< Deuteronomio 5 >

1 Tinawag ni Moises ang lahat ng Israelita at sinabihan sila, “Makinig sa akin, Israel, sa mga batas at mga kautusan na aking sasabihin sa inyong mga tainga ngayon, para pag-aralan at panatilihin ito.
ויקרא משה אל כל ישראל ויאמר אלהם שמע ישראל את החקים ואת המשפטים אשר אנכי דבר באזניכם היום ולמדתם אתם ושמרתם לעשתם׃
2 Gumawa si Yahweh na ating Diyos ng isang tipan sa atin sa Horeb.
יהוה אלהינו כרת עמנו ברית בחרב׃
3 Hindi ginawa ni Yahweh ang tipan na ito para sa ating mga ninuno, pero para sa atin, sa ating lahat na nabubuhay dito ngayon.
לא את אבתינו כרת יהוה את הברית הזאת כי אתנו אנחנו אלה פה היום כלנו חיים׃
4 Nagsalita si Yahweh sa inyong harapan sa ibabaw ng bundok mula sa gitna ng apoy
פנים בפנים דבר יהוה עמכם בהר מתוך האש׃
5 (Tumayo ako sa pagitan ni Yahweh at sa inyo ng panahong iyon, para ihayag sa inyo ang kaniyang salita; dahil takot kayo dahil sa apoy, at hindi kayo umakyat sa bundok). Sinabi ni Yahweh,
אנכי עמד בין יהוה וביניכם בעת ההוא להגיד לכם את דבר יהוה כי יראתם מפני האש ולא עליתם בהר לאמר׃
6 'Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkakaalipin.
אנכי יהוה אלהיך אשר הוצאתיך מארץ מצרים מבית עבדים׃
7 Hindi dapat kayo magkaroon ng ibang mga diyos sa aking harapan.
לא יהיה לך אלהים אחרים על פני׃
8 Huwag kayong gumawa ng isang inukit na larawan para sa inyong sarili na kahintulad ng anumang bagay na nasa ibabaw ng langit, o na nasa ilalim ng mundo, o nasa ilalim ng tubig.
לא תעשה לך פסל כל תמונה אשר בשמים ממעל ואשר בארץ מתחת ואשר במים מתחת לארץ׃
9 Huwag kayong yuyukod sa kanila o paglingkuran sila, sapagkat ako, si Yahweh, na inyong Diyos, ako ang isang Diyos na mapanibughuin. Parurusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagdadala ng kaparusahan sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga yaong napupuot sa akin,
לא תשתחוה להם ולא תעבדם כי אנכי יהוה אלהיך אל קנא פקד עון אבות על בנים ועל שלשים ועל רבעים לשנאי׃
10 at pinapakita ang tipan ng katapatan sa mga libu-libo sa kanila na siyang nagmamahal sa akin at sumusunod sa aking mga utos.
ועשה חסד לאלפים לאהבי ולשמרי מצותו׃
11 Huwag ninyong gamitin ang pangalan ni Yahweh na inyong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi siya ituturing ni Yahweh na walang kasalanan na gumagamit sa kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
לא תשא את שם יהוה אלהיך לשוא כי לא ינקה יהוה את אשר ישא את שמו לשוא׃
12 Sundin ang Araw ng Pamamahinga para mapanatili itong banal, bilang utos ni Yahweh sa inyo.
שמור את יום השבת לקדשו כאשר צוך יהוה אלהיך׃
13 Para sa anim na araw magtatrabaho kayo at gawin lahat ang inyong trabaho;
ששת ימים תעבד ועשית כל מלאכתך׃
14 pero ang ikapitong araw ay ang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh na inyong Diyos. Sa araw na ito hindi na kayo gagawa ng anumang trabaho, ikaw, ni inyong anak na lalaki, ni inyong anak na babae, ni inyong lalaking tagapaglingkod, ni inyong babaeng tagapaglingkod, ni inyong baka, ni inyong asno, ni alinman sa inyong kawan, ni sino mang dayuhan na nasa loob ng mga tarangkahan. Para ang iyong lalaking tagapaglingkod at babaeng tagapaglingkod ay maaaring makapagpahinga ganoon din kayo.
ויום השביעי שבת ליהוה אלהיך לא תעשה כל מלאכה אתה ובנך ובתך ועבדך ואמתך ושורך וחמרך וכל בהמתך וגרך אשר בשעריך למען ינוח עבדך ואמתך כמוך׃
15 Isasaisip ninyo na kayo ay naging isang lingkod sa lupain ng Ehipto, at si Yahweh na inyong Diyos ang nagdala sa inyo palabas mula doon sa pamamagitan ng isang malakas na kamay at sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan. Kaya si Yahweh na inyong Diyos ang nagutos sa inyo na sundin ang Araw ng Pamamahinga.
וזכרת כי עבד היית בארץ מצרים ויצאך יהוה אלהיך משם ביד חזקה ובזרע נטויה על כן צוך יהוה אלהיך לעשות את יום השבת׃
16 Igalang ang inyong ama at inyong ina, ayon sa iniutos ni Yahweh na inyong Diyos na gawin ninyo, para mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, at para maging maayos ito para sa inyo.
