< Daniel 2 >
1 Sa ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip. Naguluhan ang kaniyang isip, at hindi siya makatulog.
And in the second year of the reign of Nebuchadnezzar, Nebuchadnezzar dreamed dreams; and his spirit was troubled, and his sleep broke from him.
2 At ipinatawag ng hari ang mga salamangkero at ang mga nagsasabing nakakausap ang patay. Ipinatawag din niya ang mga mangkukulam at matatalinong kalalakihan. Nais niya na sabihin nila sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga panaginip. Kaya dumating sila at tumayo sa harapan ng hari.
Then the king commanded to call the magicians, and the enchanters, and the sorcerers, and the Chaldeans, to tell the king his dreams. So they came and stood before the king.
3 Sinabi ng hari sa kanila, “Nagkaroon ako ng isang panaginip, at nababahala ang aking isipan na malaman ang kahulugan ng panaginip.”
And the king said unto them: 'I have dreamed a dream, and my spirit is troubled to know the dream.'
4 Pagkatapos, nagsalita ang matatalinong kalalakihan sa wikang Aramaico, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Sabihin mo ang panaginip sa amin, ang inyong mga lingkod at ihahayag namin ang kahulugan.”
Then spoke the Chaldeans to the king in Aramaic: 'O king, live for ever! tell thy servants the dream, and we will declare the interpretation.'
5 Sumagot ang hari sa matatalinong kalalakihan, “Nalutas na ang usaping ito. Kung hindi ninyo maihahayag ang panaginip sa akin at bigyang kahulugan ito, pagpuputul-putulin ko ang inyong katawan at gagawin kong tambakan ng basura ang inyong mga tahanan.
The king answered and said to the Chaldeans: 'The thing is certain with me; if ye make not known unto me the dream and the interpretation thereof, ye shall be cut in pieces, and your houses shall be made a dunghill.
6 Ngunit kung sasabihin ninyo sa akin ang panaginip at kahulugan nito, makakatanggap kayo ng mga kaloob mula sa akin, isang gantimpala at dakilang karangalan. Kaya sabihin ninyo sa akin ang panaginip at kahulugan nito.”
But if ye declare the dream and the interpretation thereof, ye shall receive of me gifts and rewards and great honour; only declare unto me the dream and the interpretation thereof.'
7 Sumagot silang muli at sinabi, “Hayaang sabihin ito sa amin ng hari, ang kaniyang mga lingkod, ang panaginip at sasabihin namin sa inyo ang kahulugan nito.”
They answered the second time and said: 'Let the king tell his servants the dream, and we will declare the interpretation.'
8 Sumagot ang hari, “Nakatitiyak ako na nangangailangan pa kayo ng mas maraming panahon dahil nakita ninyo kung gaano katatag ang aking pagpapasiya tungkol dito.
The king answered and said: 'I know of a truth that ye would gain time, inasmuch as ye see the thing is certain with me,
9 Ngunit kung hindi ninyo sasabihin sa akin ang panaginip, may iisang hatol lamang para sa inyo. Napagpasiyahan ninyong maghanda ng bulaan at mapanlinlang na mga salita na sinang-ayunan ninyo upang sabihin sa akin hanggang magbago ang aking isip. Kung kaya, sabihin ninyo sa akin ang panaginip at pagkatapos ay alam ko na mabibigyang kahulugan ninyo ito para sa akin.”
that, if ye make not known unto me the dream, there is but one law for you; and ye have agreed together to speak before me lying and corrupt words, till the time be changed; only tell me the dream, and I shall know that ye can declare unto me the interpretation thereof.'
10 Sumagot ang matatalinong kalalakihan sa hari, “Walang tao sa lupa ang may kakayanang matugunan ang pangagailangan ng hari. Walang dakila at makapangyarihang hari ang mangangailangan ng ganoong bagay mula sa sinumang salamangkero, o mula sa sinumang umaangkin na makipag-usap sa patay, o mula sa isang matalinong tao.
The Chaldeans answered before the king, and said: 'There is not a man upon the earth that can declare the king's matter; forasmuch as no great and powerful king hath asked such a thing of any magician, or enchanter, or Chaldean.
11 Ang pangangalingan ng hari ay mahirap, at walang sinuman ang makakapagsabi nito sa hari maliban sa mga diyos at hindi sila naninirahan kabilang sa mga tao.”
