< Daniel 4 >

1 Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang atas na ito sa lahat ng mga lahi, mga bansa, at mga wikang naninirahan sa lupa: “Sumagana nawa ang inyong kapayapaan.
Ɔhene Nebukadnessar, de saa nkra yi kɔmaa nnipa ne aman ne kasa ahorow a ɛwɔ wiase se: Ensi mo yiye mmoroso!
2 Tila mabuti sa aking sabihin sa inyo ang tungkol sa mga tanda at mga himalang ginawa sa akin ng Kataas-taasan.
Ɛyɛ me anigye sɛ mo nyinaa ahu biribi a ɛfa nsɛnkyerɛnne ne anwonwade a Ɔsorosoro Nyankopɔn ayɛ ama me.
3 Kahanga-hanga ang kaniyang mga tanda at makapangyarihan ang kaniyang mga himala! Walang hanggang kaharian ang kanyang kaharian, at nananatili sa sali't saling lahi ang kaniyang kapangyarihan.
Hwɛ sɛnea ne nsɛnkyerɛnne yɛ kɛse fa!
4 Ako, si Nebucadnezar, masayang naninirahan sa aking tahanan at nagpapakasaya sa kasagaanan sa aking palasyo.
Na me, Nebukadnessar, mete mʼahemfi, midi me ho so na me koma tɔ me yam.
5 Ngunit natakot ako sa isang panaginip ko. Habang nakahiga ako roon, nabagabag ako sa mga larawang aking nakita at sa mga pangitain sa aking isipan.
Nanso mesoo dae bi a, ɛbɔɔ me hu yiye. Meda me mpa so no, mfoni a ɛfaa mʼani so ne anisoadehu a minyaa no hunahunaa me.
6 Kaya nagbigay ako ng isang atas na dalhin sa aking harapan ang lahat ng mga kalalakihan sa Babilonia na may karunungan upang maipaliwanag nila ang panaginip sa akin.
Ɛno nti, mehyɛ ma wɔfrɛɛ anyansafo a wɔwɔ Babilonia nyinaa sɛ wɔmmɛkyerɛ me dae no ase.
7 At dumating ang mga salamangkero, mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mga astrologo. Sinabi ko sa kanila ang panaginip, ngunit hindi nila ito maipaliwanag sa akin.
Bere a nkonyaayifo, pɛadeahufo, Kaldeafo ne ntafowayifo no bae no, mekaa dae no kyerɛɛ wɔn, nanso wɔantumi ankyerɛ me ase.
8 Ngunit sa huli, pumasok si Daniel—na pinangalanang Beltesazar ayon sa pangalan ng aking diyos, at sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos. Sinabi ko sa kaniya ang panaginip.
Akyiri no, Daniel (a wɔtoo no din Beltesasar, a ɛyɛ me nyame din, efisɛ, na anyame kronkron no honhom wɔ ne mu) baa mʼanim, na mekaa dae no kyerɛɛ no.
9 “Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at walang hiwaga ang labis na mahirap sa iyo. Sabihin mo sa akin kung ano ang aking nakita sa aking panaginip at kung ano ang kahulugan nito.
Meka kyerɛɛ no se, Beltesasar, nkonyaayifo panyin, minim sɛ, anyame kronkron no honhom wɔ wo mu, ɛno nti, ɛnyɛ wo den sɛ wobɛkyerɛ ahintasɛm biara ase. Afei, me dae no ni, kyerɛ me ase.
10 Ito ang mga pangitaing aking nakita sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan: Tumingin ako, at may isang puno sa gitna ng lupa, at labis na kahanga-hanga ang taas nito.
Bere a meda me mpa so no, dae a mesoe ne sɛ, mihuu dua bi a esi asase mfimfini a ɛware tenteenten.
11 Lumaki ang puno at naging matatag. Umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nito at makikita ito hanggang sa mga dulo ng buong daigdig.
Dua no nyin yɛɛ dutan kɛse na ne tenten koduu soro, a wuhu no asase so baabiara.
12 Magaganda ang mga dahon, sagana ang bunga at narito ang pagkain para sa lahat. Sumisilong sa lilim nito ang mga mababangis na hayop at namumugad ang mga ibon sa mga sanga nito. Mula dito, napapakain ang lahat ng nilalang.
Na ne nhaban yɛ frɔmfrɔm fɛfɛɛfɛ, na asow aba bebree, na so wɔ aduan ma obiara. Na wuram mmoa te ne nwini ase, na wim nnomaa nso yɛ wɔn berebuw wɔ ne mman mu.
