< Deuteronomio 1 >
1 Ito ang mga salita na sinabi ni Moises sa lahat ng mga Israelita sa ibayo ng Jordan sa ilang, sa patag na lambak ng Ilog Jordan sa tapat ng Suf, sa pagitan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di Zahab.
Ce sont là les paroles que Moïse adressa à tout Israël en deçà du Jourdain, dans le désert, dans la plaine en face de Souf, entre Pharan et Tofel, Labân, Hacéroth et Di-Zahab.
2 Ito ay labing isang araw na paglalakbay mula sa Horeb sa daanan sa Bundok ng Seir hanggang sa Kades Barnea.
Il y a onze journées depuis le Horeb, en passant par le mont Séir, jusqu’à Kadéch-Barnéa.
3 Nangyari ito nang ikaapatnapung taon, ng ikalabing isang buwan, sa unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa bayan ng Israel, sinasabi sa kanila ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Yahweh na ukol sa kanila.
Or, ce fut dans la quarantième année, le onzième mois, le premier jour du mois, que Moïse redit aux enfants d’Israël tout ce que l’Éternel lui avait ordonné à leur égard.
4 Ito ay matapos lusubin ni Yahweh si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at Og na hari ng Bashan, na nakatira sa Astarot at Edrei.
Après avoir défait Sihon, roi des Amorréens, qui résidait à Hesbon, et Og, roi du Basan, qui résidait à Astaroth et à Edréi;
5 Sa ibayo ng Jordan, sa lupain ng Moab, sinimulang ihayag ni Moises ang mga tagubiling ito, na nagsasabing,
en deçà du Jourdain, dans le pays de Moab, Moïse se mit en devoir d’exposer cette doctrine, et il dit:
6 “Nagsalita sa atin si Yahweh na ating Diyos sa Horeb, na nagsasabing, 'Namuhay na kayo ng sapat na haba sa maburol na bansang ito.
"L’Éternel notre Dieu nous avait parlé au Horeb en ces termes: "Assez longtemps vous avez demeuré dans cette montagne.
7 Umikot at maglakbay kayo at pumunta sa maburol na bansa ng mga Amoreo at sa lahat ng mga lugar na malapit doon sa patag na lambak ng Ilog Jordan, sa maburol na bansa, sa mababang lupain, sa Negev at sa baybayin—sa lupain ng mga Cananeo, at sa Lebanon hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
Partez, poursuivez votre marche, dirigez-vous vers les monts amorréens et les contrées voisines, vers la plaine, la montagne, la vallée, la région méridionale, les côtes de la mer, le pays des Cananéens et le Liban, jusqu’au grand fleuve, le fleuve d’Euphrate.
8 Masdan ito, inilagay ko ang lupain sa harapan ninyo; pumaroon at angkinin ang lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama—kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob—para ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhang susunod sa kanila.'
Voyez, je vous livre ce pays! Allez prendre possession du pays que l’Éternel a juré à vos pères, Abraham, Isaac et Jacob, de donner à eux et à leur postérité après eux."
9 Nagsalita ako sa inyo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Hindi ko kayang dalhin kayo ng mag-isa.
Dans ce temps-là, je vous parlai ainsi: "Je ne puis assumer, moi seul, votre charge.
10 Pinarami kayo ni Yahweh na inyong Diyos, masdan ninyo, sa araw na ito kayo ay gaya ng mga bituin sa langit sa dami.
L’Éternel, votre Dieu, vous a fait multiplier, et vous voilà, aujourd’hui, nombreux comme les étoiles du ciel.
11 Nawa'y si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ay gawin kayong makalibo pa sa dami ninyo ngayon at pagpalain kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyo!
Veuille l’Éternel, Dieu de vos pères, vous rendre mille fois plus nombreux encore et vous bénir comme il vous l’a promis!
12 Pero paano ko dadalhing mag-isa ang inyong mga pasanin, inyong mga kabigatan at ang inyong mga pagtatalo?
Comment donc supporterais-je seul votre labeur, et votre fardeau, et vos contestations!
