< Amos 3 >
1 Pakinggan ninyo ang salitang ito na sinabi ni Yahweh laban sa inyong mga Israelita, laban sa buong pamilya na aking inilabas sa lupain ng Egipto,
イスラエルの子孫よヱホバが汝らにむかひて言ところ我がエジプトの地より導き上りし全家にむかひて言ところの此言を聽け
2 Kayo lamang ang pinili ko sa lahat ng mga pamilya sa lupa. Dahil dito parurusahan ko kayo sa inyong mga kasalanan.
地の諸の族の中にて我ただ汝ら而已を知れり この故に我なんぢらの諸の罪のために汝らを罰せん
3 Lalakad bang magkasama ang dalawa nang walang pinagkasunduan?
二人もし相會せずば爭で共に歩かんや
4 Umaatungal ba ang isang leon sa gubat kapag wala itong nabiktima? Umuungol ba ang isang batang leon sa kaniyang yungib kung wala siyang nahuling anuman?
獅子もし獲物あらずば豈林の中に吼んや 猛獅子もし物を攫まずば豈その穴より聲を出さんや
5 Mabibitag ba ang isang ibon sa lupa kung walang paing nakahanda sa kaniya? Iigkas ba ang isang bitag sa lupa kung wala itong nahuling anuman?
もし羂の設なくば鳥あに地に張れる網にかからんや 網もし何の得るところも無くば豈地よりあがらんや
6 Tutunog ba ang trumpeta sa lungsod at hindi manginginig sa takot ang mga tao? Darating ba ang sakuna sa isang lungsod kung hindi si Yahweh ang nagpadala nito?
邑にて喇叭を吹かば民おどらかざらんや 邑に災禍のおこるはヱホバのこれを降し給ふならずや
7 Tiyak na walang gagawing anuman ang Panginoong Yahweh hanggang hindi niya naipapahayag ang kaniyang plano sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
夫主ヱホバはその隱れたる事をその僕なる預言者に傳へずしては何事をも爲たまはざるなり
8 Ang leon ay umatungal; sino ang hindi matatakot? Nagsalita ang Panginoong Yahweh; sino ang hindi magpapahayag?
獅子吼ゆ 誰か懼れざらんや 主ヱホバ言語たまふ 誰か預言せざらんや
9 Ipahayag ito sa mga tanggulan ng Asdod at sa mga tanggulan sa lupain ng Egipto; na sinabi: “Magtipon-tipon kayo sa mga bundok ng Samaria at tingnan ninyo kung ano ang malaking kaguluhan at pang-aapi ang nasa kaniya.
アシドドの一切の殿に傳へエジプトの地の一切の殿に宣て言へ 汝等サマリヤの山々に集りその中にある大なる紛亂を觀その中間におこなはるる虐遇を觀よ
10 Sapagkat hindi nila alam kung paano gumawa ng mabuti”—Ito ang pahayag ni Yahweh—”Nag-ipon sila ng pagkawasak at kasiraan sa kanilang mga tanggulan.”
ヱホバいひたまふ 彼らは正義をおこなふことを知ず 虐げ取し物と奪ひたる物とをその宮殿に積蓄ふ
11 Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: “Isang kaaway ang papalibot sa inyong lupain. Ibabagsak ang inyong pinatibay na moog at lolooban ang inyong mga tanggulan.”
是故に主ヱホバかく言たまふ 敵ありて此國を攻かこみ汝の權力を汝より取下さん 汝の一切の殿は掠めらるべし
12 Ito ang sinasabi ni Yahweh: Gaya ng pagsagip ng pastol sa bunganga ng leon na dalawang hita lamang ang makukuha o isang piraso ng tenga, kaya ang masasagip ng mga Israelita na naninirahan sa Samaria ay kapiraso ng sopa lamang o isang piraso ng pantakip sa higaan.”
ヱホバかく言たまふ 牧羊者は獅子の口より羊の兩足あるひは片耳を取かへし得るのみ サマリヤに於て床の隅またはダマスコ錦の榻に坐するイスラエルの子孫もその救はるること是のごとくならん
13 Pakinggan at magpatotoo laban sa sambahayan ni Jacob—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh na Diyos ng mga hukbo.
萬軍の神 主ヱホバかく言たまふ 汝ら聽てヤコブの家に證せよ
14 “Sapagkat sa araw na parurursahan ko ang Israel sa kanilang mga kasalanan, parurusahan ko rin ang mga altar ng Bethel. Ang mga sungay sa altar ay mapuputol at babagsak sa lupa.
我イスラエルの諸の罪を罰する日にはベテルの壇を罰せん 其壇の角は折て地に落べし
15 Wawasakin ko ang bahay na para sa taglamig kasama ang bahay para sa tag-init. Ang mga bahay na gawa sa garing ay mawawala, at ang malalaking mga bahay ay mawawala rin,”—Ito ang pahayag ni Yahweh.
我また冬の家および夏の家をうたん 象牙の家ほろび大きなる家失ん ヱホバこれを言ふ