< Deuteronomio 17 >

1 Hindi kayong dapat maghandog kay Yahweh na inyong Diyos ng isang baka o tupa na may kapintasan o kapansanan dahil kasuklam-suklam iyon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.
No sacrificarás a Jehová tu Dios buey, o cordero en el cual haya falta, o alguna cosa mala, que es abominación a Jehová tu Dios.
2 Kung mayroong matagpuan sa inyo, kahit saan sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, sinumang lalaki o babae na gumagawa ng masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos at lumalabag sa kaniyang kautusan—
Cuando se hallare entre ti, en alguna de tus ciudades, que Jehová tu Dios te da, hombre, o mujer, que haya hecho mal en ojos de Jehová tu Dios traspasando su concierto;
3 sinuman ang mawala at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan at lumuhod sa kanila, kahit na ang araw, ang buwan o anumang nasa langit—na wala sa aking sinabi
Que hubiere ido, y servido a dioses ajenos, y se hubiere inclinado a ellos, o al sol, o a la luna, o a todo el ejército del cielo, lo cual yo no mandé;
4 at kung sinabi sa iyo ang tungkol dito o kung maririnig mo ito—pagkatapos ay dapat kang gumawa ng isang maingat na pagsusuri. Kung totoo at tiyak ito na isang kasuklam-suklam na bagay na natapos gawin sa Israel—
Y te fuere dado aviso, y oyeres, y hubieres buscado bien, y la cosa ha parecido de verdad cierta, que tal abominación ha sido hecha en Israel;
5 —pagkatapos dapat mong dalhin ang lalaki o babae iyon, na nakagawa ng masamang bagay sa tarangkahan ng inyong mga lungsod, na ang lalaki o babaeng iyon, ay dapat batuhin hanggang sa mamatay.
Entonces sacarás al hombre o mujer, que hubiere hecho esta mala cosa, a tus puertas, hombre o mujer, y apedrearlos has con piedras, y morirán.
6 Sa bibig ng dalawang o tatlong mga saksi, ang dapat mamatay ay hatulan ng kamatayan, pero sa bibig ng isang saksi ay hindi siya dapat hatulan ng kamatayan.
Por dicho de dos testigos, o de tres testigos, morirá el que hubiere de morir: no morirá por el dicho de un solo testigo.
7 Ang kamay ng mga saksi ay dapat unang maglagay sa kaniya sa kamatayan at pagkatapos ang kamay ng lahat ng mga tao; at alisin mo ang kasamaan mula sa inyo.
La mano de los testigos será primero sobre él, para matarle, y la mano de todo el pueblo después: y quitarás el mal de en medio de ti.
8 Kung magkaroon ng napakahirap na bagay sa iyo sa paghatol—marahil ang isang katanungan ng pagpatay o aksidenteng kamatayan, ng karapatan ng isang tao at karapatan ng ibang tao o isang natatanging katanungan na masakit na nagawa o ibang uri ng bagay—mga bagay na pagtatalo sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, pagkatapos dapat kayong umakyat doon sa lugar na pinili ni Yahweh na inyong Diyos bilang kaniyang santuwaryo.
Cuando alguna cosa te fuere oculta en juicio entre sangre y sangre, entre causa y causa, y entre llaga y llaga en negocios de rencillas en tus ciudades, entonces levantarte has, y subirás al lugar que Jehová tu Dios escogiere:
9 Dapat kang pumunta sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Levi at sa mga hukom na naging tagasilbi ng panahong iyon, hahanapin mo ang kanilang mga payo at ibibigay nila sa inyo ang paghatol.
Y vendrás a los sacerdotes Levitas, y al juez que fuere en aquellos días; y preguntarás, y enseñarte han la palabra del juicio.
10 Dapat mong sundin ang batas na ibinigay sa inyo, sa lugar na pinili ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo. Mag-iingat kayo sa paggawa ng lahat ng bagay na kanilang pinapagawa sa inyo.
Y harás según la palabra que ellos te enseñaren del lugar que Jehová escogiere, y guardarás que hagas según todo lo que te enseñaren.
11 Sundin ninyo ang batas na kanilang tinuro sa inyo at gawin ayon sa mga pasya na kanilang ibibigay sa inyo. Huwag kayong lumihis mula sa kung ano ang sasabihin nila sa inyo, sa kanang kamay o sa kaliwa.
