< Amos 4 >

1 Pakinggan ninyo ang salitang ito, kayong mga baka sa Bashan, kayong nasa bundok ng Samaria, kayo na nagmamalupit sa mga mahihirap, kayo na nagkakait sa mga nangangailangan, kayo na nagsasabi sa inyong mga asawang lalaki, “Dalhan ninyo kami ng maiinom.”
사마리아 산에 거하는 바산 암소들아 이 말을 들으라 너희는 가난한 자를 학대하며 궁핍한 자를 압제하며 가장에게 이르기를 술을 가져다가 우리로 마시게 하라 하는도다
2 Ang Panginoong Yahweh ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan: “Tingnan ninyo, darating ang mga araw na kukunin nila kayo sa pamamagitan ng mga kalawit, ang mga huli sa inyo ay bibingwitin.
주 여호와께서 자기의 거룩함을 가리켜 맹세하시되 때가 너희에게 임할지라 사람이 갈고리로 너희를 끌어 가며 낚시로 너희의 남은 자들을 그리하리라
3 Makakalabas kayo sa mga nasirang pader ng lungsod, bawat isa na magpapatuloy palabas dito, at kayo ay itatapon sa Harmon—ito ang pahayag ni Yahweh.”
너희가 성 무너진 데로 말미암아 각기 앞으로 바로 나가서 하르몬에 던지우리라 이는 여호와의 말씀이니라
4 Pumunta kayo sa Bethel at magkasala, sa Gilgal at magparami ng kasalanan. Dalhin ninyo ang inyong mga handog tuwing umaga, ang inyong mga ikapu sa bawat ikatlong araw.
너희는 벧엘에 가서 범죄하며 길갈에 가서 죄를 더하며 아침마다 너희 희생을, 삼일 마다 너희 십일조를 드리며
5 Mag-alay ng handog pasasalamat na may tinapay; ipaalam ang kusang-loob na paghahandog. Sasabihin ninyo sa kanila, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyo, kayong mga Israelita—ito ang pahayag ng Panginoong si Yahweh.”
누룩 넣은 것을 불살라 수은제로 드리며 낙헌제를 소리내어 광포하려무나 이스라엘 자손들아 이것이 너희의 기뻐하는 바니라 이는 주 여호와의 말씀이니라
6 “Ibinigay ko sa inyo ang kalinisan ng mga ngipin sa lahat ng inyong mga lungsod at kakulangan ng tinapay sa lahat ng inyong mga lugar. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
또 내가 너희 모든 성읍에서 너희 이를 한가하게 하며 너희 각처에서 양식이 떨어지게 하였으나 너희가 내게로 돌아 오지 아니하였느니라 이는 여호와의 말씀이니라
7 “Pinigilan ko din ang ulan sa inyo nang mayroon pang tatlong buwan para mag-ani. Nagpaulan ako sa isang lungsod, at sa ibang lungsod ay hindi ko pinaulan. Sa isang bahagi ng lupain ay naulanan, ngunit sa isang bahagi ng lupain na hindi naulanan ay natuyo.
또 추수하기 석달 전에 내가 너희에게 비를 멈추어 어떤 성읍에는 내리고 어떤 성읍에는 내리지 않게 하였더니 땅 한 부분은 비를 얻고 한 부분은 비를 얻지 못하여 말랐으매
8 Nagpagala-gala ang dalawa o tatlong lungsod sa ibang lungsod upang uminom ng tubig, ngunit hindi sila nasiyahan. Ngunit hindi pa rin kayo bumalik sa akin—ito ang ang pahayag ni Yahweh.”
두 세 성읍 사람이 어떤 성읍으로 비틀거리며 물을 마시러 가서 만족히 마시지 못하였으나 너희가 내게로 돌아 오지 아니하였느니라 이는 여호와의 말씀이니라
9 “Pahihirapan ko kayo ng pagkalanta at amag. Marami sa inyong mga halamanan, ng inyong mga ubasan, ng inyong mga puno ng igos at olibo—kakainin silang lahat ng balang. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
내가 풍재와 깜부기 재앙으로 너희를 쳤으며 팟종이로 너희의 많은 동산과 포도원과 무화과나무와 감람나무를 다 먹게 하였으나 너희가 내게로 돌아오지 아니하였느니라 이는 여호와의 말씀이니라
10 Pinadala ko sa inyo ang salot na gaya sa Egipto. Pinatay ko sa espada ang inyong mga kabataang lalaki, kinuha ang inyong mga kabayo, at ginawa kong mabaho ang inyong kampo na umabot sa inyong mga pang-amoy. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
내가 너희 중에 염병이 임하게 하기를 애굽에서 한 것처럼 하였으며 칼로 너희 청년들을 죽였으며 너희 말들을 노략하게 하며 너희 진의 악취로 코를 찌르게 하였으나 너희가 내게로 돌아 오지 아니하였느니라 이는 여호와의 말씀이니라
11 “Sinira ko ang inyong mga lungsod, gaya ng pagsira ng Diyos sa Sodoma at Gomorra. Katulad kayo ng nasusunog na patpat na hinango sa apoy. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
내가 너희 중의 성읍 무너뜨리기를 하나님 내가 소돔과 고모라를 무너뜨림 같이 하였으므로 너희가 불 붙는 가운데서 빼낸 나무 조각 같이 되었으나 너희가 내게로 돌아오지 아니하였느니라 이는 여호와의 말씀이니라
12 “Dahil dito gagawa ako ng kakila-kilabot na bagay sa inyo, Israel; at dahil sa gagawin kong kakila-kilabot na bagay, maghanda kayo upang harapin ang inyong Diyos, Israel!
그러므로 이스라엘아 내가 이와 같이 네게 행하리라 내가 이것을 네게 행하리니 이스라엘아 네 하나님 만나기를 예비하라
13 Kaya, tingnan ninyo, ang bumuo sa mga bundok pati na rin ang lumikha ng hangin, nagpahayag ng kaniyang kaisipan sa sangkatauhan, ang nagpapadilim ng umaga, at tumutungtong sa mga matataas na lugar sa Lupa.” Ang kaniyang pangalan ay Yahweh, Diyos ng mga hukbo.
대저 산들을 지으며 바람을 창조하며 자기 뜻을 사람에게 보이며 아침을 어둡게 하며 땅의 높은데를 밟는 자는 그 이름이 만군의 하나님 여호와니라

< Amos 4 >