< Deuteronomio 29 >
1 Ito ang mga salita na inutos ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao ng Israel sa lupain ng Moab, mga salita na idinagdag sa tipan na kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.
To są słowa przymierza, które PAN nakazał Mojżeszowi zawrzeć z synami Izraela w ziemi Moabu, oprócz przymierza, które zawarł z nimi na Horebie.
2 Ipinatawag ni Moises ang lahat ng mga Israelita at sinabi sa kanila, “Nakita ninyo ang lahat ng bagay na ginawa ni Yahweh sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Ehipto kay Paraon, sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa lahat ng kanyang lupain—
I Mojżesz zwołał cały Izrael, i przemówił do nich: Widzieliście wszystko, co PAN uczynił na waszych oczach w ziemi Egiptu faraonowi, wszystkim jego sługom i całej jego ziemi:
3 ang matinding paghihirap na nakita ng inyong mga mata, ang mga pangitain, at yaong mga dakilang kababalaghan.
Te wielkie próby, które widziały twoje oczy, znaki i wielkie cuda.
4 Pero hanggang ngayon hindi kayo binigyan ni Yahweh ng isang puso para makaalam, mga mata para makakita, o mga tainga para makarinig.
Ale PAN nie dał wam serca do zrozumienia ani oczu do patrzenia, ani uszu do słuchania aż do dziś.
5 Pinamunuan ko kayo sa loob ng apatnapung taon sa ilang; ang inyong mga damit ay hindi naluma, at ang inyong mga sandalyas ay hindi napudpod sa inyong mga paa.
I prowadziłem was przez czterdzieści lat po pustyni. Wasze szaty nie zniszczyły się na was i wasze obuwie na waszych nogach się nie zużyło.
6 Hindi kayo kumain ng kahit na anong tinapay ni uminom ng kahit na anong alak o nakakalasing na mga inumin, para inyong malaman na ako si Yahweh na inyong Diyos.
Nie jedliście chleba, nie piliście wina i mocnego napoju, abyście poznali, że ja jestem PAN, wasz Bóg.
7 Nang dumating kayo sa lugar na ito, si Sihon, ang hari ng Heshbon, at si Og, ang hari ng Bashan, ay lumabas laban sa atin para lumaban, at tinalo natin sila.
A gdy przyszliście na to miejsce, Sichon, król Cheszbonu, i Og, król Baszanu, wyruszyli przeciwko nam do walki, i pobiliśmy ich.
8 Kinuha natin ang kanilang lupain at binigay ito bilang pamana sa mga lipi ni Reuben, sa mga lipi ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manasses.
I wzięliśmy ich ziemię, i daliśmy ją jako dziedzictwo Rubenitom, Gadytom i połowie pokolenia Manassesa.
9 Kaya sundin ang mga salita ng tipang ito at gawin, para kayo ay sumagana sa lahat ng bagay na inyong gagawin.
Przestrzegajcie więc słów tego przymierza i wypełniajcie je, aby się wam szczęśliwie powodziło we wszystkim, co będziecie czynić.
10 Nakatayo kayo ngayong araw, kayong lahat, sa harapanni Yahweh na inyong Diyos; ang mga nangunguna sa inyo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga nakatatanda, at ang inyong mga opisiyal—lahat ng mga kalalakihan ng Israel,
Stoicie dziś wszyscy przed PANEM, swoim Bogiem: naczelnicy waszych pokoleń, wasi starsi, wasi przełożeni, wszyscy mężczyźni Izraela;
11 ang inyong mga anak, ang inyong mga asawa, at ang dayuhan na kasama ninyo sa inyong kampo, mula sa mga tagaputol ng inyong kahoy hanggang sa mga tagasalok ng inyong tubig.
Wasze dzieci, wasze żony i przybysz, który [mieszka] w twoim obozie; od tego, który rąbie drwa, po tego, który czerpie wodę;
12 Narito kayong lahat para pumasok sa tipan ni Yahweh na inyong Diyos at sa pangakao na ginagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ngayon,
Aby wejść w przymierze z PANEM, swoim Bogiem, i w jego przysięgę, którą PAN, twój Bóg, zawiera dziś z tobą;
13 para ngayon ay maaari niya kayong gawing isang bayan para sa kaniyang sarili, at sa ganoon siya ay maging Diyos para sa inyo, gaya ng sinabi niya sa inyo, at gaya ng sinumpa niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
Aby cię dziś ustanowić dla siebie ludem i żeby on sam był dla ciebie Bogiem, tak jak ci powiedział i tak jak poprzysiągł twoim ojcom: Abrahamowi, Izaakowi i Jakubowi.
14 At hindi ko lamang ginagawa para inyo ang tipang ito at itong panunumpa,
Nie tylko z wami zawieram to przymierze i tę przysięgę;
15 —kasama ng lahat ng nakatayo ngayon na narito kasama natin sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, pero pati narin sa mga kasama natin na wala rito ngayon.
Lecz z każdym, kto dziś stoi tu z nami przed PANEM, naszym Bogiem, i z każdym, kogo tu dziś z nami nie ma.
16 Alam ninyo kung paano tayo namuhay sa lupain ng Ehipto, at kung paano tayo pumasok sa gitna ng mga bansa na inyong dinaanan.