And it is a hard thing that the king asketh, and there is none other that can declare it before the king, except the gods, whose dwelling is not with flesh.'
12 Ito ang ikinagalit at labis na nagpagalit sa hari, at nagbigay siya ng utos na lipulin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
For this cause the king was angry and very furious, and commanded to destroy all the wise men of Babylon.
13 Kaya nailabas ang kautusan. Lahat ng mga nakilala sa kanilang karunungan ay nahatulan ng kamatayan; hinanap din nila si Daniel at ang kaniyang mga kaibigan upang mailagay din sila sa kamatayan.
So the decree went forth, and the wise men were to be slain; and they sought Daniel and his companions to be slain.
14 Pagkatapos, sumagot si Daniel ng may hinahon at mabuting pagpapasiya kay Arioc na pinuno ng mga tagabantay ng hari, na dumating upang patayin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
Then Daniel returned answer with counsel and discretion to Arioch the captain of the king's guard, who was gone forth to slay the wise men of Babylon;
15 Tinanong ni Daniel ang pinuno ng tagabantay ng hari, “Bakit pabigla-bigla ang kautusan ng hari?” Kaya sinabi ni Arioc kay Daniel ang nangyari.
he answered and said to Arioch the king's captain: 'Wherefore is the decree so peremptory from the king?' Then Arioch made the thing known to Daniel.
16 Pagkatapos, pumasok si Daniel at humiling ng kasunduan sa hari upang maiharap niya ang pagpapaliwanag sa hari.
Then Daniel went in, and desired of the king that he would give him time, that he might declare unto the king the interpretation.
17 Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
Then Daniel went to his house, and made the thing known to Hananiah, Mishael, and Azariah, his companions;
18 Hinimok niya sila na hanapin ang habag mula sa Diyos ng langit tungkol sa hiwagang ito upang siya at sila ay hindi maaaring patayin kasama ang mga natirang kalalakihan sa Babilonia na kilala sa kanilang karunungan.
that they might ask mercy of the God of heaven concerning this secret; that Daniel and his companions should not perish with the rest of the wise men of Babylon.
19 Nang gabing iyon, naihayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos ng kalangitan
Then was the secret revealed unto Daniel in a vision of the night. Then Daniel blessed the God of heaven.
20 at sinabi, “Purihin ang pangalan ng Diyos ng walang hanggan at magpakailanman; sapagkat ang karunungan at kapangyarihan ay sa kaniya.
Daniel spoke and said: Blessed be the name of God from everlasting even unto everlasting; for wisdom and might are His;
21 Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa.
And He changeth the times and the seasons; He removeth kings, and setteth up kings; He giveth wisdom unto the wise, and knowledge to them that know understanding;
22 Inihahayag niya ang malalim at nakatagong mga bagay dahil alam niya ang mga nasa kadiliman at ang liwanag ay nananahan sa kaniya.
He revealeth the deep and secret things; He knoweth what is in the darkness, and the light dwelleth with Him.
23 Diyos ng aking mga ninuno, pinasasalamatan at pinupuri ko kayo para sa karunungan at kapangyarihan na ibinigay ninyo sa akin. Ngayon, ipinaalam mo sa akin kung ano ang aming ipinapanalangin sa iyo; ipinaalam mo sa amin ang bagay na nagpapaalala sa hari.”
I thank Thee, and praise Thee, O Thou God of my fathers, who hath given me wisdom and might, and hast now made known unto me what we desired of Thee; for Thou hast made known unto us the king's matter.
24 Sa lahat ng mga ito, pumunta si Daniel upang makipagkita kay Arioc, ang isa na itinakda ng hari upang patayin ang lahat ng matatalino sa Babilonia. Lumapit siya at sinabi sa kaniya, “Huwag mong patayin ang matatalinong kalalakihan sa Babilonia. Samahan mo ako sa harapan ng hari at sasabihin ko ang kahulugan ng panaginip ng hari.
Therefore Daniel went in unto Arioch, whom the king had appointed to destroy the wise men of Babylon; he went and said thus unto him: 'Destroy not the wise men of Babylon; bring me in before the king, and I will declare unto the king the interpretation.'
25 At dinala agad ni Arioc si Daniel sa harapan ng hari at sinabi, “Natagpuan ko na ang lalaki sa mga bihag ng Juda na makapaghahayag ng kahulugan sa panaginip ng hari.”
