< Deuteronomio 33 >
1 Ito ang pagpapala kung saan pinagpala ni Moises na tao ng Diyos ang bayan ng Israel bago ang kaniyang kamatayan.
Ez pedig az áldás, mellyel megáldotta Mózes, Isten embere, Izrael fiait az ő halála előtt.
2 Sinabi niya: Mula si Yahweh sa Sinai at nagpakita sa kanila mula Seir. Nagliwanag siya mula sa Bundok ng Paran, at dumating siya kasama ang sampung libong mga banal na pinili. Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong kumikislap na kidlat.
És mondta: Az Örökkévaló Szinájról jött és sugárzott neki Széirről, fénylett Párán hegyéről és eljött a szentség tízezrei közül, jobbja felől a törvény tüze számukra.
3 Tunay nga, mahal niya ang mga tao; lahat ng kaniyang mga banal na pinili ay nasa inyong kamay, at nagpatirapa siya sa inyong mga paa; nakatanggap ang bawat isa ng inyong mga salita.
És szerette is a népet, minden szentjei a te kezedben vannak és ők lábaidnál elterülve fogadják szózataidat.
4 Ako, si Moises, nag-utos sa inyo ng isang batas, isang pamana para sa kapulungan ni Jacob.
A tan, melyet parancsolt nekünk Mózes, öröksége Jákob gyülekezetének.
5 Pagkatapos naging hari si Yahweh sa Jesurun, kapag ang mga pinuno ng mga tao ay nagtipun-tipon, nagkasama-sama ang lahat ng mga lipi ng Israel.
Így lett királlyá Jesúrunban, midőn összegyűltek a nép fejei, együvé Izrael törzsei.
6 Hayaang mabuhay si Ruben at hindi mamatay; pero nawa ang kaniyang mga tauhan ay maging iilan lamang.
Éljen Rúben és meg ne haljon, hogy ne legyenek emberei csekély számmal.
7 Ito ang pagpapala para kay Juda. Sinabi ni Moises: Makinig ka, Yahweh, sa boses ng Juda, at dalhin siyang muli sa kaniyang mga tao. Makipaglaban para sa kaniya; maging tulong laban sa kaniyang mga kaaway.
Ezt pedig Júdáról; és mondta: Hallgasd meg, Örökkévaló, Júda szavát és népéhez vidd őt; hatalmával harcoljon magáért és segítsége elleneivel szemben te légy!
8 Tungkol kay Levi, sinabi ni Moises: Ang iyong Tummim at iyong Urim ay napapabilang sa iyong kinasisiyahan, ang iyong sinubukan doon sa Masa, kung saan kayo nakipagburo sa tubig ng Meriba.
Léviról mondta: Tummimod és Urimod jámbor férfiúdé, kit megkísértettél Másszóban, kivel pörlekedtél Merivó vizeinél;
9 Ang taong nagsasabi tungkol sa kaniyang ama at ina,” Hindi ko sila nakita.” Ni hindi niya kinilala ang kaniyang mga kapatid, ni hindi niya inangkin ang kaniyang sariling mga anak. Dahil binabantayan niya ang inyong salita at sinunod ang iyong tipan.
aki mondta atyjáról és anyjáról: Nem láttam, testvéreit nem ismert és gyermekeiről nem tudott, mert szózatodat őrizték meg és szövetségedet tartották meg.
10 Itinuro niya kay Jacob ng inyong mga panuntunan, at mga batas sa Israel. Maglalagay siya ng insenso sa iyong harapan, at ang buong sinunog na mga alay sa inyong altar.
Tanítják rendeleteidre Jákobot és tanodra Izraelt, tesznek füstölőszert színed elé és égőáldozatot oltárodra.
11 Pagpalain, Yahweh, ang kaniyang mga pag-aari, at tanggapin ang gawa ng kaniyang mga kamay. Durugin ang mga balakang ng sinumang bumangon laban sa kaniya, at sa mga taong galit sa kaniya, para hindi sila ulit makabangon.
Áldd meg, Örökkévaló, az ő erejét és keze munkája legyen kedves előtted; zúzd össze ellenei ágyékát és gyűlölőit, hogy föl ne támadjanak!
12 Tungkol kay Benjamin, sinabi ni Moises: Ang isang minahal ni Yahweh ay namumuhay ng matiwasay sa tabi niya; iniingatan siya ni Yahweh sa mahabang panahon, at nabubuhay siya sa pagitan ng mga braso ni Yahweh.
Benjáminról mondta: Az Örökkévaló kedveltje, bizton lakik mellette; védelmezi őt minden időben és vállai között lakozik.
13 Tungkol kay Jose, sinabi ni Moises: Nawa'y pagpalain ni Yahweh ang kaniyang lupain at ng kaniyang mahahalagang mga bagay sa langit, kasama ang hamog, At ng nakapaloob sa ilalim nito.
Józsefről mondta: Isten áldotta az ő országa, az ég drágaságával, harmattal és az alant heverő mélység vizével;
14 Na mayroong mahahalagang mga bagay sa pag-aani na ginawa sa tulong ng araw, kasama ang mga mahahalagang bagay sa paglipas ng mga buwan,
a nap érlelte termésének drágaságával, mint a hónapok hajtásának drágaságával;
15 Na mayroong magagandang mga bagay mula sa napakatandang mga bundok, at na mayroong mahahalagang mga bagay ng walang katapusang mga burol.
az ős hegyek javával és az örök halmok drágaságával;
16 Mayroong mga pinakamahalagang bagay sa mundo at ng kasaganahan nito, at kasama ang mabuting kalooban niya para sa sinumang nasa palumpong. Hayaang dumating ang pagpapala mula sa ulo ni Jose, at sa noo niya na siyang naging prinsipe sa kaniyang mga kapatid.
az ország drágaságával és bőségével, mint a csipkebokorban lakozónak kegyével! Szálljon ez József fejére, feje tetejére testvérei koszorúzottjának!
