< Deuteronomio 4 >

1 Ngayon, Israel, makinig kayo sa mga batas at mga panuntunan na ituturo ko sa inyo, gawin ang mga ito; ng sa gayon maaari kayong mabuhay at makapasok at angkinin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama.
ועתה ישראל שמע אל החקים ואל המשפטים אשר אנכי מלמד אתכם לעשות--למען תחיו ובאתם וירשתם את הארץ אשר יהוה אלהי אבתיכם נתן לכם
2 Hindi ninyo dagdagan ang mga salita na iniutos ko sa inyo, ni bawasan ang mga ito, sa gayon maaari ninyong sundin ang tungkol sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na iniutos ko sa inyo
לא תספו על הדבר אשר אנכי מצוה אתכם ולא תגרעו ממנו--לשמר את מצות יהוה אלהיכם אשר אנכי מצוה אתכם
3 Nakita ng inyong mga mata kung ano ang ginawa ni Yahweh dahil sa Baal Peor; dahil lahat ng mga tao na sumunod kay Baal Peor, winasak sila ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyo.
עיניכם הראות את אשר עשה יהוה בבעל פעור כי כל האיש אשר הלך אחרי בעל פעור--השמידו יהוה אלהיך מקרבך
4 Pero kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos ay buhay sa araw na ito, bawat isa sa inyo.
ואתם הדבקים ביהוה אלהיכם--חיים כלכם היום
5 Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
ראה למדתי אתכם חקים ומשפטים כאשר צוני יהוה אלהי לעשות כן--בקרב הארץ אשר אתם באים שמה לרשתה
6 Kaya panatilihin at gawin ang mga ito; dahil ito ay inyong karunungan at inyong kaunawaan sa paningin ng mga tao na makakarinig ng tungkol sa lahat ng mga kautusang ito at sabihin, 'Siguradong itong napakalaking bansa ay isang matalino at may kaunawaang mga tao.'
ושמרתם ועשיתם--כי הוא חכמתכם ובינתכם לעיני העמים אשר ישמעון את כל החקים האלה ואמרו רק עם חכם ונבון הגוי הגדול הזה
7 Dahil ano pang napakalaking bansa na mayroong isang diyos na malapit sa kanila, gaya ni Yahweh na ating Diyos na kapag siya ay ating tatawagin?
כי מי גוי גדול אשר לו אלהים קרבים אליו כיהוה אלהינו בכל קראנו אליו
8 Anong napakalaking bansa na mayroong mga batas at mga panuntunan na napakatuwid gaya ng lahat nitong batas na aking itinatatag sa harapan ninyo sa araw na ito?
ומי גוי גדול אשר לו חקים ומשפטים צדיקם ככל התורה הזאת אשר אנכי נתן לפניכם היום
9 Bigyang pansin lamang at bantayang maigi ang inyong sarili, nang sa gayon ay hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ng inyong mga mata, nang sa gayon hindi mawala sa inyong puso ang mga ito sa bawat araw ng inyong buhay. Sa halip, ipaalam ang mga ito sa inyong mga anak at sa kanilang magiging mga anak—
רק השמר לך ושמר נפשך מאד פן תשכח את הדברים אשר ראו עיניך ופן יסורו מלבבך כל ימי חייך והודעתם לבניך ולבני בניך
10 sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
יום אשר עמדת לפני יהוה אלהיך בחרב באמר יהוה אלי הקהל לי את העם ואשמעם את דברי אשר ילמדון ליראה אתי כל הימים אשר הם חיים על האדמה ואת בניהם ילמדון
11 Lumapit kayo at tumayo sa paanan ng bundok. Ang bundok ay nagniningas sa apoy hanggang sa puso ng langit, na may kadiliman, ulap, at makapal na kadiliman.
ותקרבון ותעמדון תחת ההר וההר בער באש עד לב השמים--חשך ענן וערפל
12 Nagsalita si Yahweh sa inyo sa kalagitnaan ng apoy; narinig ninyo ang kaniyang boses na may mga salita, pero wala kayong nakitang anyo; boses lamang ang narining ninyo.
