< Daniel 8 >
1 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Haring Belsazar, may pangitaing lumitaw sa akin, akong si Daniel (pagkatapos ng naunang ipinakita niya sa akin).
貝爾沙匝王在位第三年,在以前顯現給我的異象之後,又有異象顯現給我達尼爾。
2 Nakita ko sa pangitain habang tumitingin ako, na ako ay nasa matatag na lungsod ng Susa sa lalawigan ng Elam. Nakita ko sa pangitain na nasa tabi ako ng Ilog Ulai.
我觀看這異象;我觀看時,恍惚見我在厄藍省的穌撒禁城;在神視中,我恍惚見我在烏來河畔。
3 Tumingin ako sa itaas at nakita ko sa aking harapan ang isang lalaking tupa na may dalawang sungay na nakatayo sa tabi ng ilog. Mas mahaba ang isang sungay kaysa sa isa. Ngunit mas mabagal ang paglaki ng mas mahaba kaysa sa mas maiksi at nalampasan nito ang haba.
我舉目仰視,看見有一隻公綿羊站在河畔,牠有兩隻角,這兩隻角都很高,但一隻角卻高於另一隻角,且那較高的是較晚長出來的。
4 Nakita kong sumasalakay ang lalaking tupa sa kanluran, sa hilaga at sa timog; walang ibang hayop ang kayang tumayo sa kaniyang harapan. Wala sa mga ito ang may kakayahang iligtas ang sinuman mula sa kaniyang kamay. Ginagawa niya ang anumang naisin niya at naging dakila siya.
我見那隻公綿羊向西、向北、向南牴撞,走獸中沒有能抵禦牠,能擺脫牠勢力的;牠任意行事,自高自大。
5 Habang iniisip ko ang tungkol dito, nakakita ako ng isang lalaking kambing na nagmula sa kanluran, sa ibabaw ng buong mundo, tumatakbo nang mabilis na parang hindi sumasayad sa lupa. Ang kambing ay may isang malaking sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata.
我定睛注視之時,看見有一隻公山羊由西而來,跑遍天下而腳不著地;這隻公山羊在兩眼之間,有一隻顯著的角。
6 Lumapit siya sa lalaking tupa na may dalawang sungay—nakita ko ang lalaking tupa na nakatayo sa pampang ng ilog—at galit na galit na tumakbo ang kambing patungo sa lalaking tupa.
牠來到我所見立在河畔而有兩隻角的公綿羊那裏,就憤怒地猛力向牠衝去。
7 Nakita ko na lumapit ang kambing sa lalaking tupa. Galit na galit siya sa lalaking tupa, sinugod niya ang lalaking tupa at binali ang dalawang sungay nito. Walang kapangyarihan ang lalaking tupa upang tumayo sa harapan niya. Ibinuwal siya ng kambing sa lupa at tinapakan siya. Walang sinuman ang makapagliligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kapangyarihan.
我見牠走近公綿羊前憤怒地觝撞牠,將牠的雙角撞斷,那公綿羊就再無力抵抗,公山羊把牠擊倒在地,用腳踐踏,竟沒有誰能救公綿羊擺脫牠的勢力。
8 At naging napakalaki ng kambing. Ngunit nang maging malakas siya, nabali ang malaking sungay at tumubo sa lugar nito ang apat na iba pang mga sungay na nakaturo sa apat na hangin ng kalangitan.
後來這公山羊長的極其強大;正當牠極強大的時候,牠那隻高大的角被折斷了,代替這角而生出來的是四隻卓絕的角,向著天下四方:
9 Tumubo ang isa pang sungay mula sa isa sa mga ito, maliit sa una, ngunit naging napakalaki sa timog, sa silangan at sa maluwalhating lupain ng Israel.
其中之一又生出一小角來,長得極其高大,向南、向東,亦向著光華之地。
10 Naging napakalaki nito upang makipagdigma sa hukbo ng langit. Ang ilan sa mga hukbo at ilan sa mga bituin ay itinapon sa lupa at tinapakan sila.
這角逐漸增高,直達天上的萬象,且把一些天象和星宿打落在地,加以蹂躪。
11 Naging dakila ito, kasindakila ng banal na pinuno ng hukbo. Kinuha mula sa kaniya ang karaniwang alay na susunugin at naging marumi ang lugar ng kaniyang santuwaryo.
他又自高自大,直達天象之君,取消了他的日常祭,破壞了他的聖所,且加以劫掠;
12 Dahil sa paghihimagsik, ibibigay ang hukbo sa sungay ng kambing at ititigil ang alay na susunugin. Ihahagis ng sungay ang katotohanan sa lupa at magtatagumpay ito sa kaniyang ginagawa.