13 Nakita ko sa aking isipan habang nakahiga ako sa aking higaan, at isang banal na mensahero ang bumaba mula sa kalangitan.
“Meda me mpa so no, mihuu ɔbɔfo kronkron bi a ofi ɔsoro reba fam wɔ mʼanisoadehu no mu.
14 Sumigaw siya at sinabing, 'Sibakin ang puno at putulin ang mga sanga nito, tanggalin ang mga dahon, at ikalat ang mga bunga. Hayaang umalis ang mga hayop mula sa ilalim nito at lumipad ang mga ibon mula sa mga sanga nito.
Ɔbɔfo no teɛɛ mu se, ‘Twa dua no to fam na twitwa ne mman no nyinaa. Porow ne nhaban no, na tow nʼaba no pete. Pam mmoa no fi ne nwini ase, na pam wim nnomaa no fi ne mman so.
15 Iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga hayop sa mga halaman sa lupa.
Nanso gyaw dunsin no ne ne ntin a dade ne kɔbere akyekyere, na sare atwa ho ahyia no. “‘Afei, ma ɔsoro bosu mfɔw no fɔkyee, na ma ɔne mmoa ntena wɔ wuram.
16 Hayaang mapalitan ang kaniyang isipan mula sa isipan ng tao at hayaaang isang isipan ng hayop ang maibigay sa kaniya hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.
Na ma nʼadwene nsesa na ɛnyɛ sɛ aboa de. Na mfe ason ntwa ne ti so.
17 Ang pasyang ito ay sa pamamagitan ng atas na iniulat ng mensahero. Ito ay pasyang ginawa ng mga banal upang malaman ng mga nabubuhay na ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay ang mga ito sa sinumang naisin niyang mamuno sa mga ito, maging sa mga pinakamabababang tao.'
“‘Asomafo asi gyinae dedaw; na akronkronfo abu atɛn sɛnea ɛbɛyɛ a ateasefo nyinaa bɛte ase sɛ, Ɔsorosoroni no na odi wiase ahemman so, na ɔde ma obiara a ɔpɛ, mpo, sɛ ɔyɛ onipa teta.’
18 Ako, si Haring Nebucadnezar ay nagkaroon ng ganitong panaginip. Ngayon, ikaw Beltesazar, sabihin mo sa akin ang paliwanag, dahil wala sa mga may karunungang kalalakihan sa aking kaharian ang makapagpaliwanag nito sa akin. Ngunit makakaya mong gawin, dahil sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos.”
“Beltesasar, saa dae yi na me, Ɔhene Nebukadnessar soe. Afei kyerɛ me ase, efisɛ anyansafo a wɔwɔ mʼahemman mu nyinaa antumi ankyerɛ me ase. Na wo de, wubetumi akyerɛ me, efisɛ anyame kronkron honhom no wɔ wo mu.”
19 At labis na nabahala nang sandali si Daniel na pinangalanang Beltesazar, at nangamba siya sa kaniyang mga saloobin. Sinabi ng hari, “Beltesazar, huwag mong pangambahan ang panaginip o ang paliwanag nito.” Sumagot si Beltesazar, “Aking panginoon, nawa sa mga namumuhi sa iyo mangyari ang panaginip, nawa para sa iyong mga kaaway ang paliwanag nito.
Daniel (a wɔsan frɛ no Beltesasar no) tee dae no, ɔyɛɛ basaa kakra; ne ho dwiriw no na nʼadwene mu haw no. Nti, ɔhene no ka kyerɛɛ no se, “Beltesasar, mma dae no ne ne nkyerɛase mmɔ wo hu.” Beltesasar buae se, “Eyi de, Nana, anka dae no ne ne nkyerɛase no ɛmpare wo na ɛnkɔ wʼatamfo so!
20 Ang punong nakita mo—na lumaki at naging matatag, at umabot hanggang sa kalangitan ang tuktok nito, at nakikita sa mga dulo ng buong daigdig—
Nana, wuhuu dua bi a enyin yɛɛ dutan kɛse a ne tenten koduu soro, na wuhu no asase nyinaa so.
