< Deuteronomio 31 >

1 Nagpunta si Moises at sinabi ang mga salitang ito sa buong Israel.
At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.
2 Sinabi niya sa kanila, “Isang daan at dalawampung taong gulang na ako; hindi na ako maaaring makalabas at makakpasok; Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hindi ka na tatawid sa Jordan.'
At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang ito.
3 Si Yahweh na inyong Diyos, sasama siya sa inyo; wawasakin niya ang mga bansa mula sa inyong harapan, at babawiin ninyo ito. Si Josue, ang mangunguna sa inyong harapan, tulad ng sinabi ni Yahweh.
Magpapauna ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, gaya ng sinalita ng Panginoon.
4 Gagawin ni Yahweh sa kanila kung ano kay Sihon at Og, sa mga hari ng Amoreo, at sa kanilang lupain, kung saan kaniyang winasak.
At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.
5 Bibigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa kanila kapag nakaharap na ninyo sila sa digmaan, at gagawin ninyo sa kanila ang lahat ng sinasabi ko sa inyo.
At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.
6 Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”
Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
7 Tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harapan ng buong Israel, “Magpakatatag at magpakatapang, sapagkat sasamahan mo itong lahi papunta sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno para ibigay sa kanila; Ikaw ang magdudulot sa kanila para manahin ito.
At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.
8 Si Yahweh, ang siyang mangunguna sa inyong harapan; sasama siya sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni iiwan; huwag matakot, huwag mapanghinaan ng loob.”
At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
9 Isinulat ni Moises ang kautusang ito at ibinigay ito sa mga pari, sa mga anak na lalaki ni Levi, na nagdala sa kaban ng tipan ni Yahweh; binigay din niya ang mga kopya nito sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel.
At isinulat ni Moises ang kautusang ito, at ibinigay sa mga saserdote na mga anak ni Levi, na silang nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, at sa lahat ng matanda sa Israel.
10 Inutusan sila ni Moises at sinabi, “Sa katapusan ng bawat pitong taon, sa panahon na ipapawalang-bisa ang mga utang, sa oras ng Pagdiriwang ng mga Kanlungan,
At iniutos sa kanila ni Moises, na sinabi, Sa katapusan ng bawa't pitong taon, sa takdang panahon ng taon ng pagtubos, sa kapistahan ng mga balag,
11 kapag ang buong Israelita ay dumating para magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin para sa kaniyang santuwaryo, babasahin mo itong batas sa harapan ng buong Israel kanilang pandinig.
Pagdating ng buong Israel upang pakita sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong kaniyang pipiliin ay iyong babasahin ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa kanilang pakinig.
12 Tipunin ang mga tao, ang mga kalalakihan, ang mga kababaihan, ang mga kabataan, at inyong dayuhan na nasa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod, para makarinig sila at matuto, at para maaari nilang parangalan si Yahweh na inyong Diyos at sundin ang lahat ng mga salita nitong kautusan.
Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;
13 Gawin ito para sa kanilang mga anak, na walang alam, maaaring makarinig at matuto para parangalan si Yahweh na inyong Diyos, habang nabubuhay kayo sa lupain na inyong pupuntahan ang Jordan para angkinin.”
At upang ang kanilang mga anak, na hindi nakakilala, ay makarinig at magaral na matakot sa Panginoon ninyong Dios, habang kayo'y nabubuhay sa lupain na inyong pinaroroonan, na inyong itinatawid ng Jordan upang ariin.
14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, ang araw ay paparating na ikaw ay dapat ng mamatay; tawagin si Josue at ipakita ang inyong mga sarili sa loob ng tolda ng pagpupulong, para mabigyan ko siya ng utos.” Pumunta sina Moises at Josue at ipinakita ang kanilang mga sarili sa loob ng tolda ng pagpupulong.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ang iyong mga araw na ikamamatay ay nalalapit: tawagin mo si Josue, at magsiharap kayo sa tabernakulo ng kapisanan upang siya'y aking mapagbilinan. At si Moises at si Josue ay yumaon at humarap sa tabernakulo ng kapisanan.
15 Nagpakita si Yahweh sa loob ng tolda sa isang haliging ulap; nakatayo ang haligi ng ulap sa ibabaw ng pintuan ng tolda.
At ang Panginoon ay napakita sa Tolda, sa isang tila haliging ulap; at ang tila haliging ulap ay tumayo sa pintuan ng tabernakulo.
16 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang; at ang bayang ito'y babangon, at sasamba sa kakaibang mga dios sa lupain, na kanilang pinaroroonan upang sumagitna nila, at ako'y pababayaan, at sisirain ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanila.
17 Pagkatapos, sa araw na iyon, ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, at iiwanan ko sila, ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila, at sasakmalin sila. Maraming mga sakuna at kaguluhan ang mapapa sa kanila, para kanilang sabihin sa araw na iyon, 'Ang mga sakuna ba ito ay natagpuan ako dahil ang ating Diyos ay wala sa aming kalagitnaan?'