Wy bowiem wiecie, jak mieszkaliśmy w ziemi Egiptu i jak przechodziliśmy wśród narodów, które minęliśmy;
17 Nakita ninyo ang kanilang mga nakasusuklam na mga bagay: kanilang mga diyus-diyosan na kahoy at bato, pilak at ginto, na nabibilang sa kanila,
I widzieliście ich obrzydliwości i posągi z drewna i kamienia, ze srebra i złota, które są u nich.
18 kung kaya't marapat na wala sinumang sa inyo, lalaki, babae, pamilya, o lipi na ang puso ay tatalikod ngayon mula kay Yahweh na ating Diyos, para sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bansang iyon—kung kaya't marapat na wala sa inyo ang anumang ugat na nagbubunga ng apdo at halamang mapait,
Niech nie będzie wśród was mężczyzny ani kobiety, ani rodziny, ani pokolenia, których serce odwróciłoby się dziś od PANA, naszego Boga, by iść i służyć bogom tych narodów i żeby nie było wśród was korzenia wydającego żółć i piołun;
19 para kapag marinig ng taong iyon ang mga salita ng sumpang ito, hindi niya dapat basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso at sabihing, 'magkakaroon ako ng kapayapaan, kahit na maglalakad ako sa katigasan ng aking puso.' Sisirain nito ang basa kasama ang tuyo.
Który gdy usłyszy słowa tego przekleństwa, pobłogosławi sobie w sercu, mówiąc: Będę miał pokój, chociaż będę postępował według zdania mego serca, dodając pijaństwo do pragnienia.
20 Hindi siya papatawarin ni Yahweh, pero sa halip, ang galit ni Yahweh at kanyang pagseselos ay mag-iinit laban sa taong iyon, at ang lahat ng mga sumpa na nakasulat sa aklat na ito ay mapapasakanya, at tatanggalin ni Yahweh ang kanyang pangalan mula sa ilalim ng langit.
PAN nie zechce mu przebaczyć, lecz zapali się gniew PANA i jego zazdrość przeciwko temu człowiekowi, spadną na niego wszystkie przekleństwa, które są zapisane w tej księdze, i PAN wymaże jego imię spod nieba.
21 Ibubukod siya ni Yahweh para sa sakuna na mula sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa pagsunod sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nakasulat sa aklat ng batas na ito.
I PAN go oddzieli ku złemu ze wszystkich pokoleń Izraela według wszystkich przekleństw przymierza zapisanych w księdze tego Prawa.
22 Ang darating na salinlahi, ang mga anak ninyo na lilitaw pagkatapos ninyo, at ang dayuhan na nagmula sa isang malayong lupain, ay magsasalita kapag nakita nila ang mga salot sa lupaing ito at ang mga karamdaman na ginawa ni Yahweh —
A wasze przyszłe pokolenie, wasi synowie, którzy powstaną po was, i cudzoziemiec, który przyjdzie z dalekiej ziemi, powiedzą, gdy zobaczą plagi tej ziemi i choroby, którymi PAN ją dotknął;
23 at kapag nakita nila ang buong lupain na naging asupre at nasusunog na asin, kung saan walang ipinunla ni namumunga, kung saan walang mga halaman ang tumutubo, katulad ng pagkabagsak ng Sodom at Gomorra, Adma at Zeboiim, na winasak ni Yahweh sa kaniyang galit at matinding poot—
Bo siarka i sól wypalą całą tę ziemię, że nie będzie obsiewana ani też nie będzie wydawać owocu i nie urośnie na niej żadna trawa jak w przypadku zniszczenia Sodomy i Gomory, Admy i Seboim, które PAN zniszczył w swoim gniewie i zapalczywości;
24 sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?'
A zapytają wszystkie narody: Dlaczego PAN tak postąpił z tą ziemią? Cóż to za żar tej wielkiej zapalczywości?
25 Pagkatapos sasabihin ng mga tao, 'Ito ay dahil pinabayaan nila ang tipan ni Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na ginawa niya sa kanila noong sila ay inilabas niya mula sa lupain ng Ehipto,
I odpowiedzą: Ponieważ porzucili przymierze PANA, Boga swych ojców, które zawarł z nimi, gdy ich wyprowadził z ziemi Egiptu.
26 at dahil sila ay pumunta at sumamba sa ibang diyus-diyosan at yumukod sa kanilang, diyus-diyosan na hindi nila kilala at ang mga hindi niya binigay sa kanila.
Poszli bowiem służyć innym bogom i oddali im pokłon – bogom, których nie znali i których im nie przydzielił.
27 Kaya ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa lupaing ito, para magdala doon ng lahat ng mga sumpa na nasusulat sa aklat na ito.
Dlatego gniew PANA zapłonął przeciw tej ziemi, aby sprowadzić na nią wszelkie przekleństwa zapisane w tej księdze.
28 Binunot sila ni Yahweh mula sa kanilang lupain sa galit, sa poot, at sa matinding galit, at itinapon sila sa ibang lupain, gaya ng ngayon.'
I PAN wykorzenił ich z ich ziemi w gniewie i zapalczywości oraz w wielkim oburzeniu i wyrzucił ich do obcej ziemi, jak to dziś [widzicie].
29 Ang mga bagay na lihim ay nabibilang lamang kay Yahweh na ating Diyos; pero ang mga bagay na inihayag ay nabibilang magpakailanman sa atin at sa ating mga kaapu-apuhan, para gawin natin ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
Rzeczy tajemne [należą] do PANA, naszego Boga, a objawione – do nas i naszych synów na wieki, abyśmy wypełniali wszystkie słowa tego prawa.