< Deuteronomio 9 >
1 Makinig, Israel; malapit na kayong tumawid sa Jordan sa araw na ito, pasukin para agawin ang mga bansang higit na malaki at higit na malakas kaysa sa inyong sarili, at mga lungsod na pinatibay pataas hanggang sa langit,
Hear, O Israel: Thou shalt go over the Jordan this day; to possess nations very great, and stronger than thyself, cities great, and walled up to the sky,
2 isang malalakas na mga tao at matatangkad, ang mga anak na lalaki ng Anakim, na kilala ninyo, at siyang narinig ninyong sinabi ng mga tao, 'Sino ang makakapanindigan sa harapan ng mga anak na lalaki ni Anak?'
A People great and tall, the sons of the Enacims, whom thou hast seen, and heard of, against whom no man is able to stand.
3 Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.
Thou shalt know therefore this day that the Lord thy God himself will pass over before thee, a devouring and consuming fire, to destroy and extirpate and bring them to nothing before thy face quickly, as he hath spoken to thee.
4 Huwag sabihin sa inyong puso, matapos silang itulak palabas ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan, 'dahil ako ay matuwid kaya dinala ako ni Yahweh para angkinin ang lupang ito,' dahil ito sa kasamaan nitong mga bansa kaya't pinaaalis sila ni Yahweh palabas mula sa harapan ninyo.
Say not in thy heart, when the Lord thy God shall have destroyed them in thy sight: For my justice hath the Lord brought me in to possess this land, whereas these nations are destroyed for their wickedness.
5 Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.
For it is not for thy justices, and the uprightness of thy heart that thou shalt go in to possess their lands: but because they have done wickedly, they are destroyed at thy coming in: and that the Lord might accomplish his word, which he promised by oath to thy fathers Abraham, Isaac, and Jacob.
6 Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan.
Know therefore that the Lord thy God giveth thee not this excellent land in possession for thy justices, for thou art a very stiffnecked people.
7 Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.
Remember, and forget not how then provokedst the Lord thy God to wrath in the wilderness. From the day that thou camest out of Egypt unto this place, thou hast always strove against the Lord.
8 Pati sa Horeb ginalit ninyo si Yahweh, at nagalit si Yahweh sa inyo na sapat para lipulin kayo.
For in Horeb also thou didst provoke him, and he was angry, and would have destroyed thee,
9 Nang umakyat ako sa bundok para tanggapin ang mga tipak na bato, ang mga tipak ng tipan na ginawa ni Yahweh kasama ninyo, nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at apatnapung gabi; ni hindi ako kumain ng tinapay o uminom ng tubig.
When I went up into the mount to receive the tables of stone, the tables of the covenant which the Lord made with you: and I continued in the mount forty days and nights, neither eating bread, nor drinking water.
10 Ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na batong sinulatan gamit ang kaniyang daliri; nasusulat sa mga ito ang lahat ng bagay gaya ng lahat ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy noong araw ng pagtitipon.
And the Lord gave me two tables of stone written with the finger of God, and containing all the words that he spoke to you in the mount from the midst of the Are, when the people were assembled together.
11 Nangyari ito sa matapos ang apatnapung araw at apatnapung gabing iyon ng ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na bato, ang mga tipak ng kautusan.
And when forty days were passed, and as many nights, the Lord gave me the two tables of stone, the tables of the covenant,
12 Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tumayo ka, agad na bumaba mula rito, dahil dinungisan ng iyong mga tao na dinala mo palabas ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Agad silang lumihis sa landas na aking iniutos sa kanila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis.'
And said to me: Arise, and go down from hence quickly: for thy people, which thou hast brought out of Egypt, have quickly forsaken the way that thou hast shewn them, and have made to themselves a molten idol.
13 Dagdag pa rito, nagsalita si Yahweh sa akin at sinabing, 'Nakita ko ang mga taong ito; mga taong matitigas ang ulo.
And again the Lord said to me: I see that this people is stiffnecked:
14 Hayaan mo akong mag-isa, para mawasak ko sila at burahin ang kanilang pangalan mula sa silong ng langit, at gagawin kitang isang bansang higit na malakas at higit na dakila kaysa sa kanila'.
Let me alone that I may destroy them, and abolish their name from under heaven, and set thee over a nation, that is greater and stronger than this.
15 Kaya tumalikod ako at bumaba sa bundok, at ang bundok ay nasusunog. Nasa aking mga kamay ang dalawang tipak ng tipan.
And when I came down from the burning mount, and held the two tables of the covenant with both hands,
16 Tumingin ako, at nakitang, nagkasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos. Naghulma kayo para sa inyong sarili ng isang guya. Lumihis kayo mula sa daang iniutos ni Yahweh sa inyo.
