< Deuteronomio 2 >

1 Pagkatapos lumiko kami at naglakbay papunta sa ilang sa daan na patungo sa Dagat ng mga Tambo, gaya ng sinabi ni Yahweh sa akin; umikot tayo sa Bundok ng Seir sa loob ng maraming araw.
ונפן ונסע המדברה דרך ים סוף כאשר דבר יהוה אלי ונסב את הר שעיר ימים רבים׃
2 Nagsalita sa akin si Yahweh, at sinabing,
ויאמר יהוה אלי לאמר׃
3 “Kayo ay matagal nang nagpapaikut-ikot sa bundok na ito; pumunta kayo pahilaga.
רב לכם סב את ההר הזה פנו לכם צפנה׃
4 Utusan ang mga tao, sa pagsasabing, “Kayo ay dadaan sa hangganan ng lupain ng inyong mga kapatid, sa mga kaapu-apuhan ni Esau, na naninirahan sa Seir; sila ay matatakot sa inyo. Kaya mag-iingat na
ואת העם צו לאמר אתם עברים בגבול אחיכם בני עשו הישבים בשעיר וייראו מכם ונשמרתם מאד׃
5 huwag kayong makikipag-away sa kanila, dahil hindi ko ibibigay ang anumang lupain nila sa inyo, hindi, ni hindi sapat sa lupa na tumapak ang inyong paa; dahil ibinigay ko ang Bundok ng Seir kay Esau bilang isang pag-aari.
אל תתגרו בם כי לא אתן לכם מארצם עד מדרך כף רגל כי ירשה לעשו נתתי את הר שעיר׃
6 Kayo ay bibili sa kanila ng pagkain para sa pera, para kayo ay makakain; bibili rin kayo sa kanila ng tubig para sa pera, para makainom kayo.
אכל תשברו מאתם בכסף ואכלתם וגם מים תכרו מאתם בכסף ושתיתם׃
7 Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”'
כי יהוה אלהיך ברכך בכל מעשה ידך ידע לכתך את המדבר הגדל הזה זה ארבעים שנה יהוה אלהיך עמך לא חסרת דבר׃
8 Kaya tayo ay dumaan sa ating mga kapatid, ang mga kaapu-apuhan ni Esau, na naninirahan sa Seir, malayo mula sa daan ng Araba, mula sa Elat at mula sa Ezion Geber. At tayo ay lumiko at dumaan sa ilang ng Moab.
ונעבר מאת אחינו בני עשו הישבים בשעיר מדרך הערבה מאילת ומעצין גבר ונפן ונעבר דרך מדבר מואב׃
9 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag ninyong guguluhin ang Moab, at huwag kayong makikipag-away sa kanila sa labanan. Dahil hindi ko ibibibay ang kaniyang lupain sa inyo para inyong pag-arian, dahil ibinigay ko ang Ar sa mga kaapu-apuhan ni Lot, para sa kanilang pag-aari.”
ויאמר יהוה אלי אל תצר את מואב ואל תתגר בם מלחמה כי לא אתן לך מארצו ירשה כי לבני לוט נתתי את ער ירשה׃
10 (Ang Emim ang dating nanirahan doon, isang lahing kasindakila gaya ng karamihan, at kasintaas gaya ng Anakim;
האמים לפנים ישבו בה עם גדול ורב ורם כענקים׃
11 ang mga ito ay itinuring din bilang Refaim, tulad ng Anakim; pero tinawag silang Emim ng mga Moabita.
רפאים יחשבו אף הם כענקים והמאבים יקראו להם אמים׃
12 Ang mga taga-Hor ay dati ring naninirahan sa Seir, pero ang mga kaapu-apuhan ni Esau ang pumalit sa kanila. Sila ay pinuksa nila mula sa kanila at nanirahan sa kanilang lugar, gaya ng ginawa ng Israel sa lupain na kaniyang pag-aari na binigay ni Yahweh sa kanila.)
ובשעיר ישבו החרים לפנים ובני עשו יירשום וישמידום מפניהם וישבו תחתם כאשר עשה ישראל לארץ ירשתו אשר נתן יהוה להם׃
13 “'Ngayon tumayo ka at pumunta sa batis ng Zered,' Kaya nagpunta tayo sa batis ng Zered.
