< Mga Gawa 27 >
1 Nang mapagpasyahan na maglayag kami papunta sa Italia, ibinigay nila si Pablo at iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, na nasa hukbo ni Augusto.
ⲁ̅ⲀⲤϢⲰⲠⲒ ⲆⲈ ⲈⲦⲀⲨϮϨⲀⲠ ⲈⲐⲢⲈⲚⲈⲢϨⲰⲦ ⲈϮϨⲨⲦⲀⲖⲒⲀ ⲀϤϮ ⲘⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ⲚⲈⲘ ϨⲀⲚⲔⲈⲬⲰⲞⲨⲚⲒ ⲈⲨⲤⲞⲚϨ ⲈⲦⲞⲦϤ ⲚⲞⲨⲈⲔⲀⲦⲞⲚⲦⲀⲢⲬ ⲞⲤ ⲈⲠⲈϤⲢⲀⲚ ⲠⲈ ⲒⲞⲨⲖⲒⲞⲤ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚϮⲤⲠⲒⲢⲀ ⲚⲦⲈⲤⲀⲂⲀⲤⲦⲎ.
2 Sumakay kami sa isang barko galing Adramicio, na malapit nang maglayag na sa mga dalampasigan ng Asia. Kaya naglayag kami. Ssumama sa amin si Aristarco mula sa Tesalonica ng Macedonia.
ⲃ̅ⲀⲚⲀⲖⲎⲒ ⲆⲈ ⲈⲞⲨϪⲞⲒ ⲚⲀⲚⲆⲢⲀⲘⲀⲚⲦⲒⲚⲈⲞⲤ ⲈϤⲚⲀⲈⲢϨⲰⲦ ⲈⲚⲒⲘⲀ ⲚⲦⲈϮⲀⲤⲒⲀ ⲀⲚϪⲰⲞⲨⲚ ⲈⲂⲞⲖ ⲈϤⲚⲈⲘⲀⲚ ⲚϪⲈⲠⲒⲔⲈⲀⲢⲒⲤⲦⲀⲢⲬⲞⲤ ⲚⲦⲈⲐⲘⲀⲔⲈⲆⲞⲚⲒⲀ ⲠⲒⲢⲈⲘⲐⲈⲤⲤⲀⲖⲞⲚⲒⲔⲎ.
3 Nang sumunod na araw dumaong kami sa lungsod ng Sidon, kung saan pinakitunguhan ng mabuti ni Julio si Pablo at pinayagan siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan upang matanggap ang kaniyang mga kailangan.
ⲅ̅ⲠⲈϤⲢⲀⲤϮ ⲆⲈ ⲀⲚⲒ ⲈⲦⲤⲨⲆⲰⲚ ⲀϤⲒⲢⲒ ⲆⲈ ⲚⲞⲨⲘⲈⲦⲘⲀⲒⲢⲰⲘⲒ ⲚⲈⲘ ⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ⲚϪⲈⲒⲞⲨⲖⲒⲞⲤ ⲀϤⲞⲨⲀϨⲤⲀϨⲚⲒ ⲚⲀϤ ⲈⲐⲢⲈϤϢⲈ ϢⲀ ⲚⲈϤϢⲪⲎⲢ ⲚⲤⲈϤⲒ ⲠⲈϤⲢⲰⲞⲨϢ.
4 Mula roon, pumunta kami sa dagat at naglayag sa palibot ng isla ng Chipre na nakublihan mula sa hangin, sapagakat ang hangin ay pasalungat sa amin.
ⲇ̅ⲞⲨⲞϨ ⲈⲦⲀⲚϪⲰⲞⲨⲚ ⲈⲂⲞⲖ ⲘⲘⲀⲨ ⲀⲚⲈⲢϨⲰⲦ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲒⲦⲈⲚ ⲔⲨⲠⲢⲞⲤ ⲈⲐⲂⲈϪⲈ ⲚⲀⲢⲈ ⲠⲒⲐⲎⲞⲨ ϮⲈϦⲞⲨⲚ ⲈϨⲢⲀⲚ ⲠⲈ.
