< Amos 5 >
1 Pakinggan ninyo ang mga salitang ito na itinataghoy ko sa inyo, o sambahayan ng Israel.
イスラエルの家よ我が汝らに對ひて宣る此言を聽け 是は哀歎の歌なり
2 Bumagsak na ang birheng Israel; hindi na siya muling makatatayo; pinabayaan siya sa kaniyang bayan; at wala ni isang tutulong upang itayo siya.
處女イスラエルは仆れて復起あがらず彼は己の地に扑倒さる 之を扶け起す者なし
3 Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Ang lungsod na isang libo ang lalabas ay isang daan ang matitira, at ang isa na lalabas na may isang daan ay sampu ang matitira na pagmamay-ari ng sambayanan ng Israel.”
主ヱホバかく言たまふ イスラエルの家においては前に千人出たる邑は只百人のみのこり前に百人出たる邑は只十人のみのこらん
4 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh sa sambahayan ng Israel: “Hanapin ako at mabuhay!
ヱホバかくイスラエルの家に言たまふ 汝ら我を求めよ さらば生べし
5 Huwag hanapin ang Bethel; ni pumasok sa Gilgal, at huwag dumaan sa Beer-seba. Dahil tiyak na bibihagin ang Gilgal, at magdadalamhati ang Bethel.
ベテルを求むるなかれ ギルガルに往なかれ ベエルシバに赴く勿れ ギルガルは必ず擄へられゆきベテルは無に歸せん
6 Hanapin si Yahweh at mabuhay, kung hindi, magliliyab siya na parang apoy sa tahanan ni Jose. Ito ay tutupok, at wala kahit isa na makapapatay nito sa Bethel.
汝らヱホバを求めよ 然ば生べし 恐くはヱホバ火のごとくにヨセフの家に落くだりたまひてその火これを焼ん ベテルのためにこれを熄す者一人もあらじ
7 Ang mga taong ginagawang mapait na bagay ang katarungan at itinatapon sa lupa ang katuwiran!”
汝ら公道を茵蔯に變じ正義を地に擲つる者よ
8 Nilikha ng Diyos ang Pleyades at Orion; ginawa niyang umaga ang dilim; pinagdidilim niya ang araw na maging gabi at tinawag niya ang mga tubig sa dagat; ibinubuhos niya ang mga iyon sa ibabaw ng mundo. Yaweh ang kaniyang pangalan!
昴宿および參宿を造り死の蔭を變じて朝となし晝を暗くして夜となし海の水を呼て地の面に溢れさする者を求めよ 其名はヱホバといふ
9 Nagdudulot siya ng biglang pagkawasak sa malalakas upang sa gayon masisira ang mga tanggulan
彼は滅亡を忽然強者に臨ましむ 滅亡つひに城に臨む
10 Kinamumuhian nila ang sinumang magtuwid sa kanila sa tarangkahan ng lungsod at kinapopootan nila ang sinumang magsasabi ng katotohanan.
彼らは門にありて勸戒る者を惡み正直を言ふ者を忌嫌ふ
11 Dahil tinatapakan ninyo ang mahihirap at kinukuha ninyo ang mga bahagi ng trigo mula sa kanila—at kahit na nagtayo kayo ng mga bahay na gawa sa bato, hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Mayroon kayong masaganang ubasan, ngunit hindi ninyo maiinom ang mga alak nito.
汝らは貧しき者を踐つけ麥の贐物を之より取る この故に汝らは鑿石の家を建しと雖どもその中に住ことあらじ 美しき葡萄園を作りしと雖どもその酒を飮ことあらじ
12 Sapagkat alam ko kung gaano karami ang inyong nagawang pagkakasala at kung gaano karami ang inyong mga kasalanan—kayo na nagpapahirap sa mga matutuwid, tumatanggap ng mga suhol, at tinalikuran ang mga nangangailangan sa tarangkahan ng lungsod.
我知る汝らの愆は多く汝らの罪は大なり 汝らは義き者を虐げ賄賂を取り門において貧き者を推抂ぐ
13 Kaya sinumang taong matino ang pag-iisip ay tatahimik sa panahong iyon, sapagkat panahon ito ng kasamaan.
是故に今の時は賢き者黙す 是惡き時なればなり
14 Hanapin ang mabuti at hindi ang masama, upang kayo ay mabuhay. Upang si Yahweh, na Diyos ng mga hukbo, ay tiyak na makakasama ninyo, tulad ng inyong sinabi.
