< Mga Gawa 28 >
1 Nang kami ay nakarating ng maaayos, nalaman namin na ang islang iyon ay tinawag na Malta.
Καὶ διασωθέντες, τότε ἐπέγνωσαν ὅτι Μελίτη ἡ νῆσος καλεῖται.
2 Ang mga katutubong tao roon ay nag-alok sa amin ng hindi lang basta pangkaraniwang kabutihan. ngunit sila ay nagsindi ng apoy at tinanggap kaming lahat, dahil sa walang tigil na pag ulan at lamig.
Οἱ δὲ βάρβαροι παρεῖχον οὐ τὴν τυχοῦσαν φιλανθρωπίαν ἡμῖν· ἀνάψαντες γὰρ πυράν, προσελάβοντο πάντας ἡμᾶς, διὰ τὸν ὑετὸν τὸν ἐφεστῶτα, καὶ διὰ τὸ ψῦχος.
3 Ngunit nang si Pablo ay nakapag-ipon ng ilang bigkis ng kahoy at inilagay sa apoy, isang ulupong ang lumabas dahil sa init at kumapit sa kaniyang kamay.
Συστρέψαντος δὲ τοῦ Παύλου φρυγάνων πλῆθος, καὶ ἐπιθέντος ἐπὶ τὴν πυράν, ἔχιδνα ἐκ τῆς θέρμης διεξελθοῦσα καθῆψε τῆς χειρὸς αὐτοῦ.
4 Nang makita ng mga katutubo na ang ahas ay kumapit sa kaniyang kamay, nasabi nila sa isa't-isa, “Ang taong ito ay tiyak na mamamatay tao, na nakatakas mula sa karagatan, at hindi siya pinayagan ng katarungan upang mabuhay.
Ὡς δὲ εἶδον οἱ βάρβαροι κρεμάμενον τὸ θηρίον ἐκ τῆς χειρὸς αὐτοῦ, ἔλεγον πρὸς ἀλλήλους, Πάντως φονεύς ἐστιν ὁ ἄνθρωπος οὗτος, ὃν διασωθέντα ἐκ τῆς θαλάσσης ἡ Δίκη ζῇν οὐκ εἴασεν.
5 Ngunit ipinagpag niya ang ahas sa apoy at hindi siya nasaktan.
Ὁ μὲν οὖν, ἀποτινάξας τὸ θηρίον εἰς τὸ πῦρ, ἔπαθεν οὐδὲν κακόν.
6 Hinihintay nila siyang mamaga at mag-apoy sa lagnat o di kaya'y biglang mamatay. Ngunit pagkatapos nilang pagmasdan ng mahabang panahon nakita nila na walang nangyaring pagbabago sa kaniya, nagbago ang kanilang isip at sinabi nila na siya ay isang diyos.
Οἱ δὲ προσεδόκων αὐτὸν μέλλειν πίμπρασθαι ἢ καταπίπτειν ἄφνω νεκρόν· ἐπὶ πολὺ δὲ αὐτῶν προσδοκώντων, καὶ θεωρούντων μηδὲν ἄτοπον εἰς αὐτὸν γινόμενον, μεταβαλλόμενοι ἔλεγον θεὸν αὐτὸν εἶναι.
7 Ngayon, sa malapit na dakong iyon may mga lupain na pagmamay-ari ng pinuno ng Isla, isang lalaki na nagngangalang Publio. Malugod niya kaming tinanggap at ipinaghanda kami sa tatlong araw.
Ἐν δὲ τοῖς περὶ τὸν τόπον ἐκεῖνον ὑπῆρχε χωρία τῷ πρώτῳ τῆς νήσου, ὀνόματι Ποπλίῳ, ὃς ἀναδεξάμενος ἡμᾶς τρεῖς ἡμέρας φιλοφρόνως ἐξένισεν.