5 Nang makapaglayag kami sa tubig malapit sa Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira, isang lungsod ng Licia.
ⲉ̅ⲈⲦⲀⲚⲈⲢϨⲰⲦ ⲆⲈ ⲈⲂⲞⲖ ⲈⲠⲒⲠⲈⲖⲀⲄⲞⲤ ⲈⲦⲞⲨⲦⲰϤ ⲚⲔⲨⲠⲢⲞⲤ ⲚⲈⲘ ϮⲠⲀⲘⲪⲨⲖⲒⲀ ⲀⲚⲒ ⲈⲖⲨⲤⲦⲢⲀ ⲚⲦⲈϮⲔⲨⲖⲒⲔⲒⲀ.
6 Doon, nakatagpo ang senturion ng barko galing Alexandria na maglalayag patungong Italia. Isinakay niya kami dito.
ⲋ̅ⲞⲨⲞϨ ⲀⲠⲒⲈⲔⲀⲦⲞⲚⲦⲀⲢⲬⲞⲤ ϪⲒⲘⲒ ⲚⲞⲨϪⲞⲒ ⲘⲘⲀⲨ ⲚⲦⲈⲢⲀⲔⲞϮ ⲈϤⲚⲀⲈⲢϨⲰⲦ ⲈϮϨⲨⲦⲀⲖⲒⲀ ⲀϤⲦⲀⲖⲞⲚ ⲈⲢⲞϤ.
7 Nang makapaglayag kaming may kabagalan ng maraming araw at sa wakas ng makarating kaming may kahirapan malapit sa Cinido, hindi kami pinahintulutan ng hangin na makapunta sa direksyon na iyon, kaya naglayag kami malapit sa mga nasisilungang bahagi ng Creta, tapat ng Salmon.
ⲍ̅ⲈⲦⲀⲚⲰⲤⲔ ⲆⲈ ⲚⲈⲢϨⲰⲦ ⲚⲞⲨⲘⲎϢ ⲚⲈϨⲞⲞⲨ ⲞⲨⲞϨ ⲘⲞⲄⲒⲤ ⲈⲦⲀⲚⲒ ⲘⲠⲈⲘⲐⲞ ⲚⲬⲚⲒⲆⲞⲤ ⲚϤⲬⲰ ⲘⲘⲞⲚ ⲀⲚ ⲚϪⲈⲠⲒⲐⲎⲞⲨ ⲀⲚⲈⲢϨⲰⲦ ⲆⲈ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲒⲦⲈⲚ ϮⲔⲢⲎⲦⲎ ⲘⲠⲈⲘⲐⲞ ⲚⲤⲀⲖⲘⲞⲚⲎ.
8 Naglayag kami sa gilid ng dalamapsigan na may kahirapan, hanggang nakarating kami sa isang lugar na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa lungsod ng Lasea.
ⲏ̅ⲘⲞⲄⲒⲤ ⲈⲦⲀⲚⲬⲀⲤ ⲚⲤⲰⲚ ⲀⲚⲒ ⲈⲨⲘⲀ ⲈⲨⲘⲞⲨϮ ⲈⲢⲞϤ ϪⲈ ⲚⲒⲖⲨⲘⲎⲚ ⲈⲐⲚⲀⲚⲈⲨ ⲚⲀⲤϦⲈⲚⲦ ⲆⲈ ⲈⲢⲰⲞⲨ ⲚϪⲈⲞⲨⲠⲞⲖⲒⲤ ϪⲈ ⲖⲀⲤⲈⲀ.
9 Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
ⲑ̅ⲈⲦⲀϤⲤⲒⲚⲒ ⲆⲈ ⲚϪⲈⲞⲨⲚⲒϢϮ ⲚⲬⲢⲞⲚⲞⲤ ⲞⲨⲞϨ ϨⲎⲆⲎ ⲚⲈⲠⲤⲎⲞⲨ ⲀⲚ ϪⲈ ⲠⲈ ⲚⲈⲢⲠⲖⲈⲒⲚ ⲚⲈⲀ ⲠⲒϪⲞⲒ ⲄⲀⲢ ⲤⲰⲢⲈⲘ ⲠⲈ ⲈⲐⲂⲈ ϪⲈ ⲚⲈⲀ ϮⲔⲈⲚⲎⲤⲦⲒⲀ ⲤⲒⲚⲒ ⲠⲈ ⲚⲀϤϮⲚⲞⲘϮ ⲆⲈ ⲚϪⲈⲠⲀⲨⲖⲞⲤ
10 at sinabi, “Mga kalalakihan, nakikita kong ang paglalayag na ating gagawin ay maaaring may masaktan at maraming pagkawala, hindi lang ng ating mga kargamento at ng barko, ngunit pati na rin ng ating mga buhay.”
