< Deuteronomio 20 >

1 Kapag martsa na kayo para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway, at nakakita ng mga kabayo, mga karwaheng pandigma, at maraming bilang ng tao kaysa inyo, hindi dapat kayo matakot sa kanila; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
네가 나가 대적과 싸우려할 때에 말과 병거와 민중이 너보다 많음을 볼지라도 그들을 두려워 말라! 애굽 땅에서 너를 인도하여 내신 네 하나님 여호와께서 너와 함께 하시느니라!
2 Kapag kayo ay malapit na sa digmaan, dapat na lumapit ang pari at magsalita sa mga tao,
너희가 싸울 곳에 가까이 가거든 제사장은 백성에게 나아가서 고하여
3 at sabihin sa kanila, 'Makinig kayo, Israel, malapit na kayo ngayon sa digmaan laban sa inyong mga kaaway; huwag kayong panghinaan ng loob; huwag kayong matakot, ni manginig, ni matakot sa kanila;
그들에게 이르기를 이스라엘아 들으라! 너희가 오늘날 너희의 대적과 싸우려고 나아왔으니 마음에 겁내지 말며 두려워 말며 떨지말며 그들로 인하여 놀라지 말라
4 dahil si Yahweh na inyong Diyos ang siyang sasama sa ninyo para ipaglaban kayo laban sa inyong mga kaaway at para kayo ay iligtas.'
너희 하나님 여호와는 너희와 함께 행하시며 너희를 위하여 너희 대적을 치고 너희를 구원하시는 자니라 할 것이며
5 Dapat makipag usap ang mga opisyal sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na nagtayo ng isang bagong bahay at hindi ito inihinandog? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang tahanan, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang tao ang maghandog nito.
유사들은 백성에게 고하여 이르기를 새집을 건축하고 낙성식을 행치 못한 자가 있느냐? 그는 집으로 돌아갈지니 전사하면 타인이 낙성식을 행할까 하노라
6 Anong lalaki ang naroon na siyang nagtanim ng isang ubasan at hindi nagamit ang bunga nito? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang gagamit ng bunga nito.
포도원을 만들고 그 과실을 먹지 못한 자가 있느냐? 그는 집으로 돌아갈지니 전사하면 타인이 그 과실을 먹을까 하노라
7 Anong lalaki ang naroon na siyang nakatakdang ipakasal sa isang babae pero hindi pa niya pinakasalan? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang mapangasawa niya.'
여자와 약혼하고 그를 취하지 못한 자가 있느냐? 그는 집으로 돌아갈지니 전사하면 타인이 그를 취할까 하노라 하고
8 Ang mga opisyal ay dapat pang magsalita sa mga tao at sabihing, 'Anong lalaki ang naroon na siyang natatakot o naduduwag? Hayaan siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay, para ang puso ng kaniyang kapatid ay hindi matunaw tulad ng kaniyang sariling puso.'
유사들은 오히려 또 백성에게 고하여 이르기를 두려워서 마음에 겁내는 자가 있느냐? 그는 집으로 돌아갈지니 그 형제들의 마음도 그의 마음과 같이 떨어질까 하노라 하여
9 Kapag natapos ng magsalita ang mga opisyal sa mga tao, dapat silang magtalaga ng mga mamumuno sa kanila.
백성에게 이르기를 필한 후에 군대의 장관들을 세워 무리를 거느리게 할지니라
10 Kapag kayo ay nagmartsa para salakayin ang isang lungod, gumawa ng isang handog ng pangkapayapaan sa mga taong iyon.
네가 어떤 성읍으로 나아가서 치려할 때에 그 성에 먼저 평화를 선언하라!
11 Kung tanggapin nila ang inyong alok at buksan ang kanilang mga tarangkahan, lahat ng mga taong matagpuan rito ay dapat sapilitang magtrabaho para sa inyo at dapat na maglingkod sa inyo.
