< Daniel 5 >
1 Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking handaan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isang libo.
Belshazzar, the king, made a great feast for a thousand of his nobles, and each one of them drank according to his age.
2 Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod.
And so, when they were drunk, he instructed that the vessels of gold and silver should be brought, which Nebuchadnezzar, his father, had carried away from the temple, which was in Jerusalem, so that the king, and his nobles, and his wives, and the concubines, might drink from them.
3 Dinala ng mga tagapaglingkod ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo, ang bahay ng Diyos sa Jerusalem. At ito ang pinag-inuman ng hari at ang mga maharlika niyang tauhan at kaniyang mga asawa at mga asawang niyang taga-paglingkod.
Then the gold and silver vessels were presented, which he had carried away from the temple and which had been in Jerusalem, and the king, and his nobles, wives, and concubines, drank from them.
4 Ininom nila ang alak at nagpuri sa kanilang mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.
They drank wine, and they praised their gods of gold, and silver, brass, iron, and wood and stone.
5 Sa sandaling iyon, lumitaw ang mga daliri ng isang kamay ng tao sa harapan ng patungan ng ilaw at nagsulat sa napalitadahang pader sa palasyo ng hari. At nakikita ng hari ang bahagi ng kamay habang nagsusulat.
In the same hour, there appeared fingers, as of the hand of a man, writing on the surface of the wall, opposite the candlestick, in the king’s palace. And the king observed the part of the hand that wrote.
6 Nagbago ang mukha ng hari at tinakot siya ng kaniyang isipan; ang kaniyang mga hita ay hindi siya kayang suportahan at ang kaniyang mga tuhod ay nag-uumpugan.
Then the king’s countenance was changed, and his thoughts disturbed him, and he lost his self-control, and his knees knocked against one other.
7 Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
And the king cried out loudly for them to bring in the astrologers, Chaldeans, and soothsayers. And the king proclaimed to the wise men of Babylon, saying, “Whoever will read this writing and make known to me its interpretation will be clothed with purple, and will have a golden chain on his neck, and will be third in my kingdom.”
8 At ang lahat ng mga kalalakihan ng hari na kilala sa kanilang karunungan ay pumasok, ngunit hindi nila mabasa ang nakasulat o maipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.
Then, in came all the wise men of the king, but they could neither read the writing, nor reveal the interpretation to the king.
9 At labis na nabagabag si haring Belsazar at nagbago ang anyo ng kaniyang mukha. At namangha ang mga maharlika niyang tauhan.
Therefore, king Belshazzar was quite confused, and his face was altered, and even his nobles were disturbed.
10 Ngayon, pumasok ang inang reyna sa loob ng pinagpigingang bahay kung saan ang handaan dahil sa sinabi ng hari at ng kaniyang mga maharlikang tauhan. Sinabi ng inang reyna, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Huwag mong hayaang guluhin ka ng iyong pag-iisip. Huwag mong hayaang magbago ang anyo ng iyong mukha.
But the queen, because of what had happened to the king and his nobles, entered the banquet house. And she spoke out, saying, “O king, live forever. Do not let your thoughts confuse you, neither should your face be altered.
11 May isang lalaki sa iyong kaharian na nagtataglay ng espiritu ng mga banal na diyos. Sa mga panahon ng iyong ama, nakikita sa kaniya ang ilaw, pang-unawa at karunungan gaya ng karunungan ng mga diyos. Si haring Nebucadnezar, na iyong amang hari, ang nagtalaga sa kaniya na maging pinuno ng mga salamangkero at siya rin ang pinuno ng mga nakikipag usap sa patay, ng matatalinong kalalakihan at ng mga astrologo.
There is a man in your kingdom, who has the spirit of the holy gods within himself, and in the days of your father, knowledge and wisdom were found in him. For king Nebuchadnezzar, your father, appointed him leader of the astrologers, enchanters, Chaldeans, and soothsayers, even your father, I say to you, O king.
12 Ang lahat ng mga katangian na ito, natatanging espiritu, karunungan, pang-unawa, pagbibigay kahulugan sa mga panaginip, nagpapaliwanag sa mga matalinhagang salita, paglulutas ng mga suliranin ay matatagpuan sa mismong Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. Ipatawag mo si Daniel ngayon at sasabihin niya sa iyo ang kahulugan ng nakasulat.”
For a greater spirit, and foresight, and understanding, and interpretation of dreams, and the revealing of secrets, and the solution to difficulties were found in him, that is, in Daniel, to whom the king gave the name Belteshazzar. Now, therefore, let Daniel be summoned, and he will explain the interpretation.”
13 Pagkatapos dinala si Daniel sa harapan ng hari. Sinabi ng hari sa kaniya, “Ikaw iyong Daniel, na isa sa mga taong binihag sa Juda, na kinuha ng aking ama mula sa Juda.
Then Daniel was brought in before the king. And the king spoke to him, saying, “Are you Daniel, of the sons of the captivity of Judah, whom my father the king led out of Judea?
14 Nabalitaan ko ang tungkol sa iyo, na ang espiritu ng mga diyos ay nasa iyo, ang ilaw, ang pang-unawa at natatanging karunungan ay matatagpuan sa iyo.
I have heard of you, that you have the spirit of the gods, and that greater knowledge, as well as understanding and wisdom, have been found in you.
15 At dinala sa harapan ko ang mga kalalakihan na kilala sa kanilang mga karunungan at ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, upang basahin ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang sabihin ang kahulugan nito.
And now the wise astrologers have entered into my presence, so as to read this writing and to reveal to me its interpretation. And they were not able to tell me the meaning of this writing.