ⲓ̅ⲈϤϪⲰ ⲘⲘⲞⲤ ⲚⲰⲞⲨ ⲚⲒⲢⲰⲘⲒ ϮⲚⲀⲨ ϪⲈ ⲞⲨⲞⲚ ⲞⲨϢⲰϢ ⲚⲈⲘ ⲞⲨⲘⲎϢ ⲚⲞⲤⲒ ⲚⲀϢⲰⲠⲒ ⲞⲨ ⲘⲞⲚⲞⲚ ⲘⲠⲒϪⲞⲒ ⲚⲈⲘ ⲠⲒⲀⲞⲨⲒⲚ ⲀⲖⲖⲀ ⲚⲈⲘ ⲚⲈⲚⲔⲈⲮⲨⲬⲎ ϦⲈⲚⲠⲀⲒϪⲒⲚⲈⲢϨⲰⲦ.
11 Ngunit ang senturion ay mas nagbigay ng pansin sa pinuno at sa may ari ng barko, kaysa sa mga bagay na sinabi ni Pablo.
ⲓ̅ⲁ̅ⲠⲒⲈⲔⲀⲦⲞⲚⲦⲀⲢⲬⲞⲤ ⲆⲈ ⲚⲀϤⲐⲎⲦ ⲚϨⲎⲦ ⲚⲈⲘ ⲠⲒⲢⲈϤⲈⲢϨⲈⲘⲒ ⲚⲈⲘ ⲠⲒⲚⲀⲨⲔⲖⲎⲢⲞⲤ ⲈϨⲞⲦⲈ ⲚⲎ ⲈⲚⲀⲢⲈ ⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ϪⲰ ⲘⲘⲰⲞⲨ.
12 Sapagkat hindi madaling tumigil sa daungan sa taglamig, karamihan sa mga mandaragat ay nagpapayong maglayag mula roon, kahit sa anumang paraan ay makaya naming abutin ang lungsod ng Fenix, upang magpalipas doon ng taglamig. Ang Fenix ay isang daungan sa Creta, at ito ay nakaharap sa hilagangsilangan at timogsilangan.
ⲓ̅ⲃ̅ⲈⲚϤⲤⲘⲞⲚⲦ ⲆⲈ ⲀⲚ ⲚϪⲈⲠⲒⲖⲨⲘⲎⲚ ⲈⲐⲢⲈⲚⲈⲢⲠⲀⲢⲀⲬⲒⲘⲀⲌⲒⲚ ⲀⲠⲞⲨϨⲞⲨⲞ ⲒⲢⲒ ⲚⲞⲨⲤⲞϬⲚⲒ ⲈⲬⲀⲨ ⲈⲂⲞⲖ ⲘⲘⲀⲨ ϪⲈ ⲀⲢⲎⲞⲨ ⲚⲤⲈϢϪⲞⲘϪⲈⲘ ⲚⲈⲢⲔⲀⲦⲀⲚⲦⲀⲚ ⲈⲪⲞⲒⲚⲒⲜ ⲈⲈⲢⲠⲀⲢⲀⲬ ⲒⲘⲀⲌⲒⲚ ϦⲈⲚⲞⲨⲖⲨⲘⲎⲚ ⲚⲦⲈϮⲔⲢⲎⲦⲎ ⲈϤⲤⲞⲘⲤ ⲈⲠⲒⲤⲀ ⲚⲈⲘⲈⲚⲦ ⲈⲞⲨⲘⲀ ⲚⲬⲰⲢⲀ ⲠⲈ.