עתה קמו ועברו לכם את נחל זרד ונעבר את נחל זרד׃
14 Ngayon ang mga araw mula ng dumating tayo sa Kadesh Barnea hanggang tayo ay makatawid sa batis ng Zered, ay tatlumpu't-walong taon. Ito ay ang mga panahon na ang lahat ng salinlahi ng mga kalalakihan na angkop sa pakikipag-digma ay pumanaw mula sa mga tao, gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kanila.
והימים אשר הלכנו מקדש ברנע עד אשר עברנו את נחל זרד שלשים ושמנה שנה עד תם כל הדור אנשי המלחמה מקרב המחנה כאשר נשבע יהוה להם׃
15 Higit pa rito, ang kamay ni Yahweh ay laban sa salinlahing iyan para sila ay puksain mula sa mga tao hanggang sila ay mawala.
וגם יד יהוה היתה בם להמם מקרב המחנה עד תמם׃
16 Kaya nangyari ito, nang ang lahat ng mga kalalakihan na akma sa pakikipag-digma ay namatay at nawala mula sa mga tao,
ויהי כאשר תמו כל אנשי המלחמה למות מקרב העם׃
17 na sinabi ni Yahweh sa akin,
וידבר יהוה אלי לאמר׃
18 'Dadaan kayo ngayon sa Ar, ang hangganan ng Moab.
אתה עבר היום את גבול מואב את ער׃
19 Kapag kayo ay papalapit sa kabila ng mga lipi ng Ammon, huwag ninyo silang guguluhin ni huwag kayong makikipag-away sa kanila; dahil hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa mga lupain ng mga lahi ng Ammon bilang isang pag-aari; dahil ibinigay ko ito sa mga kaapu-apuhan ni Lot bilang isang pag-aari.'”
וקרבת מול בני עמון אל תצרם ואל תתגר בם כי לא אתן מארץ בני עמון לך ירשה כי לבני לוט נתתיה ירשה׃
20 (Itinuring din iyon na maging isang lupain ng Refaim. Ang Refaim ay dating nanirahan doon—pero tinawag sila ng mga Ammonita na Zamzumim—
ארץ רפאים תחשב אף הוא רפאים ישבו בה לפנים והעמנים יקראו להם זמזמים׃
21 isang dakilang lipi na gaya ng karamihan, at kasintaas ng Anakim. Pero pinuksa sila ni Yahweh sa harap ng mga Ammoneo, at sila ay pinalitan nila at nanirahan sa kanilang lugar.
עם גדול ורב ורם כענקים וישמידם יהוה מפניהם ויירשם וישבו תחתם׃
22 Gaya din ito ng ginawa ni Yahweh para sa bayan ni Esau, na nanirahan sa Seir, nang winasak niya ang mga Horeo mula sa kanila, ang mga kaapu-apuhan ni Esau ang pumalit sa kanila at sila ay nanirahan sa kanilang lugar hanggang ngayon.
כאשר עשה לבני עשו הישבים בשעיר אשר השמיד את החרי מפניהם ויירשם וישבו תחתם עד היום הזה׃
23 At ang taga-Awim, na nanirahan sa mga nayon hanggang sa layo ng Gaza—ang taga-Caftor na lumabas sa Caftor, ay winasak sila at nanirahan sa kanilang lugar.)
והעוים הישבים בחצרים עד עזה כפתרים היצאים מכפתור השמידם וישבו תחתם׃
24 “'Ngayon tumayo kayo, magpatuloy sa inyong paglalakbay, at tumawid sa lambak ng Arnon; tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyong kamay si Sihon ang Amoreo, ang hari ng Hesbon, at ang kaniyang lupain. Simulang sakupin ito, at makipaglaban kayo sa kaniya sa labanan.
קומו סעו ועברו את נחל ארנן ראה נתתי בידך את סיחן מלך חשבון האמרי ואת ארצו החל רש והתגר בו מלחמה׃
25 Ngayon uumpisahan kong lagyan ng takot at sindak sa inyo ang mga tao na nasa ilalim ng buong kalangitan; maririnig nila ang mga balita tungkol sa inyo at manginginig at magdadalamhati dahil sa inyo.'
