< Mga Gawa 27 >

1 Nang mapagpasyahan na maglayag kami papunta sa Italia, ibinigay nila si Pablo at iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, na nasa hukbo ni Augusto.
Now when it was concluded, that we should sayle into Italie, they deliuered both Paul, and certaine other prisoners vnto a Centurion named Iulius, of the band of Augustus.
2 Sumakay kami sa isang barko galing Adramicio, na malapit nang maglayag na sa mga dalampasigan ng Asia. Kaya naglayag kami. Ssumama sa amin si Aristarco mula sa Tesalonica ng Macedonia.
And we entred into a ship of Adramyttium purposing to saile by the coastes of Asia, and launched foorth, and had Aristarchus of Macedonia, a Thessalonian, with vs.
3 Nang sumunod na araw dumaong kami sa lungsod ng Sidon, kung saan pinakitunguhan ng mabuti ni Julio si Pablo at pinayagan siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan upang matanggap ang kaniyang mga kailangan.
And the next day we arriued at Sidon: and Iulius courteously entreated Paul, and gaue him libertie to go vnto his friends, that they might refresh him.
4 Mula roon, pumunta kami sa dagat at naglayag sa palibot ng isla ng Chipre na nakublihan mula sa hangin, sapagakat ang hangin ay pasalungat sa amin.
And from thence we launched, and sayled hard by Cyprus, because ye windes were contrarie.
5 Nang makapaglayag kami sa tubig malapit sa Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira, isang lungsod ng Licia.
Then sayled we ouer the sea by Cilicia, and Pamphilia, and came to Myra, a citie in Lycia.
6 Doon, nakatagpo ang senturion ng barko galing Alexandria na maglalayag patungong Italia. Isinakay niya kami dito.
And there the Centurion found a ship of Alexandria, sayling into Italie, and put vs therein.
7 Nang makapaglayag kaming may kabagalan ng maraming araw at sa wakas ng makarating kaming may kahirapan malapit sa Cinido, hindi kami pinahintulutan ng hangin na makapunta sa direksyon na iyon, kaya naglayag kami malapit sa mga nasisilungang bahagi ng Creta, tapat ng Salmon.
And when we had sayled slowly many dayes, and scarce were come against Gnidum, because the winde suffered vs not, we sailed hard by Candie, neere to Salmone,
8 Naglayag kami sa gilid ng dalamapsigan na may kahirapan, hanggang nakarating kami sa isang lugar na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa lungsod ng Lasea.
And with much adoe sayled beyond it, and came vnto a certaine place called the Faire hauens, neere vnto the which was the citie Lasea.
9 Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
So when much time was spent, and sayling was now ieopardous, because also the Fast was nowe passed, Paul exhorted them,
10 at sinabi, “Mga kalalakihan, nakikita kong ang paglalayag na ating gagawin ay maaaring may masaktan at maraming pagkawala, hindi lang ng ating mga kargamento at ng barko, ngunit pati na rin ng ating mga buhay.”
And sayde vnto them, Syrs, I see that this voiage will be with hurt and much damage, not of the lading and ship onely, but also of our liues.
11 Ngunit ang senturion ay mas nagbigay ng pansin sa pinuno at sa may ari ng barko, kaysa sa mga bagay na sinabi ni Pablo.
Neuertheles the Centurion beleeued rather the gouernour and the master of the ship, then those things which were spoken of Paul.
12 Sapagkat hindi madaling tumigil sa daungan sa taglamig, karamihan sa mga mandaragat ay nagpapayong maglayag mula roon, kahit sa anumang paraan ay makaya naming abutin ang lungsod ng Fenix, upang magpalipas doon ng taglamig. Ang Fenix ay isang daungan sa Creta, at ito ay nakaharap sa hilagangsilangan at timogsilangan.
And because the hauen was not commodious to winter in, many tooke counsell to depart thence, if by any meanes they might attaine to Phenice, there to winter, which is an hauen of Candie, and lyeth toward the Southwest and by West, and Northwest and by West.
13 Nang magsimula ng umihip ng banayad ang hangin mula sa timog, naisip ng mga mandaragat na ang kanilang kailangan ay nasa kanila na. Kaya't isinampa nila ang angkla at naglayag sa gilid ng Creta, malapit sa dalampasigan.
And when the Southerne winde blew softly, they supposing to atteine their purpose, loosed neerer, and sailed by Candie.
