< Mga Gawa 28 >
1 Nang kami ay nakarating ng maaayos, nalaman namin na ang islang iyon ay tinawag na Malta.
And, when we were safely through, then, we knew that the island was called, Melita.
2 Ang mga katutubong tao roon ay nag-alok sa amin ng hindi lang basta pangkaraniwang kabutihan. ngunit sila ay nagsindi ng apoy at tinanggap kaming lahat, dahil sa walang tigil na pag ulan at lamig.
And, the natives, began to shew us no common philanthropy; for, kindling a fire, they received us all, because of the rain that had set in, and because of the cold.
3 Ngunit nang si Pablo ay nakapag-ipon ng ilang bigkis ng kahoy at inilagay sa apoy, isang ulupong ang lumabas dahil sa init at kumapit sa kaniyang kamay.
But, when Paul had gathered a certain lot of firewood into a bundle, and laid it on the fire, a viper, by reason of the heat, coming forth, fastened on his hand.
4 Nang makita ng mga katutubo na ang ahas ay kumapit sa kaniyang kamay, nasabi nila sa isa't-isa, “Ang taong ito ay tiyak na mamamatay tao, na nakatakas mula sa karagatan, at hindi siya pinayagan ng katarungan upang mabuhay.
And, when the natives saw the brute hanging out from his hand, they began to say, one to another—Doubtless, this man is, a murderer, whom, though brought safely through out of the sea, Justice, hath not suffered, to live.
5 Ngunit ipinagpag niya ang ahas sa apoy at hindi siya nasaktan.
He, however, shaking of the brute into the fire, suffered no harm;
6 Hinihintay nila siyang mamaga at mag-apoy sa lagnat o di kaya'y biglang mamatay. Ngunit pagkatapos nilang pagmasdan ng mahabang panahon nakita nila na walang nangyaring pagbabago sa kaniya, nagbago ang kanilang isip at sinabi nila na siya ay isang diyos.
whereas, they, were expecting, that he was about to become inflamed, or to fall down suddenly dead; —but, when they had been long expecting, and had observed, nothing unusual, happening unto him, they changed their minds, and began to say he was a god.
7 Ngayon, sa malapit na dakong iyon may mga lupain na pagmamay-ari ng pinuno ng Isla, isang lalaki na nagngangalang Publio. Malugod niya kaming tinanggap at ipinaghanda kami sa tatlong araw.
Now, in the neighbourhood of that place, were lands, belonging to the chief man of the island, by name Publius, —who, making us welcome, for three days, hospitably entertained us.
8 Nangyaring ang ama ni Publio ay nagka-lagnat at nagkaroon ng disenterya. Nang si Pablo ay lumapit sa kaniya, nanalangin siya, ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya, at pinagaling siya.
And it so happened that, the father of Publius, with feverish heats and dysentery distressed, was lying prostrate: unto whom Paul entering in and praying, laid his hands on him, and healed him.
9 Pagkatapos nitong mangyari, ang ilan sa mga taong nasa isla na maysakit ay lumalapit din, at sila ay gumaling.
And, when this happened, the rest also, even they in the island who were sick, were coming in and getting cured;
10 Pinarangalan din kami ng mga tao ng maraming karangalan. Nang kami ay naghahanda na sa paglayag, binigyan nila kami ng aming mga pangangailangan.
who also, with many honours, honoured us, and, when we were about to sail, put on board such things as we might need.
11 Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki.
And, after three months, we sailed in a ship which had wintered in the island, [a ship] of Alexandria, whose ensign was The Twin Brothers;
12 Nang kami ay dumaong sa lungsod ng Siracusa, kami ay nanirahan doon ng tatlong araw.
and, touching at Syracuse, we tarried three days;
13 Mula doon kami ay naglayag at nakarating sa lungsod ng Regio. Pagkatapos ng isang araw ang hangin mula sa timog ay umiihip, at sa ikalawang araw ay nakarating kami sa lungsod ng Puteoli.
whence, going round, we reached Rhegium; and, after one day, a south wind springing up, on the second day, we came to Puteoli;
14 Doon nakahanap kami ng ilang kapatiran at inanyayahan kami na tumira sa kanila ng pitong araw. Sa daang ito nakarating kami sa Roma.
where, finding brethren, we were entreated to tarry, with them, seven days; —and, thus, towards Rome, we came.
15 Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.
And, when from thence the brethren heard the tidings concerning us, they came to meet us, as far as The Market of Appius and the Three Taverns—seeing whom, Paul thanked God, and took courage.
16 Nang kami ay pumasok sa Roma, pinayagan si Pablo na tumirang mag isa kasama ang sundalong nagbantay sa kaniya.
And, when we entered into Rome, Paul was suffered to abide by himself, with the soldier that guarded him.
