< Daniel 5 >

1 Nagdaos si haring Belsazar nang napakalaking handaan para sa isang libo niyang maharlikang tauhan, at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat na isang libo.
伯沙撒王为他的一千大臣设摆盛筵,与这一千人对面饮酒。
2 Habang tinitikman ni Belsazar ang alak, nagbigay siya ng mga utos na ilabas ang mga sisidlan na gawa sa ginto at pilak na kinuha sa templo ng Jerusalem ng kaniyang amang si Nebucadnezar, upang mainuman niya at ng kaniyang mga maharlikang tauhan at ng kaniyang mga asawa at mga asawang tagapaglingkod.
伯沙撒欢饮之间,吩咐人将他父尼布甲尼撒从耶路撒冷殿中所掠的金银器皿拿来,王与大臣、皇后、妃嫔好用这器皿饮酒。
3 Dinala ng mga tagapaglingkod ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo, ang bahay ng Diyos sa Jerusalem. At ito ang pinag-inuman ng hari at ang mga maharlika niyang tauhan at kaniyang mga asawa at mga asawang niyang taga-paglingkod.
于是他们把耶路撒冷 神殿库房中所掠的金器皿拿来,王和大臣、皇后、妃嫔就用这器皿饮酒。
4 Ininom nila ang alak at nagpuri sa kanilang mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.
他们饮酒,赞美金、银、铜、铁、木、石所造的神。
5 Sa sandaling iyon, lumitaw ang mga daliri ng isang kamay ng tao sa harapan ng patungan ng ilaw at nagsulat sa napalitadahang pader sa palasyo ng hari. At nakikita ng hari ang bahagi ng kamay habang nagsusulat.
当时,忽有人的指头显出,在王宫与灯台相对的粉墙上写字。王看见写字的指头
6 Nagbago ang mukha ng hari at tinakot siya ng kaniyang isipan; ang kaniyang mga hita ay hindi siya kayang suportahan at ang kaniyang mga tuhod ay nag-uumpugan.
就变了脸色,心意惊惶,腰骨好像脱节,双膝彼此相碰,
7 Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
大声吩咐将用法术的和迦勒底人并观兆的领进来,对巴比伦的哲士说,谁能读这文字,把讲解告诉我,他必身穿紫袍,项带金链,在我国中位列第三。
8 At ang lahat ng mga kalalakihan ng hari na kilala sa kanilang karunungan ay pumasok, ngunit hindi nila mabasa ang nakasulat o maipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.
于是王的一切哲士都进来,却不能读那文字,也不能把讲解告诉王。
9 At labis na nabagabag si haring Belsazar at nagbago ang anyo ng kaniyang mukha. At namangha ang mga maharlika niyang tauhan.
伯沙撒王就甚惊惶,脸色改变,他的大臣也都惊奇。
10 Ngayon, pumasok ang inang reyna sa loob ng pinagpigingang bahay kung saan ang handaan dahil sa sinabi ng hari at ng kaniyang mga maharlikang tauhan. Sinabi ng inang reyna, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Huwag mong hayaang guluhin ka ng iyong pag-iisip. Huwag mong hayaang magbago ang anyo ng iyong mukha.
太后因王和他大臣所说的话,就进入宴宫,说:“愿王万岁!你心意不要惊惶,脸面不要变色。
11 May isang lalaki sa iyong kaharian na nagtataglay ng espiritu ng mga banal na diyos. Sa mga panahon ng iyong ama, nakikita sa kaniya ang ilaw, pang-unawa at karunungan gaya ng karunungan ng mga diyos. Si haring Nebucadnezar, na iyong amang hari, ang nagtalaga sa kaniya na maging pinuno ng mga salamangkero at siya rin ang pinuno ng mga nakikipag usap sa patay, ng matatalinong kalalakihan at ng mga astrologo.
在你国中有一人,他里头有圣神的灵,你父在世的日子,这人心中光明,又有聪明智慧,好像神的智慧。你父尼布甲尼撒王,就是王的父,立他为术士、用法术的,和迦勒底人,并观兆的领袖。
12 Ang lahat ng mga katangian na ito, natatanging espiritu, karunungan, pang-unawa, pagbibigay kahulugan sa mga panaginip, nagpapaliwanag sa mga matalinhagang salita, paglulutas ng mga suliranin ay matatagpuan sa mismong Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. Ipatawag mo si Daniel ngayon at sasabihin niya sa iyo ang kahulugan ng nakasulat.”
在他里头有美好的灵性,又有知识聪明,能圆梦,释谜语,解疑惑。这人名叫但以理,尼布甲尼撒王又称他为伯提沙撒,现在可以召他来,他必解明这意思。”
13 Pagkatapos dinala si Daniel sa harapan ng hari. Sinabi ng hari sa kaniya, “Ikaw iyong Daniel, na isa sa mga taong binihag sa Juda, na kinuha ng aking ama mula sa Juda.
但以理就被领到王前。王问但以理说:“你是被掳之犹大人中的但以理吗?就是我父王从犹大掳来的吗?
14 Nabalitaan ko ang tungkol sa iyo, na ang espiritu ng mga diyos ay nasa iyo, ang ilaw, ang pang-unawa at natatanging karunungan ay matatagpuan sa iyo.