And saw that you had sinned against the Lord your God, and had made to yourselves a molten calf, and had quickly forsaken his way, which he had shewn you:
17 Kinuha ko ang dalawang tipak at tinapon ang mga ito mula sa aking mga kamay. Binasag ko ang mga ito sa harapan ng inyong mga mata.
I cast the tables out of my hands, and broke them in your sight.
18 Muli akong nagpatirapa sa harapan ni Yahweh ng apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig, dahil sa lahat kasalanang ginawa ninyo, sa paggawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, para galitin siya.
And I fell down before the Lord as before, forty days and nights neither eating bread, nor drinking water, for all your sins, which you had committed against the Lord, and had provoked him to wrath:
19 Dahil natakot ako sa galit at sa mainit na pagkayamot na kung saan galit si Yahweh laban sa inyo para wasakin kayo. Pero nakinig din si Yahweh sa akin ng oras na iyon.
For I feared his indignation and anger, wherewith being moved against you, he would have destroyed you. And the Lord heard me this time also.
20 Galit na galit si Yahweh kay Aaron para patayin siya; nanalangin din ako para kay Aaron ng oras na iyon.
And he was exceeding angry against Aaron also, and would have destroyed him, and I prayed in like manner for him.
21 Kinuha ko ang inyong kasalanan, ang guya na ginawa ninyo, at sinunog ito, hinampas ito, at dinurog ito nang napakaliit, hanggang sa naging pino ito tulad ng alikabok. Tinapon ko ang alikabok nito sa tubig na dumadaloy pababa mula sa bundok.
And your sin that you had committed, that is, the calf, I took, and burned it with fire, and breaking it into pieces, until it was as small as dust, I threw it into the torrent, which cometh down from the mountain.
22 Sa Tabera, sa Massa, at sa Kibrot Hataava, ginalit ninyo si Yahweh ng matindi.
At the burning also, and at the place of temptation, and at the graves of lust you provoked the Lord:
23 Nang ipinadala kayo ni Yahweh mula sa Kades Barnea at sinabing, 'Humayo at angkinin ang lupain na ibinigay ko sa inyo,' pagkatapos naghimagsik kayo laban sa utos ni Yahweh na inyong Diyos, at hindi kayo naniwala o nakinig sa kaniyang boses.
And when he sent you from Cadesbarne, saying: Go up, and possess the land that I have given you, and you slighted the commandment of the Lord your God, and did not believe him, neither would you hearken to his voice:
24 Naging suwail kayo laban kay Yahweh mula sa araw na nakilala ko kayo.
But were always rebellious from the day that I began to know you.
25 Kaya nagpatirapa ako sa harapan ni Yahweh ng apatnapung wawasakin niya kayo.
And I lay prostrate before the Lord forty days and nights, in which I humbly besought him, that he would not destroy you as he had threatened:
26 Nagdasal ako kay Yahweh at sinabing, 'O Panginoong Yahweh, huwag mong wasakin ang iyong mga tao o ang iyong pamana na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kadakilaan, na dinala mo palabas ng Ehipto gamit ang isang makapangyarihang kamay.
And praying, I said: O Lord God, destroy not thy people, and thy inheritance, which thou hast redeemed in thy greatness, whom thou hast brought out of Egypt with a strong hand.
27 Isipin ang inyong mga lingkod, na sina Abraham, Isaac, at Jacob; huwag tumingin sa katigasan ng ulo mga taong ito, ni sa kanilang kasamaan, ni sa kanilang kasalanan,
Remember thy servants Abraham, Isaac, and Jacob: look not on the stubbornness of this people, nor on their wickedness and sin:
28 para ang lupain mula sa kung saan mo kami dinala ay dapat sabihing, “Dahil hindi sila dadalhin ni Yahweh sa lupang ipinangako niya sa kanila, at dahil kinasuklaman niya sila, dinala niya sila palabas para patayin sila sa ilang.”
Lest perhaps the inhabitants of the land, out of which thou hast brought us, say: The Lord could not bring them into the land that he promised them, and he hated them: therefore he brought them out, that he might kill them in the wilderness,
29 Gayun pa man sila ay iyong mga tao at iyong pamana, na dinala mo palabas sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong kapangyarihan.'
Who are thy people and thy inheritance, whom thou hast brought out by thy great strength, and in thy stretched out arm.