כבד את אביך ואת אמך כאשר צוך יהוה אלהיך למען יאריכן ימיך ולמען ייטב לך על האדמה אשר יהוה אלהיך נתן לך׃
17 Huwag kayong papatay.
לא תרצח׃
18 Huwag kayong mangangalunya.
ולא תנאף׃
19 Huwag kayong magnakaw.
ולא תגנב׃
20 Huwag mabigay ng maling testigo laban sa inyong kapit-bahay.
ולא תענה ברעך עד שוא׃
21 Huwag ninyong pagnasaan ang asawa ng inyong kapit-bahay, huwag ninyong pagnasaan ang bahay ng inyong kapit-bahay, kaniyang bukid, o kaniyang lalaking tagapaglingkod, o kaniyang babaeng tagapaglingkod, kaniyang baka, o kaniyang asno, o anumang bagay na pag-aari ng inyong kapit-bahay.'
ולא תחמד אשת רעך ולא תתאוה בית רעך שדהו ועבדו ואמתו שורו וחמרו וכל אשר לרעך׃
22 Sinabi ni Yahweh ang mga salitang ito sa isang napakalakas na boses sa buong kapulungan ninyo sa ibabaw ng bundok mula sa gitna ng apoy, ng ulap, at sa makapal na kadiliman; hindi na siya dumagdag ng anumang mga salita. At sinulat niya sa dalawang tipak na bato at ibinigay ang mga ito sa akin.
את הדברים האלה דבר יהוה אל כל קהלכם בהר מתוך האש הענן והערפל קול גדול ולא יסף ויכתבם על שני לחת אבנים ויתנם אלי׃
23 Nangyari ito, nang marinig ninyo ang boses mula sa gitna ng kadiliman, habang nasusunog ang bundok, dumating kayo sa akin—lahat ng iyong mga nakatatanda at ang mga pinuno ng inyong mga lipi.
ויהי כשמעכם את הקול מתוך החשך וההר בער באש ותקרבון אלי כל ראשי שבטיכם וזקניכם׃
24 Sinabi niya, 'Tingnan mo, ipinakita ni Yahweh na ating Diyos sa atin ang kanyang kaluwalhatian at kaniyang kadakilaan, at ating napakinggan ang kaniyang boses mula sa gitna ng apoy; nakita natin ngayon na nagsasalita ang Diyos kasama ang mga tao, at maaari silang mabuhay.
ותאמרו הן הראנו יהוה אלהינו את כבדו ואת גדלו ואת קלו שמענו מתוך האש היום הזה ראינו כי ידבר אלהים את האדם וחי׃
25 Pero bakit kailangan naming mamatay? Sapagkat itong dakilang apoy ang tutupok sa atin; kapag narinig natin ang boses ni Yahweh na ating Diyos nang matagal, mamamatay tayong lahat.
ועתה למה נמות כי תאכלנו האש הגדלה הזאת אם יספים אנחנו לשמע את קול יהוה אלהינו עוד ומתנו׃
26 Sino pa bang tao maliban sa atin ang nakarinig sa boses ng Diyos na buhay na nagsasalita sa gitna ng apoy at nabuhay, katulad sa ginawa namin?
כי מי כל בשר אשר שמע קול אלהים חיים מדבר מתוך האש כמנו ויחי׃
27 Para sa iyo, kailangan mong umalis at makinig sa lahat ng bagay na sasabihin ni Yahweh na ating Diyos; sabihing muli sa amin ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh; makikinig kami at susundin ito.'
קרב אתה ושמע את כל אשר יאמר יהוה אלהינו ואת תדבר אלינו את כל אשר ידבר יהוה אלהינו אליך ושמענו ועשינו׃
28 Narinig ni Yahweh ang inyong boses nang mangusap kayo sa akin. Sinabi niya sa akin, 'Narinig ko ang mga salita ng mga taong ito, kung ano ang kanilang sinabi sa iyo. Mabuti ang sinabi nila sa iyo.
וישמע יהוה את קול דבריכם בדברכם אלי ויאמר יהוה אלי שמעתי את קול דברי העם הזה אשר דברו אליך היטיבו כל אשר דברו׃
29 O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!
מי יתן והיה לבבם זה להם ליראה אתי ולשמר את כל מצותי כל הימים למען ייטב להם ולבניהם לעלם׃
30 Humayo ka at sabihin sa kanila, “Bumalik kayo sa inyong mga tolda.”
לך אמר להם שובו לכם לאהליכם׃
31 Pero para sa iyo, tumayo ka dito sa aking tabi, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng mga utos, ang mga batas, at ang mga panuntunan na ituturo mo sa kanila, para kanilang sundin ang mga ito sa lupain na ibibigay ko sa kanila para ariin.'
ואתה פה עמד עמדי ואדברה אליך את כל המצוה והחקים והמשפטים אשר תלמדם ועשו בארץ אשר אנכי נתן להם לרשתה׃
32 Kaya, susundin ninyo, kung ano ang iniutos ni Yahweh na inyong Diyos; huwag kayong liliko sa kanang kamay o sa kaliwa.
ושמרתם לעשות כאשר צוה יהוה אלהיכם אתכם לא תסרו ימין ושמאל׃
33 Maglalakad kayo sa lahat ng kaparaanan na iniutos ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, para mabuhay kayo, at para makabuti ito para sa inyo, at nang sa ganoon hahaba ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.
בכל הדרך אשר צוה יהוה אלהיכם אתכם תלכו למען תחיון וטוב לכם והארכתם ימים בארץ אשר תירשון׃

< Deuteronomio 5 >