Kung magkagayo'y ang aking galit ay magaalab laban sa kanila sa araw na yaon, at aking pababayaan sila, at aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, at sila'y sasakmalin, at maraming kasamaan at kabagabagan ang darating sa kanila; na anopa't kanilang sasabihin sa araw na yaon, Hindi ba ang mga kasamaang ito ay dumating sa atin dahil sa ang ating Dios ay wala sa gitna natin?
18 Sisiguraduhin ko na ikukubli ang aking mukha mula sa kanila sa araw na iyon dahil ang lahat ng kasamaan ay kanilang gagawin, sapagkat bumaling sila sa ibang mga diyus-diyosan.
At ikukubli ko nga ang aking mukha sa araw na yaon dahil sa buong kasamaang kanilang ginawa, sa paraang sila'y pumihit sa ibang mga dios.
19 Kaya ngayon isulat mo itong awitin para sa iyong sarili at ituro ito sa bayan ng Israel. Ilagay ito sa kanilang mga bibig, para ang awiting ito ay maging isang saksi para sa akin laban sa bayan ng Israel.
Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.
20 Kapag dinala ko sila dito sa loob ng lupain na aking ipinangako upang ibigay sa kanilang mga ninuno, ang lupaing umaapaw sa gatas at pulot, at nang sila ay nakakain at nabusog at tumaba, pagkatapos babaling sila sa ibang mga diyos at sasamba sa kanila; kamumuhian nila ako at sisirain ang kasunduan.
Sapagka't pagka sila'y naipasok ko na sa lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, na binubukalan ng gatas at pulot, at sila'y nakakain at nabusog at tumaba; ay pipihit nga sila sa ibang mga dios, at paglilingkuran nila, at ako'y lalabagin nila, at sisirain ang aking tipan.
21 Kapag maraming kasamaan at mga kaguluhan ang mayroon ang mga tao na ito, ang awiting ito ang magpapatunay bilang isang saksi; dahil ito ay hindi malilimutan mula sa mga bibig ng kanilang mga kaapu-apuhan; dahil alam ko ang mga plano na kanilang binubuo ngayon, kahit bago ko pa sila dinala dito sa lupain na aking ipinangako.”
At mangyayari na pagka ang maraming kasamaan at kabagabagan ay dumating sa kanila, ay magpapatotoo ang awit na ito sa harap nila na pinakasaksi; sapagka't hindi malilimutan ng mga bibig ng kanilang binhi; sapagka't talastas ko ang kanilang iniisip na kanilang inaakala ngayon pa, bago ko sila ipasok sa lupain na isinumpa ko.
22 Kaya isinulat ni Moises ang awiting ito ng araw ding iyon at itinuro sa bayan ng Israel.
Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel.
23 Binigyan ni Yahweh ng utos si Josue na anak ni Nun, at sinabi, “Magpakatatag at Magpakatapang; sapagkat dadalhin mo ang bayan ng Israel papasok sa lupain na ipinangako ko sa kanila, at ako ay sasainyo.”
At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.
24 Nangyari ito nang matapos ni Moises ang pagsusulat ng mga salita nitong kautusan sa isang aklat,
At nangyari, nang matapos ni Moises na masulat ang mga salita ng kautusang ito sa isang aklat, hanggang sa natapos,
25 ibinigay niya ang isang utos sa mga Levita ang siyang nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh; sinabi niya,
Na nagutos si Moises sa mga Levita, na may dala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sinasabi,
26 “Dalhin mo itong aklat ng kautusan at ilagay ito sa gilid ng kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, para ito ay naroroon bilang isang saksi laban sa inyo.
Kunin ninyo ang aklat na ito ng kautusan at ilagay ninyo sa siping ng kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, upang doo'y maging pinakasaksi laban sa iyo.
27 Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?
Sapagka't talastas ko ang iyong panghihimagsik, at ang iyong matigas na ulo: narito, nabubuhay pa akong kasama ninyo, sa araw na ito, kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon: at gaano pa kaya pagkamatay ko?
28 Magtipon sa akin ang lahat ng nakatatanda ng inyong mga lipi, at inyong mga opisyal, para masabi ang mga salita sa kanilang mga tainga at tatawag sa langit at lupa para maging saksi laban sa kanila.
Pulungin mo ang mga matanda sa iyong mga lipi at ang inyong mga pinuno upang masalita ko ang mga salitang ito sa kanilang pakinig, at matawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa kanila.
29 Dahil alam ko na pag patay na ako lubusan ninyong sisirain ang inyong mga sarili at lumiko palayo sa daanan na aking iniutos sa inyo; kapahamakan ay darating sa inyo sa susunod na mga araw. Mangyayari ito dahil gagawa kayo ng masama sa mata ni Yahweh, para galitin siya sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.”
Sapagka't talastas ko na pagkamatay ko, kayo'y mangagsisisama at mangaliligaw sa daan na aking itinuro sa inyo; at ang kasamaan ay sasapit sa inyo sa mga huling araw; sapagka't inyong gagawin yaong masama sa paningin ng Panginoon, upang ipamungkahi niya kayo sa kagalitan sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.
30 Umawit si Moises sa mga tainga ng mga pinagtipon sa Israel ang mga salita ng awiting ito hanggang sa matapos
At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit na ito, hanggang sa natapos.

< Deuteronomio 31 >