< Deuteronomio 29 >

1 Ito ang mga salita na inutos ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao ng Israel sa lupain ng Moab, mga salita na idinagdag sa tipan na kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.
These [are] the words of the covenant, which the Lord commanded Moses to make with the children of Israel in the land of Moab, besides the covenant which he made with them in Choreb.
2 Ipinatawag ni Moises ang lahat ng mga Israelita at sinabi sa kanila, “Nakita ninyo ang lahat ng bagay na ginawa ni Yahweh sa harap ng inyong mga mata sa lupain ng Ehipto kay Paraon, sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa lahat ng kanyang lupain—
And Moses called all the sons of Israel and said to them, Ye have seen all things that the Lord did in the land of Egypt before you to Pharao and his servants, and all his land;
3 ang matinding paghihirap na nakita ng inyong mga mata, ang mga pangitain, at yaong mga dakilang kababalaghan.
the great temptations which thine eyes have seen, the signs, and those great wonders.
4 Pero hanggang ngayon hindi kayo binigyan ni Yahweh ng isang puso para makaalam, mga mata para makakita, o mga tainga para makarinig.
Yet the Lord God has not given you a heart to know, and eyes to see, and ears to hear, until this day.
5 Pinamunuan ko kayo sa loob ng apatnapung taon sa ilang; ang inyong mga damit ay hindi naluma, at ang inyong mga sandalyas ay hindi napudpod sa inyong mga paa.
And he led you forty years in the wilderness; your garments did not grow old, and your sandals were not worn away off your feet.
6 Hindi kayo kumain ng kahit na anong tinapay ni uminom ng kahit na anong alak o nakakalasing na mga inumin, para inyong malaman na ako si Yahweh na inyong Diyos.
Ye did not eat bread, ye did not drink wine or strong drink, that ye might know that I [am] the Lord your God.
7 Nang dumating kayo sa lugar na ito, si Sihon, ang hari ng Heshbon, at si Og, ang hari ng Bashan, ay lumabas laban sa atin para lumaban, at tinalo natin sila.
And ye came as far as this place; and there came forth Seon king of Esebon, and Og king of Basan, to meet us in war.
8 Kinuha natin ang kanilang lupain at binigay ito bilang pamana sa mga lipi ni Reuben, sa mga lipi ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manasses.
And we smote them and took their land, and I gave it for an inheritance to Ruben and Gad, and to the half-tribe of Manasse.
9 Kaya sundin ang mga salita ng tipang ito at gawin, para kayo ay sumagana sa lahat ng bagay na inyong gagawin.
And ye shall take heed to do all the words of this covenant, that ye may understand all things that ye shall do.
10 Nakatayo kayo ngayong araw, kayong lahat, sa harapanni Yahweh na inyong Diyos; ang mga nangunguna sa inyo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga nakatatanda, at ang inyong mga opisiyal—lahat ng mga kalalakihan ng Israel,
Ye all stand to-day before the Lord your God, the heads of your tribes, and your elders, and your judges, and your officers, every man of Israel,
11 ang inyong mga anak, ang inyong mga asawa, at ang dayuhan na kasama ninyo sa inyong kampo, mula sa mga tagaputol ng inyong kahoy hanggang sa mga tagasalok ng inyong tubig.
your wives, and your children, and the stranger who is in the midst of your camp, from your hewer of wood even to your drawer of water,
12 Narito kayong lahat para pumasok sa tipan ni Yahweh na inyong Diyos at sa pangakao na ginagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ngayon,
that thou shouldest enter into the covenant of the Lord thy God and into his oaths, as many as the Lord thy God appoints thee this day;
13 para ngayon ay maaari niya kayong gawing isang bayan para sa kaniyang sarili, at sa ganoon siya ay maging Diyos para sa inyo, gaya ng sinabi niya sa inyo, at gaya ng sinumpa niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
that he may appoint thee to himself for a people, and he shall be thy God, as he said to thee, and as he sware to thy fathers, Abraam, and Isaac, and Jacob.
14 At hindi ko lamang ginagawa para inyo ang tipang ito at itong panunumpa,
And I do not appoint to you alone this covenant and this oath;
15 —kasama ng lahat ng nakatayo ngayon na narito kasama natin sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, pero pati narin sa mga kasama natin na wala rito ngayon.
but to those also who are here with you to-day before the Lord your God, and to those who are not here with you to-day.
16 Alam ninyo kung paano tayo namuhay sa lupain ng Ehipto, at kung paano tayo pumasok sa gitna ng mga bansa na inyong dinaanan.
For ye know how we dwelt in the land of Egypt, how we came through the midst of the nations through whom ye came.
