< Daniel 12 >
1 “Sa panahong iyon, tatayo si Miguel, ang dakilang prinsipe na nagbabantay sa iyong mga kababayan. Magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nararanasan kailanman magmula nang nagkaroon ng anumang bansa hanggang sa panahong iyon. Sa panahong iyon, maililigtas ang iyong mga kababayan, ang lahat ng pangalang matatagpuang nakasulat sa aklat.
In tempore autem illo consurget Michael princeps magnus, qui stat pro filiis populi tui: et veniet tempus quale non fuit ab eo ex quo gentes esse cœperunt usque ad tempus illud. Et in tempore illo salvabitur populus tuus, omnis qui inventus fuerit scriptus in libro.
2 Marami sa mga natutulog sa alabok ng daigdig ang babangon, ang ilan ay sa walang hanggang buhay at ang ilan ay sa kahihiyan at walang hanggang pagdurusa.
Et multi de his, qui dormiunt in terræ pulvere, evigilabunt: alii in vitam æternam, et alii in opprobrium ut videant semper.
3 Ang mga marurunong ay magliliwanag tulad ng liwanag ng kalangitan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituin magpakailanman.
Qui autem docti fuerint, fulgebunt quasi splendor firmamenti: et qui ad iustitiam erudiunt multos, quasi stellæ in perpetuas æternitates.
4 Ngunit ikaw Daniel, isara mo ang mga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami ang magsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan ang kaalaman.”
Tu autem Daniel claude sermones, et signa librum usque ad tempus statutum: plurimi pertransibunt, et multiplex erit scientia.
5 At ako, si Daniel ay tumingin, at may dalawa pang nakatayo roon. Ang isa ay nakatayo sa dakong gilid ng ilog na ito at ang isa ay nakatayo sa pampang sa kabilang dako ng ilog.
Et vidi ego Daniel, et ecce quasi duo alii stabant: unus hinc super ripam fluminis, et alius inde ex altera ripa fluminis.
6 Sinabi ng isa sa kanila sa lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig, “Gaano katagal matatapos ang mga kamangha-manghang pangyayaring ito?”
Et dixi viro, qui erat indutus lineis, qui stabat super aquas fluminis: Usquequo finis horum mirabilium?
7 Narinig ko ang lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit at nangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito ay tatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng mga bagay na ito.
Et audivi virum, qui indutus erat lineis, qui stabat super aquas fluminis, cum elevasset dexteram et sinistram suam in cælum, et iurasset per viventem in æternum, quia in tempus, et tempora, et dimidium temporis. Et cum completa fuerit dispersio manus populi sancti, complebuntur universa hæc.
8 Narinig ko ngunit hindi ko naunawaan. Kaya nagtanong ako, “Panginoon ko, ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng mga bagay na ito?”
Et ego audivi, et non intellexi. Et dixi: Domine mi, quid erit post hæc?
9 Sinabi niya, “Makakaalis ka na Daniel sapagkat nakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahon ng pagwawakas.
Et ait: Vade Daniel, quia clausi sunt, signatique sermones usque ad præfinitum tempus.
10 Marami ang dadalisayin, lilinisin at lilinangin ngunit ang mga masasama ay magpapakasama. Wala ni isa sa mga masasama ang makakaunawa, ngunit ang mga marurunong ay makakaunawa.
Eligentur, et dealbabuntur, et quasi ignis probabuntur multi: et impie agent impii, neque intelligent omnes impii, porro docti intelligent.
11 Mula sa panahong inalis ang karaniwang handog na susunugin at ang pagkasuklam na sanhi ng ganap na pagkawasak ay handa na, magkakaroon ng 1, 290 na mga araw.
Et a tempore cum ablatum fuerit iuge sacrificium, et posita fuerit abominatio in desolationem, dies mille ducenti nonaginta.
12 Mapalad ang mga naghihintay hanggang sa matapos ang 1, 335 na mga araw.
Beatus, qui expectat, et pervenit usque ad dies mille trecentos trigintaquinque.
13 Kinakailangan mong manatili sa iyong kaparaanan hanggang sa huli at mamamahinga ka. Tatayo ka sa lugar na itinalaga sa iyo sa mga huling araw.”
Tu autem vade ad præfinitum: et requiesces, et stabis in sorte tua in finem dierum.