< Deuteronomio 30 >

1 Kapag ang lahat ng mga bagay na ito ay nakarating sa inyo, ang mga pagpapala at ang mga sumpa na itinalaga ko sa harapan ninyo, at kapag isinaisip ninyo ito kasama ang lahat ng ibang mga bansa kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay dinala kayo,
וְהָיָה֩ כִֽי־יָבֹ֨אוּ עָלֶ֜יךָ כָּל־הַדְּבָרִ֣ים הָאֵ֗לֶּה הַבְּרָכָה֙ וְהַקְּלָלָ֔ה אֲשֶׁ֥ר נָתַ֖תִּי לְפָנֶ֑יךָ וַהֲשֵׁבֹתָ֙ אֶל־לְבָבֶ֔ךָ בְּכָל־הַגּוֹיִ֔ם אֲשֶׁ֧ר הִדִּיחֲךָ֛ יְהוָ֥ה אֱלֹהֶ֖יךָ שָֽׁמָּה׃
2 at kapag bumalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa kaniyang boses, susundin ang lahat ng mga sinasabi ko sa inyo sa araw na ito— kayo at inyong mga anak— ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa,
וְשַׁבְתָּ֞ עַד־יְהוָ֤ה אֱלֹהֶ֙יךָ֙ וְשָׁמַעְתָּ֣ בְקֹל֔וֹ כְּכֹ֛ל אֲשֶׁר־אָנֹכִ֥י מְצַוְּךָ֖ הַיּ֑וֹם אַתָּ֣ה וּבָנֶ֔יךָ בְּכָל־לְבָבְךָ֖ וּבְכָל־נַפְשֶֽׁךָ׃
3 kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
וְשָׁ֨ב יְהוָ֧ה אֱלֹהֶ֛יךָ אֶת־שְׁבוּתְךָ֖ וְרִחֲמֶ֑ךָ וְשָׁ֗ב וְקִבֶּצְךָ֙ מִכָּל־הָ֣עַמִּ֔ים אֲשֶׁ֧ר הֱפִֽיצְךָ֛ יְהוָ֥ה אֱלֹהֶ֖יךָ שָֽׁמָּה׃
4 Kung mayroon sa mga lahi ninyo ang ipinatapon sa pinaka-malalayong mga lugar mula sa ilalim ng kalangitan, mula kung saan si Yahweh na inyong Diyos ay titipunin kayo, at magmula doon dadalhin niya kayo.
אִם־יִהְיֶ֥ה נִֽדַּחֲךָ֖ בִּקְצֵ֣ה הַשָּׁמָ֑יִם מִשָּׁ֗ם יְקַבֶּצְךָ֙ יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֔יךָ וּמִשָּׁ֖ם יִקָּחֶֽךָ׃
5 Si Yahweh na inyong Diyos ay dadalhin kayo sa lupain na pagmamay-ari ng inyong mga ninuno, at magiging sa inyo ulit ito; Gagawan ka niya ng kabutihan at pararamihin kayo higit pa sa ginawa niya sa inyong mga ninuno.
וֶהֱבִֽיאֲךָ֞ יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֗יךָ אֶל־הָאָ֛רֶץ אֲשֶׁר־יָרְשׁ֥וּ אֲבֹתֶ֖יךָ וִֽירִשְׁתָּ֑הּ וְהֵיטִֽבְךָ֥ וְהִרְבְּךָ֖ מֵאֲבֹתֶֽיךָ׃
6 Tutuliin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong puso at ang puso ng inyong mga kaapu-apuhan para mamahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa, para kayo ay mabuhay.
וּמָ֨ל יְהוָ֧ה אֱלֹהֶ֛יךָ אֶת־לְבָבְךָ֖ וְאֶת־לְבַ֣ב זַרְעֶ֑ךָ לְאַהֲבָ֞ה אֶת־יְהוָ֧ה אֱלֹהֶ֛יךָ בְּכָל־לְבָבְךָ֥ וּבְכָל־נַפְשְׁךָ֖ לְמַ֥עַן חַיֶּֽיךָ׃
7 Ilalagay ni Yahweh na inyong Diyos itong mga sumpa sa inyong mga kaaway at sa mga galit, at sa sinumang nagpapahirap sa inyo.
וְנָתַן֙ יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֔יךָ אֵ֥ת כָּל־הָאָל֖וֹת הָאֵ֑לֶּה עַל־אֹיְבֶ֥יךָ וְעַל־שֹׂנְאֶ֖יךָ אֲשֶׁ֥ר רְדָפֽוּךָ׃
8 Babalik kayo at susunod sa boses ni Yahweh, at gagawin ninyo ang lahat ng kaniyang mga utos na inuutos ko sa inyo sa araw na ito.