13 Kumuha ng mga lalaking matalino, mapag-unawang mga lalaki at mga lalaking may magandang kalooban mula sa bawat lipi at gagawin ko silang mga pangulo ninyo.'
Choisissez parmi vous, dans vos tribus, des hommes sages, judicieux et éprouvés; je les établirai vos chefs."
14 Sinagot ninyo ako at sinabing, 'Ang bagay na iyong sinabi ay mabuti naming gawin.'
Vous me répondîtes en disant: "Ce que tu conseilles de faire est excellent."
15 Kaya kinuha ko ang mga pinuno ng inyong mga lipi, mga matatalinong lalaki at mga lalaking may magandang kalooban at ginawa silang mga pinuno ninyo, mga punong kawal ng libu-libo, mga punong kawal ng daan-daan, mga punong kawal ng lima-limampu, mga punong kawal ng sampu-sampu at mga pinuno, lipi sa lipi.
Et je désignai les principaux de vos tribus, hommes sages et éprouvés, et je vous les donnai pour chefs, soit commandants de chiliades, de centuries, de cinquantaines et de dizaines, soit commissaires de vos tribus.
16 Inutusan ko ang inyong mga hukom nang panahong iyon, na nagsasabing, 'pakinggan ninyo ang mga pagtatalo sa pagitan ng inyong mga kapatid, at hatulan ng matuwid ang pagitan ng isang lalaki at kaniyang kapatid, at ang dayuhang kasama niya.
Je donnai alors à vos juges les instructions suivantes: "Ecoutez également tous vos frères et prononcez équitablement, entre chacun et son frère, entre chacun et l’étranger.
17 Hindi kayo magpapakita ng pagtatangi sa sinumang nasa isang pagtatalo, maririnig ninyo ng magkatulad ang maliit at malaking bagay. Hindi dapat kayo matakot sa mukha ng tao, dahil ang kahatulan ay sa Diyos. Ang pagtatalo na sobrang mahirap para sa inyo, dadalhin ninyo ito sa akin at pakikinggan ko ito.'
Ne faites point, en justice, acception de personnes; donnez audience au petit comme au grand, ne craignez qui que ce soit, car la justice est à Dieu! Que si une affaire est trop difficile pour vous, déférez-la moi et j’en prendrai connaissance."
18 Iniutos ko sa inyo ng panahong iyon ang lahat ng mga bagay na dapat ninyong gawin.
Et je vous prescrivis, dans ce même temps, tout ce que vous aviez à observer.
19 Naglakbay tayo palayo mula sa Horeb at dumaan sa malawak at kakila-kilabot na ilang na inyong nakita, sa ating daan patungo sa maburol na bansa ng mga Amoreo, gaya ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos sa atin; at tayo ay dumating sa Kades Barnea.
Nous partîmes du Horeb, nous traversâmes tout ce long et redoutable désert que vous savez, nous dirigeant vers les monts amorréens, comme l’Éternel notre Dieu nous l’avait prescrit, et nous atteignîmes Kadêch-Barnéa.
20 Sinabi ko sa inyo, 'Narating na ninyo ang maburol na bansa ng mga Amoreo, na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.
Et je vous dis: "Vous voici arrivés au pied des monts amorréens, que l’Éternel, notre Dieu, nous donne.
21 Masdan, itinakda ni Yahweh na inyong Diyos ang lupain sa inyong harapan; umakyat kayo, at angkinin ito, gaya ng sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, huwag matakot, ni panghinaan ng loob.'
Regarde! L’Éternel, ton Dieu, t’a livré ce pays; va, prends-en possession, comme te l’a dit l’Éternel, Dieu de tes pères; sois sans peur et sans faiblesse!"
22 Lumapit sa akin sa akin ang bawat isa sa inyo at sinabing, 'Magpadala tayo ng mga lalaki na mauna sa atin, para kanilang siyasatin ang lupaing para sa atin, at ipagbigay alam sa atin ang tungkol sa daan na dapat nating lusubin, at ang tungkol sa mga lungsod kung saan tayo pupunta.'
Mais vous vîntes vers moi, tous, en disant: "Nous voudrions envoyer quelques hommes en avant, qui exploreraient pour nous ce pays et qui nous renseigneraient sur le chemin que nous devons suivre et sur les villes où nous devons aller."