14 Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla.
But anon after, there arose by it a stormy winde called Euroclydon.
15 Nang matangay ng hangin ang barko at hindi kayang harapin ang hangin, hindi na namin kinaya at nagpatangay nalang dito.
And when the ship was caught, and could not resist the winde, we let her goe, and were caried away.
16 Pumunta kami sa tabi ng kubling bahagi ng maliliit na isla na tinatawag na Cauda: at kahit nahirapan kami nagawa naming iakyat ang bangka sa barko.
And we ran vnder a litle Yle named Clauda, and had much a doe to get the boat.
17 Nang maitaas nila ito, gumamit sila ng mga lubid upang itali ang barko. Natakot sila na masadsad kami sa mga pulong buhangin ng Syrtis, kaya ibinaba nila ang angkla sa dagat at hinayaang tangayin kami.
Which they tooke vp and vsed all helpe, vndergirding the ship, fearing least they should haue fallen into Syrtes, and they strake saile, and so were caried.
18 Kami ay lubhang nabugbug ng bagyo, kaya't nang sumunod na araw ang mga mandaragat ay nagsimulang mag tapon sa tubig ng mga kagamitan.
The next day when we were tossed with an exceeding tempest, they lightened the ship.
19 Nang ikatlong araw ay itinapon din ng mga mandaragat sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay ang mga kagamitan ng barko.
And the third day we cast out with our owne hands the tackling of the ship.
20 Nang ang araw at mga bituin ay hindi na nagliwanag sa amin ng maraming mga araw, at patuloy ang paghagupit sa amin ng malakas na bagyo, anumang pag-asa na maliligtas kami ay nawala.
And when neither sunne nor starres in many dayes appeared, and no small tempest lay vpon vs, all hope that we should be saued, was then taken away.
21 Nang matagal ng ubos ang kanilang pagkain, tumayo si Pablo sa harapan ng mga mandaragat at nagsabing, “Mga kalalakihan, nakinig sana kayo sa akin, at hindi naglayag mula sa Creta, at hindi kayo nagtamo ng pinsala at nawalan.
But after long abstinece, Paul stood forth in the mids of them, and said, Syrs, ye should haue hearkened to me, and not haue loosed from Candie: so should ye haue gained this hurt and losse.
22 At ngayon hinihimok ko kayo na magkaroon kayon ng lakas ng loob, upang walang mawalan ng buhay sa inyo, ngunit pagkawala ng barko lamang.
But now I exhort you to be of good courage: for there shalbe no losse of any mans life among you, saue of the ship onely.
23 Dahil kagabi may isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin na aking sinasamba—tumayo ang kaniyang anghel sa aking tabi
For there stood by me this night the Angel of God, whose I am, and whome I serue,
24 at sinabing, “Huwag kang matakot, Pablo. Kinakailangan kang tumayo sa harapan ni Cesar, at makita na ang Diyos sa kaniyang kabutihan ay ibinigay na saiyo ang lahat na naglalayag kasama mo.
Saying, Feare not, Paul: for thou must be brought before Cesar: and lo, God hath giuen vnto thee freely all that sayle with thee.
25 Kaya nga, mga kalalakihan, lakasan ninyo ang inyong loob, sapagkat nagtititawala ako sa Diyos, na mangyayari ito tulad ng pagkasabi sa akin.
Wherefore, sirs, be of good courage: for I beleeue God, that it shall be so as it hath bene tolde me.
26 Ngunit kinakailangan na mapadpad tayo sa ilang isla.”
Howbeit, we must be cast into a certaine Iland.
27 Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, nang mapadpad kami kung saan-saan sa Dagat ng Adriatico, bandang hating-gabi naisip ng mga mandaragat na papalapit sila sa isang lupain.
And when ye fourteenth night was come, as we were caried to and from in the Adriaticall sea about midnight, the shipmen deemed that some countrey approched vnto them,
28 Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim.
And sounded, and found it twentie fathoms: and when they had gone a litle further, they sounded againe, and found fifteene fathoms.
29 Natakot sila na baka kami ay sumadsad sa mga bato, kaya ibinaba nila ang apat na angkla mula sa likuran ng barko at nanalangin na dumating na ang umaga.
Then fearing least they should haue fallen into some rough places, they cast foure ancres out of the sterne, and wished that the day were come.
