< Deuteronomio 24 >

1 Kapag ang isang lalaki ay kumuha ng isang asawa at pinakasalan niya, kung wala siyang nakitang pabor sa kaniyang mga mata dahil nakakita siya ng hindi angkop na bagay sa kaniya, dapat siyang sumulat ng liham ng pagkakahiwalay, ilagay ito sa kaniyang kamay at palabasin siya sa kaniyang bahay.
כִּֽי־יִקַּח אִישׁ אִשָּׁה וּבְעָלָהּ וְהָיָה אִם־לֹא תִמְצָא־חֵן בְּעֵינָיו כִּי־מָצָא בָהּ עֶרְוַת דָּבָר וְכָתַב לָהּ סֵפֶר כְּרִיתֻת וְנָתַן בְּיָדָהּ וְשִׁלְּחָהּ מִבֵּיתֽוֹ׃
2 Kapag siya umalis sa kaniyang bahay, maaari siyang umalis at maging asawa ng ibang lalaki.
וְיָצְאָה מִבֵּיתוֹ וְהָלְכָה וְהָיְתָה לְאִישׁ־אַחֵֽר׃
3 Kung ang pangalawang asawang lalaki ay napoot sa kaniya at sinulatan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, inilalagay ito sa kaniyang kamay at pinaalis niya sa kaniyang bahay; o kung namatay ang pangalawang asawang lalaki, ang lalaking kumuha sa kaniya para magiging kaniyang asawa—
וּשְׂנֵאָהּ הָאִישׁ הָאַחֲרוֹן וְכָתַב לָהּ סֵפֶר כְּרִיתֻת וְנָתַן בְּיָדָהּ וְשִׁלְּחָהּ מִבֵּיתוֹ אוֹ כִי יָמוּת הָאִישׁ הָאַחֲרוֹן אֲשֶׁר־לְקָחָהּ לוֹ לְאִשָּֽׁה׃
4 pagkatapos ang kaniyang dating asawa na unang nagpalayas sa kaniya, maaaring hindi niya ito tanggapin na kaniyang asawa, matapos na siya'y maging marumi, dahil iyon ay hindi kalugod-lugod sa harapan ni Yahweh. Hindi ka dapat na magdulot sa lupain na maging makasalanan, ang lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
לֹא־יוּכַל בַּעְלָהּ הָרִאשׁוֹן אֲשֶֽׁר־שִׁלְּחָהּ לָשׁוּב לְקַחְתָּהּ לִהְיוֹת לוֹ לְאִשָּׁה אַחֲרֵי אֲשֶׁר הֻטַּמָּאָה כִּֽי־תוֹעֵבָה הִוא לִפְנֵי יְהוָה וְלֹא תַחֲטִיא אֶת־הָאָרֶץ אֲשֶׁר יְהוָה אֱלֹהֶיךָ נֹתֵן לְךָ נַחֲלָֽה׃
5 Kapag ang lalaki ay kumuha ng bagong asawa, hindi siya sasama sa labanan kasama ang hukbo, ni utusan ng sapilitang tungkulin; siya ay malaya na nasa kaniyang bahay sa loob ng isang taon at magpapasaya sa kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
כִּֽי־יִקַּח אִישׁ אִשָּׁה חֲדָשָׁה לֹא יֵצֵא בַּצָּבָא וְלֹא־יַעֲבֹר עָלָיו לְכָל־דָּבָר נָקִי יִהְיֶה לְבֵיתוֹ שָׁנָה אֶחָת וְשִׂמַּח אֶת־אִשְׁתּוֹ אֲשֶׁר־לָקָֽח׃
6 Walang tao ang maaaring kumuha ng gilingan o sa mataas na gilingang bato bilang isang sangla, dahil iyon ay pagkuha ng buhay ng taoo bilang kasunduan.
לֹא־יַחֲבֹל רֵחַיִם וָרָכֶב כִּי־נֶפֶשׁ הוּא חֹבֵֽל׃
7 Kung ang isang tao ay natagpuang dinudukot ang sinuman sa kaniyang mga kapatid mula sa bayan ng Israel at pinakitunguhan niya bilang isang alipin at binenta siya, ang magnanakaw na iyon ay dapat mamatay; at alisin ninyo ang kasamaan sa inyo.