23 Ang bagay na labis na nagpalugod sa akin; kumuha ako ng labindalawang mga lalaki sa inyo, isang lalaki sa bawat lipi.
La proposition me plut, et je choisis parmi vous douze hommes, un homme par tribu.
24 Umikot at umakyat sila patungo sa maburol na bansa at dumating sa lambak ng Escol at sinuri ito.
Ils partirent, s’avancèrent sur la montagne, atteignirent la vallée d’Echkol, et explorèrent cette contrée.
25 Kumuha sila ng ilan sa mga bunga ng lupain sa kanilang mga kamay at ibinaba nila ito sa atin. Dinala din nila sa atin ang salita at sinabing, 'Ito ay isang magandang lupain na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.'
Puis ils prirent de ses fruits, qu’ils nous apportèrent, et nous rendirent compte en disant: "Il est bon, le pays que l’Éternel, notre Dieu, nous donne."
26 Pero tumanggi parin kayong lumusob, pero nagrebelde laban sa mga utos ni Yahweh na inyong Diyos.
Mais vous refusâtes d’y monter, désobéissant ainsi à la voix de l’Éternel, votre Dieu;
27 Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabing, “Ito ay dahil napopoot sa atin si Yahweh kaya dinala niya tayo palabas sa lupain ng Ehipto, para talunin tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga Amoreo, at para sirain tayo.
et vous murmurâtes dans vos tentes et vous dîtes: "C’Est par haine pour nous que l’Éternel nous a fait sortir de l’Egypte! C’Est pour nous livrer au pouvoir de l’Amorréen, pour nous anéantir!
28 Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
Où veut-on que nous allions? Nos frères ont abattu notre courage, en disant: Il y a là une race plus grande et plus forte que la nôtre, des villes considérables et fortifiées jusqu’au ciel, et nous y avons même vu des enfants d’Anak."
29 Pagkatapos sinabi ko sa inyo, 'Huwag matakot, ni matakot sa kanila.
Et je vous répondis: "Vous n’avez pas à trembler ni à les craindre.
30 Si Yahweh na inyong Diyos na nanguna sa inyo, siya ay makikipaglaban para sa inyo, tulad ng lahat ng bagay na ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong mga mata,
L’Éternel, votre Dieu, qui marche à votre tête, lui-même combattra pour vous, tout comme il l’a fait contre l’Egypte, sous vos yeux,
31 at gayundin sa ilang, kung saan nakita ninyo kung paano kayo dinala ni Yahweh na inyong Diyos, na gaya ng isang lalaking na daladala ang kaniyang anak, kahit saan kayo pumunta hanggang sa dumating kayo sa lugar na ito.'
et aussi dans ce désert, où tu as vu l’Éternel, ton Dieu, te porter comme un père porte son fils, durant tout le trajet que vous avez fait, jusqu’à votre arrivée en ce lieu-ci.
32 Pero sa bagay na ito hindi kayo naniwala kay Yahweh na inyong Diyos—
Et dans cette circonstance vous ne vous confieriez pas en l’Éternel, votre Dieu!
33 na nanguna sa inyo sa daan para maghanap ng mga lugar para itayo ang inyong tolda, at ng apoy sa gabi at ulap sa umaga, para ituro sa inyo ang landas na dapat ninyong daanan.
Lui qui précède votre marche, choisissant les lieux propices à vos stations, la nuit par le feu, pour vous montrer la route à suivre, et le jour par la nuée!"
34 Narinig ni Yahweh ang tinig ng inyong mga salita at ito ay galit, nangako siya at sinabi,
L’Éternel entendit vos paroles, et il s’irrita, et il proféra ce serment:
35 'Tunay na walang isa sa mga taong ito ang masamang salinlahing ito na makakakita ng magandang lupain na aking ipinangako na ibibigay sa inyong mga ninuno,
"Si jamais un seul de ces hommes, de cette génération mauvaise, voit l’heureux pays que j’ai juré de donner à vos pères!…
36 maliban kay Caleb na anak na lalaki ni Jefune; makikita niya ito. Sa kanya ko ibibigay ang lupain na kanyang tinungtungan at sa kanyang mga anak, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh.'
