< Mangangaral 9 >
1 Dahil inisip kong mabuti ang lahat ng mga ito para maintindihan ang mga matuwid at matalino at ang kanilang mga gawa. Lahat sila ay nasa mga kamay ng Diyos. Dahil walang nakakaalam kung pag-ibig o pagkamuhi ang darating sa isang tao.
我将这一切事放在心上,详细考究,就知道义人和智慧人,并他们的作为都在 神手中;或是爱,或是恨,都在他们的前面,人不能知道。
2 Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran. Parehong kapalaran ang naghihintay sa mga matuwid na tao at makasalanan, mabuting mga tao at masama, ang malinis at marumi, at ang nag-aalay at ang hindi nag-aalay. Tulad ng pagkamatay ng mabubuting tao, ganoon din ang makasalanan. Tulad ng pagkamatay ng nanunumpa, ganoon din ang taong takot gumawa ng panunumpa.
凡临到众人的事都是一样:义人和恶人都遭遇一样的事;好人,洁净人和不洁净人,献祭的与不献祭的,也是一样。好人如何,罪人也如何;起誓的如何,怕起誓的也如何。
3 Mayroong masamang kapalaran para sa lahat ng ginawa sa ilalim ng araw, isang tadhana para sa lahat ng tao. Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan, at kahibangan ay nasa kanilang mga puso habang sila ay nabubuhay. Kaya pagkatapos noon, pumupunta sila sa mga patay.
在日光之下所行的一切事上有一件祸患,就是众人所遭遇的都是一样,并且世人的心充满了恶;活着的时候心里狂妄,后来就归死人那里去了。
4 Dahil mayroon pang pag-asa para sa nabubuhay, katulad ng buhay na aso na mas maigi pa kaysa sa patay na leon.
与一切活人相连的,那人还有指望,因为活着的狗比死了的狮子更强。
5 Dahil alam ng mga nabubuhay na tao na mamamatay sila, ngunit walang alam ang mga patay. Wala na silang gantimpala dahil ang kanilang alaala ay nakalimutan na.
活着的人知道必死;死了的人毫无所知,也不再得赏赐;他们的名无人记念。
6 Ang kanilang pag-ibig, pagkamuhi, at inggit ay matagal nang naglaho. Hindi na sila magkakaroon ng lugar sa anumang bagay na ginawa sa ilalim ng araw.
他们的爱,他们的恨,他们的嫉妒,早都消灭了。在日光之下所行的一切事上,他们永不再有分了。
7 Humayo ka, masaya mong kainin ang tinapay mo, at inumin ang alak mo nang may masayang puso, dahil pinapayagan ng Diyos ang pagdiriwang ng mga mabubuting gawa.
你只管去欢欢喜喜吃你的饭,心中快乐喝你的酒,因为 神已经悦纳你的作为。
8 Lagi mong panatilihing puti ang iyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.
你的衣服当时常洁白,你头上也不要缺少膏油。
9 Masaya kang mamuhay kasama ang iniibig mong asawa sa lahat ng araw ng buhay mo nang walang pakinabang, ang mga araw na ibinigay sa iyo ng Diyos sa ilalim ng araw sa mga araw nang walang pakinabang. Iyon ang gantimpala ng buhay mo para sa ginawa mo sa ilalim ng araw.
在你一生虚空的年日,就是 神赐你在日光之下虚空的年日,当同你所爱的妻,快活度日,因为那是你生前在日光之下劳碌的事上所得的分。
10 Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, ang lugar kung saan ka pupunta. (Sheol )
凡你手所当做的事要尽力去做;因为在你所必去的阴间没有工作,没有谋算,没有知识,也没有智慧。 (Sheol )
11 Nakakita ako ng ilang kawili-wiling bagay sa ilalim ng araw: Ang takbuhan ay hindi para sa mabibilis na tao. Ang labanan ay hindi para sa malalakas na tao. Ang tinapay ay hindi para sa matatalinong tao. Ang kayamanan ay hindi para sa mga taong may pang-unawa. Ang pabor ay hindi para sa mga taong may kaalaman. Sa halip, ang oras at pagkakataon ang nakakaapekto sa kanilang lahat.
我又转念:见日光之下,快跑的未必能赢;力战的未必得胜;智慧的未必得粮食;明哲的未必得资财;灵巧的未必得喜悦。所临到众人的是在乎当时的机会。
12 Dahil walang nakakaalam ng oras ng kaniyang pagkamatay, tulad ng isda na nahuli sa lambat ng kamatayan, o katulad ng mga ibon na nahuli sa patibong. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila.
原来人也不知道自己的定期。鱼被恶网圈住,鸟被网罗捉住,祸患忽然临到的时候,世人陷在其中也是如此。
13 Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw sa paraan na kahanga-hanga para sa akin.
我见日光之下有一样智慧,据我看乃是广大,
14 Mayroong isang maliit na lungsod na may kaunting mamamayan, at may isang malakas na haring dumating laban dito, sinalakay ito at nagtayo ng mga malalaking rampang pangsalakay dito.
就是有一小城,其中的人数稀少,有大君王来攻击,修筑营垒,将城围困。
15 Ngayon sa lungsod na iyon, mayroong isang mahirap na matalinong lalaki, na sa pamamagitan ng kaniyang karunungan ay nailigtas niya ang lungsod. Ngunit kinalaunan, walang nakaalala sa mahirap na taong iyon.
城中有一个贫穷的智慧人,他用智慧救了那城,却没有人记念那穷人。
16 Kaya pinagpalagay ko, “Ang karunungan ay mas mainam kaysa sa kalakasan, ngunit ang karunungan ng mahirap na tao ay hinamak at ang kaniyang mga salita ay hindi pinakinggan.”
我就说,智慧胜过勇力;然而那贫穷人的智慧被人藐视,他的话也无人听从。
17 Ang mga salita ng matatalino na sinabi nang pabulong ay mas naririnig kaysa sa mga sigaw ng sinumang pinuno sa mga mangmang.
宁可在安静之中听智慧人的言语,不听掌管愚昧人的喊声。
18 Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan, ngunit kayang sirain ng isang makasalanan ang maraming kabutihan.
智慧胜过打仗的兵器;但一个罪人能败坏许多善事。