< Deuteronomio 23 >

1 Sinumang lalaki na ang kanilang mga pribadong bahagi ay nadurog o naputol ay hindi maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.
凡外腎受傷或被閹割的人,不得進入上主的集會。
2 Walang anak sa labas ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh; hanggang sa ikasampung salinlahi ng kaniyang mga kaapu-apuhan, wala sa kanila ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.
私生子不得進入上主的集會;他的後代即便到了第十代,也不得進入上主的集會。
3 Isang Ammonita o isang Moabita ay hindi maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh; hanggang sa ikasampung salinlahi ng kaniyang mga kaapu-apuhan, wala sa kanila ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.
阿孟人和摩阿布人不得進入上主的集會;他們的後代,即便到第十代,也永不得進入上主的集會;
4 Ito ay dahil hindi nila kayo sinalubong ng may tinapay at tubig sa daan, noong kayo ay lumabas sa Ehipto, at dahil inupahan nila laban sa inyo si Balaam ang anak na lalaki ni Beor mula Petor sa Aram Naharaim, para sumpain kayo.
因為當你們出離埃及時,他們沒有帶食物和水,在路上前來迎接你們;又因他們從美索不達米亞的培托爾,雇了貝熬爾的兒子巴郎來咒罵你;
5 Pero si Yahweh na inyong Diyos ay hindi nakinig kay Balaam; sa halip, si Yahweh na inyong Diyos ay ginawa pagpapala ang mga sumpa para sa inyo, dahil si Yahweh na inyong Diyos ay minahal kayo.
但是上主你的天主不但不願聽從巴郎,上主你的天主反而將咒罵變為你的祝福,因為上主你的天主愛你。
6 Hindi ninyo dapat hanapin ang kanilang kapayapaan o kaunlaran, sa lahat ng inyong araw.
你一生永遠不要為他們謀安寧和幸福。
7 Hindi ninyo dapat kamuhian ang isang Edomita, dahil siya ay kapwa ninyo Israelita; hindi ninyo dapat kasuklaman ang isang taga-Ehipto, dahil kayo ay dating isang dayuhan sa kaniyang lupain.
你不可憎恨厄東人,因為他是你的兄弟;也不可憎恨埃及人,因為你曾在他們國內做過僑民。
8 Ang mga kaapu-apuhan ng ikatlong salinlahi na isinilang sa kanila ay maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.
他們所生的子孫到了第三代,即能進入上主的集會。
9 Kapag kayo ay maglalakad bilang isang hukbo laban sa inyong mga kaaway, dapat ninyong bantayan ang inyong mga sarili mula sa masasamang bagay.
幾時你出征紮營,攻打你的仇敵,應避免一切惡事。
10 Kung mayroon man sa inyong isang lalaki na marumi dahil sa nangyari sa kaniya kinagabihan, dapat siyang lumabas sa kampo ng mga sundalo; hindi siya dapat bumalik sa kampo.
你中間如有人夜間夢遺,即成為不潔,應走出營外,不可進入營內;
11 Kapag sumapit na ang gabi, dapat niyang paliguan ang kaniyang sarili sa tubig, kapag lumubog na ang araw, maaari na siyang bumalik sa loob ng kampo.
傍晚時,應用水洗澡,日落時,才能進營。
12 Dapat kayong magkaroon ng isang lugar sa labas ng kampo kung saan maaari kayong pumunta;
在營外應有廁所,你應去那裏便溺。
13 at magkaroon kayo sa inyong mga kagamitan ng magagamit panghukay; kapag kayo ay tumingkayad para maginhawaan ang inyong sarili, dapat kayong maghukay gamit ito at pagkatapos ay lagyan muli ng lupa para takpan ang anumang lumabas mula sa inyo.
在你的武器中;應有一把鏟;當你在外便溺時,用它來掘坑,然後用以剷土掩蓋糞便。
14 Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay naglalakad sa gitna ninyo para bigyan kayo ng tagumpay at ibigay ang inyong mga kalaban sa inyo. Kaya dapat ninyong gawing banal ang kampo, nang sa ganun wala siyang makitang maruming bagay sa inyo at tumalikod mula sa inyo.