16 Narinig ko na kaya mong magbigay ng kahulugan at lumutas ng mga suliranin. Ngayon kapag nabasa mo ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, dadamitan ka ng kulay ube at lalagyan ang iyong leeg ng gintong kuwintas, at ipagkakaloob sa iyo ang kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
Furthermore, I have heard about you that you can interpret obscure things and solve difficulties. So then, if you succeed in reading the writing, and in revealing its interpretation, you will be clothed with purple, and you will have a chain of gold around your neck, and you will be the third leader in my kingdom.”
17 At sumagot si Daniel sa harapan ng hari, “Hayaang mong sa iyo ang iyong mga kaloob at ibigay ang iyong mga gantimpala sa ibang tao. Ganoon pa man, babasahin ko sa iyo ang nakasulat, hari, at sasabihin ko sa iyo ang kahulugan.
To this Daniel responded by saying directly to the king, “Your rewards should be for yourself, and the gifts of your house you may give to another, but I will read to you the writing, O king, and I will reveal to you its interpretation.
18 Para sa iyo, hari, ang Kataas-taasang Diyos ang nagbigay ng kaharian kay Nebucadnezar na iyong ama nang may kadakilaan, karangalan at kapangyarihan.
O king, the Most High God gave to Nebuchadnezzar, your father, a kingdom and greatness, glory and honor.
19 At dahil sa kadakilaang ibinigay ng Diyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wika ay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya ang mga gusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay ang mga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalan ang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya ang mga gusto niyang ibaba.
And because of the greatness that he gave to him, all peoples, tribes, and languages trembled and were afraid of him. Whomever he wished, he put to death; and whomever he wished, he destroyed; and whomever he wished, he exalted; and whomever he wished, he lowered.
20 Ngunit nang nagmataas ang kaniyang puso at naging matigas ang kaniyang espiritu kaya kumilos siya ng may kapalaluan, ibinaba siya mula sa pagkahari, at tinanggal nila ang kaniyang kapangyarihan.
But when his heart was lifted up and his spirit was hardened in arrogance, he was deposed from the throne of his kingdom and his glory was taken away.
21 Itinaboy siya mula sa mga tao, at siya ay nagkaroon ng pag-iisip ng isang hayop, at nabuhay siya na kasama ang maiilap na mga asno. Kumakain siya ng damo tulad ng baka. Nababasa ang kaniyang katawan sa hamog na mula sa kalangitan hanggang sa natutuhan niyang ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at itinatalaga niya ang sinumang nais niyang maghari sa kanila.
And he was expelled from the sons of men, and so his heart was placed with the beasts, and his dwelling was with the wild donkeys, and he ate hay like an ox, and his body was drenched with the dew of heaven, until he realized that the Most High holds power over the kingdom of men, and that whoever he wishes, he will set over it.
22 Ikaw Belsazar, na kaniyang anak na lalaki, hindi mo ipinakumbaba ang iyong puso, kahit na alam mo ang lahat ng mga ito.
Likewise, you, his son Belshazzar, have not humbled your heart, though you knew all these things.
23 Itinaas mo ang iyong sarili laban sa Panginoon ng langit. Mula sa kaniyang tahanan dinala sa iyo ang mga sisidlang ininuman mo ng alak at iyong mga maharlikang tauhan at ng iyong mga asawa at ng iyong mga asawang lingkod at nagpuri kayo sa inyong mga diyus-diyosang gawa sa pilak at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato—-mga diyus-diyosang hindi makakita, hindi makarinig, o hindi nakakaalam ng anumang bagay. Hindi mo iginalang ang Diyos na may hawak ng iyong hininga sa kaniyang kamay at nakakaalam sa lahat ng iyong mga pamamaraan.
But you have lifted yourself up against the Lord of heaven. And the vessels of his house have been presented before you. And you, and your nobles, and your wives, and your concubines, have drunk wine from them. Likewise, you have praised the gods of silver, and gold, and brass, iron, and wood and stone, who neither see, nor hear, nor feel, yet you have not glorified the God who holds your breath and all your ways in his hand.
24 Kaya nagpadala ang Dios ng isang kamay mula sa kaniya at isinulat ito.
Therefore, he has sent the part of the hand which has written this, which has been inscribed.
25 At ito ang kaniyang isinulat: MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
But this is the writing that has been decreed: MANE, THECEL, PHARES.
26 Ito ang kahulugan nito: MENE, ''Binilang' ng Diyos ang iyong kaharian at ito ay kaniyang winakasan.
And this is the interpretation of the words. MANE: God has numbered your kingdom and has finished it.
27 TEKEL, ikaw ay 'tinimbang' sa mga timbangan at nakita na ikaw ay nagkulang.
THECEL: you have been weighed on the scales and found lacking.
28 PERES, ang iyong kaharian ay 'nahati' at ibinigay sa Medes at Persia.”
PHARES: your kingdom has been divided and has been given to the Medes and the Persians.
29 Pagkatapos nito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulay ube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sa kaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniya na siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.
Then, by the king’s command, Daniel was dressed with purple, and a chain of gold was placed around his neck, and it was proclaimed of him that he held power as the third in the kingdom.
30 Sa gabing iyon pinatay si Belsazar, ang hari ng Babilonia,
That same night, king Belshazzar the Chaldean was killed.
31 at natanggap ni Darius na taga-Mede ang kaharian nang siya ay mag-aanimnapu't dalawang taong gulang.
And Darius the Mede succeeded to the kingdom, at the age of sixty-two years.