8 Nangyaring ang ama ni Publio ay nagka-lagnat at nagkaroon ng disenterya. Nang si Pablo ay lumapit sa kaniya, nanalangin siya, ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya, at pinagaling siya.
Ἐγένετο δὲ τὸν πατέρα τοῦ Ποπλίου πυρετοῖς καὶ δυσεντερίᾳ συνεχόμενον κατακεῖσθαι· πρὸς ὃν ὁ Παῦλος εἰσελθών, καὶ προσευξάμενος, ἐπιθεὶς τὰς χεῖρας αὐτῷ, ἰάσατο αὐτόν.
9 Pagkatapos nitong mangyari, ang ilan sa mga taong nasa isla na maysakit ay lumalapit din, at sila ay gumaling.
Τούτου οὖν γενομένου, καὶ οἱ λοιποὶ οἱ ἔχοντες ἀσθενείας ἐν τῇ νήσῳ προσήρχοντο καὶ ἐθεραπεύοντο·
10 Pinarangalan din kami ng mga tao ng maraming karangalan. Nang kami ay naghahanda na sa paglayag, binigyan nila kami ng aming mga pangangailangan.
οἳ καὶ πολλαῖς τιμαῖς ἐτίμησαν ἡμᾶς, καὶ ἀναγομένοις ἐπέθεντο τὰ πρὸς τὴν χρείαν.
11 Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki.
Μετὰ δὲ τρεῖς μῆνας ἤχθημεν ἐν πλοίῳ παρακεχειμακότι ἐν τῇ νήσῳ, Ἀλεξανδρίνῳ, παρασήμῳ Διοσκούροις.
12 Nang kami ay dumaong sa lungsod ng Siracusa, kami ay nanirahan doon ng tatlong araw.
Καὶ καταχθέντες εἰς Συρακούσας ἐπεμείναμεν ἡμέρας τρεῖς·
13 Mula doon kami ay naglayag at nakarating sa lungsod ng Regio. Pagkatapos ng isang araw ang hangin mula sa timog ay umiihip, at sa ikalawang araw ay nakarating kami sa lungsod ng Puteoli.
ὅθεν περιελθόντες κατηντήσαμεν εἰς Ῥήγιον, καὶ μετὰ μίαν ἡμέραν ἐπιγενομένου νότου, δευτεραῖοι ἤλθομεν εἰς Ποτιόλους·
14 Doon nakahanap kami ng ilang kapatiran at inanyayahan kami na tumira sa kanila ng pitong araw. Sa daang ito nakarating kami sa Roma.
οὗ εὑρόντες ἀδελφούς, παρεκλήθημεν ἐπ᾽ αὐτοῖς ἐπιμεῖναι ἡμέρας ἑπτά· καὶ οὕτως εἰς τὴν Ῥώμην ἤλθομεν.
15 Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.
Κἀκεῖθεν οἱ ἀδελφοὶ ἀκούσαντες τὰ περὶ ἡμῶν, ἐξῆλθον εἰς ἀπάντησιν ἡμῖν ἄχρις Ἀππίου Φόρου καὶ Τριῶν Ταβερνῶν· οὓς ἰδὼν ὁ Παῦλος, εὐχαριστήσας τῷ Θεῷ, ἔλαβε θάρσος.
16 Nang kami ay pumasok sa Roma, pinayagan si Pablo na tumirang mag isa kasama ang sundalong nagbantay sa kaniya.
Ὅτε δὲ ἤλθομεν εἰς Ῥώμην, ὁ ἑκατόνταρχος παρέδωκε τοὺς δεσμίους τῷ στρατοπεδάρχῃ· τῷ δὲ Παύλῳ ἐπετράπη μένειν καθ᾽ ἑαυτόν, σὺν τῷ φυλάσσοντι αὐτὸν στρατιώτῃ.