וידבר יהוה אליכם מתוך האש קול דברים אתם שמעים ותמונה אינכם ראים זולתי קול
13 Ipinahayag niya sa inyo ang kaniyang tipan na kaniyang iniutos sa inyo na inyong gampanan, ang Sampung Utos. Sinulat niya ang mga ito sa dalawang tipak na bato.
ויגד לכם את בריתו אשר צוה אתכם לעשות--עשרת הדברים ויכתבם על שני לחות אבנים
14 Inutos sa akin ni Yahweh nang panahong iyon para ituro sa inyo ang mga batas at mga ordenansa, para maaari niyong magawa ito sa lupain kung saan kayo pupunta para angkinin ito.
ואתי צוה יהוה בעת ההוא ללמד אתכם חקים ומשפטים לעשתכם אתם--בארץ אשר אתם עברים שמה לרשתה
15 Kaya maging maingat sa inyong mga sarili, dahil wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na iyon na nagsalita si Yahweh sa Horeb sa kalagitnaan ng apoy.
ונשמרתם מאד לנפשתיכם כי לא ראיתם כל תמונה ביום דבר יהוה אליכם בחרב מתוך האש
16 Mag-ingat na huwag pasamain ang inyong mga sarili at gumawa ng isang inukit na anyo na kahawig ng anumang nilalang, na anyo ng isang lalaki o isang babae,
פן תשחתון--ועשיתם לכם פסל תמונת כל סמל תבנית זכר או נקבה
17 o ang kahawig ng anumang hayop na nasa ibabaw ng lupa, o ang kahawig ng anumang ibong may pakpak na lumilipad sa kalangitan,
תבנית כל בהמה אשר בארץ תבנית כל צפור כנף אשר תעוף בשמים
18 o ang kahawig sa anumang bagay na gumagapang sa ibabaw ng lupa, o ang kahawig ng anumang isda na nasa tubig sa ilalim ng mundo.
תבנית כל רמש באדמה תבנית כל דגה אשר במים מתחת לארץ
19 Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
ופן תשא עיניך השמימה וראית את השמש ואת הירח ואת הכוכבים כל צבא השמים ונדחת והשתחוית להם ועבדתם--אשר חלק יהוה אלהיך אתם לכל העמים תחת כל השמים
20 Pero kinuha kayo ni Yahweh at dinala kayo palabas sa pugon na bakal, palabas ng Ehipto, para maging mga tao niya sa kaniyang sariling pamana, gaya ninyo sa araw na ito.
ואתכם לקח יהוה ויוצא אתכם מכור הברזל ממצרים להיות לו לעם נחלה כיום הזה
21 Bukod pa dito, galit sa akin si Yahweh dahil sa inyo; nangako siyang hindi ako makapunta sa ibayo ng Jordan, at hindi ako dapat pumunta sa loob ng masaganang lupaing iyon, ang lupain na ibinibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo bilang isang pamana.
ויהוה התאנף בי על דבריכם וישבע לבלתי עברי את הירדן ולבלתי בא אל הארץ הטובה אשר יהוה אלהיך נתן לך נחלה
22 Sa halip, dapat akong mamatay sa lupaing ito; Hindi dapat ako pumunta sa ibayo ng Jordan; pero kayo ay makakapunta at maaangkin ang masaganang lupaing iyon.
כי אנכי מת בארץ הזאת אינני עבר את הירדן ואתם עברים וירשתם את הארץ הטובה הזאת
23 Bigyan ninyo ng pansin ang inyong mga sarili, nang sa gayon hindi ninyo makalimutan ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na ginawa niya sa inyo, at ang pagggawa ng diyus-diyosan sa anyo ng anumang bagay na ipinagbabawal ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gawin.
השמרו לכם פן תשכחו את ברית יהוה אלהיכם אשר כרת עמכם ועשיתם לכם פסל תמונת כל אשר צוך יהוה אלהיך
24 Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang apoy na lumalamon, isang selosong Diyos.
