< Deuteronomio 14 >

1 Kayo ang mga tao ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag ninyong putulan ang inyong mga sarili, ni ahitan ang anumang bahagi ng inyong mukha para sa patay.
בָּנִים אַתֶּם לַיהֹוָה אֱלֹהֵיכֶם לֹא תִתְגֹּֽדְדוּ וְלֹֽא־תָשִׂימוּ קׇרְחָה בֵּין עֵינֵיכֶם לָמֵֽת׃
2 Dahil kayo ang isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos, at pinili kayo ni Yahweh na maging mga tao para sa kaniyang sariling pag-aari, higit pa sa lahat ng mga tao na nasa ibabaw ng mundo.
כִּי עַם קָדוֹשׁ אַתָּה לַיהֹוָה אֱלֹהֶיךָ וּבְךָ בָּחַר יְהֹוָה לִֽהְיוֹת לוֹ לְעַם סְגֻלָּה מִכֹּל הָֽעַמִּים אֲשֶׁר עַל־פְּנֵי הָאֲדָמָֽה׃
3 Hindi ninyo dapat kainin ang anumang kasuklam-suklam na bagay.
לֹא תֹאכַל כׇּל־תּוֹעֵבָֽה׃
4 Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: ang lalaking baka, ang tupa, at ang kambing,
זֹאת הַבְּהֵמָה אֲשֶׁר תֹּאכֵלוּ שׁוֹר שֵׂה כְשָׂבִים וְשֵׂה עִזִּֽים׃
5 ang usa, ang gasel, ang usang lalaki, ang mabangis na kambing, at aybeks, at ang antilope, at ang tupang bundok.
אַיָּל וּצְבִי וְיַחְמוּר וְאַקּוֹ וְדִישֹׁן וּתְאוֹ וָזָֽמֶר׃
6 Maaari ninyong kainin ang anumang mga hayop na nakabahagi ang kuko, iyon ay, yung ang kuko na nahahati sa dalawa, at ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop.
וְכׇל־בְּהֵמָה מַפְרֶסֶת פַּרְסָה וְשֹׁסַעַת שֶׁסַע שְׁתֵּי פְרָסוֹת מַעֲלַת גֵּרָה בַּבְּהֵמָה אֹתָהּ תֹּאכֵֽלוּ׃
7 Gayon pa man, may ilang mga hayop na hindi ninyo dapat kainin na ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop o yaong mayroong kukong nahahati sa dalawa: ang kamelyo, ang kuneho, at ang kuneho sa batuhan; dahil ang mga ito ay ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop pero hindi hiwalay ang kuko, marumi sila para sa inyo.
אַךְ אֶת־זֶה לֹא תֹֽאכְלוּ מִמַּֽעֲלֵי הַגֵּרָה וּמִמַּפְרִיסֵי הַפַּרְסָה הַשְּׁסוּעָה אֶֽת־הַגָּמָל וְאֶת־הָאַרְנֶבֶת וְאֶת־הַשָּׁפָן כִּֽי־מַעֲלֵה גֵרָה הֵמָּה וּפַרְסָה לֹא הִפְרִיסוּ טְמֵאִים הֵם לָכֶֽם׃
8 Marumi rin para sa inyo ang baboy dahil siya ay hiwalay ang kuko pero hindi ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop; marumi siya para sa inyo. Huwag kainin ang karne ng baboy, at huwag hawakan ang kanilang mga bangkay.
וְאֶת־הַחֲזִיר כִּֽי־מַפְרִיס פַּרְסָה הוּא וְלֹא גֵרָה טָמֵא הוּא לָכֶם מִבְּשָׂרָם לֹא תֹאכֵלוּ וּבְנִבְלָתָם לֹא תִגָּֽעוּ׃
9 Maaari ninyong kainin ang mga bagay na ito na nasa tubig: kahit anong may mga palikpik at mga kaliskis;
אֶת־זֶה תֹּֽאכְלוּ מִכֹּל אֲשֶׁר בַּמָּיִם כֹּל אֲשֶׁר־לוֹ סְנַפִּיר וְקַשְׂקֶשֶׂת תֹּאכֵֽלוּ׃
10 pero hindi dapat ninyong kainin ang mga walang palikpik at kaliskis; marumi sila para sa inyo.