Seul, Caleb, fils de Yefounné, le verra; ce sol qu’il a foulé, je le donnerai à lui et à ses enfants, parce qu’il est resté fidèle au Seigneur."
37 Gayundin si Yahweh ay galit sa akin para sa inyong mga kapakanan, na nagsasabing, 'Ikaw man ay hindi papasok doon;
Contre moi aussi l’Éternel s’irrita à cause de vous, au point de dire: "Tu n’y entreras pas, toi non plus!"
38 si Josue na anak na lalaki ni Nun, na nakatayo sa harap mo bilang iyong lingkod, ay siyang makakapasok doon; palakasin ang kaniyang kalooban, sapagkat pamumunuan niya ang Israel at mamanahin ito.
Josué, fils de Noun, qui est à ton service, c’est lui qui doit y entrer: affermis son courage, car c’est lui qui en donnera possession à Israël.
39 Bukod dito, ang inyong mga maliliit na bata, na inyong sinasabing magiging mga biktima, na sa araw na ito ay walang kaalaman sa kung ano ang mabuti at masama—sila ay makakapasok doon. Ibibigay ko ito sa kanila at sila ang aangkin nito.
Et vos familles, dont vous avez dit: "Elles nous seront ravies", et vos enfants, qui ne discernent pas encore le bien du mal, ceux-là entreront dans ce pays; je le leur donnerai à eux et ils le posséderont.
40 Pero para sa inyo, bumalik at maglakbay kayo sa ilang na patungo sa Dagat ng mga Tambo.'
Pour vous, changez de direction et acheminez-vous vers le désert, du côté de la mer des Joncs."
41 Pagkatapos kayo ay sumagot at sinabi sa akin, 'Nagkasala tayo laban kay Yahweh; aakyat tayo at makipaglaban at susundin natin ang lahat ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos.' Bawat lalaki sa inyo ay ilagay ang kaniyang mga sandatang pandigma at tayo'y handa para lusubin ang maburol na bansa.
Alors vous vous écriâtes, en me disant: "Nous avons péché contre le Seigneur; nous voulons monter et combattre, comme nous l’a ordonné le Seigneur, notre Dieu." Et chacun de vous ceignit ses armes et vous vous disposâtes à gravir la montagne.
42 Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Sabihin sa kanila, “Huwag lumusob at huwag makipaglaban, dahil hindi ninyo ako makakasama at kayo ay matatalo ng inyong mga kaaway.'
Mais l’Éternel me parla ainsi: "Dis-leur: Ne montez pas, ne livrez point de combat, car je ne serai point avec vous; ne vous exposez pas aux coups de vos ennemis."
43 Nagsalita ako sa inyo sa ganitong paraan, pero hindi kayo nakinig. Kayo ay sumuway laban sa mga utos ni Yahweh; kayo ay mayabang at nilusob ang maburol na bansa.
Je vous le redis, mais vous n’en tîntes pas compte; vous désobéîtes à la parole du Seigneur et vous eûtes la témérité de vous avancer sur la montagne.
44 Pero ang mga Amoreo, na nakatira sa maburol na bansa ay dumating laban sa inyo at hinabol kayo tulad ng mga bubuyog at tinalo kayo sa Seir, hanggang sa Horma.
L’Amorréen, qui occupe cette montagne, marcha à votre rencontre; et ils vous poursuivirent comme font les abeilles, et ils vous taillèrent en pièces dans Séir, jusqu’à Horma.
45 Bumalik kayo at umiyak sa harapan ni Yahweh; pero hindi dininig ni Yahweh ang inyong tinig, ni hindi niya kayo binigyang pansin.
De retour, vous pleurâtes devant le Seigneur; mais le Seigneur fut insensible à vos cris, il ne vous écouta point.
46 Kaya nanirahan kayo ng maraming araw sa Kadesh, ang lahat ng mga araw na kayo ay nanatili doon.
Vous demeurâtes de longs jours à Kadêch… Vous savez combien de jours vous y avez demeuré.