כי יהוה אלהיך אש אכלה הוא אל קנא
25 Kapag kayo ay nagkaanak at ang mga anak ng inyong mga anak, at kapag kayo ay naroon na sa lupain sa mahabang panahon, at kung naging masama kayo at gumawa ng isang inukit na hugis sa anyo ng anumang bagay, at gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos, para galitin siya—
כי תוליד בנים ובני בנים ונושנתם בארץ והשחתם ועשיתם פסל תמונת כל ועשיתם הרע בעיני יהוה אלהיך להכעיסו
26 tatawagin ko ang langit at lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito para kayo ay mamamatay sa madaling panahon mula sa lupain na inyong pupuntahan sa ibayo ng Jordan para angkinin; Hindi ninyo mapapahaba ang inyong mga araw sa loob nito, pero kayo ay ganap niyang wawasakin.
העידתי בכם היום את השמים ואת הארץ כי אבד תאבדון מהר מעל הארץ אשר אתם עברים את הירדן שמה לרשתה לא תאריכן ימים עליה כי השמד תשמדון
27 Ikakalat kayo ni Yahweh sa mga tao, at magiging kunti na lamang ang matitira sainyo sa mga bansa, kung saan si Yahweh ay pangungunahan kayo papalayo.
והפיץ יהוה אתכם בעמים ונשארתם מתי מספר בגוים אשר ינהג יהוה אתכם שמה
28 Doon kayo ay maglilingkod sa ibang mga diyos, ang gawa ng mga kamay ng tao, kahoy at bato, kung saan alinma'y hindi nakakakita, nakakarinig, nakakakain, ni nakakaamoy.
ועבדתם שם אלהים מעשה ידי אדם עץ ואבן--אשר לא יראון ולא ישמעון ולא יאכלון ולא יריחן
29 Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
ובקשתם משם את יהוה אלהיך ומצאת כי תדרשנו בכל לבבך ובכל נפשך
30 Kapag kayo ay nababalisa, at kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa inyo, sa mga darating na araw na iyon kayo ay babalik kay Yahweh na inyong Diyos at makinig sa kaniyang boses.
בצר לך--ומצאוך כל הדברים האלה באחרית הימים ושבת עד יהוה אלהיך ושמעת בקלו
31 Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang maawaing Diyos; hindi niya kayo bibiguin ni wawasakin, ni hindi kakalimutan ang tipan ng inyong mga ama na ipinangako niya sa kanila.
כי אל רחום יהוה אלהיך לא ירפך ולא ישחיתך ולא ישכח את ברית אבתיך אשר נשבע להם
32 Itanong ngayon ang tungkol sa mga araw na nakaraan, na nauna sa inyo: mula noong araw na nilikha ng Diyos ang tao sa lupa, at mula sa dulo ng langit patungo sa kabila, itanong kung nagkaroon na ba ng anumang bagay na katulad nitong napakalaking bagay, o mayroong bang bagay tulad nito ang narinig?
כי שאל נא לימים ראשנים אשר היו לפניך למן היום אשר ברא אלהים אדם על הארץ ולמקצה השמים ועד קצה השמים הנהיה כדבר הגדול הזה או הנשמע כמהו
33 Narinig na ba ng mga tao ang boses ng Diyos na nagsasalita mula sa kalagitnaan ng apoy, na gaya ng narinig ninyo, at nanatiling buhay?
השמע עם קול אלהים מדבר מתוך האש כאשר שמעת אתה--ויחי
34 O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?
או הנסה אלהים לבוא לקחת לו גוי מקרב גוי במסת באתת ובמופתים ובמלחמה וביד חזקה ובזרוע נטויה ובמוראים גדלים ככל אשר עשה לכם יהוה אלהיכם במצרים--לעיניך
35 Sa inyo ipinakita ang mga bagay na ito, para malaman ninyo na si Yahweh ay Diyos, at walang iba pa maliban sa kaniya.
אתה הראת לדעת כי יהוה הוא האלהים אין עוד מלבדו
36 Mula sa langit ginawa niyang iparinig ang kaniyang boses, nang sa gayon ay maaari niya kayong turuan; sa mundo ginawa niyang makita ninyo ang kaniyang malaking apoy; narinig ninyo ang kaniyang mga salita sa kalagitnaan ng apoy.