וְכֹל אֲשֶׁר אֵֽין־לוֹ סְנַפִּיר וְקַשְׂקֶשֶׂת לֹא תֹאכֵלוּ טָמֵא הוּא לָכֶֽם׃
11 Makakain ninyo ang lahat ng malilinis na mga ibon.
כׇּל־צִפּוֹר טְהֹרָה תֹּאכֵֽלוּ׃
12 Pero ito ang mga ibon na hindi dapat ninyo kainin: ang agila, ang buwitre, ang ospri,
וְזֶה אֲשֶׁר לֹֽא־תֹאכְלוּ מֵהֶם הַנֶּשֶׁר וְהַפֶּרֶס וְהָֽעׇזְנִיָּֽה׃
13 ang pulang halkon at itim na halkon, anumang uri ng palkon,
וְהָרָאָה וְאֶת־הָאַיָּה וְהַדַּיָּה לְמִינָֽהּ׃
14 anumang uri ng uwak,
וְאֵת כׇּל־עֹרֵב לְמִינֽוֹ׃
15 at ang ostrits, at ang gabing lawin, ang tagak, anumang uri ng lawin,
וְאֵת בַּת הַֽיַּעֲנָה וְאֶת־הַתַּחְמָס וְאֶת־הַשָּׁחַף וְאֶת־הַנֵּץ לְמִינֵֽהוּ׃
16 ang munting kuwago, ang malaking kuwago, ang puting kuwago,
אֶת־הַכּוֹס וְאֶת־הַיַּנְשׁוּף וְהַתִּנְשָֽׁמֶת׃
17 ang pelikano, ang buwitreng carrion, ang maninisid-isda,
וְהַקָּאָת וְאֶֽת־הָרָחָמָה וְאֶת־הַשָּׁלָֽךְ׃
18 at ang tagak, anumang uri ng kanduro, ang hoopoe, at ang paniki.
וְהַחֲסִידָה וְהָאֲנָפָה לְמִינָהּ וְהַדּוּכִיפַת וְהָעֲטַלֵּֽף׃
19 Lahat ng may pakpak, kumukuyog na mga bagay ay marumi para sa inyo; hindi dapat sila kainin.
וְכֹל שֶׁרֶץ הָעוֹף טָמֵא הוּא לָכֶם לֹא יֵאָכֵֽלוּ׃
20 Maaari ninyong kainin ang lahat ng mga malinis na bagay na lumilipad.
כׇּל־עוֹף טָהוֹר תֹּאכֵֽלוּ׃
21 Hindi ninyo dapat kainin ang anumang hayop na kusang namatay; maaari ninyo itong ibigay sa dayuhan na nasa inyong mga tarangkahan, na maaari niyang kainin ito; o maaari ninyo itong ipagbili sa isang dayuhan. Sapagka't kayo ay isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag ninyong pakuluan ang isang batang kambing sa gatas ng ina nito.
לֹא תֹאכְלוּ כׇל־נְבֵלָה לַגֵּר אֲשֶׁר־בִּשְׁעָרֶיךָ תִּתְּנֶנָּה וַאֲכָלָהּ אוֹ מָכֹר לְנׇכְרִי כִּי עַם קָדוֹשׁ אַתָּה לַיהֹוָה אֱלֹהֶיךָ לֹֽא־תְבַשֵּׁל גְּדִי בַּחֲלֵב אִמּֽוֹ׃
22 Dapat ninyong tiyakin ang ikapu sa lahat ng bunga ng inyong pinunla, na kung saan lalabas mula sa bukid taon taon.
עַשֵּׂר תְּעַשֵּׂר אֵת כׇּל־תְּבוּאַת זַרְעֶךָ הַיֹּצֵא הַשָּׂדֶה שָׁנָה שָׁנָֽה׃
23 Dapat kayong kumain sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, sa lugar na kaniyang pipiliin na kaniyang maging santuwaryo, ang ikapu ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang anak ng inyong mga hayop at inyong kawan; nang matutunan ninyong palaging parangalan si Yahweh na inyong Diyos.
