< Daniel 10 >
1 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Ciro na hari ng Persia, isang mensahe ay ipinahayag kay Daniel, (na tinawag na Beltesazar) at ang mensaheng ito ay totoo. Tungkol ito sa isang malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang mensahe nang ipinakita sa kaniya sa pamamagitan ng pangitain.
In the third year of Cyrus king of Persia a thing was revealed to Daniel, whose name was called Belteshazzar, and the thing was true, even a great warfare. And he understood the thing, and had understanding of the vision.
2 Sa mga araw na iyon akong si Daniel ay tumatangis ng tatlong linggo.
In those days I, Daniel, was mourning three whole weeks.
3 Hindi ako kumain ng masasarap na pagkain, hindi ako kumain ng karne, hindi ako uminom ng alak, at hindi ko pinahiran ng langis ang aking sarili hanggang sa matapos ang buong tatlong linggo.
I ate no pleasant bread. Neither flesh nor wine came into my mouth. Neither did I anoint myself at all, till three whole weeks were fulfilled.
4 Sa ika dalawampu't apat na araw ng unang buwan, samantalang ako ay nasa tabi ng malaking ilog (ito ang Tigris),
And in the twenty-fourth day of the first month, as I was by the side of the great river, which is Hiddekel,
5 Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki na nakadamit ng telang lino, na may sinturon na nakapalibot sa kaniyang baywang na yari sa purong ginto mula sa Uphas.
I lifted up my eyes, and looked. And, behold, a man clothed in linen, whose loins were girded with pure gold of Uphaz.
6 Ang kaniyang katawan ay katulad ng topaz, ang kaniyang mukha ay katulad ng kidlat, ang kaniyang mga mata ay katulad ng ningas ng mga tanglaw, ang kaniyang mga braso at kaniyang mga paa ay katulad ng makinis na tanso, at ang tunog ng kaniyang salita ay katulad ng ingay ng napakaraming tao.
Also his body was like the beryl, and his face as the appearance of lightning, and his eyes as flaming torches, and his arms and his feet like burnished brass, and the voice of his words like the voice of a multitude.
7 Akong si Daniel lamang ang nakakita ng pangitain, sapagkat hindi nakita ng mga lalaking kasama ko ang pangitain. Gayunman, isang malaking takot ang dumating sa kanila at tumakbo sila upang magtago.
And I, Daniel, alone saw the vision, for the men who were with me did not see the vision, but a great quaking fell upon them, and they fled to hide themselves.
8 Kaya naiwan akong mag-isa at nakita ko ang dakilang pangitain na ito. Nawalan ako ng lakas; ang aking maningning na anyo ay binago ng takot at wala akong natirang lakas.
So I was left alone, and saw this great vision. And there remained no strength in me, for my fitness was turned in me into debility, and I retained no strength.
9 Pagkatapos narinig ko ang kaniyang mga salita- at nang marinig ko ang mga ito, bumagsak ako sa mahimbing na pagkakatulog na nakasubsob sa lupa ang aking mukha.
Yet I heard the voice of his words. And when I heard the voice of his words, then I fell into a deep sleep on my face, with my face toward the ground.
10 May kamay na humawak sa akin, at sobrang nangatog ang aking mga tuhod at ang palad ng aking mga kamay.
And, behold, a hand touched me, which set me upon my knees and upon the palms of my hands.
11 Sinabi ng anghel sa akin, “Daniel, lalaking lubos na iniibig, unawain mo ang mga salitang sasabihin ko sa iyo, at tumayo ka ng matuwid sapagkat ipinadadala ako sa iyo. “Nang sabihin niya ang salitang ito sa akin, tumayo akong nanginginig.
And he said to me, O Daniel, thou man greatly beloved, understand the words that I speak to thee, and stand upright, for I am now sent to thee. And when he had spoken this word to me, I stood, trembling.
12 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Huwag kang matakot, Daniel. Samantalang sa unang araw na itinakda mo ang iyong isipan upang unawain at upang magpakumbaba ang iyong sarili sa harapan ng Diyos, ang iyong mga salita ay narinig at dumating ako dahil sa iyong mga salita.
Then he said to me, Fear not, Daniel, for from the first day that thou set thy heart to understand, and to humble thyself before thy God, thy words were heard. And I have come for thy words' sake.
13 Tinanggihan ako ng prinsipe ng kaharian ng Persia, at ako ay nanatili roon kasama ang mga hari ng Persia ng dalawampu't-isang araw. Subalit si Miguel, isa sa mga pinakapunong prinsipe, pumunta at tinulungan ako.
But the ruler of the kingdom of Persia withstood me twenty-one days, but, lo, Michael, one of the chief princes, came to help me. And I remained there with the kings of Persia.
14 Ngayon ay naparito ako upang tulungan kang unawain kung ano ang mangyayari sa iyong mga tao sa mga huling araw. Sapagkat ang pangitain ay para sa mga araw na darating.”
I have come now to make thee understand what shall befall thy people in the latter days, for the vision is yet for many days.
15 “Nang magsalita siya sa akin gamit ang mga salitang ito, iniharap ko ang aking mukha sa lupa at hindi ako makapagsalita.
And when he had spoken to me according to these words, I set my face toward the ground, and was mute.
16 May isang anyong tulad ng tao ang humipo sa aking mga labi, at ibinukas ko ang aking bibig at nakipag-usap sa kaniya na nakatayo sa aking harapan, “Aking panginoon, ibinalik ng pangitain ang dalamhati sa akin at wala na akong natirang lakas.
And, behold, someone in the likeness of the sons of men touched my lips. Then I opened my mouth, and spoke and said to him who stood before me, O my lord, because of the vision my pains have turned upon me, and I retain no strength.
17 Ako ang iyong lingkod. Paano ako makikipag-usap sa aking panginoon? Na ngayon ay wala na akong lakas, at walang natirang hininga sa akin.”
For how can the servant of this my lord talk with this my lord? For as for me, straightaway there remained no strength in me, nor was there breath left in me.
18 Hinawakan ako ng isang anyong tulad ng tao at pinalakas ako.
Then someone like the appearance of a man touched me again, and he strengthened me.
19 Sabi niya, “Lalaki na lubos na iniibig, huwag kang matakot. Sumaiyo ang kapayapaan. Magpakatatag ka ngayon; magpakatatag ka! “Nang magsalita siya sa sa akin, napalakas ako at sinabi ko, “Hayaan mong magsalita ang aking panginoon, sapagkat pinalakas mo ako.”
And he said, O man greatly beloved, fear not. Peace be to thee. Be strong, yea, be strong. And when he spoke to me, I was strengthened, and said, Let my lord speak, for thou have strengthened me.
20 Sinabi niya, “Alam mo ba kung bakit ako pumunta sa iyo? Babalik na ako ngayon para labanan ang prinsipe ng Persia. Kapag lumabas ako, darating ang prinsipe ng Grecia.
Then he said, Do thou know why I have come to thee? And now I will return to fight with the ruler of Persia. And when I go forth, lo, the ruler of Greece shall come.
21 Subalit sasabihin ko sa iyo kung ano ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan- walang sinuman ang magpapakita sa akin ng kaniyang sarili na malakas, maliban kay Miguel na iyong prinsipe.”
But I will tell thee that which is inscribed in the writing of truth. And there is none who holds with me against these, but Michael your prince.