< Daniel 7 >
1 Sa unang taon ni haring Belsazar ng Babilonia, nagkaroon si Daniel ng panaginip at mga pangitain habang siya ay nakahiga sa kaniyang higaan. Pagkatapos, isinulat niya kung ano ang kaniyang nakita sa panaginip. Isinulat niya ang mga pinakamahalagang kaganapan.
巴比倫王貝爾沙匝元年,達尼爾睡在床上,作了一夢,在腦海裏見了一些異象;他遂寫下那夢,記述了這事的始末。
2 Ipinaliwanag ni Daniel, “Sa aking pangitain kagabi, nakita ko na pinapagalaw ng apat na hangin ng langit ang malaking dagat.
達尼爾說道:我夜間見了一個異象:看見天上忽然起了四股巨風,震盪了大海,
3 Lumitaw mula sa dagat ang apat na malalaking hayop, bawat isa ay hindi magkakapareho
遂有四種巨獸從海中出來,各有不同的形狀:
4 Ang una ay tulad ng isang leon ngunit mayroong mga pakpak ng agila. Habang ako ay nagmamasid, natanggal ang mga pakpak nito at iniangat ito mula sa lupa at pinatayo sa dalawang paa tulad ng tao. Ibinigay rito ang pag-iisip ng isang tao.
第一個相似獅子,具有鷹的翅膀;我觀看,直至看見牠的翅膀被拔去,由地上被舉起來,兩腳直立像一個人,且給了牠一顆人心。
5 At mayroong ikalawang hayop na tulad ng isang oso, nakayuko at mayroon itong tatlong tadyang sa pagitan ng mga ngipin sa bunganga nito. Sinabihan ito na, “Tumayo ka at lamunin ang maraming tao.'
又看見另一個獸,就是第二個,相似熊,半身側立,口內牙齒間銜著三根肋骨;有人吩咐牠說:「起來,大量吞食肉罷! 」
6 Pagkatapos, muli akong tumingin. Mayroon pang isang hayop na kahawig ng isang leopardo. Sa likod nito ay mayroong apat na pakpak na tulad ng mga pakpak ng ibon at mayroon itong apat na ulo. Binigyan ito ng karapatan upang mamahala.
後來我又觀看,看見另有一獸,相似豹子,有四個頭,背上有四隻鳥的翅膀,且賜給了牠統治權。
7 Pagkatapos nito, nakita ko sa aking panaginip kagabi ang ika-apat na hayop na nakakasindak, nakakatakot at napakalakas. Mayroon itong malaking bakal na ngipin. Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso at tinapak-tapakan ang natira. Kakaiba ito sa iba pang mga hayop at mayroon itong sampung sungay.
此後,我在夜間的神視中觀看,看見第四個獸,非常可怕,極其兇猛,有巨大的鐵牙,吞噬咬碎,又把剩餘的用腳踐踏;牠與以前各獸不同,尚有十隻角。
8 Habang pinagmamasdan ko ang mga sungay, tumingin ako at nakita ko ang isa pang sungay na tumubo mula sa kanila, isang maliit na sungay. Tatlo mula sa mga sungay ang pinihit palabas sa kanilang mga ugat. Nakita ko sa sungay na ito ang mga mata na tulad ng mga mata ng tao at isang bibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.
我定睛注視這些角時,看見在那些角中又生出另一隻小角,在這小角前面,以前的角中有三隻角竟被連根拔除;看,小角上還有眼睛,相似人的眼睛,有一個誇大的口。
9 Habang nakatingin ako, inihanda ang mga trono sa lugar nito at naupo sa kaniyang upuan ang Sinaunang mga Araw. Kasing puti ng niyebe ang kaniyang damit at ang buhok sa kaniyang ulo ay tulad ng balahibo ng tupa. Nagliliyab na apoy ang kaniyang trono at nagliliyab na apoy ang mga gulong nito.
我觀望直到安置了寶座,上面坐著一位萬古常存者,他的衣服潔白如雪,他的頭髮潔白如羊毛,他的寶座好似火燄,寶座的輪子如同烈火。
10 Isang ilog na apoy ang umaagos palabas sa kaniyang harapan, milyon-milyon ang naglilingkod sa kaniya, at isang daang milyon ang nakatayo sa kaniyang harapan. Nasa pagpupulong ang hukuman at nabuksan ang mga libro.
一道火河湧出,從他面前流下,有千萬服事他的,有億兆侍立在他面前的,審判者已坐堂,案卷已展開。
11 Patuloy akong tumingin dahil sa mayayabang na mga salitang binanggit ng sungay. Pinanood ko ang hayop habang pinapatay, nawasak ang katawan nito at ibinigay upang sunugin.
那時,我因那隻角說出大話而注意觀望,一直觀望到那獸被殺,牠的屍體被撕毀,被投入火內。
12 Para sa mga natitira sa apat na hayop, inalis ang kanilang kapangyarihan ng pamamahala, ngunit pinahaba ang kanilang buhay para sa nalalabing panahon.
至於其餘的獸,他們的統治權被剝奪;至於牠們的壽命,也被注定直到某一個時候和期限。
13 Sa aking pangitain nang gabing iyon, nakita ko ang isang dumarating kasabay ang mga ulap ng langit tulad ng isang anak ng tao. Lumapit siya sa Sinaunang mga Araw at iniharap siya sa kaniya.