因為上主你的天主在你營中往來,為救護你,將你的仇人交給你,所以你的營地應當聖潔,免得他在你那裏見到討厭的事,而離棄你。
15 Hindi ninyo dapat ibalik sa kaniyang amo ang isang alipin na tumakas mula sa kaniyang amo.
凡由主人逃到你這裏來的奴僕,你不應將他交給他的主人;
16 Hayaan ninyo siyang manirahan kasama ninyo, sa anumang bayan na kaniyang pipiliin. Huwag ninyo siyang pahirapan.
他應在你中間與你同住,住在他自己所選的地方,住在他喜歡的一座城內;你不可欺負他。
17 Hindi dapat magkaroon ng bayarang babae sa sinuman sa mga anak na babae ng Israel, ni hindi dapat magkaroon ng bayarang lalaki sa mga anak na lalaki ng Israel.
以色列婦女中不可有人當廟妓,以色列男人中亦不可有人作廟倡。
18 Hindi dapat kayo magdala ng mga kabayaran sa isang bayarang babae, o mga kabayaran sa isang bayarang lalaki, sa bahay ni Yahweh na inyong Diyos sa anumang panata; dahil ang dalawang bagay na ito ay kasuklamsuklam kay Yahweh na inyong Diyos.
你不可賣淫的酬金和賣狗的代價,帶到上主你天主的殿內,還任何誓願,因為這兩樣於上主你的天主都是可憎惡的。
19 Hindi dapat kayo magpahiram ng may tubo sa kapwa ninyo Israelita—tubo sa pera, tubo sa pagkain, o tubo sa kahit na anong pinapahiram na may tubo.
借給你兄弟銀錢、食物,或任何能生利之物,你不可取利。
20 Sa isang dayuhan ay maaari kayong magpahiram ng may tubo; pero sa inyong kapwa Israelita ay hindi kayo dapat magpahiram ng mayroong tubo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng paglagyan ng inyong kamay, sa lupain kung saan ay inyong aangkinin.
對外方人你可取利,對你兄弟卻不可取利,好使上主你的天主在你要去佔領的地上,祝福你進行的一切事業。
21 Kapag kayo ay gumawa ng panata kay Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat kayo matagal sa pagtupad nito, dahil si Yahweh na inyong Diyos ay tiyak hihingiin ito sa inyo; magiging kasalanan ito kapag hindi ninyo ito tutuparin.
幾時你向上主你的天主許願,不要遲延還願,因為上主你的天主必向你追討,你就不免有罪了。
22 Pero kung pipigilan ninyo ang inyong sarili sa pag-gawa ng isang panata, ito ay hindi na magiging kasalanan sa inyo.
如果你不許願,你就沒有罪。
23 Ang lumabas sa inyong mga labi ay dapat ninyong tuparin at gawin; ayon sa inyong naipanata kay Yahweh na inyong Diyos, anumang bagay na malaya ninyong naipangako sa pamamagitan ng inyong bibig.
凡你口中說出來的,你應遵守;凡你親口說出向上主你的天主所許的願,你應執行。
24 Kapag kayo ay pumunta sa ubasan ng inyong kapitbahay, maaari kayong kumain ng dami ng mga ubas hanggang sa nais ninyo, Pero huwag kayong maglagay ng ilan man sa inyong buslo.
幾時你進入你鄰人的葡萄園,你可隨意摘食葡萄,可以吃飽,但不可裝入你的器皿內。
25 Kapag kayo ay pumunta sa hinog na bunga ng inyong kapitbahay, maaari ninyong pitasin ang mga ulo ng butil sa pamamagitan ng inyong kamay, pero huwag ninyong lagyan ng karit sa hinog na butil ng inyong kapitbahay.
幾時你進入你鄰人的麥田,可以伸手摘麥穗,但不可在你鄰人的麥田內動鐮刀。

< Deuteronomio 23 >