그 성읍이 만일 평화하기로 회답하고 너를 향하여 성문을 열거든 그 온 거민으로 네게 공을 바치고 너를 섬기게 할 것이요
12 Pero kung walang mag-alok ng kapayapaan sa inyo, sa halip ay makipagdigmaan laban sa inyo, kung ganun dapat ninyo itong salakayin,
만일 너와 평화하기를 싫어하고 너를 대적하여 싸우려 하거든 너는 그 성읍을 에워쌀 것이며
13 at kapag ibinigay na sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at ilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyong patayin ang bawat lalaki sa bayan.
네 하나님 여호와께서 그 성읍을 네 손에 붙이시거든 너는 칼날로 그 속의 남자를 다 쳐 죽이고
14 Pero ang mga kababaihan, ang mga bata, mga baka, at lahat ng bagay na nasa lungsod, at lahat ng mapapakinabangan nito, kunin bilang inyo samsam ang lahat ng ito para sa iyong sarili. Gamitin ninyo ang nasamsam mula sa inyong mga kaaway, na siyang si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay sa inyo.
오직 여자들과 유아들과 육축과 무릇 그 성중에서 네가 탈취한 모든 것은 네 것이니 취하라 네가 대적에게서 탈취한 것은 네 하나님 여호와께서 네게 주신 것인즉 너는 그것을 누릴지니라
15 Dapat kayong kumilos sa ganitong paraan tungo sa lahat ng mga lungsod na sadyang malayo mula sa inyo, mga lungsod na hindi nabibilang sa mga lungsod na sumusunod sa mga bansang ito.
네가 네게서 멀리 떠난 성읍들 곧 이 민족들에게 속하지 아니한 성읍들에게는 이같이 행하려니와
16 Sa mga lungsod ng mga taong ito na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana, wala dapat kayong ililigtas ng buhay sa mga humihinga.
오직 네 하나님 여호와께서 네게 기업으로 주시는 이 민족들의 성읍에서는 호흡 있는 자를 하나도 살리지 말지니
17 Sa halip, ganap ninyo silang wasakin: ang Heteo, ang Amoreo, ang Cananeo, ang Perezeo, Heviteo, at ang Jebuseo, tulad ng inutos ni Yahweh na inyong Diyos.
곧 헷 족속과, 아모리 족속과, 가나안 족속과, 브리스 족속과, 여부스 족속을 네가 진멸하되 네 하나님 여호와께서 네게 명하신 대로 하라
18 Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
이는 그들이 그 신들에게 행하는 모든 가증한 일로 너희에게 가르쳐 본받게 하여 너희로 너희의 하나님 여호와께 범죄케 할까 함이니라
19 Kapag sasalakayin ninyo ang isang lungsod sa mahabang panahon, sa pakikipaglaban ninyo dito para makuha ito, hindi ninyo dapat sirain ang mga puno nito sa pagputol gamit ang palakol laban sa kanila. Dahil maaari kayong kumain mula sa mga ito, kaya hindi ninyo dapat sila putulin. Dahil ang puno ba sa bukid ay ang taong dapat ninyong salakayin?
너희가 어느 성읍을 오래 동안 에워싸고 쳐서 취하려 할 때에도 도끼를 둘러 그 곳의 나무를 작벌하지 말라 이는 너희의 먹을 것이 될 것임이니 찍지 말라 밭의 수목이 사람이냐? 너희가 어찌 그것을 에워싸겠느냐?
20 Ang mga puno lamang na alam ninyong punong hindi makakain, ang maaari ninyong wasakin at putulin; magtatayo kayo ng mga kuta laban sa lungsod na nakikipag digma sa inyo, hanggang ito ay bumagsak.
오직 과목이 아닌 줄로 아는 수목은 작벌하여 너희와 싸우는 그 성읍을 치는 기구를 만들어 그 성읍을 함락시킬 때까지 쓸지니라

< Deuteronomio 20 >