21 na magaganda ang mga dahon, at sagana ang bunga, upang ito ay pagkain para sa lahat, at sumisilong sa lilim nito ang mga hayop, at kung saan namumugad ang mga ibon sa kalangitan—
Na ne nhaban yɛ frɔmfrɔm fɛfɛɛfɛ a asow aba bebree, na so wɔ aduan ma obiara. Na wuram mmoa te ne nwini ase, na wim nnomaa nso yɛ wɔn berebuw wɔ ne mman mu.
22 ang punong ito ay ikaw, hari, ikaw na lumaking napakatatag. Lumaki ang iyong kadakilaan at umaabot sa kalangitan, at umaabot sa mga dulo ng daigdig ang iyong kapangyarihan.
Nana, mesrɛ ka, saa dua no yɛ wo. Efisɛ, woanya nkɔso, ahoɔden ne kɛseyɛ mu. Wo kɛseyɛ no kodu ɔsoro, na wʼadedi no kɔ akyirikyiri kodu asase ano.
23 Nakita mo, hari, ang isang banal na mensaherong bumababa mula sa langit at sinasabing, 'Sibakin ang puno at wasakin ito, ngunit iwan ang tuod ng mga ugat nito sa lupa, na nakagapos ng isang gapos na bakal at tanso sa gitna ng mga murang damo sa parang. Hayaang mabasa ito ng hamog mula sa kalangitan. Hayaang mamuhay ito kasama ng mga mababangis na hayop sa parang hanggang sa pagkaraan ng pitong taon.'
“Afei, Nana, wuhuu ɔbɔfo kronkron a ofi ɔsoro reba fam, na ɔreka se, ‘Twa dua no to fam na sɛe no. Nanso, gyaw dunsin no ne ne ntin a dade ne kɔbere akyekyere, na sare atwa ho ahyia no. Afei ma ɔsoro bosu mfɔw no fɔkyee, na ma ɔne mmoa ntena wɔ wuram. Na ma nʼadwene nsesa na ɛnyɛ sɛ aboa de. Na mfe ason ntwa ne ti so.’
24 Ito ang paliwanag, hari. Isang atas ito ng Kataas-taasan na nakarating sa iyo, aking panginoong hari.
“Dae no nkyerɛase ni, Nana, atɛn a Ɔsorosoroni no abu atia wo no ni.
25 Itataboy ka mula sa mga tao, at maninirahan ka kasama ng mga mababangis na hayop sa parang. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka, at mababasa ka ng hamog mula sa kalangitan, at lilipas ang pitong taon hanggang kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.
Wɔbɛpam wo afi nnipa mu, na wo ne wuram mmoa bɛtena wuram. Wobɛwe sare te sɛ nantwi, na ɔsoro bosu afɔw wo fɔkyee. Mfe ason betwa wo ti so akosi sɛ, wubehu sɛ, Ɔsorosoroni no na odi wiase ahemman so, na ɔde ma obiara a ɔpɛ.
26 Gaya ng iniutos na iwan ang tuod ng mga ugat ng puno, sa paraang ito, maibabalik ang kaharian sa iyo sa panahong kilalanin mong naghahari ang langit.
Hyɛ a wɔhyɛ ma wogyaw dunsin no ne ne ntin no wɔ asase mu no kyerɛ sɛ, sɛ wuhu sɛ ɔsoro na edi tumi no a, wo nsa bɛsan aka wʼahenni.
27 Kaya hari, hayaang maging katanggap-tanggap ang payo ko sa iyo. Tumigil ka sa pagkakasala at gawin kung ano ang matuwid. Talikuran mo ang iyong mga kasamaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag sa mga inaapi, at maaaring magpatuloy pa ang iyong kasaganaan.”
Ne saa nti, Nana Nebukadnessar, mesrɛ wo, tie mʼafotu. Gyae bɔneyɛ, na yɛ nea ɛteɛ. Gyae wʼatirimɔdensɛm na yɛ ahummɔbɔ ma ahiafo, na twe wo ho fi wo tete amumɔyɛ no ho. Ebia, woyɛ saa a, wobɛkɔ so adi yiye.”
28 Nangyari ang lahat ng ito kay Haring Nebucadnezar,
Na saa nneɛma yi nyinaa baa Ɔhene Nebukadnessar so.
29 pagkaraan ng labindalawang buwan, Naglalakad siya sa maharlikang palasyo sa Babilonia.
Asram dumien akyi a na ɔretu mpase wɔ ahemfi no abansoro atifi wɔ Babilonia no,
30 Sinasabi ng hari, “Hindi ba ito ang dakilang Babilonia, na aking itinatag para sa aking maharlikang tirahan, para sa kaluwalhatian ng aking kapangyarihan?”
