< Mangangaral 5 >

1 Ingatan ang inyong pag-uugali kapag kayo ay nasa tahanan ng Diyos. Magtungo doon para makinig. Mas mabuti ang pakikinig kaysa mga handog ng mga mangmang habang hindi nalalaman na ang kanilang ginagawa sa buhay ay masama.
Forvar din Fod, naar du vil gaa til Guds Hus, og vær nær for at høre; dette er bedre, end naar Daarerne yde Slagtoffer; thi de vide ikke, at de gøre ondt.
2 Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.
Vær ikke snar med din Mund, og lad dit Hjerte ikke haste med at fremføre et Ord for Guds Ansigt; thi Gud er i Himmelen og du paa Jorden, derfor lad dine Ord være faa!
3 Kapag ikaw ay napakaraming ginagawa at iniintindi, ikaw ay maaaring magkaroon ng mga masamang panaginip. At habang dumadami ang iyong sinasabi, lalong dumadami ang mga kahangalang maaaring masasabi mo pa.
Thi hvor der er megen Møje, komme Drømme; og hvor der er mange Ord, der hører man Daarens Røst.
4 Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata.
Naar du lover Gud et Løfte, tøv ikke med at betale det; thi han har ikke Velbehag til Daarer; hvad du lover, det betal!
5 Mas mainam pa na hindi magbigay ng isang panata kaysa magbigay ng isa na hindi mo naman matutupad.
Det er bedre, at du intet lover, end at du lover og ikke betaler.
6 Huwag hayaan ang inyong mga bibig ay magdulot ng kasalanan sa inyong katawan. Huwag ninyong sabihin sa tagapagbalita ng pari, “Ang panatang iyon ay isang pagkakamali.” Bakit ginagalit ang Diyos sa maling panata, hinahamon ang Diyos upang wasakin ang gawa ng iyong mga kamay?
Tilsted ikke din Mund at bringe Synd over dit Kød, og sig ikke for Engelens Ansigt, at det var en Overilelse; hvi skulde Gud fortørnes for din Røst og fordærve dine Hænders Gerning?
7 Kaya sa maraming mga panaginip, katulad ng maraming mga salita, ito ay walang kabuluhang parang singaw. Kaya matakot sa Diyos.
Thi hvor der er mange Drømme, der er Forfængelighed, og ligesaa, hvor der er mange Ord; men frygt Gud!
8 Kapag nakikita mong inaapi ang mahihirap at pinagnanakawan ng katarungan at wastong pagtrato sa iyong lalawigan, huwag magtaka na para bang walang nakaka-alam, dahil mayroong mga taong nasa kapangyarihan na nangangalaga sa kanilang nasasakupan at mayroon pang mas mataas sa kanila.
Dersom du ser, at en fattig fortrykkes, og at Ret og Retfærdighed krænkes i Landskabet, da forundre dig ikke over den Idræt; thi en Høj er Vogter over en Høj, og den Højeste over dem begge;
9 Karagdagan pa, ang ani ng lupain ay para sa lahat, at nakikinabang ang hari mismo sa ani mula sa mga bukirin.
og en Fordel for Jorden i det Hele er det, at der er en Konge over det dyrkede Land.
10 Sinumang nagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, at sinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad pa nang marami. Ito din ay parang singaw.
Hvo der elsker Penge, kan ikke mættes af Penge, og hvo som elsker meget Gods, ikke af Indtægt; ogsaa dette er Forfængelighed.
11 Habang nadaragdagan ang kasaganaan, gayon din naman ang mga taong nangangailangan nito. Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ng kaniyang mga mata?
Hvor Godset bliver meget, bliver der mange, som fortære det; hvad Fordel er der da for dem, som eje det, uden det, at deres Øjne se derpaa?
12 Ang tulog ng isang manggagawa ay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami, ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing.
Hvo der arbejder, ham er Søvnen sød, hvad heller han æder lidet eller meget; men den riges Mættelse tillader ham ej at sove.
13 Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
Der er et slemt Onde, som jeg saa under Solen, at Rigdom bevares af sin Herre til hans egen Ulykke;
14 Kapag nawala ng mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sa kamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inaruga ay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
og at denne Rigdom gaar til Grunde ved en uheldig Stræben, saa at, om han avlede en Søn, der ikke bliver noget i hans Haand.
15 Gaya ng isang taong ipinanganak nang hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hubad niyang iiwan ang buhay na ito. Walang madadala ang kaniyang kamay mula sa kaniyang paggawa.
Ligesom han udgik af sin Moders Liv, saa skal han atter nøgen gaa bort, som han kom; og han skal, trods sit Arbejde, ikke tage noget, som han kan føre i sin Haand.
16 Isa pang malubhang kasamaan ay kung paanong dumating ang isang tao, gayon din siya dapat umalis. Kaya anong pakinabang ang makukuha ng sinuman na gumagawa para sa hangin?
Ogsaa dette er et slemt Onde, at han i alle Maader skal gaa bort, saaledes som han kom; hvad Fordel har han da deraf, at han har arbejdet hen i Vejret?
17 Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya kasama ang kadiliman at lubhang balisa sa kaniyang karamdaman at galit.
Ja, alle sine Dage æder han sit Brød i Mørket, og han har megen Græmmelse tillige med sin Sygdom og Harme.
18 Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.
Se her, hvad jeg har set: At det er godt og smukt at æde og drikke og at se godt af alt sit Arbejde, som man arbejder med under Solen i alle sine Levedage, som Gud har givet en; thi det er hans Del;
19 Ang sinumang pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
og naar der er et Menneske, som Gud har givet Rigdom og Gods og givet ham Magt at æde deraf og at modtage sin Del og at glæde sig i sit Arbejde: Da er dette en Guds Gave.
20 Sapagkat hindi niya madalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay, dahil ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagay na nasisiyahan niyang gawin.
Thi han vil ikke tænke meget paa sit Livs Dage, efterdi Gud bønhører ham, i hvad der er hans Hjertes Glæde.

< Mangangaral 5 >