< Daniel 6 >

1 Nalugod si Dario na magtalaga sa buong kaharian ng 120 na mga gobernador ng lalawigan na mamahala sa buong kaharian.
И бысть угодно пред царем, и постави во царстве князей сто и двадесять, еже быти им во всем царстве его,
2 Sa kanila ay may tatlong punong tagapamahala, at si Daniel ang isa sa kanila. Naitalaga ang mga punong tagapamahala upang pangasiwaan ang mga gobernador ng lalawigan, upang ang hari ay hindi makaranas pa ng kawalan.
над ними же три чиновники, от нихже бе Даниил един, дабы отдавали им князи слово, яко да царю не стужают.
3 Higit na natatangi si Daniel sa lahat ng mga punong tagapamahala at sa mga gobernador ng mga lalawigan dahil siya ay may natatanging espiritu. Binabalak ng hari na siya ay hiranging mamahala sa buong kaharian.
И бе Даниил над ними, яко дух бяше преизюбилен в нем, и царь постави его над всем царством своим.
4 Kaya ang ibang punong tagapamahala at ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ng mga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngunit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sa kaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkakamali o kapabayaang natagpuan sa kaniya.
Чиновницы же и князи искаху вины обрести на Даниила: и всякия вины и соблазна и греха не обретоша на него, яко верен бяше.
5 Kaya sinabi ng mga kalalakihang ito, “Wala tayong makitang anumang dahilan upang magreklamo laban sa Daniel na ito maliban lamang kung may makita tayong laban sa kaniya tungkol sa kautusan ng kaniyang Diyos.
И реща чиновницы не обрящем на Даниила вины, аще не в законех Бога его.
6 Kaya nagdala ng plano ang mga namamahala at mga gobernador sa harapan ng hari na. Sinabi nila sa kaniya, “Haring Dario, mabuhay ka nawa magpakailanman!
Тогда чиновницы и князи предсташа царю и реша ему: Дарие царю, во веки живи:
7 Lahat ng mga pinunong tagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mga rehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mga tagapayo, at ang mga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangang maglabas ng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang ang sinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari, dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon.
совещаша вси иже во царстве твоем воеводы и князи, ипати и обладающии странами, еже уставити устав царский и укрепити предел, яко аще кто попросит прошения от всякаго бога и человека до дний тридесяти, разве точию от тебе, царю, да ввержен будет в ров левский:
8 Ngayon, o hari, magpalabas ka ng isang atas at lagdaan ang kasulatan upang sa gayon hindi na ito maaaring mabago, ayon sa mga batas na itinuturo ng mga Medo at Persia, sa gayon hindi ito mapawalang bisa.
ныне убо, царю, устави предел и положи писание, яко да не изменится заповедь Мидска и Персска, (да никтоже преступит ея).
9 Kaya nilagdaan ni Haring Dario ang dokumento na gawing batas ang kautusan.
Тогда царь Дарий повеле вписати заповедь.
10 Nang nalaman ni Daniel na nalagdaan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sa kaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaas ay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod, gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
Даниил же егда уведе, яко заповедь вчинися, вниде в дом свой: дверцы же отверсты ему в горнице его противу Иерусалима, в три же времена дне бяше прекланяя колена своя, моляся и исповедаяся пред Богом своим, якоже бе творя прежде.
11 At nakita ng mga kalalakihang ito na magkakasamang bumuo ng masamang balak si Daniel na humihiling at humahanap ng tulong mula sa Diyos.
Тогда мужие онии наблюдоша и обретоша Даниила просяща и молящася Богу своему,
12 Pagkatapos, sila ay lumapit sa hari at nagsalita sa kaniya tungkol sa kaniyang batas: “Hindi ba gumawa ka ng batas na sinumang gumawa ng kahilingan sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo hari ay dapat ihagis sa yungib ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Naiayos na ang mga bagay na ito, ayon sa batas ng mga taga-Medo at mga taga-Persia; hindi na ito mapapawalang bisa.”
и пришедше реша пред царем: царю, не вчинил ли еси ты предела, яко да всяк человек, иже аще попросит у всякаго бога и человека прошения до тридесяти дний, но точию у тебе, царю, да ввержется в ров левск? И рече царь: истинно слово, и заповедь Мидска и Персска не мимоидет.
13 At, sumagot sila sa hari, “Ang taong si Daniel, na isa sa mga taong bihag mula sa Juda ay hindi nakinig sa iyo, o hari, o sa iyong batas na iyong nilagdaan. Nanalangin siya sa kaniyang Diyos ng tatlong beses sa isang araw.”
Тогда отвещаша пред царем и глаголаша: Даниил, иже от сынов плена Иудейска, не покорися заповеди твоей (и не раде) о пределе, егоже вчинил еси: в три бо времена дне просит у Бога своего прошений своих.
14 Nang marinig ito ng hari, labis siyang nabalisa at naghanap siya ng paraang iligtas si Daniel sa ganitong kapasyahan. Pinagsikapan niya hanggang sa paglubog ng araw na subukang iligtas si Daniel.
