< Mangangaral 5 >
1 Ingatan ang inyong pag-uugali kapag kayo ay nasa tahanan ng Diyos. Magtungo doon para makinig. Mas mabuti ang pakikinig kaysa mga handog ng mga mangmang habang hindi nalalaman na ang kanilang ginagawa sa buhay ay masama.
Пильнуй за ногою своєю, як до Божого дому йдеш, бо прийти, щоб послухати, — це краще за жертву безглуздих, бо не знають нічо́го вони, окрім чи́нення зла!
2 Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.
Не квапся своїми уста́ми, і серце твоє нехай не поспішає казати слова́ перед Божим лицем, — Бог бо на небі, а ти на землі, тому́ то нехай нечисле́нними будуть слова́ твої!
3 Kapag ikaw ay napakaraming ginagawa at iniintindi, ikaw ay maaaring magkaroon ng mga masamang panaginip. At habang dumadami ang iyong sinasabi, lalong dumadami ang mga kahangalang maaaring masasabi mo pa.
Бо як сон наступає через велику роботу, так багато слів має і голос безглу́здого.
4 Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata.
Коли зробиш обі́тницю Богові, то не зволікай її виповнити, бо в Нього нема уподо́бання до нерозумних, а що́ ти обі́туєш, спо́вни!
5 Mas mainam pa na hindi magbigay ng isang panata kaysa magbigay ng isa na hindi mo naman matutupad.
Краще не дати обі́ту, ніж дати обіт — і не спо́внити!
6 Huwag hayaan ang inyong mga bibig ay magdulot ng kasalanan sa inyong katawan. Huwag ninyong sabihin sa tagapagbalita ng pari, “Ang panatang iyon ay isang pagkakamali.” Bakit ginagalit ang Diyos sa maling panata, hinahamon ang Diyos upang wasakin ang gawa ng iyong mga kamay?
Не давай своїм у́стам впроваджувати своє тіло у гріх, і не говори перед Анголом Божим: „Це помилка!“Пощо Бог буде гні́ватися на твій голос, і діла́ твоїх рук буде нищити?
7 Kaya sa maraming mga panaginip, katulad ng maraming mga salita, ito ay walang kabuluhang parang singaw. Kaya matakot sa Diyos.
Бо марно́та в числе́нності снів, як і в мно́гості слів, але ти бійся Бога!
8 Kapag nakikita mong inaapi ang mahihirap at pinagnanakawan ng katarungan at wastong pagtrato sa iyong lalawigan, huwag magtaka na para bang walang nakaka-alam, dahil mayroong mga taong nasa kapangyarihan na nangangalaga sa kanilang nasasakupan at mayroon pang mas mataas sa kanila.
Якщо ти побачиш у кра́ї якому ути́скування бідаря́ та пору́шення права та правди, не дивуйся тій речі, бо високий пильнує згори́ над високим, а над ними Всевишній.
9 Karagdagan pa, ang ani ng lupain ay para sa lahat, at nakikinabang ang hari mismo sa ani mula sa mga bukirin.
І пожи́ток землі є для всіх, бо поле й сам цар обробляє.
10 Sinumang nagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, at sinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad pa nang marami. Ito din ay parang singaw.
Хто срі́бло кохає, той не наси́титься сріблом, хто ж кохає багатство з прибу́тком, це марно́та також!
11 Habang nadaragdagan ang kasaganaan, gayon din naman ang mga taong nangangailangan nito. Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ng kaniyang mga mata?
Як маєток примно́жується, то мно́жаться й ті, що його поїдають, і яка ко́ристь його власникові, як тільки, щоб бачили очі його?
12 Ang tulog ng isang manggagawa ay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami, ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing.
Сон солодкий в трудя́щого, чи багато, чи мало він їсть, а ситість багатого спати йому не дає.
13 Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
Є лихо болюче, я бачив під сонцем його: багатство, яке береже́ться його власнико́ві на лихо йому, —
14 Kapag nawala ng mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sa kamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inaruga ay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
і гине багатство таке в нещасли́вім випа́дку, а ро́диться син — і немає нічого у нього в руці:
15 Gaya ng isang taong ipinanganak nang hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hubad niyang iiwan ang buhay na ito. Walang madadala ang kaniyang kamay mula sa kaniyang paggawa.
як він вийшов наги́й із утро́би матері своєї, так відхо́дить ізнов, як прийшов, і нічо́го не винесе він з свого тру́ду, що можна б узяти своєю рукою!
16 Isa pang malubhang kasamaan ay kung paanong dumating ang isang tao, gayon din siya dapat umalis. Kaya anong pakinabang ang makukuha ng sinuman na gumagawa para sa hangin?
І це те́ж зло болюче: так само, як він був прийшов, так віді́йде, — і яка йому ко́ристь, що трудився на вітер?
17 Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya kasama ang kadiliman at lubhang balisa sa kaniyang karamdaman at galit.
А до того всі дні свої їв у темно́ті, і багато мав смутку, й хвороби та люті.
18 Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.
Оце, що я бачив, як добре та гарне: щоб їла люди́на й пила, і щоб бачила добре в усьо́му своє́му труді́, що під сонцем ним тру́диться в час нечисле́нних тих днів свого віку, які Бог їй дав, — бо це доля її!
19 Ang sinumang pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
Також кожна люди́на, що Бог дав їй багатство й маєтки, і вла́ду їй дав спожива́ти із то́го, та брати свою частку та тішитися своїм тру́дом, — то це Божий дару́нок!
20 Sapagkat hindi niya madalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay, dahil ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagay na nasisiyahan niyang gawin.
Бо вона днів свого життя небагато на пам'яті матиме, — то Бог в її серце шле радість!