< Mga Gawa 5 >

1 Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian,
But, a certain man, Ananias by name, with Sapphira his wife, sold a possession,
2 at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol.
And kept back part of the price, his wife also being privy to it; and, bringing a certain part, at the feet of the Apostles, he laid it.
3 Ngunit sinabi ni Pedro, ''Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu upang itago ang bahagi ng napagbilhan ng iyong lupa?
But Peter said—Ananias! wherefore did Satan fill thy heart, that thou shouldst deal falsely with the Holy Spirit, and keep back part of the price of the field?
4 Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos.”
While it remained, was it not, as thine own, it remained? and, when sold, was it not, in thine own authority, that it still continued? Why was it that thou didst contrive in thy heart this deed? Thou hast not dealt falsely with men but, with God.
5 Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito.
And, as Ananias heard these words, he fell, and expired. And there came great fear upon all that heard;
6 Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing.
But the young men, rising up, wrapped him about, and, bearing him forth, buried him.
7 Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari.
And it came to pass, after about three hours interval, that his wife, not knowing what had happened, came in.
8 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga.” Sinabi niya, “Oo, sa ganoong halaga.”
And Peter began to say unto her—Tell me! was it, for so much, ye gave up the field? And she said—Yea! for so much.
9 Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, “Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas.”
And, Peter, [said] unto her—Why was it agreed by you to put to the proof the Spirit of the Lord? Lo! the feet of them that have buried thy husband, are at the door, and they shall bear thee forth.
10 Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa.
And she fell instantly at his feet, and expired. And the young men, coming in, found her dead; and, bearing her forth, they buried her with her husband.
11 Matinding takot ang dumating sa buong iglesiya, at sa lahat ng mga nakarinig nang bagay na ito.
And there came great fear upon the whole assembly, and upon all them that heard these things.
12 Maraming mga tanda at mga kababalaghan ang naipamalita sa mga tao sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol. Nagkakatipon silang lagi sa portiko ni Solomon.
And, through the hands of the Apostles, were coming to pass many signs and wonders among the people; and they were all with one accord in the portico of Solomon;
13 Ngunit walang sinuman ang may lakas ng loob na sumali sa kanila; gayunpaman, sila ay patuloy na pinahalagahan ng mga tao.
Howbeit, of the rest, no one, durst join himself unto them, —nevertheless the people continued to magnify them;
14 Marami pang mga mananampalataya ang naidagdag sa Panginoon, maraming mga lalaki at mga babae,
And, the more, were being added, when they believed in the Lord, throngs both of men and women; —
15 kaya dinadala nila maging ang mga may sakit sa daanan at ipinapahiga sa mga higaan at sa hiligan, upang sa pagdating ni Pedro baka sakaling tumama sa ilan sa kanila ang kaniyang anino.
So that, even into the broad-ways, were they bringing forth the sick, and laying them on small couches and beds, in order that, if Peter were coming along, even perchance his shadow, might overshadow some one of them.
16 Mayroon ding maraming bilang ng mga tao ang dumating mula sa mga bayan sa palibot ng Jerusalem, dinadala ang mga may sakit at mga pinapahirapan ng maruming mga espiritu, at silang lahat ay gumaling.
Moreover even the throng of the cities all round Jerusalem was coming together, bearing sick folk, and such as were harassed by impure spirits, —who, indeed, were being cured, one and all.
17 Ngunit tumayo ang pinakapunong pari, at ang lahat ng kaniyang mga kasama (na sekta ng mga Saduceo) at sila ay napuno ng inggit
But the High-priest, arising, and all who were with him, —being the sect of the Sadducees, —were filled with jealousy,
18 at dinakip nila ang mga apostol, at inilagay sila sa pampublikong bilangguan.
And thrust their hands upon the Apostles, and put them in a public ward.
19 Ngunit kinagabihan binuksan ng anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at ginabayan sila palabas, at sinabi,
But, a messenger of the Lord, by night, opened the doors of the prison; and, leading them out, said—
20 “Pumunta kayo sa templo tumayo at magsalita sa mga tao lahat ng mga salita ng Buhay na ito.”
Be going your way, and, taking your stand, be speaking, in the temple, unto the people, all the declarations of this Life.
21 Nang marinig nila ito, pumasok sila sa templo ng magbubukang-liwayway at nagturo. Ngunit dumating ang pinaka punongpari, at lahat ng kasama niya, at tinawag ang buong konseho, lahat ng mga matatanda ng Israel, at pinapunta sila sa bilangguan upang kunin ang mga apostol.
Now, when they heard this, they entered, under the dawn, into the temple, and began teaching. And the High-priest and they who were with him, arriving, called together the high-council, and all the senate of the sons of Israel; and sent off unto the prison, to have them brought.
22 Ngunit hindi sila nakita sa bilangguan ng mga pumuntang opisyal, at bumalik sila at ibinalita,
And, the officers who came to the place, found them not in the prison; and, returning, brought tidings,
23 “Natagpuan namin na maingat na nakasarado ang bilangguan at ang mga bantay ay nakatayo sa pintuan, ngunit nang aming buksan ay wala kaming nakita.”
Saying—The prison, found we locked with all safety, and the keepers standing at the doors; but, when we had opened the prison, inside, found we, no one.