וְאַתָּ֣ה תָשׁ֔וּב וְשָׁמַעְתָּ֖ בְּק֣וֹל יְהוָ֑ה וְעָשִׂ֙יתָ֙ אֶת־כָּל־מִצְוֹתָ֔יו אֲשֶׁ֛ר אָנֹכִ֥י מְצַוְּךָ֖ הַיּֽוֹם׃
9 Si Yahweh na inyong Diyos ay gagawing masagana ang lahat ng ginawa ng inyong kamay sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong mga baka, at sa bunga ng inyong mga pananim, para sa kasaganahan, para kay Yahweh muling masisiyahan ulit siya sa inyo sa kasaganahan, gaya ng pagkalugod niya sa inyong mga ninuno.
וְהוֹתִֽירְךָ֩ יְהוָ֨ה אֱלֹהֶ֜יךָ בְּכֹ֣ל ׀ מַעֲשֵׂ֣ה יָדֶ֗ךָ בִּפְרִ֨י בִטְנְךָ֜ וּבִפְרִ֧י בְהֶמְתְּךָ֛ וּבִפְרִ֥י אַדְמָתְךָ֖ לְטוֹבָ֑ה כִּ֣י ׀ יָשׁ֣וּב יְהוָ֗ה לָשׂ֤וּשׂ עָלֶ֙יךָ֙ לְט֔וֹב כַּאֲשֶׁר־שָׂ֖שׂ עַל־אֲבֹתֶֽיךָ׃
10 Gagawin niya ito kung susundin ninyo ang salita ni Yahweh na inyong Diyos, para panatilihin ang kaniyang mga kautusan at mga batas na nasusulat sa aklat ng kautusan, kung babalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa.
כִּ֣י תִשְׁמַ֗ע בְּקוֹל֙ יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֔יךָ לִשְׁמֹ֤ר מִצְוֹתָיו֙ וְחֻקֹּתָ֔יו הַכְּתוּבָ֕ה בְּסֵ֥פֶר הַתּוֹרָ֖ה הַזֶּ֑ה כִּ֤י תָשׁוּב֙ אֶל־יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֔יךָ בְּכָל־לְבָבְךָ֖ וּבְכָל־נַפְשֶֽׁךָ׃ פ
11 Dahil itong utos na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito ay hindi lubhang mahirap para sa inyo, ni ito ay napakalayo sa inyo para abutin,
כִּ֚י הַמִּצְוָ֣ה הַזֹּ֔את אֲשֶׁ֛ר אָנֹכִ֥י מְצַוְּךָ֖ הַיּ֑וֹם לֹֽא־נִפְלֵ֥את הִוא֙ מִמְּךָ֔ וְלֹ֥א רְחֹקָ֖ה הִֽוא׃
12 hindi ito nasa langit, para sabihin ninyo, “Sinong nais umakyat sa atin sa langit at dalhin ito pababa sa atin at maaari nating marinig ito, para magawa natin ito?'
לֹ֥א בַשָּׁמַ֖יִם הִ֑וא לֵאמֹ֗ר מִ֣י יַעֲלֶה־לָּ֤נוּ הַשָּׁמַ֙יְמָה֙ וְיִקָּחֶ֣הָ לָּ֔נוּ וְיַשְׁמִעֵ֥נוּ אֹתָ֖הּ וְנַעֲשֶֽׂנָּה׃
13 Maging ito ay sa ibayo ng dagat, para inyong masabi, 'Sino sa atin ang pupunta sa ibayong dagat para dalhin ito sa atin at marinig natin, at para magawa natin ito?'
וְלֹֽא־מֵעֵ֥בֶר לַיָּ֖ם הִ֑וא לֵאמֹ֗ר מִ֣י יַעֲבָר־לָ֜נוּ אֶל־עֵ֤בֶר הַיָּם֙ וְיִקָּחֶ֣הָ לָּ֔נוּ וְיַשְׁמִעֵ֥נוּ אֹתָ֖הּ וְנַעֲשֶֽׂנָּה׃
14 Pero ang salita ay napakalapit sa inyo, nasa inyong bibig at nasa inyong puso, para inyong magawa ito.
כִּֽי־קָר֥וֹב אֵלֶ֛יךָ הַדָּבָ֖ר מְאֹ֑ד בְּפִ֥יךָ וּבִֽלְבָבְךָ֖ לַעֲשֹׂתֽוֹ׃ ס
15 Tingnan ninyo, inilagay ko sa araw na ito sa inyong harapan ang buhay at kabutihan, kamatayan at kasamaan.
רְאֵ֨ה נָתַ֤תִּי לְפָנֶ֙יךָ֙ הַיּ֔וֹם אֶת־הַֽחַיִּ֖ים וְאֶת־הַטּ֑וֹב וְאֶת־הַמָּ֖וֶת וְאֶת־הָרָֽע׃
16 Kung susundin ninyo ang mga panuntunan ni Yahweh na inyong Diyos, na sinasabi ko sa inyo sa araw na ito na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para mamuhay ng naaayon sa kaniyang paraan, at sundin ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang mga batas at kaniyang mga ordenansa, mabubuhay kayo at paparamihin, at pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin.