我仍在夜間的神視中觀望;看見一位相似人子者,乘著天上的雲彩而來,走向萬古常存者,遂即被引到他面前。
14 Ibinigay sa kaniya ang karapatan upang mamuno, ang kaluwalhatian at ang makaharing kapangyarihan upang ang lahat ng mga tao, mga bansa, at mga wika ay dapat maglingkod sa kaniya. Walang hanggan ang kaniyang karapatang mamuno na hindi lilipas at hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian.
他便賜給似人子者統治權、尊榮和國度,各民族、各邦國及各異語人民都要侍奉他;他的王權是永遠的王權,永存不替,他的國度永不滅亡。
15 Ngunit para sa akin, na si Daniel, nagdadalamhati sa aking kaloob-looban ang aking espiritu at ginagambala ako ng mga pangitain na aking nakita sa aking isipan.
我達尼爾,因此心中憂愁,我所見的異象使我煩亂,
16 Nilapitan ko ang isa sa kanila na nakatayo roon at hiniling ko sa kaniya na ipakita sa akin ang kahulugan ng mga bagay na ito.
我遂走近一位侍者,問他關於這一切事的實情;他便告訴了我,使我知道這些事的意義說:「
17 Ang malalaking hayop na ito, na apat ang bilang, ay apat na haring manggagaling mula sa daigdig.
這四個巨獸就是將在世界上興起的四個君王;
18 Ngunit tatanggapin ng mga taong banal ng Kataas-taasan ang kaharian at aangkinin nila ito magpakailanman.
但至高者的聖民要承受王國,永遠佔有,直至萬世萬代。」
19 At nais ko pang malaman ang tungkol sa ikaapat na hayop, labis itong kakaiba sa mga iba at labis na kakila-kilabot ang bakal na ngipin at ang tansong mga kuko nito. Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso at tinatapakan ang anumang natira.
當時我又想知道有關那第四個獸的實情,因為牠與眾不同,非常可怕,牠的牙是鐵的,爪是銅的,吞噬咬碎,又把剩餘的用腳踐踏。
20 Nais kong malaman ang tungkol sa sampung sungay sa kaniyang ulo at ang tungkol sa ibang sungay na tumubo bago pa mahulog ang tatlong sungay. Nais ko pang malaman ang tungkol sa sungay na mayroong mga mata at tungkol sa bibig na nagyayabang tungkol sa mga dakilang mga bagay na parang mas nakatataas ito sa kaniyang mga kasamahan.
我又願意知道牠頭上的那十隻角及生於其中的那另一隻角,即那隻使三隻角墮於牠前的角,這角還有眼睛,有誇大的口,並且它的形狀比其餘的角都大。
21 Habang nakatingin ako, nagtaguyod ng digmaan ang sungay na ito laban sa mga taong banal at tinatalo ang mga ito
我觀看,看見這隻角正在與聖民交戰,竟戰勝了他們,
22 hanggang dumating ang Sinaunang mga Araw at ibinigay ang katarungan sa mga taong banal ng Kataas-taasan. At dumating ang panahon na tinanggap ng mga taong banal ang kaharian.
直到萬古常存者降來,為至高者的聖民伸冤,於是期限到了,而眾聖民取得了國權。
23 Ito ang sinabi ng taong iyon, 'Ngunit para sa ikaapat na hayop, magiging ikaapat na kaharian ito sa daigdig na magiging kakaiba mula sa iba pang mga kaharian. Lalamunin, aapakan at dudurugin nito nang pira-piraso ang buong daigdig.
侍者告訴我說:「這第四個獸就是將在世界上興起的地四個國,她與其他各國不同,她要併吞、蹂躪且粉碎天下。
24 Ngunit para sa sampung sungay, mula sa kahariang ito manggagaling ang sampung hari at isa pa ang lilitaw pagkatapos nila. Magiging kakaiba siya mula sa mga nauna. At masasakop niya ang tatlong hari.
至於那十隻角,即指將由此國而興起的十個君王;他們以後,將興起另一位君王,他與以前者不同,他要制勝三個君王,
25 Magsasabi siya ng mga salita laban sa Kataas-taasan at aapihin niya ang mga taong banal ng Kataas-taasang Diyos. Susubukan niyang palitan ang mga pagdiriwang at ang kautusan. Maibibigay ang mga bagay na ito sa kaniyang mga kamay sa isang taon, dalawang taon at kalahating taon.
他要說褻瀆至高者的話,企圖消滅至高者的聖民,擅自改變節慶和法律;聖民將被交在他手中,直到一段時期,另兩段時期和半段時期;
26 Ngunit magpupulong ang hukuman at kukunin ang kaniyang makaharing kapangyarihan upang tupukin at wasakin sa huli.
然後審判者要坐堂,奪去他的統治權,將他永遠消滅,
27 Maibibigay sa mga taong kabilang sa mga banal na tao ng Kataas-taasan ang kaharian, at ang kapangyarihan, ang mga kadakilaan ng mga kaharian sa ibaba ng buong kalangitan. Walang hanggang kaharian ang kaniyang kaharian, paglilingkuran at susundin siya ng lahat ng iba pang mga kaharian.
將王國的統治權和天下萬邦的尊威,賜給至高者的聖民:他的國是永遠的國,一切邦國都要服事他,順從他。
28 Narito ang katapusan ng lahat ng bagay. Ngunit para sa akin, na si Daniel, labis na nabahala ang aking isipan at nabago ang itsura ng aking mukha. Ngunit itinago ko ang mga bagay na ito sa aking sarili.”
此事敘述至此結束,我達尼爾心中十分煩亂,面色都改變了,但我仍將此事存在心中。