17 At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw tinawag ni Pablo ang mga lalaking pinuno mula sa mga Judio. Nang sila ay magkakasamang dumating, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, ako man ay walang nagawang pagkakamali laban sa mga tao o sa kaugalian ng ating mga ninuno, dinala ako bilang isang bilanggo mula sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Romano.
Ἐγένετο δὲ μετὰ ἡμέρας τρεῖς συγκαλέσασθαι τὸν Παῦλον τοὺς ὄντας τῶν Ἰουδαίων πρώτους· συνελθόντων δὲ αὐτῶν, ἔλεγε πρὸς αὐτούς, Ἄνδρες ἀδελφοί, ἐγὼ οὐδὲν ἐναντίον ποιήσας τῷ λαῷ ἢ τοῖς ἔθεσι τοῖς πατρῴοις, δέσμιος ἐξ Ἱεροσολύμων παρεδόθην εἰς τὰς χεῖρας τῶν Ῥωμαίων·
18 Pagkatapos nila akong tanungin, nais nila akong palayain sapagkat walang dahilan para ako’y hatulan ng parusa ng kamatayan.
οἵτινες ἀνακρίναντές με ἐβούλοντο ἀπολῦσαι, διὰ τὸ μηδεμίαν αἰτίαν θανάτου ὑπάρχειν ἐν ἐμοί.
19 Ngunit nang ang mga Judio ay nagsalita labag sa kanilang nais, ako ay napilitang umapila kay Cesar, gayon pa man kahit na hindi ako ang nagdadala ng anumang paratang laban sa aking bansa.
Ἀντιλεγόντων δὲ τῶν Ἰουδαίων, ἠναγκάσθην ἐπικαλέσασθαι Καίσαρα, οὐχ ὡς τοῦ ἔθνους μου ἔχων τι κατηγορῆσαι.
20 Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
Διὰ ταύτην οὖν τὴν αἰτίαν παρεκάλεσα ὑμᾶς ἰδεῖν καὶ προσλαλῆσαι· ἕνεκεν γὰρ τῆς ἐλπίδος τοῦ Ἰσραὴλ τὴν ἅλυσιν ταύτην περίκειμαι.
21 At sinabi nila sa kaniya, “Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo.
Οἱ δὲ πρὸς αὐτὸν εἶπον, Ἡμεῖς οὔτε γράμματα περὶ σοῦ ἐδεξάμεθα ἀπὸ τῆς Ἰουδαίας, οὔτε παραγενόμενός τις τῶν ἀδελφῶν ἀπήγγειλεν ἢ ἐλάλησέ τι περὶ σοῦ πονηρόν.
22 Ngunit nais naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo tungkol sa sektang ito, sapagkat ipinaalam ito sa amin na alam ng lahat at pinag-uusapan saan mang dako.
Ἀξιοῦμεν δὲ παρὰ σοῦ ἀκοῦσαι ἃ φρονεῖς· περὶ μὲν γὰρ τῆς αἱρέσεως ταύτης γνωστόν ἐστιν ἡμῖν ὅτι πανταχοῦ ἀντιλέγεται.
23 Nang sila ay nagtakda ng araw para sa kaniya, maraming tao ang lumapit sa kaniya sa lugar na kaniyang tinitirhan. Iniharap niya ang mga bagay sa kanila, at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Dios. Sinubukan niyang himukin sila patungkol kay Jesus, ayon sa batas ni Moises at sa mga propetanasabi, niya, mula umaga hanggang gabi.
Ταξάμενοι δὲ αὐτῷ ἡμέραν, ἧκον πρὸς αὐτὸν εἰς τὴν ξενίαν πλείονες· οἷς ἐξετίθετο διαμαρτυρόμενος τὴν βασιλείαν τοῦ Θεοῦ, πείθων τε αὐτοὺς τὰ περὶ τοῦ Ἰησοῦ, ἀπό τε τοῦ νόμου Μωϋσέως καὶ τῶν προφητῶν, ἀπὸ πρωῒ ἕως ἑσπέρας.
