< Deuteronomio 12 >

1 Ito ang mga batas at ang mga panuntunan na pananatilihin ninyo sa lupain na si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ang nagbigay sa inyo para inyong angkinin sa lahat ng araw na kayo ay nabubuhay sa mundo.
אלה החקים והמשפטים אשר תשמרון לעשות בארץ אשר נתן יהוה אלהי אבתיך לך לרשתה כל הימים--אשר אתם חיים על האדמה
2 Tiyak na wawasakin ninyo ang lahat ng mga lugar kung saan ang mga bansa na inyong tatanggalan ng karapatan na sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan, sa matataas na mga bundok, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang puno;
אבד תאבדון את כל המקמות אשר עבדו שם הגוים אשר אתם ירשים אתם--את אלהיהם על ההרים הרמים ועל הגבעות ותחת כל עץ רענן
3 at sisirain ninyo ang kanilang mga altar, pagpipira-pirasuhin ninyo ang kanilang banal na mga batong haligi, at susunugin ang kanilang mga posteng Asera; puputulin ninyo ang inukit na mga larawan ng kanilang mga diyus-diyosan at sisirain ang kanilang pangalan mula sa lugar na iyon.
ונתצתם את מזבחתם ושברתם את מצבתם ואשריהם תשרפון באש ופסילי אלהיהם תגדעון ואבדתם את שמם מן המקום ההוא
4 Hindi ninyo sasambahin si Yahweh na inyong Diyos tulad niyan.
לא תעשון כן ליהוה אלהיכם
5 Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
כי אם אל המקום אשר יבחר יהוה אלהיכם מכל שבטיכם לשום את שמו שם--לשכנו תדרשו ובאת שמה
6 Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan.
והבאתם שמה עלתיכם וזבחיכם ואת מעשרתיכם ואת תרומת ידכם ונדריכם ונדבתיכם ובכרת בקרכם וצאנכם
7 Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.
ואכלתם שם לפני יהוה אלהיכם ושמחתם בכל משלח ידכם אתם ובתיכם--אשר ברכך יהוה אלהיך
8 Hindi ninyo gagawin ang lahat ng mga bagay na ginagawa natin dito ngayon; gumawa ngayon ang bawat isa ng anumang bagay na tama sa kanilang sariling mga mata;
לא תעשון--ככל אשר אנחנו עשים פה היום איש כל הישר בעיניו
9 dahil hindi pa kayo nakarating sa kapahingahan, sa mga mamanahin na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
כי לא באתם עד עתה--אל המנוחה ואל הנחלה אשר יהוה אלהיך נתן לך
10 Pero kapag tatawid na kayo sa Jordan at maninirahan sa lupain na idinulot ni Yahweh na inyong Diyos na inyong mamanahin, at kapag binibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot, nang sa gayon manirahan kayo ng ligtas,
ועברתם את הירדן וישבתם בארץ אשר יהוה אלהיכם מנחיל אתכם והניח לכם מכל איביכם מסביב וישבתם בטח
11 pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.
והיה המקום אשר יבחר יהוה אלהיכם בו לשכן שמו שם--שמה תביאו את כל אשר אנכי מצוה אתכם עולתיכם וזבחיכם מעשרתיכם ותרמת ידכם וכל מבחר נדריכם אשר תדרו ליהוה
12 Magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga lingkod na lalaki at ang inyong mga lingkod na babae at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan, dahil wala siyang bahagi o pamana sa inyo.
ושמחתם לפני יהוה אלהיכם--אתם ובניכם ובנתיכם ועבדיכם ואמהתיכם והלוי אשר בשעריכם כי אין לו חלק ונחלה אתכם
13 Bigyang pansin ang inyong sarili na hindi kayo magsusunog ng handog sa bawat lugar na inyong makikita;
השמר לך פן תעלה עלתיך בכל מקום אשר תראה
14 pero ito ay sa lugar na pipiliin ni Yahweh na mula sa isa sa inyong mga lipi na ang inyong mga handog ay susunugin, at gagawin ninyo doon ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.
כי אם במקום אשר יבחר יהוה באחד שבטיך--שם תעלה עלתיך ושם תעשה כל אשר אנכי מצוך
15 Gayon pa man, maaari kayong pumatay at kumain ng mga hayop na nasa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan, gaya ng nais ninyo, pagtanggap sa mga pagpapala ni Yahweh na inyong Diyos para sa lahat nang ibinigay niya sa inyo; ang marurumi at ang malilinis na mga tao ay parehong makakakain nitong mga hayop tulad ng gasela at usa.
רק בכל אות נפשך תזבח ואכלת בשר כברכת יהוה אלהיך אשר נתן לך--בכל שעריך הטמא והטהור יאכלנו כצבי וכאיל
16 Pero hindi ninyo kakainin ang dugo, ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.
רק הדם לא תאכלו על הארץ תשפכנו כמים
17 Hindi kayo maaaring kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan mula sa ikapu ng inyong butil, ang inyong bagong alak, inyong langis, o ang panganay ng inyong hayop o kawan; at hindi kayo maaaring kumain ng anuman sa laman na inyong inialay kasama ng anumang mga panata na inyong ginawa, ni hindi ang inyong kusang-loob na mga handog, o ang mga handog na inihandog ng inyong kamay.