אִם־תִּשְׁמַע אֶל מִצְוֹת יְהוָה אֱלֹהֶיךָ אֲשֶׁ֨ר אָנֹכִ֣י מְצַוְּךָ֮ הַיּוֹם֒ לְאַהֲבָ֞ה אֶת־יְהוָ֤ה אֱלֹהֶ֙יךָ֙ לָלֶ֣כֶת בִּדְרָכָ֔יו וְלִשְׁמֹ֛ר מִצְוֹתָ֥יו וְחֻקֹּתָ֖יו וּמִשְׁפָּטָ֑יו וְחָיִ֣יתָ וְרָבִ֔יתָ וּבֵֽרַכְךָ֙ יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֔יךָ בָּאָ֕רֶץ אֲשֶׁר־אַתָּ֥ה בָא־שָׁ֖מָּה לְרִשְׁתָּֽהּ׃
17 Pero kung ang inyong puso ay tumalikod at hindi kayo nakinig sa halip ay lumayo at nagpatirapa pababa sa ibang mga diyus-diyosan at sasambahin sila,
וְאִם־יִפְנֶ֥ה לְבָבְךָ֖ וְלֹ֣א תִשְׁמָ֑ע וְנִדַּחְתָּ֗ וְהִֽשְׁתַּחֲוִ֛יתָ לֵאלֹהִ֥ים אֲחֵרִ֖ים וַעֲבַדְתָּֽם׃
18 kung gayon, sasabihin ko sa inyo sa araw na ito siguradong mamamatay kayo, hindi tatagal ang inyong buhay sa lupain na inyong dadaanan sa kabila ng Jordan para puntahan at angkinin.
הִגַּ֤דְתִּי לָכֶם֙ הַיּ֔וֹם כִּ֥י אָבֹ֖ד תֹּאבֵד֑וּן לֹא־תַאֲרִיכֻ֤ן יָמִים֙ עַל־הָ֣אֲדָמָ֔ה אֲשֶׁ֨ר אַתָּ֤ה עֹבֵר֙ אֶת־הַיַּרְדֵּ֔ן לָבֹ֥א שָׁ֖מָּה לְרִשְׁתָּֽהּ׃
19 Tinatawag ko ang langit at ang lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito, itinalaga ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang mga pagpapala at mga sumpa, kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mamuhay ng matagal.
הַעִידֹ֨תִי בָכֶ֣ם הַיּוֹם֮ אֶת־הַשָּׁמַ֣יִם וְאֶת־הָאָרֶץ֒ הַחַיִּ֤ים וְהַמָּ֙וֶת֙ נָתַ֣תִּי לְפָנֶ֔יךָ הַבְּרָכָ֖ה וְהַקְּלָלָ֑ה וּבָֽחַרְתָּ֙ בַּֽחַיִּ֔ים לְמַ֥עַן תִּחְיֶ֖ה אַתָּ֥ה וְזַרְעֶֽךָ׃
20 Gawin ito para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang kaniyang salita, at para kumapit sa kaniya. Dahil siya ang inyong buhay at ang haba ng inyong mga araw, gawin ninyo ito para maaari kayong mamuhay sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.”
לְאַֽהֲבָה֙ אֶת־יְהוָ֣ה אֱלֹהֶ֔יךָ לִשְׁמֹ֥עַ בְּקֹל֖וֹ וּלְדָבְקָה־ב֑וֹ כִּ֣י ה֤וּא חַיֶּ֙יךָ֙ וְאֹ֣רֶךְ יָמֶ֔יךָ לָשֶׁ֣בֶת עַל־הָאֲדָמָ֗ה אֲשֶׁר֩ נִשְׁבַּ֨ע יְהוָ֧ה לַאֲבֹתֶ֛יךָ לְאַבְרָהָ֛ם לְיִצְחָ֥ק וּֽלְיַעֲקֹ֖ב לָתֵ֥ת לָהֶֽם׃ פ

< Deuteronomio 30 >