汝ら善を求めよ 惡を求めざれ 然らば汝ら生べし また汝らが言ごとく萬軍の神ヱホバ汝らと偕に在さん
15 Kamuhian ang kasamaan, ibigin ang mabuti, magtatag kayo ng katarungan sa tarangkahan ng lungsod. Baka sakaling mahabag si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, sa mga nalalabi ni Jose.
汝ら惡を惡み善を愛し門にて公義を立よ 萬軍の神ヱホバあるひはヨセフの遺れる者を憐れみたまはん
16 Kaya, ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ang Panginoon: “May tumataghoy sa lahat ng mga liwasan, at sasabihin nila sa lahat ng lansangan, 'Aba! Aba!' Tatawagin nila ang mga magsasaka upang magluksa at ang mga mangluluksa upang managhoy.
是故に主たる萬軍の神ヱホバかく言たまふ 諸の街衢にて啼ことあらん 諸の大路にて人哀哉哀哉と呼ん 又農夫を呼きたりて哀哭しめ啼女を招きて啼しめん
17 May tumatangis sa lahat ng ubasan, sapagkat dadaan ako sa kalagitnaan ninyo,” sabi ni Yahweh.
また諸の葡萄園にも啼こと有べし 其は我汝らの中を通るべければなり ヱホバこれを言たまふ
18 Aba sa inyo na naghahangad sa araw ni Yahweh! Bakit ninyo hinahangad ang araw ni Yahweh? Ito ay kadiliman at hindi liwanag.
ヱホバの日を望む者は禍なるかな 汝ら何とてヱホバの日を望むや 是は昏くして光なし
19 Gaya ng isang tao na tinatakasan niya ang isang leon at isang oso ang sumasalubong sa kaniya, o kaya pumapasok siya sa tahanan at inihawak ang kaniyang kamay sa pader at isang ahas ang tutuklaw sa kaniya.
人 獅子の前を逃れて熊に遇ひ又家にいりてその手を壁に附て蛇に咬るるに宛も似たり
20 Hindi ba kadiliman ang araw ni Yahweh at hindi liwanag? Makulimlim at walang liwanag?
ヱホバの日は昏くして光なく暗にして耀なきに非ずや
21 “Kinamumuhian ko, at kinasusuklaman ko ang inyong mga kapistahan, hindi ako nasisiyahan sa inyong mga taimtim na mga pagpupulong.
我は汝らの節筵を惡みかつ藐視む また汝らの集會を悦ばじ
22 Kahit na ihandog ninyo sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na butil, hindi ko tatanggapin ang mga iyan, ni hindi ko titingnan ang mga pinataba ninyong hayop na ihahandog ninyong pangkapayapaan.
汝ら我に燔祭または素祭を獻ぐるとも我之を受納れじ 汝らの肥たる犢の感謝祭は我これを顧みじ
23 Huwag ninyong iparinig ang ingay ng inyong mga awit; hindi ko pakikinggan ang mga tunog ng inyong mga alpa.
汝らの歌の聲を我前に絶て汝らの琴の音は我これを聽じ
24 Sa halip, paaagusin ninyo ang katarungan na tulad ng tubig na umaagos, at paaagusin ninyo ang katuwiran tulad ng batis na patuloy sa pag-agos.
公道を水のごとくに正義をつきざる河のごとくに流れしめよ
25 Kayong mga sambahayan ni Israel, nagdala ba kayo ng mga alay at mga handog ninyo sa akin sa ilang ng apatnapung taon?
イスラエルの家よ汝らは四十年荒野に居し間 犠牲と供物を我に獻げたりしや
26 Bubuhatin ninyo si Sakut bilang inyong hari, at si Kaiwan, na bituwing diyus-diyosan ninyo—mga diyos diyusan na ginawa ninyo para sa inyong sarili.
かへつて汝らは汝らの王シクテを負ひ汝らの偶像キウンを負へり 是即ち汝らの神とする星にして汝らの自ら造り設けし者なり
27 Kaya ipabibihag ko kayo sa kabila ng Damasco,” sabi ni Yahweh, na ang pangalan ay ang Diyos ng mga hukbo.
然ば我汝らをダマスコの外に移さん 萬軍の神ととなふるヱホバこれを言たまふ