17 At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw tinawag ni Pablo ang mga lalaking pinuno mula sa mga Judio. Nang sila ay magkakasamang dumating, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, ako man ay walang nagawang pagkakamali laban sa mga tao o sa kaugalian ng ating mga ninuno, dinala ako bilang isang bilanggo mula sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Romano.
And it came to pass, after three days, that he called together those who were the chief of the Jews; and, when they came together, he began to say unto them—I, brethren, though I had done nothing against the people, or the customs of our fathers, as a prisoner, out of Jerusalem, was delivered into the hands of the Romans;
18 Pagkatapos nila akong tanungin, nais nila akong palayain sapagkat walang dahilan para ako’y hatulan ng parusa ng kamatayan.
who, indeed, when they had examined me, were minded to set me at liberty, because there was, nothing worthy of death, in me.
19 Ngunit nang ang mga Judio ay nagsalita labag sa kanilang nais, ako ay napilitang umapila kay Cesar, gayon pa man kahit na hindi ako ang nagdadala ng anumang paratang laban sa aking bansa.
But, as the Jews spake against it, I was constrained to appeal unto Caesar, —not as though, against my nation, I had anything to bring by way of accusation.
20 Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
For this cause, therefore, have I called for you, to see and to speak with you; for, on account of the hope of Israel, this chain, have I about me!
21 At sinabi nila sa kaniya, “Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo.
And, they, said unto him—We, have neither received letters concerning thee from the Jews, nor hath anyone of the brethren who hath arrived reported or spoken concerning thee, anything ill.
22 Ngunit nais naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo tungkol sa sektang ito, sapagkat ipinaalam ito sa amin na alam ng lahat at pinag-uusapan saan mang dako.
But we deem it well, that, from thee, we should hear what are thine opinions; for, indeed, concerning this sect, it is, known to us, that, everywhere, is it spoken against.
23 Nang sila ay nagtakda ng araw para sa kaniya, maraming tao ang lumapit sa kaniya sa lugar na kaniyang tinitirhan. Iniharap niya ang mga bagay sa kanila, at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Dios. Sinubukan niyang himukin sila patungkol kay Jesus, ayon sa batas ni Moises at sa mga propetanasabi, niya, mula umaga hanggang gabi.
And, having arranged with him a day, there came unto him, to the lodging, a larger number; unto whom he proceeded to expound, bearing full witness as to the kingdom of God, and persuading them concerning Jesus, both from the law of Moses, and from the prophets, —from morning till evening.
24 Ang ilan ay nahikayat patungkol sa mga bagay na habang ang iba ay hindi naniwala.
And, some, indeed, were persuaded by the things that were spoken, whereas, others, disbelieved;
25 Nang sila ay hindi sumang-ayon sa isa't isa, umalis sila pagkatapos magsabi ni Pablo ng isang salita. “Ang Banal na Espiritu ay nangusap ng maayos sa pamamagitan ni Isaias ang propeta ng ating mga ninuno.
and, not being, agreed, among themselves, they began to leave, —Paul having said one thing—Well, did, the Holy Spirit, speak through Isaiah the prophet, unto your fathers,
26 Sinabi niya, 'Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin, “Sa pamamagitan ng pakikinig kayo ay makakarinig, ngunit hindi ninyo maintindihan; At sa paningin kayo ay makakakita, ngunit hindi mamamalas.
saying—Go thy way unto this people, and say—Ye shall, surely hear, and yet will in nowise understand. And, surely see, and yet will in nowise perceive;
27 Sapagka’t ang puso ng mga taong ito ay naging mahina ang kanilang tainga ay nahihirapang makarinig, ipinikit nila ang kanilang mga mata; ni ayaw makita ng kanilang mga mata, at marinig ng kanilang mga tainga, at maintindihan ng kanilang mga puso, At tumalikod muli at sila'y aking pagagalingin.””
For the heart of this people, hath become dense, and, with their ears, heavily, have they heard, and, their eyes, have they closed, —lest once they should see with their eyes, and, with their ears, should hear, and, with their hearts, should understand, and return, —when I would certainly heal them.
28 Kaya, dapat ninyong malaman na ang kaligtasan ng Dios ay naihatid na sa mga Gentil, at sila ay makikinig.”
Be it, known unto you, therefore, that, unto the nations, hath been sent forth this salvation of God: they, will also hear.
29 Nang nasabi na niya ang bagay na ito, ang mga Judio ay umalis nagkaroon ng matinding pagtatalo sa kanilang mga sarili.
30 Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya.
And he abode two whole years in his own hired house, and made welcome all who were coming in unto him, —
31 Ipinangaral niya ang kahariaan ng Dios at itinuturo ang mga bagay patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo ng may katapangan. Walang sinuman ang pumigil sa kaniya.
proclaiming the kingdom of God, and teaching the things concerning the Lord Jesus Christ, with all freedom of speech, without hindrance.