我听说你里头有神的灵,心中光明,又有聪明和美好的智慧。
15 At dinala sa harapan ko ang mga kalalakihan na kilala sa kanilang mga karunungan at ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, upang basahin ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang sabihin ang kahulugan nito.
现在哲士和用法术的都领到我面前,为叫他们读这文字,把讲解告诉我,无奈他们都不能把讲解说出来。
16 Narinig ko na kaya mong magbigay ng kahulugan at lumutas ng mga suliranin. Ngayon kapag nabasa mo ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, dadamitan ka ng kulay ube at lalagyan ang iyong leeg ng gintong kuwintas, at ipagkakaloob sa iyo ang kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
我听说你善于讲解,能解疑惑;现在你若能读这文字,把讲解告诉我,就必身穿紫袍,项戴金链,在我国中位列第三。”
17 At sumagot si Daniel sa harapan ng hari, “Hayaang mong sa iyo ang iyong mga kaloob at ibigay ang iyong mga gantimpala sa ibang tao. Ganoon pa man, babasahin ko sa iyo ang nakasulat, hari, at sasabihin ko sa iyo ang kahulugan.
但以理在王面前回答说:“你的赠品可以归你自己,你的赏赐可以归给别人;我却要为王读这文字,把讲解告诉王。
18 Para sa iyo, hari, ang Kataas-taasang Diyos ang nagbigay ng kaharian kay Nebucadnezar na iyong ama nang may kadakilaan, karangalan at kapangyarihan.
王啊,至高的 神曾将国位、大权、荣耀、威严赐与你父尼布甲尼撒;
19 At dahil sa kadakilaang ibinigay ng Diyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wika ay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya ang mga gusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay ang mga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalan ang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya ang mga gusto niyang ibaba.
因 神所赐他的大权,各方、各国、各族的人都在他面前战兢恐惧。他可以随意生杀,随意升降。
20 Ngunit nang nagmataas ang kaniyang puso at naging matigas ang kaniyang espiritu kaya kumilos siya ng may kapalaluan, ibinaba siya mula sa pagkahari, at tinanggal nila ang kaniyang kapangyarihan.
但他心高气傲,灵也刚愎,甚至行事狂傲,就被革去王位,夺去荣耀。
21 Itinaboy siya mula sa mga tao, at siya ay nagkaroon ng pag-iisip ng isang hayop, at nabuhay siya na kasama ang maiilap na mga asno. Kumakain siya ng damo tulad ng baka. Nababasa ang kaniyang katawan sa hamog na mula sa kalangitan hanggang sa natutuhan niyang ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at itinatalaga niya ang sinumang nais niyang maghari sa kanila.
他被赶出离开世人,他的心变如兽心,与野驴同居,吃草如牛,身被天露滴湿,等他知道至高的 神在人的国中掌权,凭自己的意旨立人治国。
22 Ikaw Belsazar, na kaniyang anak na lalaki, hindi mo ipinakumbaba ang iyong puso, kahit na alam mo ang lahat ng mga ito.
伯沙撒啊,你是他的儿子,你虽知道这一切,你心仍不自卑,
23 Itinaas mo ang iyong sarili laban sa Panginoon ng langit. Mula sa kaniyang tahanan dinala sa iyo ang mga sisidlang ininuman mo ng alak at iyong mga maharlikang tauhan at ng iyong mga asawa at ng iyong mga asawang lingkod at nagpuri kayo sa inyong mga diyus-diyosang gawa sa pilak at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato—-mga diyus-diyosang hindi makakita, hindi makarinig, o hindi nakakaalam ng anumang bagay. Hindi mo iginalang ang Diyos na may hawak ng iyong hininga sa kaniyang kamay at nakakaalam sa lahat ng iyong mga pamamaraan.
竟向天上的主自高,使人将他殿中的器皿拿到你面前,你和大臣、皇后、妃嫔用这器皿饮酒。你又赞美那不能看、不能听、无知无识、金、银、铜、铁、木、石所造的神,却没有将荣耀归与那手中有你气息,管理你一切行动的 神。
24 Kaya nagpadala ang Dios ng isang kamay mula sa kaniya at isinulat ito.
因此从 神那里显出指头来写这文字。
25 At ito ang kaniyang isinulat: MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
“所写的文字是:‘弥尼,弥尼,提客勒,乌法珥新。’
26 Ito ang kahulugan nito: MENE, ''Binilang' ng Diyos ang iyong kaharian at ito ay kaniyang winakasan.
讲解是这样:弥尼,就是 神已经数算你国的年日到此完毕。
27 TEKEL, ikaw ay 'tinimbang' sa mga timbangan at nakita na ikaw ay nagkulang.
提客勒,就是你被称在天平里,显出你的亏欠。
28 PERES, ang iyong kaharian ay 'nahati' at ibinigay sa Medes at Persia.”
毗勒斯,就是你的国分裂,归与米底亚人和波斯人。”
29 Pagkatapos nito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulay ube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sa kaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniya na siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.
伯沙撒下令,人就把紫袍给但以理穿上,把金链给他戴在颈项上,又传令使他在国中位列第三。
30 Sa gabing iyon pinatay si Belsazar, ang hari ng Babilonia,
当夜,迦勒底王伯沙撒被杀。
31 at natanggap ni Darius na taga-Mede ang kaharian nang siya ay mag-aanimnapu't dalawang taong gulang.
米底亚人大流士年六十二岁,取了迦勒底国。

< Daniel 5 >