< Deuteronomio 3 >

1 Pagkatapos umikot tayo at umakyat papuntang Bashan. Si Og, ang hari ng Bashan, ay dumating at sinalakay tayo, siya at ang lahat kaniyang mamamayan, para lumaban sa Edrei.
斯てわれら身をめぐらしてバシヤンの路に上り行けるにバシヤンの王オグその民をことごとく率ゐ出てエデレイに戰はんとせり
2 Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Huwag mo siyang katakutan; dahil binigyan ko kayo ng tagumpay sa kaniya at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao at kaniyang lupain sa ilalim ng inyong pangangasiwa. Gagawin ninyo sa kaniya ang ginawa ninyo kay Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuhay sa Hesbon.'
時にヱホバわれに言たまひけらく彼を懼るるなかれ我かれとその一切の民とその地とを汝の手に付さん汝かのヘシボンに住たるアモリ人の王シホンになせし如く彼に爲べしと
3 Kaya binigyan din tayo ni Yahweh na ating Diyos ng tagumpay laban kay Og, at ang hari ng Bashan, at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng ating pangangasiwa. At pinatay natin siya hanggang walang ni isa sa mga tao niya ang natira.
我らの神ヱホバすなはちバシヤンの王オグとその一切の民を我らの手に付したまひしかば我ら之を撃ころして一人をも遺さざりき
4 Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang panahong iyon; walang ni isang lungsod ang hindi natin kinuha mula sa kanila: animnapung mga lungsod—lahat ng rehiyon ng Argob, ang kaharian ni Og sa Bashan.
その時に我らこれが邑々をことごとく取り取ざる邑は一も有ざりきその取る邑は六十是すなはちアルゴブの地にしてバシヤンにおけるオグの國なり
5 Ito ang lahat ng mga lungsod na pinatibay na may matataas na mga pader, mga tarangkahan, at mga rehas; maliban pa dito ang mga napakaraming hindi nababakuran na mga nayon.
この邑々はみな高き石垣あり門あり關ありて堅固なりき外にまた石垣あらざる邑甚だ多くありき
6 Ganap natin silang winasak, kagaya ng ginawa natin kay Sihon hari ng Hesbon, ganap nating winasak ang bawat tinirahang lungsod, kasama ng mga babae at mga bata.
我らはヘシボンの王シホンになせし如く之を滅しその一切の邑の男女および兒童をことごとく滅せり
7 Pero lahat ng baka at mga sinamsam sa mga lungsod, ay kinuha natin bilang samsam para sa ating mga sarili.
惟その一切の家畜とその邑々よりの掠取物とはこれを獲てわれらの物となせり
8 Nang panahong iyon kinuha natin ang lupain mula sa kamay ng dalawang hari ng mga Amoreo na nasa ibayo ng Jordan, mula sa lambak ng Arnon hanggang sa Bundok Hermon
その時我らヨルダンの此旁の地をアルノン河よりヘルモン山までアモリ人の王二人の手より取り
9 (ang Bundok Hermon na ang tawag ng mga Sidoneo ay Sirion, at ang mga Amoreo ay tinawag itong Senir);
(ヘルモンはシドン人これをシリオンと呼びアモリ人これをセニルと呼ぶ)
10 at lahat ng mga lungsod ng kapatagan, buong Galaad, at buong Bashan, hanggang Salca at Edrei, mga lungsod ng kaharian ni Og sa Bashan.
すなはち平野の一切の邑ギレアデの全地バシヤンの全地サルカおよびエデレイなどバシヤンに於るオグの國をことごとく取り
11 (Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
彼レバイムの遺れる者はバシヤンの王オグ只一人なりき彼の寝臺は鐵の寝臺なりき是は今なほアンモンの子孫のラバにあるに非ずや人の肘によれば是はその長九キユビトその寛四キユビトあり
12 Ang lupaing ito na ating kinuhang pag-aari nang panahong iyon—mula sa Aroer, na nasa lambak ng Arnon, at kalahati ng burol na bayan ng Galaad, at mga lungsod nito—ibinigay ko sa lipi ni Ruben at sa lipi ni Gad.
その時に我らこの地を獲たりしがアルノン河の邊なるアロエルよりの地とギレアデの山地の半とその中の邑々とは我これをルベン人とガド人に與へたり
13 Ang ibang lupain sa Galaad at lahat ng Bashan, ang kaharian ni Og, ibinigay ko sa kalahati ng lipi ni Manases: lahat ng rehiyon ng Argob, at lahat ng Bashan. (Ang parehong teritoryo ay tinawag na lupain ng Refaim.)
またオグの國なりしギレアデの殘餘の地とバシヤンの全地とは我これをマナセの半支派に與へたりアルゴブの全地すなはちバシヤンの全體はレバイムの國と稱へらる
14 Si Jair, kaapu-apuhan ni Manases, ay kinuha ang lahat ng rehiyon ng Argob hanggang sa hangganan ng lipi ng Gesureo at ng lipi ng Maacateo. Tinawag niya ang rehiyon, kahit ang Bashan, sa kaniyang sariling pangalan, Havvot Jair, hanggang sa araw na ito.)
