< Mangangaral 7 >

1 Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga sa mamahaling pabango at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti sa araw nang kapanganakan.
A good name is betere than preciouse oynementis; and the dai of deth is betere than the dai of birthe.
2 Mas mabuting magtungo sa lamayan kaysa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katapusan ng buhay, kaya dapat ilagay ito sa puso ng mga taong nabubuhay pa.
It is betere to go to the hous of morenyng, than to the hous of a feeste; for in that hous `of morenyng the ende of alle men is monestid, and a man lyuynge thenkith, what is to comynge.
3 Ang kalungkutan ay mas mabuti sa katuwaan, dahil pagkatapos ng kalungkutan ng mukha sasapit ang kagalakan ng puso.
Yre is betere than leiyyng; for the soule of a trespassour is amendid bi the heuynesse of cheer.
4 Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa, ngunit ang puso ng mangmang ay nasa bahay nang kasayahan.
The herte of wise men is where sorewe is; and the herte of foolis is where gladnesse is.
5 Mas mabuting makinig sa pagsuway ng matalino kaysa pakinggan ang awit ng mga mangmang.
It is betere to be repreued of a wijs man, than to be disseyued bi the flateryng of foolis;
6 Dahil tulad ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang. Ito man ay usok.
for as the sown of thornes brennynge vndur a pot, so is the leiyyng of a fool. But also this is vanyte.
7 Tunay na ang pangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinong tao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso.
Fals chalenge disturblith a wijs man, and it schal leese the strengthe of his herte.
8 Mas mabuti ang katapusan ng isang bagay kaysa sa simula; at ang taong may diwang mahinahon ay mas mabuti kaysa ang palalong kaisipan.
Forsothe the ende of preyer is betere than the bigynnyng. A pacient man is betere than a proud man.
9 Huwag madaling magalit sa iyong diwa, dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.
Be thou not swift to be wrooth; for ire restith in the bosum of a fool.
10 Huwag sabihin, “Bakit ang mga nakaraang mga araw ay mas mabuti kaysa sa mga ito? Ngunit ito ay hindi dahil sa karunungan kaya tinanong n'yo ito.
Seie thou not, What gessist thou is of cause, that the formere tymes weren betere than ben now? for whi siche axyng is fonned.
11 Ang karunungan ay kasing-inam ng mahahalagang mga bagay na ating minana mula sa ating mga ninuno. Nagdudulot ito ng mga pakinabang sa mga nakakakita sa araw.
Forsothe wisdom with richessis is more profitable, and profitith more to men seynge the sunne.
12 Sapagkat ang karunungan ay nagdudulot ng pangangalaga gaya ng pagdudulot ng salapi nang pangangalaga, ngunit ang kalamangan ng kaalaman ay nagbibigay ng buhay ang karunungan sa sinumang mayroon nito.
For as wisdom defendith, so money defendith; but lernyng and wisdom hath this more, that tho yyuen lijf to `her weldere.
13 Pag-isipan ang mga ginawa ng Diyos: Sino ang maaaring magtuwid ng anumang bagay na ginawa niyang baluktot?
Biholde thou the werkis of God, that no man may amende hym, whom God hath dispisid.
14 Kapag mabuti ang mga panahon, masayang mamuhay sa kabutihang iyon, ngunit kapag masama ang mga panahon, pag-isipan ito: ipinahintulot ng Diyos na magkatabing mamalagi ang dalawang ito. Sa kadahilanang ito, walang isa man ang makakaalam ng anumang bagay na darating sa kaniya.
In a good day vse thou goodis, and bifore eschewe thou an yuel day; for God made so this dai as that dai, that a man fynde not iust playnyngis ayens hym.
15 Nakita ko ang maraming bagay sa aking walang kahulugang mga panahon. Mayroong mga matuwid na taong naglalaho sa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran, at mayroong masasamang taong nabubuhay nang mahabang buhay kahit na sila ay masama.
Also Y siy these thingis in the daies of my natyuyte; a iust man perischith in his riytfulnesse, and a wickid man lyueth myche tyme in his malice.
16 Huwag maging mapagmatuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata. Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?
Nyle thou be iust myche, nether vndurstonde thou more than is nedeful; lest thou be astonyed.
17 Huwag maging napakasama o mangmang. Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?
Do thou not wickidli myche, and nyle thou be a fool; lest thou die in a tyme not thin.
18 Makakabuti na iyong panghahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taong may takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin.
It is good, that thou susteyne a iust man; but also withdrawe thou not thin hond from hym; for he that dredith God, is not necligent of ony thing.
19 Ang karunungan ay makapangyarihan sa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod.
Wisdom hath coumfortid a wise man, ouer ten pryncis of a citee.
20 Walang isang matuwid na tao sa ibabaw ng mundo na gumagawa nang kabutihan at kailanman hindi nagkasala.
Forsothe no iust man is in erthe, that doith good, and synneth not.
21 Huwag mong pakinggan ang bawat salitang sinasabi, dahil maaaring mong marinig ang sumpa ng alipin mo sa iyo.
But also yyue thou not thin herte to alle wordis, that ben seid; lest perauenture thou here thi seruaunt cursynge thee;
22 Sapagkat madalas ding nalalaman ng iyong sarili na sa iyong puso ay malimit mong sinusumpa ang iba. Katulad nang pagkilala mo sa iyong sarili na sa iyong sariling puso ay madalas mong sumpain ang iba.
for thi conscience woot, that also thou hast cursid ofte othere men.
23 Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ng karunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunit ito ay higit sa ninais ko.
I asayede alle thingis in wisdom; Y seide, I schal be maad wijs, and it yede awei ferthere fro me, myche more than it was;
24 Napakalayo at napakalalim ng karunungan. Sino ang makakahanap nito?
and the depthe is hiy, who schal fynde it?
25 Ibinaling ko ang aking puso sa pag-aaral at pagsusuri at pagsaliksik sa karunungan at ang mga paliwanag ng katotohanan, at maunawaan na ang kasamaan ay kahangalan at ang kamangmangan ay kabaliwan.
I cumpasside alle thingis in my soule, to kunne, and biholde, and seke wisdom and resoun, and to knowe the wickidnesse of a fool, and the errour of vnprudent men.
26 Natuklasan ko na mas mapait kaysa kamatayan ang sinumang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala. Sinumang nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kaniya, ngunit ang makasalanan ay makukuha niya.
And Y foond a womman bitterere than deth, which is the snare of hunteris, and hir herte is a net, and hir hondis ben boondis; he that plesith God schal ascape hir, but he that is a synnere, schal be takun of hir.
27 “Pag-isipan kung ano ang aking natuklasan,” sabi ng Mangangaral. Idinadagdag ko ang isang natuklasan sa iba pa para magkaroon ng isang paliwanag ng katotohanan.
Lo! Y foond this, seide Ecclesiastes, oon and other, that Y schulde fynde resoun, which my soule sekith yit;
28 Ito pa rin ang aking hinahanap, ngunit hindi ko pa rin ito natatagpuan. May natagpuan akong isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ngunit hindi ko natagpuan ang isang babae sa kanilang lahat.
and Y foond not. I foond o man of a thousynde; Y foond not a womman of alle.
29 Natuklasan ko ang isang ito: na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan na matuwid, ngunit sila ay lumayong naghahanap sa maraming kahirapan.
I foond this oonli, that God made a man riytful; and he medlide hym silf with questiouns with out noumbre. Who is siche as a wijs man? and who knowith the expownyng of a word?

< Mangangaral 7 >