כִּי־יִמָּצֵא אִישׁ גֹּנֵב נֶפֶשׁ מֵאֶחָיו מִבְּנֵי יִשְׂרָאֵל וְהִתְעַמֶּר־בּוֹ וּמְכָרוֹ וּמֵת הַגַּנָּב הַהוּא וּבִֽעַרְתָּ הָרָע מִקִּרְבֶּֽךָ׃
8 Pakinggang mabuti ang tungkol sa anumang sakit ng ketong, sa gayon bigyan ninyo ng mainamn na pansin at sumunod sa bawat tagubilin sa inyo ng mga pari, na mga levita, na nagturo sa inyo; ayon sa iniutos ko sa kanila, para kayo ay kumilos.
הִשָּׁמֶר בְּנֶֽגַע־הַצָּרַעַת לִשְׁמֹר מְאֹד וְלַעֲשׂוֹת כְּכֹל אֲשֶׁר־יוֹרוּ אֶתְכֶם הַכֹּהֲנִים הַלְוִיִּם כַּאֲשֶׁר צִוִּיתִם תִּשְׁמְרוּ לַעֲשֽׂוֹת׃
9 Isaisip kung ano ang ginawa ni Yahweh na iyong Diyos kay Miriam, nang kayo'y lumabas sa Ehipto.
זָכוֹר אֵת אֲשֶׁר־עָשָׂה יְהוָה אֱלֹהֶיךָ לְמִרְיָם בַּדֶּרֶךְ בְּצֵאתְכֶם מִמִּצְרָֽיִם׃
10 Kapag ikaw ay magpapahiram sa inyong kapitbahay ng anumang uri ng utang, huwag kayong papasok sa kaniyang bahay para kunin ang kaniyang inutang.
כִּֽי־תַשֶּׁה בְרֵֽעֲךָ מַשַּׁאת מְאוּמָה לֹא־תָבֹא אֶל־בֵּיתוֹ לַעֲבֹט עֲבֹטֽוֹ׃
11 Ikaw ay tatayo sa labas at ang taong inyong pinahiram ay dadalhin sa labas ang uinutang niya sa inyo.
בַּחוּץ תַּעֲמֹד וְהָאִישׁ אֲשֶׁר אַתָּה נֹשֶׁה בוֹ יוֹצִיא אֵלֶיךָ אֶֽת־הַעֲבוֹט הַחֽוּצָה׃
12 Kung siya ay isang taong mahirap, huwag kayong matulog sinangla niya na nasa inyong pag-aari.
וְאִם־אִישׁ עָנִי הוּא לֹא תִשְׁכַּב בַּעֲבֹטֽוֹ׃
13 Kapag lumubog ang araw, siguraduhing isuli sa kaniya ang sinangla niya sa paglubog ng araw, para siya ay makatulog sa kaniyang balabal at pagpalain ka, ito ay magiging matuwid sa harapan ni Yahweh na iyong Diyos.
הָשֵׁב תָּשִׁיב לוֹ אֶֽת־הַעֲבוֹט כְּבֹא הַשֶּׁמֶשׁ וְשָׁכַב בְּשַׂלְמָתוֹ וּבֵֽרֲכֶךָּ וּלְךָ תִּהְיֶה צְדָקָה לִפְנֵי יְהוָה אֱלֹהֶֽיךָ׃
14 Hindi dapat ninyo pahirapan ang isang inuupahang lingkod na mahirap at nangangailangan, maging siya ay kapwa mong mga Israelita, o mga dayuhan na nasa inyong lupain sa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod;
לֹא־תַעֲשֹׁק שָׂכִיר עָנִי וְאֶבְיוֹן מֵאַחֶיךָ אוֹ מִגֵּרְךָ אֲשֶׁר בְּאַרְצְךָ בִּשְׁעָרֶֽיךָ׃
15 Bawat araw dapat ninyo ibigay sa kaniya ang kaniyang sahod, dapat hindi lulubog ang araw na hindi siya mabayaran, dahil siya ay mahirap at umaasa dito. Gawin ito para hindi siya dumaing kay Yahweh laban sa inyo at hindi ito magiging kasalanan na iyong nagawa.
