< Mga Colosas 4 >
1 Mga panginoon, ibigay ninyo sa mga alipin kung ano ang nararapat at makatarungan. Alam ninyo na mayroon din kayong Panginoon sa langit.
상전들아 의와 공평을 종들에게 베풀지니 너희에게도 하늘에 상전이 계심을 알지어다
2 Taimtim na magpatuloy sa panalangin. Manatiling handa sa pasasalamat.
기도를 항상 힘쓰고 기도에 감사함으로 깨어 있으라
3 Manalangin kayo ng sama-sama para sa amin, na magbukas ang Diyos ng pagkakataon para sa kaniyang salita upang sabihin ang lihim na katotohanan ni Cristo. Dahil dito, iginapos ako.
또한 우리를 위하여 기도하되 하나님이 전도할 문을 우리에게 열어주사 그리스도의 비밀을 말하게 하시기를 구하라 내가 이것을 인하여 매임을 당하였노라
4 At manalangin na magawa ko ito ng malinaw gaya ng nararapat kong sabihin.
그리하면 내가 마땅히 할 말로써 이 비밀을 나타내리라
5 Lumakad sa karunungan para sa mga hindi mananampalataya at pahalagahan ang pagkakataon.
외인을 향하여서는 지혜로 행하여 세월을 아끼라!
6 Ang inyong pananalita nawa ay laging may biyaya, na magkalasang asin, upang malaman ninyo kung paano dapat sumagot sa bawat tao.
너희 말을 항상 은혜 가운데서 소금으로 고루게 함같이 하라 그리하면 각 사람에게 마땅히 대답할 것을 알리라
7 Para sa mga bagay na may kinalaman sa akin, si Tiquico ang magpapaalam ng mga ito sa inyo. Siya ay isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod at kapwa alipin sa Panginoon.
두기고가 내 사정을 다 너희에게 알게 하리니 그는 사랑을 받는 형제요 신실한 일군이요 주 안에서 함께 된 종이라
8 Pinapunta ko siya sa inyo para rito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin at upang mapalakas niya ang inyong mga puso.
내가 저를 특별히 너희에게 보낸 것은 너희로 우리 사정을 알게 하고 너희 마음을 위로하게 하려 함이라
9 Pinapunta ko siya kasama ni Onesimo, ang tapat at minamahal na kapatid, na isa sa inyo. Sasabihin nila sa inyo ang lahat ng nangyari dito.
신실하고 사랑을 받는 형제 오네시모를 함께 보내노니 그는 너희에게서 온 사람이라 저희가 여기 일을 다 너희에게 알게 하리라
10 Binabati kayo ni Aristarco na aking kapwa bilanggo, pati na rin si Marcos, ang pinsan ni Barnabas tungkol sa kung saan natanggap ninyo ang mga kautusan, “Kung pupunta siya sa inyo tanggapin ninyo siya,”
11 at si Jesus na tinatawag din nilang Justu. Sila lamang sa pagtutuli ang kapwa ko manggagawa para sa kaharian ng Diyos. Sila ang nakapagbigay ng kaginhawaan sa akin.
12 Binabati kayo ni Epafras. Isa siya sa inyo at isang alipin ni Cristo Jesus. Lagi siyang nagsisikap na manalangin para sa inyo, upang tumayo kayong ganap at punong-puno ng katiyakan sa lahat ng kalooban ng Diyos.
13 Sapagkat naging saksi ako sa kaniya, nagpakahirap siyang gumagawa para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea at Hierapolis.
14 Bumabati sa inyo si Demas at si Lucas na minamahal na manggagamot.
15 Batiin mo ang mga kapatid sa Laodicea, si Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay.
16 Kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, basahin din ninyo ito sa iglesia ng mga taga-Laodicea at siguraduhin din ninyong nabasa ang liham mula sa Laodicea.
17 Sabihin ninyo kay Archipus, “Tingnan mo ang gawain na iyong natanggap sa Panginoon, na dapat mong tapusin ito.”
18 Ang pagbating ito ay sa pamamagitan ng aking sariling kamay—Pablo. Alalahanin ninyo ang aking mga kadena. Sumainyo nawa ang biyaya.