< Daniel 10 >
1 Sa ikatlong taon ng paghahari ni Ciro na hari ng Persia, isang mensahe ay ipinahayag kay Daniel, (na tinawag na Beltesazar) at ang mensaheng ito ay totoo. Tungkol ito sa isang malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang mensahe nang ipinakita sa kaniya sa pamamagitan ng pangitain.
波斯王塞魯士第三年,有事顯給稱為伯提沙撒的但以理。這事是真的,是指着大爭戰;但以理通達這事,明白這異象。
2 Sa mga araw na iyon akong si Daniel ay tumatangis ng tatlong linggo.
當那時,我-但以理悲傷了三個七日。
3 Hindi ako kumain ng masasarap na pagkain, hindi ako kumain ng karne, hindi ako uminom ng alak, at hindi ko pinahiran ng langis ang aking sarili hanggang sa matapos ang buong tatlong linggo.
美味我沒有吃,酒肉沒有入我的口,也沒有用油抹我的身,直到滿了三個七日。
4 Sa ika dalawampu't apat na araw ng unang buwan, samantalang ako ay nasa tabi ng malaking ilog (ito ang Tigris),
正月二十四日,我在底格里斯大河邊,
5 Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki na nakadamit ng telang lino, na may sinturon na nakapalibot sa kaniyang baywang na yari sa purong ginto mula sa Uphas.
舉目觀看,見有一人身穿細麻衣,腰束烏法精金帶。
6 Ang kaniyang katawan ay katulad ng topaz, ang kaniyang mukha ay katulad ng kidlat, ang kaniyang mga mata ay katulad ng ningas ng mga tanglaw, ang kaniyang mga braso at kaniyang mga paa ay katulad ng makinis na tanso, at ang tunog ng kaniyang salita ay katulad ng ingay ng napakaraming tao.
他身體如水蒼玉,面貌如閃電,眼目如火把,手和腳如光明的銅,說話的聲音如大眾的聲音。
7 Akong si Daniel lamang ang nakakita ng pangitain, sapagkat hindi nakita ng mga lalaking kasama ko ang pangitain. Gayunman, isang malaking takot ang dumating sa kanila at tumakbo sila upang magtago.
這異象惟有我-但以理一人看見,同着我的人沒有看見。他們卻大大戰兢,逃跑隱藏,
8 Kaya naiwan akong mag-isa at nakita ko ang dakilang pangitain na ito. Nawalan ako ng lakas; ang aking maningning na anyo ay binago ng takot at wala akong natirang lakas.
只剩下我一人。我見了這大異象便渾身無力,面貌失色,毫無氣力。
9 Pagkatapos narinig ko ang kaniyang mga salita- at nang marinig ko ang mga ito, bumagsak ako sa mahimbing na pagkakatulog na nakasubsob sa lupa ang aking mukha.
我卻聽見他說話的聲音,一聽見就面伏在地沉睡了。
10 May kamay na humawak sa akin, at sobrang nangatog ang aking mga tuhod at ang palad ng aking mga kamay.
忽然,有一手按在我身上,使我用膝和手掌支持微起。
11 Sinabi ng anghel sa akin, “Daniel, lalaking lubos na iniibig, unawain mo ang mga salitang sasabihin ko sa iyo, at tumayo ka ng matuwid sapagkat ipinadadala ako sa iyo. “Nang sabihin niya ang salitang ito sa akin, tumayo akong nanginginig.
他對我說:「大蒙眷愛的但以理啊,要明白我與你所說的話,只管站起來,因為我現在奉差遣來到你這裏。」他對我說這話,我便戰戰兢兢地立起來。
12 Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Huwag kang matakot, Daniel. Samantalang sa unang araw na itinakda mo ang iyong isipan upang unawain at upang magpakumbaba ang iyong sarili sa harapan ng Diyos, ang iyong mga salita ay narinig at dumating ako dahil sa iyong mga salita.
他就說:「但以理啊,不要懼怕!因為從你第一日專心求明白將來的事,又在你上帝面前刻苦己心,你的言語已蒙應允;我是因你的言語而來。
13 Tinanggihan ako ng prinsipe ng kaharian ng Persia, at ako ay nanatili roon kasama ang mga hari ng Persia ng dalawampu't-isang araw. Subalit si Miguel, isa sa mga pinakapunong prinsipe, pumunta at tinulungan ako.
但波斯國的魔君攔阻我二十一日。忽然有大君中的一位米迦勒來幫助我,我就停留在波斯諸王那裏。
14 Ngayon ay naparito ako upang tulungan kang unawain kung ano ang mangyayari sa iyong mga tao sa mga huling araw. Sapagkat ang pangitain ay para sa mga araw na darating.”
現在我來,要使你明白本國之民日後必遭遇的事,因為這異象關乎後來許多的日子。」
15 “Nang magsalita siya sa akin gamit ang mga salitang ito, iniharap ko ang aking mukha sa lupa at hindi ako makapagsalita.
他向我這樣說,我就臉面朝地,啞口無聲。
16 May isang anyong tulad ng tao ang humipo sa aking mga labi, at ibinukas ko ang aking bibig at nakipag-usap sa kaniya na nakatayo sa aking harapan, “Aking panginoon, ibinalik ng pangitain ang dalamhati sa akin at wala na akong natirang lakas.
不料,有一位像人的,摸我的嘴唇,我便開口向那站在我面前的說:「我主啊,因見這異象,我大大愁苦,毫無氣力。
17 Ako ang iyong lingkod. Paano ako makikipag-usap sa aking panginoon? Na ngayon ay wala na akong lakas, at walang natirang hininga sa akin.”
我主的僕人怎能與我主說話呢?我一見異象就渾身無力,毫無氣息。」
18 Hinawakan ako ng isang anyong tulad ng tao at pinalakas ako.
有一位形狀像人的又摸我,使我有力量。
19 Sabi niya, “Lalaki na lubos na iniibig, huwag kang matakot. Sumaiyo ang kapayapaan. Magpakatatag ka ngayon; magpakatatag ka! “Nang magsalita siya sa sa akin, napalakas ako at sinabi ko, “Hayaan mong magsalita ang aking panginoon, sapagkat pinalakas mo ako.”
他說:「大蒙眷愛的人哪,不要懼怕,願你平安!你總要堅強。」他一向我說話,我便覺得有力量,說:「我主請說,因你使我有力量。」
20 Sinabi niya, “Alam mo ba kung bakit ako pumunta sa iyo? Babalik na ako ngayon para labanan ang prinsipe ng Persia. Kapag lumabas ako, darating ang prinsipe ng Grecia.
他就說:「你知道我為何來見你嗎?現在我要回去與波斯的魔君爭戰,我去後,希臘的魔君必來。
21 Subalit sasabihin ko sa iyo kung ano ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan- walang sinuman ang magpapakita sa akin ng kaniyang sarili na malakas, maliban kay Miguel na iyong prinsipe.”
但我要將那錄在真確書上的事告訴你。除了你們的大君米迦勒之外,沒有幫助我抵擋這兩魔君的。」