< Mangangaral 11 >
1 Magtapon ka ng tinapay sa katubigan, at makikita mo ulit ito pagkatapos ng ilang araw.
把你的糧食拋到水面,多日後你必有所獲。
2 Ibahagi ito sa pito, maging sa walong tao, dahil hindi mo alam kung anong mga sakuna ang darating sa mundo.
將你的家產分作七分八分,因為你不知道世上要發生什麼災禍。
3 Kung puno ng ulan ang mga ulap, ipinapatak ito sa lupa, at kung natumba ang puno sa dakong timog o hilaga, saan man ito natumba, doon ito mananatili.
雲一滿了,雨就傾住於地。樹倒向南或倒向北,一倒在那裏,就躺在那裏。
4 Sinuman ang pinanonood ang hangin ay maaaring hindi makapagtanim, at sinuman ang pinanonood ang ulap ay maaaring hindi makapag-ani.
觀察風向的,必不撒種;研究雲象的,必不收割,
5 Kung paanong hindi mo alam kung saan manggagaling ang hangin, maging kung paano lumalaki ang mga buto ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hindi mo rin mauunawaan ang gawa ng Diyos, na siyang lumikha ng lahat.
就如你不知道生氣如何進入孕婦胎中的骨骼裏,同樣你也不知道天主所創造的一切化工。
6 Sa umaga, itanim mo ang binhi; hanggang sa gabi, magtrabaho ka gamit ang iyong mga kamay ayon sa pangangailangan, dahil hindi mo alam kung alin ang sasagana, umaga man o gabi, o ito o iyan, o pareho man silang magiging mabuti.
你早上撒種,晚上也不要住手,因為你不知道:是早上撒的,或是晚上撒的長的好,或是兩種都同樣好。
7 Tunay nga na matamis ang liwanag, at kaaya-ayang makita ng mga mata ang araw.
光明實在可愛,看見太陽實在令眼舒暢。
8 Kung may taong mabubuhay ng maraming mga taon, hayaan mo siyang sumaya sa lahat ng iyon, ngunit hayaan mo siyang isipin ang paparating na mga araw ng kadiliman, dahil marami sila. Lahat ng darating ay naglalahong usok.
人無論活了多大年紀,儘可享受各種福樂;但他應想到黑暗的日子還多,所發生的事,盡屬虛幻。
9 Magalak ka, batang lalaki, sa iyong kabataan, at hayaang magalak ang iyong puso sa mga araw ng iyong kabataan. Ipagpatuloy ang mga mabubuting hangarin ng iyong puso at anumang nakikita ng iyong mga mata. Gayunpaman, isipin mo na hahatulan ka ng Diyos para sa lahat ng mga bagay na ito.
少年人,在你青春時應歡樂;在你少壯的時日,應心神愉快;隨你心所欲,你眼所悅的去行,但應知道:天主必要就你所行的一切審判你。
10 Palayasin mo ang galit mula sa iyong puso, at huwag mong pansinin ang anumang sakit ng iyong katawan, dahil ang kabataan at ang lakas nito ay usok.
掃除你心中的煩惱,驅除你身上的痛苦,因為青春和少年都是虛幻。