17 Nakita ninyo ang kanilang mga nakasusuklam na mga bagay: kanilang mga diyus-diyosan na kahoy at bato, pilak at ginto, na nabibilang sa kanila,
And ye beheld their abominations, and their idols, wood and stone, silver and gold, which are among them.
18 kung kaya't marapat na wala sinumang sa inyo, lalaki, babae, pamilya, o lipi na ang puso ay tatalikod ngayon mula kay Yahweh na ating Diyos, para sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bansang iyon—kung kaya't marapat na wala sa inyo ang anumang ugat na nagbubunga ng apdo at halamang mapait,
Lest there be among you man, or woman, or family, or tribe, whose heart has turned aside from the Lord your God, having gone to serve the gods of these nations; lest there be in you a root springing up with gall and bitterness.
19 para kapag marinig ng taong iyon ang mga salita ng sumpang ito, hindi niya dapat basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso at sabihing, 'magkakaroon ako ng kapayapaan, kahit na maglalakad ako sa katigasan ng aking puso.' Sisirain nito ang basa kasama ang tuyo.
And it shall be if one shall hear the words of this curse, and shall flatter himself in his heart, saying, Let good happen to me, for I will walk in the error of my heart, lest the sinner destroy the guiltless with [him]:
20 Hindi siya papatawarin ni Yahweh, pero sa halip, ang galit ni Yahweh at kanyang pagseselos ay mag-iinit laban sa taong iyon, at ang lahat ng mga sumpa na nakasulat sa aklat na ito ay mapapasakanya, at tatanggalin ni Yahweh ang kanyang pangalan mula sa ilalim ng langit.
God shall by no means be willing to pardon him, but then the wrath of the Lord and his jealousy shall flame out against that man; and all the curses of this covenant shall attach themselves to him, which are written in this book, and the Lord shall blot out his name from under heaven.
21 Ibubukod siya ni Yahweh para sa sakuna na mula sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa pagsunod sa lahat ng mga sumpa ng tipan na nakasulat sa aklat ng batas na ito.
And the Lord shall separate that man for evil of all the children of Israel, according to all the curses of the covenant that are written in the book of this law.
22 Ang darating na salinlahi, ang mga anak ninyo na lilitaw pagkatapos ninyo, at ang dayuhan na nagmula sa isang malayong lupain, ay magsasalita kapag nakita nila ang mga salot sa lupaing ito at ang mga karamdaman na ginawa ni Yahweh —
And another generation shall say—even your sons who shall rise up after you, and the stranger who shall come from a land afar off, and shall see the plagues of that land and their diseases, which the Lord has sent upon it,
23 at kapag nakita nila ang buong lupain na naging asupre at nasusunog na asin, kung saan walang ipinunla ni namumunga, kung saan walang mga halaman ang tumutubo, katulad ng pagkabagsak ng Sodom at Gomorra, Adma at Zeboiim, na winasak ni Yahweh sa kaniyang galit at matinding poot—
brimstone and burning salt, (the whole land shall not be sown, neither shall any green thing spring, nor rise upon it, as Sodom and Gomorrha were overthrown, Adama and Seboim, which the Lord overthrew in his wrath and anger: )—
24 sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?'
and all the nations shall say, Why has the Lord done thus to this land? what [is] this great fierceness of anger?
25 Pagkatapos sasabihin ng mga tao, 'Ito ay dahil pinabayaan nila ang tipan ni Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na ginawa niya sa kanila noong sila ay inilabas niya mula sa lupain ng Ehipto,
And [men] shall say, Because they forsook the covenant of the Lord God of their fathers, the things which he appointed to their fathers, when he brought them out of the land of Egypt:
26 at dahil sila ay pumunta at sumamba sa ibang diyus-diyosan at yumukod sa kanilang, diyus-diyosan na hindi nila kilala at ang mga hindi niya binigay sa kanila.
and they went and served other gods, which they knew not, neither did he assign [them] to them.
27 Kaya ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa lupaing ito, para magdala doon ng lahat ng mga sumpa na nasusulat sa aklat na ito.
And the Lord was exceedingly angry with that land to bring upon it according to all the curses which are written in the book of this law.
28 Binunot sila ni Yahweh mula sa kanilang lupain sa galit, sa poot, at sa matinding galit, at itinapon sila sa ibang lupain, gaya ng ngayon.'
And the Lord removed them from their land in anger, and wrath, and very great indignation, and cast them out into another land as at present.
29 Ang mga bagay na lihim ay nabibilang lamang kay Yahweh na ating Diyos; pero ang mga bagay na inihayag ay nabibilang magpakailanman sa atin at sa ating mga kaapu-apuhan, para gawin natin ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
The secret things [belong] to the Lord our God, but the things that are revealed [belong] to us and to our children for ever, to do all the words of this law.

< Deuteronomio 29 >