Según la ley, que ellos te enseñaren, y según el juicio que te dijeren, harás: de la palabra que te enseñaren, no te apartarás ni a diestra ni a siniestra.
12 Sinuman sa inyo ang nagmamayabang, sa hindi pakikinig sa pari na tumatayo para magsilbi sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, o sa hindi nakikinig sa hukom—ang taong iyon ay mamamatay; aalisin ninyo ang masama mula sa Israel.
Y el hombre que hiciere con soberbia no obedeciendo al sacerdote que está para ministrar allí, delante de Jehová tu Dios, o al juez, el tal varón morirá: y quitarás el mal de Israel.
13 Dapat makarinig at matakot ang lahat ng mga tao at hindi na magmayabang kailanman.
Y todo el pueblo oirá, y temerá, y no se ensoberbecerán más.
14 Kapag dumating kayo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na iyong Diyos, at kapag aangkinin ninyo ito at magsimulang manirahan dito at pagkatapos sinabi ninyo, 'Magtatakda ako ng isang hari para sa aking sarili, tulad ng lahat ng mga bansa na nakapalibot sa akin,'
Cuando hubieres entrado en la tierra, que Jehová tu Dios te da y la heredares, y habitares en ella, y dijeres: Pondré rey sobre mí, como todas las gentes que están en mis al derredores;
15 pagkatapos dapat ninyong tiyakin na magtakda bilang isang hari para sa inyong sarili, isang tao na siyang pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat kayong magtakda ng isang hari para sa inyong sarili, isang tao na mula sa inyong mga kapatid. Nawa'y hindi ka magtakda ng isang dayuhan, na hindi ninyo kapatid, para sa inyong sarili.
Poniendo pondrás por rey sobre ti al que Jehová tu Dios escogiere: de entre tus hermanos pondrás rey sobre ti: no podrás poner sobre ti hombre extranjero, que no sea tu hermano.
16 Pero hindi dapat siya magparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili o magdulot sa mga tao na bumalik sa Ehipto para sila ay magparami ng mga kabayo, dahil sinabi ni Yahweh sa inyo, 'Mula ngayon hindi na dapat kayo bumalik sa daang iyon.'
Solamente que no se aumente caballos, ni haga volver el pueblo a Egipto para aumentar caballos: porque Jehová os ha dicho: No procuraréis de volver más por este camino.
17 At hindi siya dapat magdagdag ng mga asawa para sa kaniyang sarili, para ang kaniyang puso ay hindi na tumalikod kay Yahweh; ni paramihin ng lubusan ng pilak o ginto.
Ni aumentará para sí mujeres, porque su corazón no se aparte: ni plata ni oro se multiplicará mucho.
18 Kapag siya ay nakaupo sa trono ng kaniyang kaharian, dapat siyang sumulat para sa kaniyang sarili sa isang balumbon ng isang kopya ng batas na ito, mula sa batas na mula sa mga pari, na mga Levita.
Y será que cuando se asentare sobre la silla de su reino, escribirá para sí un traslado de esta ley en un libro, tomándolo de delante de los sacerdotes Levitas;
19 Ang balumbon ay dapat nasa kaniya at dapat niyang basahin ang laman nito sa lahat ng araw ng kaniyang buhay, para matutunan niyang parangalan si Yahweh na kaniyang Diyos, nang sa gayon mapanatili ang lahat ng mga salita ng kautusan at mga batas, para isagawa ang mga ito.
El cual tendrá consigo, y leerá en él todos los días de su vida, para que aprenda a temer a Jehová su Dios, para guardar todas las palabras de aquesta ley, y estos estatutos para hacerlos;
20 Dapat niyang gawin ito para hindi magmataas ang kaniyang puso sa kaniyang mga kapatid at para hindi siya lilihis mula sa mga kautusan, sa kanan man o sa kaliwa, para sa layunin na humaba ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, siya at kaniyang mga anak, sa Israel.
Para que no se eleve su corazón sobre sus hermanos, ni se aparte del mandamiento a diestra ni a siniestra, porque alargue días en su reino él, y sus hijos en medio de Israel.

< Deuteronomio 17 >