< Mangangaral 10 >

1 Katulad ng mga patay na langaw na nagpapabaho ng pabango, ganoon din ang munting kamangmangan ay kayang mahigitan ang karunungan at karangalan.
死し蝿は和香者の膏を臭くしこれを腐らす 少許の愚癡は智能と尊榮よりも重し
2 Ang puso ng matalinong tao ay papunta sa kanan, ngunit ang puso ng mangmang ay papunta sa kaliwa.
智者の心はその右に愚者の心はその左に行くなり
3 Kapag naglalakad ang mangmang sa lansangan, kulang ang kaniyang pag-iisip, pinatutunayan sa lahat na siya ay mangmang.
愚者は出て途を行にあたりてその心たらず自己の愚なることを一切の人に告ぐ
4 Kapag ang mga damdamin ng pinuno ay sumiklab laban sa iyo, huwag mong iwan ang gawain mo. Kayang patahimikin ng kahinahunan ang labis na galit.
君長たる者汝にむかひて腹たつとも汝の本處を離るる勿れ温順は大なる愆を生ぜしめざるなり
5 May nakita akong kasamaan sa ilalim ng araw, isang uri ng pagkakamali na nanggagaling sa isang pinuno:
我日の下に一の患事あるを見たり是は君長たる者よりいづる過誤に似たり
6 Ang mga mangmang ay binibigyan ng posisyon sa pagkapinuno, habang ang mga taong matagumpay ay binibigyan ng mababang posisyon.
すなはち愚なる者高き位に置かれ貴き者卑き處に坐る
7 Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ang mga taong matagumpay ay naglalakad na parang mga alipin sa lupa.
我また僕たる者が馬に乗り王侯たる者が僕のごとく地の上に歩むを観たり
8 Sinuman ang nagbubungkal ng hukay ay maaaring mahulog dito, at kapag mayroong sumisira sa pader, maaari siyang kagatin ng ahas.
坑を据る者はみづから之におちいり石垣を毀つ者は蛇に咬れん
9 Sinuman ang nagtatapyas ng bato ay masasaktan nito, at ang taong nagpuputol ng kahoy ay nanganganib dito.
石を打くだく者はそれがために傷を受け木を割る者はそれがために危難に遭ん
10 Kung ang talim ng bakal ay mapurol, at hindi ito hinahasa ng isang tao, kailangan niyang gumamit nang mas maraming lakas, ngunit nagbibigay ng kalamangan ang karunungan para sa katagumpayan.
鐵の鈍くなれるあらんにその刃を磨ざれば力を多く之にもちひざるを得ず 智慧は功を成に益あるなり
11 Kung ang ahas ay nanuklaw bago pa ito mapaamo, walang kalamangan para sa nang-aamo.
蛇もし呪術を聴ずして咬ば呪術師は用なし
12 Magiliw ang mga salita ng bibig ng matalinong tao, ngunit nilululon ang mangmang ng kaniyang sariling mga labi.
智者の口の言語は恩徳あり 愚者の唇はその身を呑ほろぼす
13 Sa pag-agos ng mga salita mula sa bibig ng mangmang, ang kamangmangan ay lumalabas, at sa huli umaagos sa bibig niya ang masamang kahibangan.
愚者の口の言は始は愚なり またその言は終は狂妄にして惡し
14 Pinaparami ng mangmang ang mga salita, ngunit walang nakakaalam kung ano ang paparating. Sino ang nakaaalam kung ano ang parating pagkatapos niya?
愚者は言詞を衆くす 人は後に有ん事を知ず 誰かその身の後にあらんところの事を述るを得ん
15 Pinapagod ng mga mabibigat na gawain ang mga mangmang, kaya hindi man lang nila alam ang daan papuntang bayan.
愚者の労苦はその身を疲らす彼は邑にいることをも知ざるなり
16 Mayroong gulo sa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at ang mga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga!
その王は童子にしてその侯伯は朝に食をなず國よ 汝は禍なるかな
17 Ngunit masaya ang lupain kapag ang hari ay anak ng mga maharlika, at kumakain ang mga pinuno ninyo kapag oras na ng kainan at ginagawa nila iyon para lumakas, hindi para sa paglalasing!
その王は貴族の子またその侯伯は酔樂むためならず力を補ふために適宜き時に食をなす國よ 汝は福なるかな
18 Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong, at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.
懶惰ところよりして屋背は落ち 手を垂をるところよりして家屋は漏る
19 Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa, nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay.
食事をもて笑ひ喜ぶの物となし洒をもて決樂を取れり 銀子は何事にも應ずるなり
20 Huwag mong sumpain ang hari, kahit sa iyong isipan, at huwag mong sumpain ang mayayaman sa iyong silid-tulugan. Sapagkat maaaring dalhin ng ibon sa himpapawid ang mga salita mo; maaaring ikalat ng anumang may pakpak ang bagay na iyon.
汝心の中にても王たる者を詛ふなかれ また寝室にても富者を詛なかれ 天空の鳥その聲を傳へ羽翼ある者その事を布べければなり

< Mangangaral 10 >