30 Naghahanap ang mga mandaragat ng paraan upang iwanan ang barko at ibinaba sa dagat ang bangka mula sa barko, at nagpanggap na itatapon lang nila pababa ang mga angkla mula sa unahan ng barko.
Nowe as the mariners were about to flee out of the ship, and had let downe the boat into the sea vnder a colour as though they would haue cast ankers out of the foreship,
31 Ngunt sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, “Maliban na manatili ang mga lalaking ito sa barko, hindi kayo maliligtas.”
Paul sayde vnto the Centurion and the souldiers, Except these abide in the ship, ye can not be safe.
32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at hinayaang mapaanod ito palayo.
Then the souldiers cut off the ropes of the boat, and let it fall away.
33 Nang mag-uumaga na, pinakiusapansilang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Ngayon ang ikalabing-apat na araw na naghintay kayo at hindi kumain; wala kayong kinain na anuman.
And when it began to be day, Paul exhorted them all to take meate, saying, This is the fourteenth day that ye haue taried, and continued fasting, receiuing nothing:
34 Kaya nakikiusap ako na kumain kayo, sapagkat para ito sa inyong kaligtasan; at wala kahit isa mang buhok ng inyong mga ulo ang mawawala.”
Wherefore I exhort you to take meate: for this is for your safegarde: for there shall not an heare fall from the head of any of you.
35 Nang sinabi niya ito, kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa paningin ng bawat isa. Pagkatapos pinutol niya ang tinapay at nagsimulang kumain.
And when he had thus spoken, hee tooke bread and gaue thankes to God, in presence of them all, and brake it, and began to eate.
36 Pagkatapos lahat sila ay lumakas ang kalooban at kumuha rin sila ng pagkain,
Then were they all of good courage, and they also tooke meate.
37 276 kami na mga tao sa barko.
Nowe we were in the ship in all two hundreth three score and sixteene soules.
38 Nang makakain na sila ng sapat, itinapon nila ang mga trigo sa dagat upang gumaan ang barko.
And whe they had eaten ynough, they lightened the ship, and cast out the wheat into the sea.
39 Nang umaga na, hindi nila nakilala ang lupain, ngunit nakakita sila ng dalampasigan, at pinag-usapan nila kung idadaan ang barko sa lugar na iyon.
And when it was day, they knewe not the countrey, but they spied a certaine creeke with a banke, into the which they were minded (if it were possible) to thrust in the ship.
40 Kaya pinutol nila ang tali ng mga angkla at iniwan nila ang mga ito sa dagat. Sa oras ding iyon ay niluwagan nila ang mga lubid ng mga timon at itinaas ang layag sa hangin; at tinangay sila papuntasa dalampasigan.
So when they had taken vp the ankers, they committed the ship vnto the sea, and loosed the rudder bonds, and hoised vp the maine saile to the winde, and drewe to the shore.
41 Ngunit dumating sila sa lugar na may dalawang nagsasalubong na agos at sumadsad ang barko sa lupa. Naipit doon ang unahang bahagi ng barko at nanatili na hindi umaalis, ngunit nagsimulang masira ang hulihang bahagi ng barko dahil sa matinding lakas ng alon.
And when they fell into a place, where two seas met, they thrust in the ship: and the forepart stucke fast, and could not be moued, but the hinderpart was broken with the violence of the waues.
42 Binalak ng mga Kawal na patayin ang mga bilanggo upang wala sa kanila ang makalangoy palayo at makatakas.
Then the souldiers counsell was to kill the prisoners, least any of them, when he had swomme out, should flee away.
43 Ngunit gustong iligtas ng senturion si Pablo, kaya pinigilan niya ang kanilang balak; at nag-utos siya sa mga marunong lumangoy lumangoy na maunang tumalon sa tubig at pumunta sa lupa.
But the Centurion willing to saue Paul, stayed them from this counsell, and commanded that they that coulde swimme, shoulde cast them selues first into the sea, and goe out to land:
44 Pagkatapos susunod ang mga natirang kalalakihan, ang ilan ay sa mga kahoy, at ang ilan sa ibang mga bagay mula sa barko. Sa ganitong paraan nakararing kaming lahat nang ligtas sa lupa.
And the other, some on boardes, and some on certaine pieces of the ship: and so it came to passe that they came all safe to land.

< Mga Gawa 27 >