Тогда царь, яко слышав слово сие, зело опечалися о нем, и о Данииле пряшеся еже избавити его, и бе даже до вечера пряся еже избавити его.
15 Pagkatapos, ang mga kalalakihang ito na nagbalak ng masama ay nagtipon kasama ang hari at sinabi sa kaniya, “Alam mo, o hari, nabatas ng Medo at Persia, na walang batas o kautusan na pinalabas ng hari ang maaaring mabago.”
Тогда мужие онии глаголаша царю: веждь, царю яко Мидом и Персом не леть есть пременити всякаго предела и устава, егоже царь уставит.
16 At nagbigay ng utos ang hari, at dinala nila sa loob si Daniel at inihagis nila siya sa yungib ng mga leon. At sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.”
Тогда царь рече, и приведоша Даниила и ввергоша его в ров левск. И рече царь Даниилу: Бог твой, Емуже ты служиши присно, Той избавит тя.
17 Dinala ang isang bato sa pasukan ng yungib, at tinatakan ito ng hari ng kaniyang singsing na pangtatak at kasama ng mga tatak ng singsing ng mga maharlika upang walang anumang mabago tungkol kay Daniel.
И принесоша камень един и возложиша на устие рва, и запечата царь перстнем своим и перстнем вельмож своих, да не изменится деяние о Данииле.
18 Pagkatapos, pumunta ang hari sa kaniyang palasyo at magdamag siyang nag-ayuno. Walang mang-aaliw na dinala sa harapan niya at hindi siya nakatulog.
И отиде царь в дом свой и ляже без вечери, и яди не внесоша к нему: и сон отступи от него. И заключи Бог уста львом, и не стужиша Даниилу.
19 At nang madaling araw, bumangon ang hari at nagmamadaling nagtungo sa yungib ng mga leon.
Тогда царь воста заутра на свете и со тщанием прииде ко рву левску.
20 Habang siya ay papalapit sa yungib, tinawag niya si Daniel, na may tinig na puno ng pagdadalamhati. Sinabi niya kay Daniel, “Daniel, lingkod ng buhay na Diyos, nailigtas ka ba ng iyong Diyos na lagi mong pinaglilingkuran mula sa mga leon?”
И егда приближися ко рву, возопи гласом крепким: Данииле, рабе Бога живаго! Бог твой, Емуже ты служиши присно, возможе ли избавити тя из уст львовых?
21 Pagkatapos sinabi ni Daniel sa hari, “Hari, mabuhay ka magpakailanman!
И рече Даниил цареви: царю, во веки живи:
22 Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”
Бог мой посла Ангела Своего и затвори уста львов, и не вредиша мене, яко обретеся пред Ним правда моя, и пред тобою, царю, согрешения не сотворих.
23 Pagkatapos, ang hari ay masayang masaya. Nagbigay siya ng utos na kailangang ilabas sa yungib si Daniel. Kaya itinaas nila si Daniel palabas ng yungib. Walang nakitang sugat sa kaniya, dahil siya ay nagtiwala sa kaniyang Diyos.
Тогда царь вельми возвеселися о нем и рече Даниила извести из рва. И изведен бысть Даниил из рва, и всякаго тления не обретеся на нем яко верова в Бога своего.
24 Nagbigay ng isang utos ang hari, na dalhin ang mga kalalakihang nagparatang kay Daniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon, sila at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Bago sila sumayad sa sahig ay sinunggaban na sila ng mga leon at pinagbabali ang kanilang mga buto nang pira-piraso.
И рече царь, и приведоша мужы оклеветавшыя Даниила и в ров левск ввергоша я и сыны их и жены их: и не доидоша дна рва, даже соодолеша им львы и вся кости их истончиша.
25 Pagkatapos, sumulat si Haring Dario sa lahat ng mga tao, mga bansa at mga wika na naninirahan sa buong mundo: “Sumagana nawa ang kapayapaan sa inyo.
Тогда Дарий царь написа всем людем, племеном, языком, живущым во всей земли: мир вам да умножится:
26 Ipinag-uutos ko na sa lahat ng nasasakupan ng aking kaharian, ang manginig at matakot ang mga tao sa harap ng Diyos ni Daniel, sapagkat siya ay buhay na Diyos at nabubuhay magpakailanman at hindi nawawasak ang kaniyang kaharian; ang kaniyang kapangyarihan ay maging hanggang sa wakas.
от лица моего заповедася заповедь сия во всей земли царства моего, да будут трепещуще и боящеся от лица Бога Даниилова, яко Той есть Бог живый и пребываяй во веки, и царство Его не разсыплется, и власть Его до конца:
27 Iniingatan niya tayo at inililigtas at gumagawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa langit at sa lupa; iningatan niyang ligtas si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.”
подемлет и избавляет, и творит знамения и чудеса на небеси и на земли, иже избави Даниила от уст львовых.
28 Kaya sumagana ang Daniel na ito sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro ang Persiano.
Даниил же управляше во царстве Дариеве и во царстве Кира Персянина.

< Daniel 6 >