< Mangangaral 4 >

1 Minsan inisip ko ang tungkol sa lahat nang pag-uusig na ginagawa sa ilalim ng araw. Pagmasdan ang mga luha ng mga taong inusig. Wala silang taga-aliw. Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng kanilang mang-uusig, ngunit walang taga-aliw ang mga taong inuusig.
わたしはまた、日の下に行われるすべてのしえたげを見た。見よ、しえたげられる者の涙を。彼らを慰める者はない。しえたげる者の手には権力がある。しかし彼らを慰める者はいない。
2 Kaya binabati ko ang mga patay na tao, silang mga namatay na, hindi ang nabubuhay, sila na nanatiling buhay pa.
それで、わたしはなお生きている生存者よりも、すでに死んだ死者を、さいわいな者と思った。
3 Subalit, mas mapalad kaysa sa kanilang dalawa ang isang hindi pa nabubuhay, ang isang hindi nakakita ng anumang masamang gawain na ginawa sa ilalim ng araw.
しかし、この両者よりもさいわいなのは、まだ生れない者で、日の下に行われる悪しきわざを見ない者である。
4 Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa at bawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilang kapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
また、わたしはすべての労苦と、すべての巧みなわざを見たが、これは人が互にねたみあってなすものである。これもまた空であって、風を捕えるようである。
5 Ang mangmang ay naghahalupkipkip ang kaniyang mga kamay at hindi gumagawa, kaya ang kaniyang pagkain ay kaniyang sariling laman.
愚かなる者は手をつかねて、自分の肉を食う。
6 Ngunit mas mabuti ang isang dakot na pakinabang sa matahimik na gawain kaysa dalawang dakot ng gawain na sinusubukang habulin ang hangin.
片手に物を満たして平穏であるのは、両手に物を満たして労苦し、風を捕えるのにまさる。
7 Pagkatapos muli kong naisip ang tungkol sa marami pang walang kabuluhan, marami pang naglalahong usok sa ilalim ng araw.
わたしはまた、日の下に空なる事のあるのを見た。
8 Mayroong isang uri ng tao na nag-iisa. Wala siyang kahit na sino, walang anak o kapatid. Walang katapusan ang lahat ng kaniyang gawain, at ang kaniyang mga mata ay hindi nasisiyahan sa pagdami ng kayamanan. Nagtataka siya, “Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sa sarili ko ang kasiyahan? Ito rin ay usok, isang masamang kalagayan.
ここに人がある。ひとりであって、仲間もなく、子もなく、兄弟もない。それでも彼の労苦は窮まりなく、その目は富に飽くことがない。また彼は言わない、「わたしはだれのために労するのか、どうして自分を楽しませないのか」と。これもまた空であって、苦しいわざである。
9 Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainam na kabayaran sa kanilang gawain.
ふたりはひとりにまさる。彼らはその労苦によって良い報いを得るからである。
10 Kapag nabuwal ang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan. Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapag nabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya.
すなわち彼らが倒れる時には、そのひとりがその友を助け起す。しかしひとりであって、その倒れる時、これを助け起す者のない者はわざわいである。
11 At kung ang dalawa ay magkasamang mahihiga, maaari silang mainitan, ngunit paanong maaaring mainitan ang nag-iisa.
またふたりが一緒に寝れば暖かである。ひとりだけで、どうして暖かになり得ようか。
12 Ang isang taong nag-iisa ay maaaring madaig, ngunit maaring mapagtagumpayan ng dalawa ang isang pagsalakay, at ang isang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot.
人がもし、そのひとりを攻め撃ったなら、ふたりで、それに当るであろう。三つよりの綱はたやすくは切れない。
13 Mainam pa ang maging isang mahirap pero matalinong kabataan kaysa sa isang matanda at hangal na haring hindi na marunong makinig sa mga babala.
貧しくて賢いわらべは、老いて愚かで、もはや、いさめをいれることを知らない王にまさる。
14 Ito ay totoo kahit maging hari ang kabataang mula sa bilangguan, o kahit ipinanganak siyang mahirap sa kaniyang kaharian.
たとい、その王が獄屋から出て、王位についた者であっても、また自分の国に貧しく生れて王位についた者であっても、そうである。
15 Subalit, nakita ko ang lahat nang nabubuhay at naglilibot sa ilalim ng araw ipinapasailalim ang kanilang mga sarili sa isa pang kabataang tumayo bilang hari.
わたしは日の下に歩むすべての民が、かのわらべのように王に代って立つのを見た。
16 Walang katapusan ang lahat ng taong nais sundin ang bagong hari, pero kalaunan marami sa kanila ay hindi na pupuri sa kaniya. Sigurado ang kalagayang ito ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
すべての民は果てしがない。彼はそのすべての民を導いた。しかし後に来る者は彼を喜ばない。たしかに、これもまた空であって、風を捕えるようである。

< Mangangaral 4 >