< Daniel 1 >

1 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa Jerusalem at kinubkob ang lungsod upang putulin ang lahat ng mga tulong para rito.
ユダの王エホヤキムの治世の第三年にバビロンの王ネブカデネザル、ヱルサレムにきたりて之を攻圍みしに
2 Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.
主ユダの王ヱホヤキムと神の家の器具幾何とをかれの手にわたしたまひければ則ちこれをシナルの地に携へゆきて己の神の家にいたりその器具を己の神の庫に蔵めたり
3 At nakipag-usap ang hari kay Aspenaz, ang kaniyang pinunong opisyal upang dalhin ang ilan sa mga Israelita, sa maharlikang angkan at mga dakilang tao—
茲に王寺人の長アシベナズに命じてイスラエルの子孫の中より王の血統の者と貴族たる者幾何を召寄しむ
4 mga binatang walang kapintasan, kaakit-akit ang itsura, at mahusay sa lahat ng karunungan, puno ng kaalaman at pang-unawa at karapat-dapat na maglingkod sa palasyo ng hari. Tuturuan niya sila ng panitikan at wika ng mga taga-Babilonia.
即ち身に疵なく容貌美しくして一切の智慧の道に頴く知識ありて思慮深く王の宮に侍るに足る能幹ある少き者を召寄しめこれにカルデヤ人の文學と言語とを學ばせんとす
5 At ibinilang sila ng hari ng bahagi sa araw ng kaniyang mga pagkain at sa alak na kaniyang iinumin. Sasanayin ang mga binatang ito sa tatlong taon at pagkatapos, maglilingkod sila sa hari.
是をもて王は命を下して日々に王の用ゐる饌と王の飮む酒とを彼らに與へしめ三年の間かく彼らを養ひ育てしめんとす是その後に彼らをして王の前に立ことを得せしめんとてなり
6 Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias, Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda.
是等の中にユダの人ダニエル、ハナニヤ、ミシヤエル、アザリヤありしが
7 Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.
寺人の長かれらに名をあたへてダニエルをベルテシヤザルと名けハナニヤをシヤデラクと名けミシヤエルをメシヤクと名けアザリヤをアベデネゴと名く
8 Ngunit ipinasiya ni Daniel sa kaniyang isipan na hindi niya dudungisan ang kaniyang sarili sa mga pagkain ng hari o sa mga alak na kaniyang iniinom. Kaya humiling siya ng pahintulot mula sa pinunong opisyal na hindi niya maaaring dungisan ang kaniyang sarili.
然るにダニエルは王の用ゐる饌と王の飮む酒とをもて己の身を汚すまじと心に思ひさだめたれば己の身を汚さざらしめんことを寺人の長に求む
9 Binigyang pabor at habag ng Diyos si Daniel sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paggalang ng pinuno ng mga opisyal sa kaniya.
以前よりヱホバ、ダニエルをして寺人の長の慈悲と寵愛とを蒙らしめたまふ
10 Sinabi ng pinunong opisyal kay Daniel, “Natatakot ako sa aking panginoong hari. Ipinag-utos ng hari kung ano ang inyong kakainin at ang inyong iinumin. Bakit kailangan niyang makita na mukhang mahina kayo kaysa sa mga binata na kasing-edad ninyo? Pupugutan ako ng ulo ng hari dahil sa inyo.”
是において寺人の長ダニエルに言けるは吾主なる王すでに命をくだして汝らの食物と汝らの飮物とを頒たしめたまへば我かれを畏る恐くは彼なんぢらの面の其同輩の少者等と異にして憂色あるを見ん然る時は汝らのために我首王の前に危からん
11 At nakipag-usap si Daniel sa katiwala na siyang itinalaga ng pinunong opisyal kina Daniel, Hananias, Misael at Azarias.
寺人の長はメルザル官をしてダニエル、ハナニヤ、ミシヤエル及びアザリヤを監督らせ置たればダニエル之に言けるは
12 Sinabi niya, “Nakikiusap ako na subukin mo kami, ang iyong mga lingkod, sa sampung araw. Bigyan mo lamang kami ng ilang mga gulay na makakain at tubig upang inumin.
請ふ十日の間僕等を驗したまへ即ち我らには菜蔬を與へて食せ水を與へて飮せよ
13 At ihambing ang aming itsura sa itsura ng mga binatang nagsikain ng pagkain ng hari, at pakitunguhan mo kami, na iyong mga lingkod, batay sa kung ano ang iyong nakita.”
而して我らの面と王の饌を食ふ少者どもの面とを較べ見汝の視るところにしたがひて僕等を待ひたまへと
14 Kaya sumang-ayon ang tagapamahala sa kaniya na gawin ito. At sinubukan niya sila sa loob ng sampung araw.
是において彼この事を聽いれ十日のあひだ彼らを驗しけるが
15 At pagkatapos ng sampung araw ang kanilang itsura ay naging mas malusog, at malakas ang pangangatawan kaysa sa lahat ng mga binata na kumain ng pagkain ng hari.
十日の後にいたりて見るに王の饌を食へる諸の少者よりも彼らの面は美しくまた肥え膩つきてありければ
16 Kaya kinuha ng mga katiwala ang kanilang mga pagkain at ang kanilang alak at binigyan lamang sila ng mga gulay.
メルザル官すなはち彼らの分なる饌と彼らの飮べき酒とを撤きさりて菜蔬をこれに與へたり
17 Para sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Diyos ng kaalaman at maliwanag na pagkaunawa sa lahat ng panitikan at karunungan at nauunawaan ni Daniel ang lahat ng uri ng mga pangitain at mga panaginip.
この四人の少者には神知識を得させ諸の文學と智慧に頴からしめたまへりダニエはまた能く各諸の異象と夢兆を暁る
18 At sa pagtatapos ng araw na itinakda ng hari upang sila ay dalhin, dinala sila ng pinunong opisyal sa harapan ni Nebucadnezar.
王かねて命をくだし少者どもを召いるる迄に經べき日を定めおきしがその日數も過たるに因て寺人の長かれらを引てネブカデザルの前にいたりければ
19 Kinausap sila ng hari, at sa kanilang lahat walang maihahalintulad kay Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Nakatayo sila sa harap ng hari, nakahandang paglingkuran siya.
王かれらと言談へり彼ら一切の中にはダニエル、ハナニヤ、ミシヤエル、アザリヤに比ぶ者あらざりければこの四人は王の前に侍れり
20 At sa bawat katanungan ng karunungan at pang-unawa na itinanong sa kanila ng hari, nasumpungan niya na sila ay sampung beses na mas mainam kaysa sa lahat ng salamangkero at ang mga umaangking nakakausap ang mga patay na nasa kaniyang buong kaharian.
王かれらに諸の事を詢たづね見に彼らは智慧の學においてその全國の博士と法術士に愈ること十倍なり
21 Namalagi si Daniel hanggang sa unang taon ng haring Ciro.
ダニエルはクロス王の元年までありき

< Daniel 1 >