又在獻日常祭處,安放了罪孽,將真理拋棄於地;他如此作了,也成功了。
13 At narinig ko na nagsasalita ang isang banal at sinasagot siya ng isa pang banal, “Gaano katagal mananatili ang mga bagay na ito, ang pangitaing ito tungkol sa alay na susunugin, ang kasalanan na nagdadala ng kapahamakan, ang pagpapasakamay ng santuwaryo at ang pagtapak sa hukbo ng langit?”
我聽見一位聖者在說話,另一位聖者問那說話的說:「關於廢除日常祭,招致毀滅的罪孽,聖所和天軍遭蹂躪的異象,要延長到何時呢﹖」
14 Sinabi niya sa akin, “Magtatagal ito sa loob ng 2, 300 na araw at gabi. Pagkatapos nito, magiging maayos ang santuwaryo.”
那說話的回答他說:「要延長二千三百晝夜,以後聖所再要恢復原狀。」
15 Nang akong si Daniel ay nakita ang pangitain, sinubukan kong unawain ito. At may tumayo sa harapan ko na katulad ng isang lalaki.
我達尼爾見了這異象之後,便渴望明瞭其中的意義;看見有一個外貌像人的立在我面前,
16 Narinig ko ang tinig ng isang lalaking tumatawag sa pagitan ng mga pampang ng Ilog Ulai. Sinabi niya, “Gabriel, tulungan mo ang lalaking ito na maunawaan ang pangitain.”
同時我聽見在烏來河中間有人的聲音呼喊說:「加俾額爾! 給這人解說這異象罷! 」
17 Kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nang lumapit siya, natakot ako at nagpatirapa sa lupa. Sinabi niya sa akin, “Unawain mo, anak ng tao, na ang pangitain ay para sa panahon ng pagwawakas.”
他便向我站立的地方走來;我見他來近,就害怕起來,俯伏在地;他對我說:「人子,你要明白! 這異象是關於末世時期的。」
18 Nang kausapin niya ako, nakatulog ako nang mahimbing na nasa lupa ang aking mukha. Pagkatapos, hinawakan niya ako at pinatayo.
他與我說話時,我就昏迷過去了,臉伏於地上;他撫摸了我,使我起來,站在原處。
19 Sinabi niya, “Tingnan mo, ipapakita ko sa iyo kung ano ang susunod na mangyayari sa panahon ng matinding galit dahil may kinalaman ang pangitain sa mangyayari sa panahon na nakatakda para sa wakas.
他說:「看,我要把在盛怒末期將要發生的事告訴你,因為這事是關於末期的。
20 Ang lalaking tupa na iyong nakita, ang isa na may dalawang sungay—sila ang mga hari ng Media at Persia.
你所見具有兩角的公綿羊是瑪待和波斯君王,
21 Ang lalaking kambing ang hari ng Grecia. Ang malaking sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata ay ang unang hari.
多毛的公山羊是雅汪君王,牠兩眼之間高大的角是第一位君王,
22 Ang naputol na sungay sa lugar kung saan lumitaw ang apat na iba pa—lilitaw mula sa kaniyang bansa ang apat na kaharian, ngunit hindi kasinlakas ng kaniyang dakilang kapangyarihan.
代替被折斷的腳而另生出的四隻角,是指由他的民族中崛起的四個王國,但沒有前一個那樣強盛。
23 Sa huling panahon ng mga kahariang iyon, kapag umabot na sa sukdulan ang mga lumalabag sa batas, lilitaw ang isang haring may mabagsik na mukha na napakatalino.
在他們王國的末期,惡貫滿盈之時,要興起一位面貌凶惡,詭計多端的君王。
24 Magiging dakila ang kaniyang kapangyarihan—ngunit hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan. Magdudulot siya nang malawakang pagkawasak at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao, ang mga taong banal.
他必勢力強大,但那力量不是出於自己;他卻有驚人的破壞力,他所行的無不成功,要摧毀強有力者和聖民,
25 Sa pamamagitan ng kaniyang katusuhan, pasasaganain niya ang panlilinlang sa ilalim ng kaniyang kamay. Lilitaw din siya laban sa Hari ng mga hari at mawawasak siya—ngunit hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng tao.
憑自己的機智必攻擊聖民,靠自己的權術獲得成功;他心中妄自尊大,趁人不備而毀滅許多人民,且起而攻擊萬君之君,但終於未經人手而自趨崩潰。
26 Totoo ang pangitain na sinabi tungkol sa mga gabi at mga umaga. Ngunit selyohan mo ang pangitain, sapagkat tumutukoy ito sa maraming araw sa hinaharap.”
關於所說的晝夜數目的異象,是真實的,但你對這異象要保守秘密,因為是關於遙遠日期的事而說的。」
27 At akong si Daniel ay napagod at nanghina sa loob ng ilang araw. Pagkatapos, bumangon ako at pumunta sa gawain ng hari. Ngunit kinilabutan ako dahil sa pangitain at walang sinumang nakaunawa nito.
我達尼爾疲憊患病數日,然後纔起來處理君王的政務。我對這異象仍驚奇不已,因我不能明白其中的意義。