< Mangangaral 8 >
1 Ano ang isang taong matalino? Ito ay isang taong nakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay. Ang karunungan sa isang tao ay nagpapaningning ng kaniyang mukha, at ang katigasan sa kaniyang mukha ay nagbabago.
Hena na ɔte sɛ onyansafo? Hena na onim sɛnea nneɛma te? Nimdeɛ te nnipa anim, na ɛbrɛ ne denyɛ ase.
2 Pinapayuhan ko kayong sundin ang utos ng hari dahil sa pangako ng Diyos na ipagtatanggol siya.
Mise: Di ɔhene mmaransɛm so, efisɛ wokaa ntam wɔ Onyankopɔn anim.
3 Huwag magmadaling lumayo sa harapan niya at huwag kang mamalagi sa maling bagay, dahil magagawa ng hari ang anumang ninanais niya.
Mpɛ ntɛm mfi ɔhene anim. Nnyina mu mma obi asɛm a ɛnyɛ dɛ na onii no anyɛ nea ɔpɛ biara.
4 Ang salita ng hari ay maghahari, kaya sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
Esiane sɛ ɔhene asɛm boro obiara de so nti, hena na obetumi aka akyerɛ no se: “Dɛn na woreyɛ yi?”
5 Sinumang sumusunod sa mga utos ng hari ay lumalayo sa kapahamakan. Ang isang matalinong puso ng tao ay nakikilala ang nararapat na landas at oras ng pagkilos.
Nea odi ne mmaransɛm so no renkɔ ɔhaw biara mu, na nyansa koma behu bere a ɛsɛ, ne ne kwan.
6 Sapagkat sa bawat bagay ay mayroong wastong pagtugon at oras sa pagtugon, dahil ang mga kaguluhan ng tao ay napakalaki.
Nneyɛe biara wɔ ne bere a ɛfata ne kwan a wɔfa so yɛ, nanso onipa haw hyɛ no so bebree.
7 Walang nakakaalam kung ano ang susunod. Sino ang makapagsasabi sa kaniya kung ano ang susunod?
Esiane sɛ obiara nnim daakye asɛm nti, hena na obetumi akyerɛ ɔfoforo nea ɛreba?
8 Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan. Walang tinitiwalag sa hanay ng hukbo habang nasa isang digmaan, at ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mga alipin nito.
Obiara nni mframa so tumi na waboa ano; saa ara na obiara nni ne wuda so tumi. Sɛ wonnyaa obiara wɔ ɔko bere mu no, saa ara na amumɔyɛ rennyaa wɔn a wodi amumɔyɛsɛm no.
9 Naintindihan ko ang lahat ng ito; inilagay ko sa aking puso ang bawat uri ng gawa na naganap sa ilalim ng araw. Mayroong isang panahon kung saan ang isang tao ay may kakayahang gumawa ng masama sa iba.
Mihuu eyinom nyinaa bere a medwenee nneɛma a wɔyɛ wɔ owia yi ase no ho. Bere bi wɔ hɔ a onipa hyɛ afoforo so ma ɛdan ɔhaw ma no.
10 Kaya nakita kong lantarang inilibing ang masama. Sila ay dinala mula sa lugar at inilibing saka pinuri ng mga tao sa lungsod kung saan nila ginagawa ang masasamang mga gawain. Ito rin ay walang pakinabang.
Bio, mihuu sɛ wɔasie amumɔyɛfo, wɔn a anka wodi akɔneaba wɔ kronkronbea hɔ de gye nkamfo wɔ kuropɔn a wɔyɛɛ saa no mu. Eyi nso yɛ ahuhude.
11 Kapag ang isang hatol sa isang masamang krimen ay hindi agad ipinatupad, hinihikayat nito ang puso ng taong gumawa ng masama.
Sɛ bɔne bi ho asotwe amma ntɛm a, nnipa dwene nhyehyɛe a wɔde yɛ bɔne ho.
12 Kahit isang daang ulit gumagawa ng masama ang isang makasalanan at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, gayon man alam ko na magiging mabuti sa mga gumagalang sa Diyos, siyang pinararangalan ang kaniyang presensiya sa kanila.
Ɛwɔ mu sɛ omumɔyɛfo bi yɛ bɔne mpɛn ɔha nanso ɔtena ase kyɛ, nanso minim sɛ ebesi wɔn a wosuro Onyankopɔn no yiye, wɔn a wodi Onyankopɔn ni no.
13 Ngunit hindi magiging mabuti sa isang taong masama; ang kaniyang buhay ay hindi pahahabain. Ang kaniyang mga araw ay katulad ng isang naglalahong anino dahil hindi niya pinararangalan ang Diyos.
Nanso esiane sɛ amumɔyɛfo nsuro Onyankopɔn nti, ɛrensi wɔn yiye na wɔn nna renware sɛ sunsuma.
14 May isa pang walang silbing usok - isang bagay pa na naganap sa ibabaw ng mundo. Ang mga bagay na nangyayari sa taong matuwid ay nangyayari din sa taong masama, at ang mga bagay na nangyayari sa taong masama ay nangyayari din sa taong matuwid. Sinasabi ko na ito rin ay walang silbing parang singaw.
Ade bi nso a ɛyɛ ahuhude a esi wɔ asase so, ɛne sɛ, atreneefo bi nya akatua a ɛfata amumɔyɛfo, na amumɔyɛfo bi nya akatua a ɛfata atreneefo. Eyi nso, mise ɛyɛ ahuhude.
15 Kaya ipinayo ko ang kasayahan, dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya. Itong kasiyahan ang makakasama niya sa kaniyang gawain sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya sa ilalim ng araw.
Enti mekamfo wiase mu anigye, efisɛ biribiara nni owia yi ase a eye ma onipa sen sɛ obedidi, anom ama nʼani agye. Na afei obenya anigye wɔ nʼadwumayɛ mu wɔ nna a Onyankopɔn ama no wɔ owia yi ase nyinaa.
16 Nang ginamit ko ang aking puso upang malaman ang karunungan at maunawaan ang gawaing naganap sa ibabaw ng mundo, ang gawaing madalas nagaganap nang walang tulog para sa mga mata sa gabi o sa araw,
Bere a mepɛ sɛ mɛte nimdeɛ ase ne ɔbrɛ adwuma a onipa yɛ wɔ asase so a ɔnna awia anaa anadwo no,
17 at namasdan ko lahat ng gawain ng Diyos at hindi maunawaan ng tao ang gawaing ginawa sa ilalim ng araw. Gaano man ang pagsisikap ng tao para hanapin ang mga kasagutan, hindi niya ito mahahanap. Kahit na sa paniwala ng isang matalino ay alam na niya ang lahat, sa totoo lang hindi niya alam.
mihuu nea Onyankopɔn ayɛ nyinaa. Obiara rentumi nte nea ɛkɔ so wɔ owia yi ase no ase. Ne mmɔdemmɔ nyinaa akyi, onipa rentumi nhu nkyerɛase da. Sɛ mpo onyansafo bi ka se onim a, ɔrentumi nte ase yiye da.