24 Ngayon nang narining ng kapitan ng templo at ng mga punong pari ang mga salitang ito, sila ay labis na naguluhan ukol sa kanila ayon sa kung ano ang kalalabasan nito.
Now, when both the captain of the temple and the High-priests heard these words, they were utterly at a loss concerning them—what perhaps this might come to.
25 Pagkatapos may isang dumating at sinabi sa kanila, ''Ang mga lalaki na inyong inilagay sa bilangguan ay nakatayo sa templo at nagtuturo sa mga tao.''
But some one, entering, brought tidings unto them—Lo! the men whom ye put in the prison, are in the temple, standing, and teaching the people!
26 Kaya't nagtungo ang kapitan kasama ang mga opisyal, ibinalik sila, ngunit walang karahasan, dahil natakot sila na baka batuhin sila ng mga tao.
Then, the captain with the officers, departing, brought them—not with violence, —for they were afraid of the people, lest they should be stoned;
27 Nang dalhin nila sila, iniharap sila sa konseho. Nagtanong ang pinaka-punong pari sa kanila,
But, leading them in, set them in the high- council. And the High-priest questioned them,
28 nagsasabing, ''Hindi ba't mahigpit namin kayong pinangbilinan na huwag magturo sa pangalang ito, gayon pa man, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong katuruan, at ninais ninyong dalhin sa amin ang dugo ng taong ito.”
Saying—Strictly, did we charge you not to be teaching upon this name; and lo! ye have filled Jerusalem with your teaching, and are minded to bring down upon us, the blood of this man.
29 Ngunit sumagot si Pedro at ang mga apostol, “Kinakailangang sundin namin ang Diyos ng higit kaysa sa mga tao.
But Peter and the Apostles, answering, said—It is needful to be yielding obedience unto God rather than unto men: —
30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno.
The God of our fathers, hath raised up Jesus, —whom, ye, got into your hands, suspending him upon a tree: —
31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan.
Him, as Princely-leader and Saviour, hath God exalted unto his right hand, —to give repentance unto Israel, and remission of sins.
32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya.”
And, we, are witnesses of these things, —also the Holy Spirit, which God hath given unto them who are yielding obedience unto him.
33 Nang marinig ito ng mga kasapi ng konseho, galit na galit sila at ninais na patayin ang mga apostol.
And, they, when they heard this, were cut to the heart, and were making up their minds to slay them.
34 Ngunit ang isang Pariseo na nagngangalang Gamaliel na isang tagapagturo ng kautusan at iginagalang ng lahat ng tao, ay tumayo at iniutos na sandaling ilabas ang mga apostol.
But a certain man, rising up in the high-council, by name Gamaliel, a law-teacher honoured by all the people, gave orders to put the men, outside, for a little, —
35 At sinabi niya sa kanila, ''Mga tao ng Israel pagtuunan ninyong mabuti ng pansin ang panukala na inyong ginagawa sa mga taong ito.
And said unto them—Men of Israel! be taking heed unto yourselves, what ye are about to inflict upon these men.
36 Hindi pa nagtatagal ng lumitaw si Teudas na inaangking siya ay kilalang tao, at maraming tao, mga apat na raan ang sumali sa kaniya. Pinatay siya, at lahat ng sumusunod sa kaniya ay nagkalat at walang nangyari.
For, before these days, there rose up one Theudas, affirming, himself, to be somebody, —unto whom was inclined a number of men, about four hundred; who was slain, and, all as many as had been trusting in him, were disbanded, and came to nothing.
37 Pagkatapos ng lalaking ito, lumitaw si Judas ng Galilea sa mga araw ng pagpapatala at nakahikayat siya ng ilang tao na susunod sa kaniya. Nasawi rin siya, at kumalat lahat ng sumusunod sa kaniya.
After him, rose up Judas the Galilaean, in the days of the enrolling, and drew a people into revolt after him; and, he, perished, and, all, as many as had trusted in him, were scattered.
38 Ngayon sinasabi ko sa inyo, ''Lumayo kayo sa mga taong ito at hayaan sila, dahil kung sa tao ang plano o gawaing ito ito ay babagsak.
Now, therefore, I say unto you—stand aloof from these men, and let them alone; because if, of men, be this project or this work, it will be overthrown, —
39 Ngunit kung ito ay sa Diyos hindi ninyo sila maaring pabagsakin; lalabas pang kayo ay lumalaban sa Diyos.'' Kaya nahikayat sila.
But, if it is, of God, ye will not be able to overthrow them: lest once, even fighters against God, ye be found.
40 Pagkatapos pinapasok nila ang mga apostol at sila ay binugbog at inutusang huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus at hinayaan silang umalis.
And they were persuaded by him; and, calling unto them the Apostles, they, with beating, charged them not be speaking upon the name of Jesus; and let them go.
41 Iniwan nila ang konseho na nagagalak na sila ay napabilang na karapat-dapat na makaranas ng kasiraang-puri para sa kaniyang Pangalan.
They, therefore, went rejoicing from the presence of the high-council; in that they had been accounted worthy, in behalf of The Name, to suffer dishonour.
42 Pagkatapos noon araw-araw sa templo at sa bawat bahay, sila ay patuloy na nagtuturo at ipinapangaral si Jesus bilang Cristo.
And, every day in the temple, and at home, they ceased not to be teaching, and telling the good news as to the Anointed Jesus.

< Mga Gawa 5 >