マナセの子ヤイルはアルゴブの全地を取てゲシユルの境界とマアカの境界にまで至り自分の名にしたがひてバシヤンをハヲテヤイルと名けたりその名今日にいたる
15 Ibinigay ko ang Galaad kay Maquir.
またマキルには我ギレアデを與へ
16 Sa mga lipi ni Ruben at sa lipi ni Gad ibinigay ko ang teritoryo mula Galaad sa lambak ng Arnon—ang kalagitnaan ng lambak ay ang hangganan ng teritoryo—at sa Ilog Jabok, na hangganan ng mga kaapu-apuhan ni Ammon.
ルベン人とガド人にはギレアデよりアルノン河までを與へその河の眞中をもて界となしまたアンモンの子孫の地の界なるヤボク河にまで至り
17 Isa pa sa mga hangganan nito ay ang kapatagan din ng lambak ng Ilog Jordan, mula sa Cineret hanggang sa Dagat ng Araba (iyon ay, ang Dagat Asin), hanggang sa mga matarik na bundok ng Pisga na pasilangan.
またアラバおよびヨルダンとその邊の地をキンネレテよりアラバの海すなはち鹽海まで之にあたへて東の方ピスガの麓にいたる
18 Inutusan ko kayo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Si Yahweh na inyong Diyos ay ibinigay sa inyo ang lupaing ito para angkinin ito; kayo, lahat ng tao ng digmaan, ay dadaan sa ilalim ng armado sa harapan ng inyong mga kapatid, ang bayan ng Israel.
その時我なんぢらに命じて言り汝らの神ヱホバこの地を汝らに與へて產業となさしめたまへば汝ら軍人に身をよろひて汝らの兄弟なるイスラエルの子孫に先だちて渉りゆくべし
19 Pero ang inyong mga asawa, mga maliliit na anak, at mga baka (alam ko na mayroon kayong maraming baka), ay mananatili sa lungsod na ibinigay ko sa inyo,
但し汝らの妻と子女と家畜は我が汝らに與へし邑に止るべし我なんぢらが衆多の家畜を有を知なり
20 hanggang si Yahweh ay magbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid, gaya ng ginawa niya sa inyo, hanggang sa maging pag-aari na din nila ang lupain na ibibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos sa ibayo ng Jordan; pagkatapos ay babalik kayo, bawat isa sa inyo, sa mga sarili ninyong pag-aari na ibinigay ko sa inyo.'
ヱホバなんぢらに賜ひしごとく汝らの兄弟にも安息を賜ひて彼らもまたヨルダンの彼旁にて汝らの神ヱホバにたまはるところの地を獲て產業となすに至らば汝らおのおの我なんぢらに與へし產業に歸るべし
21 Inutusan ko si Josue nang panahong iyon sa pagsasabing, 'Nakita ng inyong mga mata ang lahat ng nagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa dalawang haring ito; Gagawin ni Yahweh ang katulad sa lahat ng mga kaharian kung saan kayo pupunta.
かの時に我ヨシユアに命じて言り汝はこの二人の王に汝らの神ヱホバのおこなひたまふ所の事を目に視たりヱホバまた汝が往ところの諸の國にも斯のごとく行ひたまはん
22 Hindi ninyo sila katatakutan, dahil si Yahweh na inyong Diyos ang siyang lalaban para sa inyo.'
汝これを懼るる勿れ汝らの神ヱホバ汝らのために戰ひたまはんと
23 Pinakiusapan ko si Yahweh nang panahong iyon sa pagsasabing,
當時われヱホバに求めて言り
24 'O Panginoong Yahweh, sinimulan mong ipakita sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at malakas mong kamay; anong diyos ba ang nasa langit o nasa lupa ang makakagawa ng katulad ng mga ginawa mo, at katulad ng matitinding mga gawa?
主ヱホバよ汝は汝の大なる事と汝の強き手を僕に見すことを始めたまへり天にても地にても何の神か能なんぢの如き事業を爲し汝のごとき能力を有んや
25 Hayaan mo akong makapunta, nagmamakaawa ako, at makita ang masaganang lupain na nasa ibayo ng Jordan, iyong masaganang burol na bansa, at pati na rin ang Lebanon.'
願くは我をして渉りゆかしめヨルダンの彼旁なる美地美山およびレバノンを見ことを得させたまへと
26 Pero galit sa akin si Yahweh dahil sa inyo; hindi siya nakinig sa akin. Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hayaang maging sapat ito para sa iyo—huwag nang magsalita sa akin tungkol sa bagay na ito:
然るにヱホバなんぢらの故をもて我を怒り我に聽ことを爲たまはずヱホバすなはち我に言たまひけるは旣に足りこの事を重て我に言なかれ
27 umakyat ka sa itaas ng Pisga at ituon ang iyong mga mata pakanluran, pahilaga, patimog, at pasilangan; tingnan ng iyong mga mata, dahil hindi ka makakapunta sa Jordan.
汝ビスガの嶺にのぼり目を擧て西北南東を望み汝の目をもて其地を觀よ汝はヨルダンを濟ることを得ざるべければなり
28 Sa halip, atasan si Josue at palakasin ang loob at palakasin siya, dahil pupunta siya doon kasama ng mga taong ito, at siya ang magdudulot na mamana nila ang lupain na makikita mo.'
汝ヨシユアに命じ之に力をつけ之を堅うせよ其はこの民を率ゐて渉りゆき之に汝が見るところの地を獲さする者は彼なればなりと
29 Kaya nanatili kami sa lambak na kasalungat ng Beth Peor.
かくて我らはベテベオルに對する谷に居る

< Deuteronomio 3 >