וְאָכַלְתָּ לִפְנֵי ׀ יְהֹוָה אֱלֹהֶיךָ בַּמָּקוֹם אֲשֶׁר־יִבְחַר לְשַׁכֵּן שְׁמוֹ שָׁם מַעְשַׂר דְּגָֽנְךָ תִּירֹֽשְׁךָ וְיִצְהָרֶךָ וּבְכֹרֹת בְּקָרְךָ וְצֹאנֶךָ לְמַעַן תִּלְמַד לְיִרְאָה אֶת־יְהֹוָה אֱלֹהֶיךָ כׇּל־הַיָּמִֽים׃
24 Kung ang paglalakbay ay napakahaba para sa inyo na hindi na ninyo makayanan na dalhin ito, dahil ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na kaniyang santuwaryo ay napakalayo mula sa inyo, pagkatapos, kapag pagpapalain na kayo ni Yahweh na inyong Diyos,
וְכִֽי־יִרְבֶּה מִמְּךָ הַדֶּרֶךְ כִּי לֹא תוּכַל שְׂאֵתוֹ כִּֽי־יִרְחַק מִמְּךָ הַמָּקוֹם אֲשֶׁר יִבְחַר יְהֹוָה אֱלֹהֶיךָ לָשׂוּם שְׁמוֹ שָׁם כִּי יְבָרֶכְךָ יְהֹוָה אֱלֹהֶֽיךָ׃
25 ipagpapalit ninyo ang alay sa pera, itatali ang pera sa inyong kamay, at pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos.
וְנָתַתָּה בַּכָּסֶף וְצַרְתָּ הַכֶּסֶף בְּיָדְךָ וְהָֽלַכְתָּ אֶל־הַמָּקוֹם אֲשֶׁר יִבְחַר יְהֹוָה אֱלֹהֶיךָ בּֽוֹ׃
26 Doon gagastusin ninyo ang pera para sa anumang ninais ninyo: para sa mga baka, o para sa tupa, o para sa alak, o para sa matapang na inumin, o para sa anumang nais ninyo; kakain ka doon sa harap ni Yahweh na inyong Diyos, at magsasaya kayo, kayo at ang inyong sambahayan.
וְנָתַתָּה הַכֶּסֶף בְּכֹל אֲשֶׁר־תְּאַוֶּה נַפְשְׁךָ בַּבָּקָר וּבַצֹּאן וּבַיַּיִן וּבַשֵּׁכָר וּבְכֹל אֲשֶׁר תִּֽשְׁאָלְךָ נַפְשֶׁךָ וְאָכַלְתָּ שָּׁם לִפְנֵי יְהֹוָה אֱלֹהֶיךָ וְשָׂמַחְתָּ אַתָּה וּבֵיתֶֽךָ׃
27 Ang Levita na nasa loob ng inyong mga tarangkahan— huwag siyang kalimutan, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo.
וְהַלֵּוִי אֲשֶׁר־בִּשְׁעָרֶיךָ לֹא תַֽעַזְבֶנּוּ כִּי אֵין לוֹ חֵלֶק וְנַחֲלָה עִמָּֽךְ׃
28 Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay ibibigay ninyo ang lahat na ikapu ng inyong bunga sa parehong taon, at iimbakin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan;
מִקְצֵה ׀ שָׁלֹשׁ שָׁנִים תּוֹצִיא אֶת־כׇּל־מַעְשַׂר תְּבוּאָתְךָ בַּשָּׁנָה הַהִוא וְהִנַּחְתָּ בִּשְׁעָרֶֽיךָ׃
29 at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin.
וּבָא הַלֵּוִי כִּי אֵֽין־לוֹ חֵלֶק וְנַחֲלָה עִמָּךְ וְהַגֵּר וְהַיָּתוֹם וְהָֽאַלְמָנָה אֲשֶׁר בִּשְׁעָרֶיךָ וְאָכְלוּ וְשָׂבֵעוּ לְמַעַן יְבָרֶכְךָ יְהֹוָה אֱלֹהֶיךָ בְּכׇל־מַעֲשֵׂה יָדְךָ אֲשֶׁר תַּעֲשֶֽׂה׃

< Deuteronomio 14 >