ɔtoo nʼani, hwɛɛ kurow no mu, na ɔkae se, “Ɛnyɛ Babilonia kurow kɛse a mede me tumi akyekyere ayɛ no ɔhempɔn atenae de ahyɛ mʼahenni anuonyam ni ana?”
31 Habang sinasabi pa ito ng hari, isang tinig ang nagmula sa langit: “Haring Nebucadnezar, iniatas laban sa iyo na hindi mo na pag-aari pa ang kahariang ito.
Bere a ogu so reka saa nsɛm no, nne bi fi ɔsoro bae se, “Wo, Ɔhene Nebukadnessar, nea wɔahyɛ ato hɔ ama wo ni: Wɔagye wʼahenni tumi no afi wo nsam.
32 Itataboy ka palayo mula sa mga tao, at sa parang ang iyong magiging tahanan kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka. Lilipas ang pitong taon hanggang sa kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.”
Wɔbɛpam wo afi nnipa mu. Wo ne wuram mmoa bɛtena wuram. Na wobɛwe sare te sɛ nantwi. Mfe ason betwa wo ti so kosi sɛ wubehu sɛ, Ɔsorosoroni no di wiase ahemman so, na ɔde ma obiara a ɔpɛ.”
33 Natupad kaagad kay Nebucadnezar ang atas na ito. Itinaboy siya palayo mula sa mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isang baka, at nabasa ang kaniyang katawan ng hamog mula sa kalangitan. Humaba ang kaniyang buhok na kasing haba ng mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mga pangalmot ng mga ibon ang kaniyang mga kuko.
Amono mu hɔ ara nkɔmhyɛ no baa mu. Wɔpam Nebukadnessar fii nnipa mu. Ɔwee sare te sɛ nantwi, na ɔsoro bosu fɔw no fɔkyee. Ɔtenaa saa tebea no mu kosii sɛ, ne tinwi yɛɛ atenten te sɛ ɔkɔre ntakra, na nʼawerɛw yɛɛ sɛ anomaa awerɛw.
34 At sa katapusan ng mga araw, ako, si Nebucadnezar ay tumingin sa langit, at ibinalik sa akin ang aking katinuan. “Pinuri ko ang Kataas-taasan, at pinarangalan at niluwalhati ko ang siyang nabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang kaniyang paghahari ay walang hanggang paghahari, at nananatili ang kaniyang kaharian sa lahat ng sali't saling lahi.
Saa bere yi twaa mu no, me, Nebukadnessar, memaa mʼani so hwɛɛ soro. Mʼani baa me ho so, na mekamfo Ɔsorosoroni no, na metrontrom nea ɔte ase daa no yii no ayɛ se:
35 Itinuturing niyang walang halaga ang lahat ng mga naninirahan sa lupa, ginagawa niya sa hukbo ng langit at sa mga naninirahan sa lupa ang anumang naaayon sa kaniyang kagustuhan. Walang makakapigil o makakatutol sa kaniya. Walang makakapagsasabi sa kaniyang, 'Bakit mo ito ginawa?''
Asase so nnipa nyinaa,
36 Sa gayunding panahong nanumbalik sa akin ang aking katinuan, nanumbalik sa akin ang aking kapangyarihan at kaningningan para sa kaluwalhatian ng aking kaharian. Hinangad ng aking mga tagapayo at aking mga tagapamahala ang aking pagpanig. Ibinalik ako sa aking trono, at higit pang kadakilaan ang ibinigay sa akin.
Bere a mʼani baa me ho so no, bere koro no mu ara na me nidi ne me kɛseyɛ a ɛhyɛ me man no anuonyam no bae. Mʼafotufo ne mʼabirɛmpɔn hwehwɛɛ me, na wɔsan de me sii mʼahenni so bio, na mʼanuonyam bɛyɛɛ kɛse kyɛn kan no.
37 Ngayon, ako, si Nebucadnezar ay nagpupuri, nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit, sapagkat matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa, at makatarungan ang kaniyang mga pamamaraan. Kaya niyang ibaba ang mga namumuhay sa kanilang sariling kapalaluan.
Afei me Nebukadnessar, mekamfo ma no so, hyɛ ɔsorohene anuonyam, de nidi ma no. Ne nneyɛe nyinaa yɛ pɛ, na ɛyɛ nokware, na obetumi abrɛ ahantanfo ase.

< Daniel 4 >