מן השמים השמיעך את קלו ליסרך ועל הארץ הראך את אשו הגדולה ודבריו שמעת מתוך האש
37 Dahil minahal niya ang inyong mga ama, pinili niya ang kanilang kaapu-apuhang kasunod nila, at dinala kayo palabas ng Ehipto kasama ng kaniyang presenya, kasama ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
ותחת כי אהב את אבתיך ויבחר בזרעו אחריו ויוצאך בפניו בכחו הגדל ממצרים
38 para mapapaalis kayo mula sa harapan ng mga bansa na mas malaki at mas malakas kaysa sa inyo, para dalhin kayo, para ibigay sa inyo ang kanilang lupain bilang isang pamana, gaya sa araw na ito.
להוריש גוים גדלים ועצמים ממך--מפניך להביאך לתת לך את ארצם נחלה--כיום הזה
39 Kaya alamin sa araw na ito, at ilagay ito sa inyong puso, na si Yahweh ay Diyos sa ibabaw ng langit at sa ilalim ng lupa; walang iba pa.
וידעת היום והשבת אל לבבך כי יהוה הוא האלהים בשמים ממעל ועל הארץ מתחת אין עוד
40 Susundin ninyo ang kaniyang mga batas at ang kaniyang mga kautusan na aking iniutos sa araw na ito, para makabuti sa inyo at sa inyong mga anak kasunod ninyo, at nang mapahaba ninyo ang inyong mga araw sa lupain na ibibigay ni Yahweh magpakailanman.”
ושמרת את חקיו ואת מצותיו אשר אנכי מצוך היום אשר ייטב לך ולבניך אחריך--ולמען תאריך ימים על האדמה אשר יהוה אלהיך נתן לך כל הימים
41 Pagkatapos tatlong mga lungsod sa silangang bahagi ng Jordan ang pinili ni Moises,
אז יבדיל משה שלש ערים בעבר הירדן מזרחה שמש
42 Para makatakas ang sinuman sa isa sa mga iyon kung siya ay nakapatay ng ibang tao ng hindi sinasadya, na hindi niya naging dating kaaway. Sa pagtakas sa isa sa mga lungsod nito, siya ay maaaring makaligtas.
לנס שמה רוצח אשר ירצח את רעהו בבלי דעת והוא לא שנא לו מתמל שלשם ונס אל אחת מן הערים האל--וחי
43 Ito ay: Bezer sa ilang, bansang patag, para sa lipi ni Ruben; Ramot sa Galaad, para sa lipi ni Gad; Golan sa Basan, para sa lipi ni Manases.
את בצר במדבר בארץ המישר לראובני ואת ראמת בגלעד לגדי ואת גולן בבשן למנשי
44 Ito ang batas na inilagay ni Moises sa harapan ng mga Israelita;
וזאת התורה אשר שם משה לפני בני ישראל
45 ito ang mga tipan ng mga panuntunan, mga batas, at ibang mga panuntunan na kaniyang sinabi sa mga tao sa Israel nang sila ay nakalabas sa Ehipto,
אלה העדת והחקים והמשפטים--אשר דבר משה אל בני ישראל בצאתם ממצרים
46 nang sila ay nasa silangan ng Jordan, sa lambak sa kabila ng Beth Peor, sa lupain ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon, na tinalo ni Moises at ng mga Israelita nang sila ay lumabas sa Ehipto.
בעבר הירדן בגיא מול בית פעור בארץ סיחן מלך האמרי אשר יושב בחשבון--אשר הכה משה ובני ישראל בצאתם ממצרים
47 Kinuha nila ang kaniyang lupain bilang isang pag-aari, at ang lupain ni Og hari ng Bashan— ang mga ito, ang dalawang hari sa mga Amoreo, na nasa lampas ng Jordan patungong silangan.
ויירשו את ארצו ואת ארץ עוג מלך הבשן שני מלכי האמרי אשר בעבר הירדן--מזרח שמש
48 Itong kalupaan ay nagsimula sa Aroer, sa dulo ng lambak ng Arnon, tungo sa Bundok Sion (o Bundok Hermon),
מערער אשר על שפת נחל ארנן ועד הר שיאן--הוא חרמון
49 at kasali ang lahat ng kapatagan ng Ilog lambak Jordan, patungong silangan lampas ng Jordan, sa Dagat ng Araba, sa gulod ng Bundok Pisga.
וכל הערבה עבר הירדן מזרחה ועד ים הערבה--תחת אשדת הפסגה

< Deuteronomio 4 >