24 Ang ilan ay nahikayat patungkol sa mga bagay na habang ang iba ay hindi naniwala.
Καὶ οἱ μὲν ἐπείθοντο τοῖς λεγομένοις, οἱ δὲ ἠπίστουν.
25 Nang sila ay hindi sumang-ayon sa isa't isa, umalis sila pagkatapos magsabi ni Pablo ng isang salita. “Ang Banal na Espiritu ay nangusap ng maayos sa pamamagitan ni Isaias ang propeta ng ating mga ninuno.
Ἀσύμφωνοι δὲ ὄντες πρὸς ἀλλήλους ἀπελύοντο, εἰπόντος τοῦ Παύλου ῥῆμα ἕν, ὅτι Καλῶς τὸ Πνεῦμα τὸ Ἅγιον ἐλάλησε διὰ Ἠσαΐου τοῦ προφήτου πρὸς τοὺς πατέρας ἡμῶν,
26 Sinabi niya, 'Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin, “Sa pamamagitan ng pakikinig kayo ay makakarinig, ngunit hindi ninyo maintindihan; At sa paningin kayo ay makakakita, ngunit hindi mamamalas.
λέγον, Πορεύθητι πρὸς τὸν λαὸν τοῦτον καὶ εἰπόν, Ἀκοῇ ἀκούσετε, καὶ οὐ μὴ συνῆτε· καὶ βλέποντες βλέψετε, καὶ οὐ μὴ ἴδητε.
27 Sapagka’t ang puso ng mga taong ito ay naging mahina ang kanilang tainga ay nahihirapang makarinig, ipinikit nila ang kanilang mga mata; ni ayaw makita ng kanilang mga mata, at marinig ng kanilang mga tainga, at maintindihan ng kanilang mga puso, At tumalikod muli at sila'y aking pagagalingin.””
Ἐπαχύνθη γὰρ ἡ καρδία τοῦ λαοῦ τούτου, καὶ τοῖς ὠσὶ βαρέως ἤκουσαν, καὶ τοὺς ὀφθαλμοὺς αὐτῶν ἐκάμμυσαν· μήποτε ἴδωσι τοῖς ὀφθαλμοῖς, καὶ τοῖς ὠσὶν ἀκούσωσι, καὶ τῇ καρδίᾳ συνῶσι, καὶ ἐπιστρέψωσι, καὶ ἰάσομαι αὐτούς.
28 Kaya, dapat ninyong malaman na ang kaligtasan ng Dios ay naihatid na sa mga Gentil, at sila ay makikinig.”
Γνωστὸν οὖν ἔστω ὑμῖν ὅτι τοῖς ἔθνεσιν ἀπεστάλη τὸ σωτήριον τοῦ Θεοῦ, αὐτοὶ καὶ ἀκούσονται.
29 Nang nasabi na niya ang bagay na ito, ang mga Judio ay umalis nagkaroon ng matinding pagtatalo sa kanilang mga sarili.
Καὶ ταῦτα αὐτοῦ εἰπόντος, ἀπῆλθον οἱ Ἰουδαῖοι, πολλὴν ἔχοντες ἐν ἑαυτοῖς συζήτησιν.
30 Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya.
Ἔμεινε δὲ ὁ Παῦλος διετίαν ὅλην ἐν ἰδίῳ μισθώματι, καὶ ἀπεδέχετο πάντας τοὺς εἰσπορευομένους πρὸς αὐτόν,
31 Ipinangaral niya ang kahariaan ng Dios at itinuturo ang mga bagay patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo ng may katapangan. Walang sinuman ang pumigil sa kaniya.
κηρύσσων τὴν βασιλείαν τοῦ Θεοῦ, καὶ διδάσκων τὰ περὶ τοῦ Κυρίου Ἰησοῦ Χριστοῦ, μετὰ πάσης παρρησίας, ἀκωλύτως.