17 Ang unang anak ng isang toro, maluwalhati siya, at kaniyang mga sungay ay ang mga sungay ng isang mabangis na toro. Kasama nilang itutulak niya ang mga tao, lahat sila, sa katapusan ng mundo. Ito ang mga sampung libo ng Efraim; ito ang mga libu-libo ni Manases.
Első fajzású tulka dísze ő neki és Reém szarvai az ő szarvai, azokkal döf le népeket, egyetemben a föld végéig; ezek pedig Efráim tízezrei és Menásse ezrei.
18 Tungkol kay Zebulun, sinabi ni Moises: Magsaya, Zebulun, sa iyong paglabas, at ikaw, Isacar, sa inyong mga tolda.
Zebúlunnak mondta: Örvendj Zebúlun mentedben, Isszáchár pedig sátraidban.
19 Tatawagin nila ang mga tao sa mga bundok. Doon iaalay nila ang mga alay ng pagkamatuwid. Dahil sisipsipin nila ang kasaganahan ng mga karagatan, at mula sa buhangin ng dalampasigan.
Népeket hívnak a hegyre, ott áldoznak igazságos áldozatokat, mert a tengerek bőségét szívják és a fövény rejtette kincseket.
20 Tungkol kay Gad, sinabi ni Moises: Pagpalain ang siyang magpapalawak kay Gad. Maninirahan siya doon katulad ng isang babaeng leon, at sisirain niya ang braso o ang isang ulo.
Gádról mondta: Áldott, aki kiterjeszti Gád határát! Mint oroszlán tanyázik és szétszaggat kart; meg koponyát.
21 Naglaan siya ng kaniyang pinakamahalagang bahagi para sa kaniyang sarili, dahil mayroong nakalaang bahagi ng lupain para sa mga pinuno. Dumating siya kasama ang pinuno ng mga tao. Ipinatupad niya ang katarungan ni Yahweh at ang kaniyang mga kautusan kasama ng Israel.
És kiszemelte magának a legelejét, mert ott van a törvényhozó része elrejtve; és járt a nép élén, végezte az Örökkévaló igazát és ítéleteit Izraellel.
22 Tungkol kay Dan, sinabi ni Moises: Si Dan ay isang batang leon na lumundag mula sa Bashan.
Dánról mondta: Dán fiatal oroszlán, előront Básánból.
23 Tungkol kay Neftali, sinabi ni Moises: Neftali, nasisiyahan sa mga pabor, at puno ng pagpapala ni Yahweh, dalhin ang pag-aari ng lupain tungo sa kanluran at timog.
Náftáliról mondta: Náftáli jóllakva keggyel és telve az Örökkévaló áldásával, nyugatra és délre végy birtokot.
24 Tungkol kay Aser, sinabi ni Moises: Pagpalain si Aserng higit pa sa ibang mga anak na lalaki; hayaan siyang maging katanggap-tanggap sa kaniyang mga kapatid, at hayaang malubog sa langis ng olibo ang kaniyang mga paa.
Ásérről mondta: Áldott a fiúk közül Ásér; legyen ő kedveltje testvéreinek és mártsa olajba lábát.
25 Nawa'y ang rehas ng iyong lungsod ay maging bakal at tanso; hangga't kayo ay nabubuhay, ganun din kahaba ang iyong magiging kaligtasan.
Vas és érc a te záraid és napjaiddal növekedik erőd is.
26 Walang sinumang katulad ng Diyos, Jesurun— isang matuwid, na nakasakay sa kalangitan para tulungan ka, at sa kaniyang kaluwalhatian sa mga ulap.
Nincs olyan, mint az Isten, ó Jesúrun! Bejárja az eget segítségedre és fönségében a fellegeket.
27 Ang walang hanggang Diyos ay isang kublihan para sa kaniyang mga tao, at sa ilalim ay ang walang hanggang mga braso. Itutulak niya palabas ang kaaway mula sa harapan ninyo, at sasabihin niya, “Wasakin!”
Menedék az ősidők Istene és alant örök hatalom, elűzte előled az ellenséget és mondta Pusztítsd el!
28 Nawa'y ang Israel ay mamumuhay na may kaligtasan. Ang bukal ni Jacob ay ligtas sa isang lupain ng butil at bagong alak; tunay nga, hayaan ang langit na bumagsak ang hamog sa kaniya.
Így lakott Izrael biztonságban, egymaga Jákob forrása, gabona és must országában, még ege is permetez harmatot.
29 Pinagpala kayo, Israel! Sino ang katulad ninyo, mga tao na iniligtas ni Yahweh, ang sanggalan ng inyong tulong, at ang espada ng inyong kaluwalhatian? Ang inyong mga kaaway ay darating na nanginginig sa inyo; tatapakan ninyo ang kanilang matataas na mga lugar.
Boldog vagy te Izrael ki olyan, mint te? nép, segítve az Örökkévalótól, ki segítséged pajzsa és fenséged kardja! Ellenségeid hízelegnek neked, te pedig az ő magaslataikat taposod.