< Mga Colosas 2 >

1 Sapagkat gusto kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea, at para sa marami pang hindi pa nakikita ang aking mukha ng harapan.
Желаю, чтобы вы знали, какой подвиг имею я ради вас и ради тех, которые в Лаодикии и Иераполе, и ради всех, кто не видел лица моего в плоти,
2 Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo.
дабы утешились сердца их, соединенные в любви для всякого богатства совершенного разумения, для познания тайны Бога и Отца и Христа,
3 Sa kaniya ay nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.
в Котором сокрыты все сокровища премудрости и ведения.
4 Sinasabi ko ito nang sa gayon ay walang manloko sa inyo sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita.
Это говорю я для того, чтобы кто-нибудь не прельстил вас вкрадчивыми словами;
5 At bagaman hindi niyo ako pisikal na kasama, kasama ninyo naman ako sa espiritu. Nagagalak akong makita ang inyong mahusay na kaayusan at ang kalakasan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
ибо хотя я и отсутствую телом, но духом нахожусь с вами, радуясь и видя ваше благоустройство и твердость веры вашей во Христа.
6 Yamang tinanggap ninyo si Cristo ang Panginoon, lumakad kayong kasama niya.
Посему как вы приняли Христа Иисуса Господа, так и ходите в Нем,
7 Maging matatag kayong nakatanim sa kaniya, mabuo kayo sa kaniya. Magpakatibay kayo sa inyong pananampalataya tulad ng naituro sa inyo, at maging sagana kayo sa pagpapasalamat.
будучи укоренены и утверждены в Нем и укреплены в вере, как вы научены, преуспевая в ней с благодарением.
8 Tiyakin ninyong walang huhuli sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at ang walang kabuluhang pagmamayabang ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga elemento ng mundo, at hindi naaayon kay Cristo.
Смотрите, братия, чтобы кто не увлек вас философиею и пустым обольщением, по преданию человеческому, по стихиям мира, а не по Христу;
9 Sapagkat sa kaniyang katawan nabubuhay ang lahat ng kaganapan ng Diyos.
ибо в Нем обитает вся полнота Божества телесно,
10 At napuno kayo sa kaniya. Siya ang ulo ng bawat kapangyarihan at kapamahalaan.
и вы имеете полноту в Нем, Который есть Глава всякого начальства и власти.
11 Sa kaniya, tinuli rin kayo sa pamamagitan ng pagtutuli na hindi ginagawa ng mga tao, ang pagtatanggal sa katawan ng laman, ngunit sa pagtutuli ni Cristo.
В Нем вы и обрезаны обрезанием нерукотворенным, совлечением греховного тела плоти, обрезанием Христовым;
12 Inilibing kayong kasama niya sa bautismo. At sa kaniya ay ibinangon kayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na siyang nagbangon sa kaniya mula sa mga namatay.
быв погребены с Ним в крещении, в Нем вы и совоскресли верою в силу Бога, Который воскресил Его из мертвых,
13 noong kayo ay patay sa inyong mga pagkakasala at sa hindi pagkakatuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya at pinatawad tayong lahat sa ating mga paglabag.
и вас, которые были мертвы во грехах и в необрезании плоти вашей, оживил вместе с Ним, простив нам все грехи,
14 Binura niya ang nakasulat na tala ng mga pagkaka-utang at ang mga tuntunin na laban sa atin. Tinanggal niya ang lahat ng mga ito at ipinako ito sa krus.
истребив учением бывшее о нас рукописание, которое было против нас, и Он взял его от среды и пригвоздил ко кресту;
15 Tinanggal niya ang mga kapangyarihan at mga kapamahalaan. Lantaran niya silang ibinunyag at dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng kaniyang krus.
отняв силы у начальств и властей, властно подверг их позору, восторжествовав над ними Собою.
16 Kaya, huwag ninyong hayaang husgahan kayo ng iba sa pagkain o sa pag-inom, o tungkol sa araw ng pista o bagong buwan, o tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga.
Итак никто да не осуждает вас за пищу, или питие, или за какой-нибудь праздник, или новомесячие, или cубботу:
17 Ang mga ito ay anino ng mga bagay na darating, ngunit ang nilalaman ay si Cristo.
Eто есть тень будущего, а тело - во Христе.
18 Huwag hayaang manakawan ang sinuman ng gantimpala dahil sa pagnanais ng kababaang-loob at sa pamamagitan ng pagsamba sa mga anghel. Ang taong katulad nito ay nananatili sa mga bagay na nakita niya at nagiging mapagmalaki sa pamamagitan ng kaniyang makalamang pag-iisip.
Никто да не обольщает вас самовольным смиренномудрием и служением Ангелов, вторгаясь в то, чего не видел, безрассудно надмеваясь плотским своим умом
19 Hindi siya kumakapit sa ulo. Nagmumula sa ulo ang pagtutustos at pagsasama ng buong katawan, hanggang sa kaniyang mga kasu-kasuan at mga litid nito; lumalago ito kasama ang paglagong ibinigay ng Diyos.
и не держась главы, от которой все тело, составами и связями будучи соединяемо и скрепляемо, растет возрастом Божиим.
20 Kung namatay kayo kasama ni Cristo sa mga elemento ng mundo, bakit kayo nabubuhay na parang obligado sa mundo:
Итак, если вы со Христом умерли для стихий мира, то для чего вы, как живущие в мире, держитесь постановлений:
21 “Huwag hawakan, o tikman, o kahit humipo”?
“не прикасайся”, “не вкушай”, “не дотрагивайся”
22 Nakalaan ang mga bagay na ito para sa masamang paggamit, ayon sa mga tagubilin at mga itinuro ng mga tao.
что все истлевает от употребления, по заповедям и учению человеческому?
23 Ang mga patakarang ito ay may karunungan sa sariling-gawang relihiyon at pagpapakumbaba at kalupitan ng katawan. Ngunit wala itong halaga laban sa kalayawan ng laman.
Это имеет только вид мудрости в самовольном служении, смиренномудрии и изнурении тела, в некотором небрежении о насыщении плоти.

< Mga Colosas 2 >