היום הזה אחל תת פחדך ויראתך על פני העמים תחת כל השמים אשר ישמעון שמעך ורגזו וחלו מפניך׃
26 Nagpadala ako ng mga mensahero mula sa ilang ng Kedemot kay Sihon, ang hari ng Hesbon, ng may salita ng kapayapaan, na nagsasabing,
ואשלח מלאכים ממדבר קדמות אל סיחון מלך חשבון דברי שלום לאמר׃
27 'Hayaan mo na dumaan ako sa iyong lupain; dadaan ako sa malapad na daan; hindi ako liliko ni hindi sa bandang kanan o sa kaliwa.
אעברה בארצך בדרך בדרך אלך לא אסור ימין ושמאול׃
28 Magbebenta ka sa akin ng pagkain para sa pera, para ako ay makakain; bigyan mo ako ng tubig para sa pera, para ako ay makainom; paraanin mo lang ako gamit ng aking mga paa;
אכל בכסף תשברני ואכלתי ומים בכסף תתן לי ושתיתי רק אעברה ברגלי׃
29 gaya ng ginawa para sa akin ng mga kaapu-apuhan ni Esau na naninirahan sa Seir, at sa mga Moabita na nanirahan sa Ar, hanggang sa ako ay makalagpas sa Jordan sa lupaing ibinibigay sa amin ni Yahweh na ating Diyos.'
כאשר עשו לי בני עשו הישבים בשעיר והמואבים הישבים בער עד אשר אעבר את הירדן אל הארץ אשר יהוה אלהינו נתן לנו׃
30 Pero si Sihon, ang hari ng Hesbon, ay hindi kami hinayaang makalagpas sa kaniya; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay pinatigas ang kaniyang isipan at ginawang matigas ang kaniyang puso, na maaari niyang matalo sila sa pamamagitan ng inyong lakas, na ginawa niya sa araw na ito.
ולא אבה סיחן מלך חשבון העברנו בו כי הקשה יהוה אלהיך את רוחו ואמץ את לבבו למען תתו בידך כיום הזה׃
31 Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tingnan mo, Sinimulan ko na ibigay si Sihon at ang kaniyang lupain sa inyong harapan; simulan ninyong pag-arian ito, nang sa gayon maari ninyong manahin ang kaniyang lupain.'
ויאמר יהוה אלי ראה החלתי תת לפניך את סיחן ואת ארצו החל רש לרשת את ארצו׃
32 Pagkatapos nakipaglaban si Sihon sa atin, siya at lahat ng kaniyang mga tao, para makipaglaban sa Jahaz.
ויצא סיחן לקראתנו הוא וכל עמו למלחמה יהצה׃
33 Si Yahweh na ating Diyos ay ibinigay siya sa atin at tinalo natin siya; hinampas natin siya hanggang sa mamatay, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang mamamayan.
ויתנהו יהוה אלהינו לפנינו ונך אתו ואת בנו ואת כל עמו׃
34 Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang oras na iyon, at winasak natin ng ganap ang bawat lungsod na pinamumuhayan, kasama ng mga kababaihan at mga batang maliliit, wala tayong itinira.
ונלכד את כל עריו בעת ההוא ונחרם את כל עיר מתם והנשים והטף לא השארנו שריד׃
35 Ang mga baka lamang na ating kinuha bilang samsam para sa ating mga sarili, kasama ng mga sinasamsam sa mga lungsod na ating kinuha.
רק הבהמה בזזנו לנו ושלל הערים אשר לכדנו׃
36 Mula Aroer, na nasa gilid ng lambak ng Arnon, at mula sa lungsod na nasa lambak, patungong Galaad, walang isang lungsod na masyadong mataas para sa atin. Si Yahweh na ating Diyos ang siyang nagbigay sa atin ng tagumpay sa ating mga kalaban.
מערער אשר על שפת נחל ארנן והעיר אשר בנחל ועד הגלעד לא היתה קריה אשר שגבה ממנו את הכל נתן יהוה אלהינו לפנינו׃
37 Doon lamang sa lupain ng mga kaapu-apuhan ni Ammon kayo hindi pumunta, pati sa lahat ng mga gilid ng Ilog Jabbok, at mga lungsod ng maburol na bansa—saan man tayo pinagbawalan ni Yahweh na ating Diyos na puntahan.
רק אל ארץ בני עמון לא קרבת כל יד נחל יבק וערי ההר וכל אשר צוה יהוה אלהינו׃

< Deuteronomio 2 >