Then Arioch brought in Daniel before the king in haste, and said thus unto him: 'I have found a man of the children of the captivity of Judah, that will make known unto the king the interpretation.'
26 Sinabi ng hari kay Daniel (na tinatawag na Beltesazar), “May kakayahan ka bang sabihin sa akin ang panaginip na nakita ko at ang kahulugan nito?”
The king spoke and said to Daniel, whose name was Belteshazzar: 'Art thou able to make known unto me the dream which I have seen, and the interpretation thereof?'
27 Sumagot si Daniel sa hari at sinabi, “Ang hiwagang pangagailangan ng hari ay hindi maihahayag sa pamamagitan ng mga may karunungan, ni sa pamamagitan ng mga nagsasabi na nakikipag-usap sa patay, ni sa mga salamangkero, at hindi sa mga manghuhula.
Daniel answered before the king, and said: 'The secret which the king hath asked can neither wise men, enchanters, magicians, nor astrologers, declare unto the king;
28 Gayon pa man, mayroong isang Diyos na naninirahan sa langit, na naghahayag ng mga lihim, at ipinaalam niya sa iyo, Haring Nebucadnezar kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw. Ang iyong panaginip at mga pangitain ng iyong isip habang nakahiga ka sa iyong higaan ay ang mga ito:
but there is a God in heaven that revealeth secrets, and He hath made known to the king Nebuchadnezzar what shall be in the end of days. Thy dream, and the visions of thy head upon thy bed, are these:
29 Para sa iyo, hari, ang iyong mga pag-iisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan kung ano ang mangyayari sa panahong darating, at ang isang makapaghahayag ng mga lihim na ipaalam sa iyo ay malapit ng mangyari.
as for thee, O king, thy thoughts came into thy mind upon thy bed, what should come to pass hereafter; and He that revealeth secrets hath made known to thee what shall come to pass.
30 Para sa akin, hindi maihahayag ang lihim na ito sa akin dahil sa anumang karunungan na mayroon ako higit pa sa kahit sinong nabubuhay na tao. Inihayag ang lihim na ito sa akin upang ikaw na hari ay maaaring maunawaan ang kahulugan nito at upang maaari mong malaman ang mga pag-iisip na nasa iyong kalooban.
But as for me, this secret is not revealed to me for any wisdom that I have more than any living, but to the intent that the interpretation may be made known to the king, and that thou mayest know the thoughts of thy heart.
31 Hari, tumingala ka at nakita mo ang isang malaking imahen. Ang imaheng ito ay napaka-makapangyarihan at maliwanag na nakatayo sa iyong harapan. Kakila-kilabot ang liwanag nito.
Thou, O king, sawest, and behold a great image. This image, which was mighty, and whose brightness was surpassing, stood before thee; and the appearance thereof was terrible.
32 Gawa sa purong ginto ang ulo ng imahen. Gawa sa pilak ang dibib at mga braso nito. Ang gitna at hita nito ay gawa sa tanso,
As for that image, its head was of fine gold, its breast and its arms of silver, its belly and its thighs of brass,
33 at gawa sa bakal ang mga binti nito. Gawa sa pinaghalong bakal at putik ang mga paa nito.
its legs of iron, its feet part of iron and part of clay.
34 Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito.
Thou sawest till that a stone was cut out without hands, which smote the image upon its feet that were of iron and clay, and broke them to pieces.
35 At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.
Then was the iron, the clay, the brass, the silver, and the gold, broken in pieces together, and became like the chaff of the summer threshing-floors; and the wind carried them away, so that no place was found for them; and the stone that smote the image became a great mountain, and filled the whole earth.
36 Ito ang iyong panaginip. Ngayon, sasabihin na namin sa hari ang kahulugan.
This is the dream; and we will tell the interpretation thereof before the king.
37 Ikaw hari, ay hari ng mga hari na siyang binigyan ng kaharian ng Diyos sa langit, ang kapangyarihan, ang kalakasan, at ang karangalan.
Thou, O king, king of kings, unto whom the God of heaven hath given the kingdom, the power, and the strength, and the glory;
38 Ibinigay niya sa iyong kamay ang lugar kung saan naninirahan ang mga tao. Ibinigay niya ang lahat ng hayop sa parang at mga ibon sa kalangitan sa iyong kamay, at ipinamahala niya ang lahat ng ito sa iyo. Ikaw ang gintong ulo ng imahen.
and wheresoever the children of men, the beasts of the field, and the fowls of the heaven dwell, hath He given them into thy hand, and hath made thee to rule over them all; thou art the head of gold.
