< Mangangaral 1 >

1 Ito ang mga salita ng Mangangaral, ang anak ni David at hari sa Jerusalem.
Dāvida dēla, Jeruzālemes ķēniņa, mācības vārdi.
2 Sabi ng Manganagaral. “Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoy sa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maraming katanungan.
Niecība vien, saka tas mācītājs, niecība vien, viss ir niecība.
3 Anong mapapala ng sangkatauhan mula sa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalim ng araw?
Kāds labums cilvēkam atlec no visa viņa grūta darba, ar ko viņš nodarbojās pasaulē.
4 Isang angkan ang lumilipas, at isa namang angkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdig magpakailanman.
Cits dzimums aiziet un cits dzimums nāk; bet zeme pastāv mūžīgi.
5 Sumisikat ang araw at lumulubog ito at nagmamadaling babalik sa lugar kung saan muli itong sisikat.
Saule lec un saule noiet un steidzās uz savu vietu, kur tā atkal uzlec.
6 Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot-ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landas at magpapabalik-balik muli.
Vējš iet pret dienasvidu un iet apkārt pret ziemeļa pusi; tas pūš visapkārt griezdamies un riņķī apgriežas atpakaļ.
7 Umaagos patungo sa dagat ang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno. Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo.
Visas upes ietek jūrā, tomēr jūra netop pilnāka. Tai vietā, no kurienes upes nāk, turp tās atkal atgriežas atpakaļ.
8 Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man makapagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnig nito.
Visās lietās ir tik daudz grūtuma, ka neviens to nevar izteikt. Acīm nepietiek redzot, un ausīm nepietiek dzirdot.
9 Anuman ang nangyari ay siya rin ang mangyayari, at anuman ang nagawa ay siyang magagawa. Walang bago sa ilalim ng araw.
Kas jau ir bijis, tas vēl būs; un kas jau ir darīts, tas vēl taps darīts; un it nekā jauna nav pasaulē.
10 Mayroon bang anumang bagay na maaaring masabi, 'Masdan mo, ito ay bago'? Anuman ang nangyayari ay nangyari na sa matagal na panahon, noong mga panahong nauna pa sa atin.
Vai ir kas, par ko varētu sacīt: redzi, tas ir jauns? Tas jau ilgi bijis vecos laikos, kas bijuši priekš mums.
11 Tila wala ni isa man ang nakakaalala sa mga bagay na naganap sa sinaunang panahon. At ang mga bagay na nangyari sa nauna pang panahon at ang mangyayari sa hinaharap ay malamang na hindi rin maaalala.”
Kas pagājis, netop pieminēts; un kas nāks, to arī nepieminēs tie, kas pēc tam būs.
12 Ako ang Mangangaral, at ako ay naging hari ng buong Israel sa Jerusalem.
Es, tas mācītājs, biju ķēniņš pār Israēli Jeruzālemē.
13 Inilaan ko ang aking pag-iisip sa pag-aaral at pagsisiyasat gamit ang karunungan sa lahat ng ginawa sa ilalim ng kalangitan. Ang pagsisiyasat na iyon ay isang mabigat na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao upang pagka-abalahan.
Un apņēmos savā sirdī, ar gudrību izmeklēt un izdibināt visu, kas apakš debess notiek. Šo grūto pūliņu Dievs cilvēku bērniem ir uzlicis, lai ar to nopūlējās.
14 Nakita ko ang lahat ng gawaing ginanap sa ilalim ng araw, at masdan, lahat ng mga ito ay magiging singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Es uzlūkoju visus darbus, kas pasaulē notiek, un redzi, viss bija niecība un grābstīšanās pēc vēja.
15 Ang baluktot ay hindi na maitutuwid. Ang nawala ay hindi na mabibilang.
Kas līks, nevar palikt taisns; un kā nav, to nevar skaitīt.
16 Sinabi ko sa aking puso, “Masdan, ang nakamit kong karunungan ay higit kaysa mga nauna sa akin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman.
Es runāju savā sirdī un sacīju: redzi, es gudrībā esmu augsti cēlies un pieņēmies vairāk nekā visi, kas priekš manis bijuši Jeruzālemē, un mana sirds ir redzējusi gudrības un zinības papilnam.
17 Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan din. Naintindihan ko rin na ito ay isang pagtangkang habulin ang hangin.
Un es apņēmos savā sirdī, atzīt gudrību un zinību, neprātību un ģeķību. Bet es samanīju, ka tā ir grābstīšanās pēc vēja.
18 Dahil sa kasaganaan ng karunungan ay maraming kabiguan, at siya na nagdaragdag nang kaalaman ay nagdaragdag nang kalungkutan.
Jo kur daudz gudrības, tur ir daudz grūtības, un jo vairāk atzīšanas, jo vairāk bēdu.

< Mangangaral 1 >