לא תוכל לאכל בשעריך מעשר דגנך ותירשך ויצהרך ובכרת בקרך וצאנך וכל נדריך אשר תדר ונדבתיך ותרומת ידך
18 Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
כי אם לפני יהוה אלהיך תאכלנו במקום אשר יבחר יהוה אלהיך בו--אתה ובנך ובתך ועבדך ואמתך והלוי אשר בשעריך ושמחת לפני יהוה אלהיך בכל משלח ידך
19 Bigyang pansin ang inyong sarili na hindi ninyo pababayaan ang mga Levita hangga't naninirahan kayo sa inyong lupain.
השמר לך פן תעזב את הלוי כל ימיך על אדמתך
20 Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, tulad ng ipinangako niya sa inyo, at sinabi ninyo, 'Kakain ako ng laman,' dahil sa inyong pagnanais na kumain ng laman, maaari kayong kumain ng laman, gaya ng inyong pagnanais.
כי ירחיב יהוה אלהיך את גבלך כאשר דבר לך ואמרת אכלה בשר כי תאוה נפשך לאכל בשר--בכל אות נפשך תאכל בשר
21 Kung masyadong malayo mula sa inyo ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na lagyan ng kaniyang pangalan, sa gayon papatay kayo ng ilan sa inyong mga hayop o inyong mga kawan na ibinigay ni Yahweh sa inyo, katulad ng sinabi ko sa inyo; maaari kayong kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan, ayon sa inyong pagnanais.
כי ירחק ממך המקום אשר יבחר יהוה אלהיך לשום שמו שם וזבחת מבקרך ומצאנך אשר נתן יהוה לך כאשר צויתך--ואכלת בשעריך בכל אות נפשך
22 Tulad ng ang gasela at ang usa ay kinakain, kakain din kayo nito; maaaring kumain nito ang magkatulad na marurumi at malilinis na mga tao.
אך כאשר יאכל את הצבי ואת האיל--כן תאכלנו הטמא והטהור יחדו יאכלנו
23 Tiyakin lamang na huwag ninyong kakainin ang dugo, dahil ang dugo ay ang buhay; hindi ninyo kakainin ang buhay kasama ang laman.
רק חזק לבלתי אכל הדם כי הדם הוא הנפש ולא תאכל הנפש עם הבשר
24 Hindi ninyo ito kakainin; ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.
לא תאכלנו על הארץ תשפכנו כמים
25 Hindi ninyo ito kakainin, para lahat ay maging mabuti sa inyo, at ng inyong mga anak na susunod sa inyo, kapag ginawa ninyo kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh.
לא תאכלנו--למען ייטב לך ולבניך אחריך כי תעשה הישר בעיני יהוה
26 Pero ang mga bagay na nabibilang kay Yahweh na mayroon kayo at ang mga handog para sa inyong mga panata—kukunin ninyo ang mga ito at pupunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh.
רק קדשיך אשר יהיו לך ונדריך תשא ובאת אל המקום אשר יבחר יהוה
27 Ihahain ninyo ang inyong mga sinunog na handog, ang laman at ang dugo, sa altar ni Yahweh na inyong Diyos; ang dugo ng inyong mga alay ay ibubuhos sa altar ni Yahweh na inyong Diyos, at kakainin ninyo ang laman.
ועשית עלתיך הבשר והדם על מזבח יהוה אלהיך ודם זבחיך ישפך על מזבח יהוה אלהיך והבשר תאכל
28 Magmasid at makinig sa lahat ng mga salitang ito na sinasabi ko sa inyo, na maaaring makabuti ito sa inyo at sa inyong mga anak na susunod sa inyo magpakailanman, kapag ginawa ninyo kung ano ang mabuti at tama sa mga mata ni Yahweh na inyong Diyos.
שמר ושמעת את כל הדברים האלה אשר אנכי מצוך למען ייטב לך ולבניך אחריך עד עולם--כי תעשה הטוב והישר בעיני יהוה אלהיך
29 Kapag winasak ni Yahweh ang mga bansa mula sa harapan ninyo, kapag pumasok kayo para alisan sila ng karapatan, at mapaalis ninyo sila, at maninirahan sa kanilang lupain,
כי יכרית יהוה אלהיך את הגוים אשר אתה בא שמה לרשת אותם--מפניך וירשת אתם וישבת בארצם
30 bigyan pansin ang inyong sarili na hindi kayo mabibitag sa pagsunod sa kanila, pagkatapos silang mawasak mula sa harapan ninyo—mabitag sa pagsisiyasat sa kanilang mga diyos, sa pagtatanong, 'Paano sumasamba ang mga bansang ito sa kanilang mga diyus-diyosan? Ganoon din ang gagawin ko.'
השמר לך פן תנקש אחריהם אחרי השמדם מפניך ופן תדרש לאלהיהם לאמר איכה יעבדו הגוים האלה את אלהיהם ואעשה כן גם אני
31 Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
לא תעשה כן ליהוה אלהיך כי כל תועבת יהוה אשר שנא עשו לאלהיהם--כי גם את בניהם ואת בנתיהם ישרפו באש לאלהיהם
32 Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.
את כל הדבר אשר אנכי מצוה אתכם--אתו תשמרו לעשות לא תסף עליו ולא תגרע ממנו

< Deuteronomio 12 >