39 Pagkatapos mo, isa pang kaharian ang babangon na mas mababa sa iyo, at gayunman ang ikatlong kaharian ng tanso ang mamamahala sa buong mundo.
And after thee shall arise another kingdom inferior to thee; and another third kingdom of brass, which shall bear rule over all the earth.
40 Magkakaroon ng ikaapat na kaharian, kasintibay ng bakal, dahil winawasak ng bakal ang ibang bagay nang pira-piraso at dudurugin ang lahat ng bagay. Dudurugin niya ang lahat ng mga bagay at wawasakin ang mga ito.
And the fourth kingdom shall be strong as iron; forasmuch as iron breaketh in pieces and beateth down all things; and as iron that crusheth all these, shall it break in pieces and crush.
41 Tulad lamang ng nakita mo, ang paa at mga daliri ng paa na bahagyang gawa sa lutong putik at bahagyang gawa sa bakal, kaya ito ay magiging nahating kaharian; ilan sa kalakasan ng bakal ay naroon, tulad lamang ng nakita mong pinaghalong bakal kasama ang malambot na putik.
And whereas thou sawest the feet and toes, part of potters' clay, and part of iron, it shall be a divided kingdom; but there shall be in it of the firmness of the iron, forasmuch as thou sawest the iron mixed with miry clay.
42 Habang ang mga daliri sa paa ay bahagyang gawa sa bakal at bahagyang gawa sa putik, kaya ang kaharian ay bahagyang matibay at bahagyang marupok.
And as the toes of the feet were part of iron, and part of clay, so part of the kingdom shall be strong, and part thereof broken.
43 Habang nakita mo na inihalo ang bakal sa malambot na putik, kaya magkakahalo ang mga tao; hindi na sila mananatiling magkasama, gaya ng bakal na hindi inihahalo sa putik.
And whereas thou sawest the iron mixed with miry clay, they shall mingle themselves by the seed of men; but they shall not cleave one to another, even as iron doth not mingle with clay.
44 Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.
And in the days of those kings shall the God of heaven set up a kingdom, which shall never be destroyed; nor shall the kingdom be left to another people; it shall break in pieces and consume all these kingdoms, but it shall stand for ever.
45 Gaya ng iyong nakita, isang batong natibag sa bundok, ngunit hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Dinurog nito ang bakal, tanso, putik, pilak at ginto nang pira-piraso. Ipinaalam sa iyo ng dakilang Diyos, hari, ang mangyayari pagkatapos nito. Ang panaginip ay totoo at ang pagpapaliwanag na ito ay maaasahan.”
Forasmuch as thou sawest that a stone was cut out of the mountain without hands, and that it broke in pieces the iron, the brass, the clay, the silver, and the gold; the great God hath made known to the king what shall come to pass hereafter; and the dream is certain, and the interpretation thereof sure.'
46 Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar sa harap ni Daniel at pinarangalan siya; iniutos niya na magsagawa ng handog at ang insensong iyon ay maihandog sa kaniya.
Then the king Nebuchadnezzar fell upon his face, and worshipped Daniel, and commanded that they should offer an offering and sweet odours unto him.
47 Sinabi ng hari kay Daniel, “Totoo na ang iyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, ang Panginoon ng mga hari, at ang siyang naghahayag ng mga lihim, sapagkat may kakayahan kang makapaghayag ng hiwagang ito.”
The king spoke unto Daniel, and said: 'Of a truth it is, that your God is the God of gods, and the Lord of kings, and a revealer of secrets, seeing thou hast been able to reveal this secret.'
48 Pagkatapos, binigyan ng mataas na parangal ng hari si Daniel at binigyan siya ng maraming kamangha-manghang mga kaloob. Ginawa niya siyang pinuno sa buong lalawigan ng Babilonia.
Then the king made Daniel great, and gave him many great gifts, and made him to rule over the whole province of Babylon, and to be chief prefect over all the wise men of Babylon.
49 Si Daniel ang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinong kalalakihan ng Babilonia. Gumawa ng kahilingan si Daniel sa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.
And Daniel requested of the king, and he appointed Shadrach, Meshach, and Abed-nego, over the affairs of the province of Babylon; but Daniel was in the gate of the king.