< Deuteronomio 13 >

1 Kung may lilitaw sa inyo na isang propeta o isang nagbibigay kahulugan sa mga panaginip, at kung siya ay magbibigay sa inyo ng isang palatandaan o isang himala,
כי יקום בקרבך נביא או חלם חלום ונתן אליך אות או מופת
2 at kung darating ang tanda o ang himala, kung saan siya ay nagsalita sa inyo at sinabing, 'Sumunod tayo sa ibang mga diyus-diyosan, na hindi ninyo kilala, at sambahin natin sila,'
ובא האות והמופת אשר דבר אליך לאמר נלכה אחרי אלהים אחרים אשר לא ידעתם--ונעבדם
3 huwag makinig sa mga salita ng propetang iyon, o ng mga nagbibigay kahulugan sa mga panaginip; dahil sinusubukan kayo ni Yahweh na inyong Diyos para malaman kung mahal ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at buong kaluluwa.
לא תשמע אל דברי הנביא ההוא או אל חולם החלום ההוא כי מנסה יהוה אלהיכם אתכם לדעת הישכם אהבים את יהוה אלהיכם בכל לבבכם ובכל נפשכם
4 Maglalakad kayo kasunod ni Yahweh na inyong Diyos, parangalan siya, susundin ang kaniyang mga kautusan, at sumunod sa kaniyang boses, at sambahin ninyo siya at kumapit sa kaniya.
אחרי יהוה אלהיכם תלכו ואתו תיראו ואת מצותיו תשמרו ובקלו תשמעו ואתו תעבדו ובו תדבקון
5 Ilalagay sa kamatayan ang propeta o nagbibigay kahulugan sa mga panaginip na iyon, dahil nagsasalita siya ng paghihimagsik laban kay Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, at ang siyang tumubos sa inyo palabas sa bahay ng pagkaalipin. Gusto kayong ilayo ng propetang iyon sa daan kung saan kayo inutusang lumakad ni Yahweh na inyong Diyos. Kaya alisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
והנביא ההוא או חלם החלום ההוא יומת כי דבר סרה על יהוה אלהיכם המוציא אתכם מארץ מצרים והפדך מבית עבדים--להדיחך מן הדרך אשר צוך יהוה אלהיך ללכת בה ובערת הרע מקרבך
6 Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno—
כי יסיתך אחיך בן אמך או בנך או בתך או אשת חיקך או רעך אשר כנפשך--בסתר לאמר נלכה ונעבדה אלהים אחרים אשר לא ידעת אתה ואבתיך
7 alinman sa mga diyus-diyosan ng mga tao na nakapalibot sa inyo, malapit sa inyo, o malayo mula sa inyo, mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa ibang dulo ng mundo.'
מאלהי העמים אשר סביבתיכם הקרבים אליך או הרחקים ממך--מקצה הארץ ועד קצה הארץ
8 Huwag sumang-ayon o makinig sa kaniya. Ni dapat siyang kaawaan ng inyong mata, ni papatawarin o itago siya.
לא תאבה לו ולא תשמע אליו ולא תחוס עינך עליו ולא תחמל ולא תכסה עליו
9 Sa halip, siguraduhin ninyong papatayin siya; ang inyong kamay ang mauun para patayin siya, at pagkatapos ang kamay na ng lahat ng mga tao.
כי הרג תהרגנו ידך תהיה בו בראשונה להמיתו ויד כל העם באחרנה
10 Babatuhin ninyo siya hanggang sa kamatayan sa pamamagitan ng mga bato, dahil sinubukan niyang hilain kayo palayo mula kay Yahweh na inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, palabas sa bahay ng pagkaalipin.
וסקלתו באבנים ומת כי בקש להדיחך מעל יהוה אלהיך המוציאך מארץ מצרים מבית עבדים
11 Makikinig at matatakot ang buong Israel, at hindi magpapatuloy sa paggawa ng ganitong uri ng kasamaan sa inyo.
וכל ישראל--ישמעו ויראון ולא יוספו לעשות כדבר הרע הזה--בקרבך
12 Kung marinig ninyo sa sinuman na nagsasabi tungkol sa isa sa inyong mga lungsod na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo para tirahan:
כי תשמע באחת עריך אשר יהוה אלהיך נתן לך לשבת שם--לאמר
13 Ang ilan sa masamang mga kasamahan ay umalis mula sa inyo at lumayo ang naninirahan sa kanilang lungsod at sinabing, 'Tayo na at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala.'
יצאו אנשים בני בליעל מקרבך וידיחו את ישבי עירם לאמר נלכה ונעבדה אלהים אחרים--אשר לא ידעתם
14 Pagkatapos suriin ninyo ang katibayan, gumawa ng pagsasaliksik, at siyasatin ito ng mabuti. Kung ito ay totoo at tiyak na isang kasuklam-suklam na bagay na nagawa sa inyo—
ודרשת וחקרת ושאלת היטב והנה אמת נכון הדבר נעשתה התועבה הזאת בקרבך
15 pagkatapos siguraduhing lumusob sa mga naninirahan sa lungsod sa pamamagitan ng talim ng tabak, ganap itong wasakin at ang lahat ng mga tao na narito, kasama ng alagang hayop, sa pamamagitan ng talim ng tabak.
הכה תכה את ישבי העיר ההוא--לפי חרב החרם אתה ואת כל אשר בה ואת בהמתה לפי חרב
16 pagsama-samahin ninyo ang lahat ng natirang mapapakinabangan pa mula rito sa gitna ng daan, at sunugin ang lungsod, gayon din ang lahat ng natirang mapapakinabangan rito— para kay Yahweh na inyong Diyos. Magiging isang bunton ng mga pagkasira magpakailanman ang lungsod; hindi na ito dapat pang maitayong muli.
ואת כל שללה תקבץ אל תוך רחבה ושרפת באש את העיר ואת כל שללה כליל ליהוה אלהיך והיתה תל עולם לא תבנה עוד
17 Wala ni isa sa mga bagay na iyon na inihiwalay para wasakin ang dapat manatili sa inyong kamay. Ito ang dapat na kalagayan, nang sa gayon tatalikod si Yahweh mula sa kabagsikan ng kaniyang galit, pakitaan kayo ng awa, may kahabagan sa inyo, at paparamihin ang inyong mga bilang, na ayon sa kaniyang isinumpa sa inyong mga ama.
ולא ידבק בידך מאומה מן החרם--למען ישוב יהוה מחרון אפו ונתן לך רחמים ורחמך והרבך כאשר נשבע לאבתיך
18 Gagawin niya ito dahil nakikinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinabi ko sa inyo ngayon, para gawin iyon na siyang tama sa mga mata ni Yahweh na inyong Diyos.
כי תשמע בקול יהוה אלהיך לשמר את כל מצותיו אשר אנכי מצוך היום--לעשות הישר בעיני יהוה אלהיך

< Deuteronomio 13 >