בְּיוֹמוֹ תִתֵּן שְׂכָרוֹ וְֽלֹא־תָבוֹא עָלָיו הַשֶּׁמֶשׁ כִּי עָנִי הוּא וְאֵלָיו הוּא נֹשֵׂא אֶת־נַפְשׁוֹ וְלֹֽא־יִקְרָא עָלֶיךָ אֶל־יְהוָה וְהָיָה בְךָ חֵֽטְא׃
16 Hindi dapat patayin ang mga magulang para sa kanilang mga anak, ni ang mga anak ay papatayin para sa kanilang mga magulang; sa halip, bawat isa ay dapat patayin para sa sariling nilang kasalanan.
לֹֽא־יוּמְתוּ אָבוֹת עַל־בָּנִים וּבָנִים לֹא־יוּמְתוּ עַל־אָבוֹת אִיש בְּחֶטְאוֹ יוּמָֽתוּ׃
17 Huwag ninyong piliting ilayo ang hustisya na nararapat sa dayuhan o as ulila, o kunin ang damit ng balo bilang kabayaran sa utang.
לֹא תַטֶּה מִשְׁפַּט גֵּר יָתוֹם וְלֹא תַחֲבֹל בֶּגֶד אַלְמָנָֽה׃
18 Sa halip, dapat ninyong isaisip na kayo ay isang alipin sa Ehipto at si Yahweh na inyong Diyos ay iniligtas kayo mula doon. Samakatuwid, tinuturuan ko kayo na sumunod sa utos na ito.
וְזָכַרְתָּ כִּי עֶבֶד הָיִיתָ בְּמִצְרַיִם וַֽיִּפְדְּךָ יְהוָה אֱלֹהֶיךָ מִשָּׁם עַל־כֵּן אָנֹכִי מְצַוְּךָ לַעֲשׂוֹת אֶת־הַדָּבָר הַזֶּֽה׃
19 Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay.
כִּי תִקְצֹר קְצִֽירְךָ בְשָׂדֶךָ וְשֽׁ͏ָכַחְתָּ עֹמֶר בַּשָּׂדֶה לֹא תָשׁוּב לְקַחְתּוֹ לַגֵּר לַיָּתוֹם וְלָאַלְמָנָה יִהְיֶה לְמַעַן יְבָרֶכְךָ יְהוָה אֱלֹהֶיךָ בְּכֹל מַעֲשֵׂה יָדֶֽיךָ׃
20 Kapag inalog niyo ang puno ng olibo, dapat hindi na ninyo babalikang muli ang mga sanga, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.
כִּי תַחְבֹּט זֵֽיתְךָ לֹא תְפַאֵר אַחֲרֶיךָ לַגֵּר לַיָּתוֹם וְלָאַלְמָנָה יִהְיֶֽה׃
21 Kapag pinagtipon-tipon ninyo ang mga ubas sa inyong ubasan, hindi mo na dapat pulutin ang nasa likuran mo, ito ay para na sa dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.
כִּי תִבְצֹר כַּרְמְךָ לֹא תְעוֹלֵל אַחֲרֶיךָ לַגֵּר לַיָּתוֹם וְלָאַלְמָנָה יִהְיֶֽה׃
22 Dapat ninyong isaisip na kayo ay naging isang alipin sa lupain ng Ehipto; kaya't itinuturo ko sa inyo na sundin ang utos na ito.
וְזָכַרְתָּ כִּי־עֶבֶד הָיִיתָ בְּאֶרֶץ מִצְרָיִם עַל־כֵּן אָנֹכִי מְצַוְּךָ לַעֲשׂוֹת אֶת־הַדָּבָר הַזֶּֽה׃

< Deuteronomio 24 >