatalo, at pang-iinsulto, kasama ang lahat ng uri ng kasamaan.
All bitterness, and wrath, and anger, and outcry, and profane speaking, let it be taken away from you, with all baseness;
32 Maging mabuti sa isa't-isa. Maging mahabagin. Patawarin ang isa't-isa, katulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.
And be ye gracious one to another, tenderly affectionate, in favour forgiving one another—even as, God also, in Christ, hath in favour forgiven you;

< Mga Efeso 4 >