< Deuteronomio 27 >
1 Inutusan ni Moises at ng mga nakatatanda ng Israel ang mga tao at sinabi, “Sundin ang lahat ng mga utos na sinasabi ko sa inyo ngayon.
Moisés, con los ancianos de Israel, mandó al pueblo: Guarden todos los Mandamientos que les ordeno hoy.
2 Sa araw na inyong tatawirin ang Jordan patungo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, dapat maglagay kayo ng ilang malalaking mga bato at ito'y palitadahan ang ito ng palitada.
El día cuando pases el Jordán hacia la tierra que Yavé tu ʼElohim te da, te erigirás unas piedras grandes y las enlucirás con cal.
3 Dapat ninyong isulat ang lahat ng mga salita ng kautusang ito kapag nakatawid na kayo; upang makapunta kayo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, tulad ng ipinangako ni Yahweh sa inyo, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
Escribirás sobre ellas todas las Palabras de esta Ley, tan pronto como pases para entrar en la tierra que Yavé tu ʼElohim te da, tierra que fluye leche y miel, como te dijo Yavé, el ʼElohim de tus antepasados.
4 Kapag nakatawid na kayo ng Jordan, ilagay ninyo ang mga batong ito sa Bundok Ebal na iniutos ko sa inyo ngayon, at ito'y palitadahan ito ng palitada.
Así que cuando cruces el Jordán, erigirás en la montaña Ebal estas piedras que yo les mando hoy, y las enlucirás con cal.
5 Doon dapat kayong magtayo ng altar para kay Yahweh na inyong Diyos, isang altar ng mga bato; pero hindi ninyo dapat gagamitan ng kasangkapang bakal ang pagtatayo ng mga bato.
Edificarás allí un altar de piedras a Yavé tu ʼElohim. No alzarás herramienta de hierro sobre ellas.
6 Dapat magtayo kayo ng altar ni Yahweh na inyong Diyos ng mga hindi hinugisang bato; dapat ninyong ialay doon ang mga handog na susunugin para kay Yahweh na inyong Diyos,
Construirás el altar de Yavé tu ʼElohim de piedras enteras, y ofrecerás sobre él holocausto a Yavé tu ʼElohim.
7 at mag-aalay kayo ng mga handog para sa pagtitipon-tipon at kumain doon; magdiriwang kayo sa harap ni Yahweh na inyong Diyos.
Allí sacrificarás ofrendas de paz, comerás, te regocijarás delante de Yavé tu ʼElohim,
8 Isusulat ninyo sa mga bato ang lahat ng mga salita ng kautusang ito ng malinaw.”
y escribirás muy claramente sobre las piedras todas las Palabras de esta Ley.
9 Nagsalita si Moises at ang mga pari, ang mga Levita, sa buong Israel at sinabing, “Kayo ay tumahimik at makinig, Israel: Ngayon naging lahi na kayo ni Yahweh na inyong Diyos.
Después Moisés y los levitas sacerdotes hablaron a todo Israel, y dijeron: Guarda silencio y escucha, oh Israel. Hoy eres pueblo de Yavé tu ʼElohim.
10 Sa gayon, Dapat ninyong sundin ang boses ni Yahweh na inyong Diyos at sundin ang kaniyang mga utos at mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon.”
Así que escucharás la voz de Yavé tu ʼElohim y cumplirás sus Mandamientos y Estatutos que yo te ordeno hoy.
11 Sa araw ding iyon inutusan ni Moises ang mga tao at sinabi,
También Moisés mandó al pueblo aquel día:
12 “Pagkatapos ninyong tawirin ang Jordan, dapat tumayo ang mga liping ito sa Bundok Gerizim para pagpalain ang mga tao: sina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin.
Cuando pases el Jordán, éstos estarán en la montaña Gerizim para bendecir al pueblo: Simeón, Leví, Judá, Isacar, José y Benjamín.
13 At dapat tumayo ang mga liping ito sa Bundok ng Ebal para bigkasin ang mga sumpa: sina Ruben, Gad, Aser, Zabulon, Dan, at Naftali.
Éstos estarán en la montaña Ebal para pronunciar la maldición: Rubén, Gad, Aser, Zabulón, Dan y Neftalí.
14 Ang mga Levita ay sasagot at sasabihin sa lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa malakas na boses:
Entonces los levitas hablarán y dirán en voz alta a todos los hombres de Israel:
15 'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el hombre que haga un ídolo o una imagen de fundición, repugnancia a Yavé, obra de manos de artesano, y la erija en secreto! Y todo el pueblo responderá: ¡Amén!
16 'Nawa'y isumpa ang taong hind pinaparangalan ang kaniyang ama o sa kaniyang ina.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabing, 'Amen.'
¡Maldito el que deshonre a su padre o a su madre! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
17 'Nawa'y isumpa ang taong magtatanggal ng palatandaan sa lupa ng kaniyang kapitbahay.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que mueva el lindero de su vecino! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
18 'Nawa'y isumpa ang taong inililigaw ang bulag mula sa daan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que extravíe al ciego en el camino! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
19 'Nawa'y isumpa ang taong nagkakait ng katarungan na nararapat sa isang dayuhan, ulila, o balo.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que pervierta el derecho del extranjero, del huérfano y de la viuda! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
20 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa asawa ng kaniyang ama, dahil kinuha niya ang karapatan ng kaniyang ama.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que se una a la esposa de su padre, porque descubre la falda de su padre! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
21 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa anumang uri ng hayop.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que se ayunte con cualquier animal! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
22 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, ang anak na babae ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que se una a su hermana, hija de su padre o hija de su madre! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
23 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa kaniyang biyenang babae.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que se una a su suegra! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
24 'Nawa'y isumpa ang taong lihim na pinatay ang kaniyang kapwa.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que asesine a su prójimo en lo oculto! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
25 'Nawa'y isumpa ang taong tumatanggap ng isang suhol para pumatay ng taong walang kasalanan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que reciba soborno para matar al inocente! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!
26 'Nawa'y isumpa ang taong hindi magpatunay sa mga salita ng kautusang ito, para sundin ang mga ito.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
¡Maldito el que no confirme las palabras de esta Ley para cumplirlas! Y todo el pueblo dirá: ¡Amén!