13 Nang magsimula ng umihip ng banayad ang hangin mula sa timog, naisip ng mga mandaragat na ang kanilang kailangan ay nasa kanila na. Kaya't isinampa nila ang angkla at naglayag sa gilid ng Creta, malapit sa dalampasigan.
ⲓ̅ⲅ̅ⲈϤⲚⲒϤⲒ ⲆⲈ ⲚϪⲈⲞⲨⲐⲞⲨⲢⲎⲤ ⲚⲀⲨⲘⲈⲨⲒ ⲠⲈ ϪⲈ ⲤⲈⲚⲀϢⲦⲀϨⲈ ⲠⲒϢⲞⲢⲠ ⲚⲐⲰϢ ⲈⲦⲀⲨⲀⲒϤ ⲀⲨϪⲰⲞⲨⲚ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲀⲤⲤⲰⲤ ⲀⲨⲬⲀ ϮⲔⲢⲎⲦⲎ ⲚⲤⲰⲞⲨ.
14 Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla.
ⲓ̅ⲇ̅ⲘⲠⲈⲤⲰⲤⲔ ⲆⲈ ⲀϤⲚⲒϤⲒ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈϨⲢⲀⲚ ⲚϪⲈⲞⲨⲐⲎⲞⲨ ⲈϤϬⲞⲤⲒ ⲪⲎ ⲈϢⲀⲨⲘⲞⲨϮ ⲈⲢⲞϤ ϪⲈ ⲈⲨⲢⲀⲔⲨⲖⲰⲚ.
15 Nang matangay ng hangin ang barko at hindi kayang harapin ang hangin, hindi na namin kinaya at nagpatangay nalang dito.
ⲓ̅ⲉ̅ⲈⲦⲀϤϨⲰⲖⲈⲘ ⲆⲈ ⲘⲠⲒϪⲞⲒ ⲈⲦⲈⲘⲠⲞⲨϢϪⲈⲘϪⲞⲘ ⲚϮ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈϨⲢⲀϤ ⲘⲠⲒⲐⲎ ⲞⲨ ⲀⲚϮⲦⲞⲦⲈⲚ ⲀⲚⲤⲰⲔ
16 Pumunta kami sa tabi ng kubling bahagi ng maliliit na isla na tinatawag na Cauda: at kahit nahirapan kami nagawa naming iakyat ang bangka sa barko.
ⲓ̅ⲋ̅ⲈⲦⲀⲚⲪⲰⲦ ⲆⲈ ⲈⲞⲨⲚⲎⲤⲞⲤ ⲈⲨⲘⲞⲨϮ ⲈⲢⲞⲤ ϪⲈ ⲔⲖⲀⲨⲆⲀ ⲘⲞⲄⲒⲤ ⲀⲚϢϪⲈⲘϪⲞⲘ ⲈⲀⲘⲀϨⲒ ⲚϮϦⲈⲖⲘⲈϨⲒ.
17 Nang maitaas nila ito, gumamit sila ng mga lubid upang itali ang barko. Natakot sila na masadsad kami sa mga pulong buhangin ng Syrtis, kaya ibinaba nila ang angkla sa dagat at hinayaang tangayin kami.
ⲓ̅ⲍ̅ⲐⲀⲒ ⲈⲦⲀⲨⲞⲖⲤ ⲚⲀⲨⲈⲢⲂⲞⲎⲐⲒⲚ ⲈⲨⲘⲞⲨⲢ ⲘⲠⲒϪⲞⲒ ⲈⲨⲈⲢϨⲞϮ ⲆⲈ ⲘⲎⲠⲰⲤ ⲚⲤⲈϨⲈⲒ ⲈϦⲢⲎⲒ ⲈϮⲤⲒⲢⲦⲎⲤ ⲀⲚⲬⲰ ⲘⲠⲒⲤⲔⲈⲨⲞⲤ ⲈⲠⲈⲤⲎⲦ ⲞⲨⲞϨ ⲠⲀⲒⲢⲎϮ ⲀⲚⲖⲰⲒⲖⲒ.
18 Kami ay lubhang nabugbug ng bagyo, kaya't nang sumunod na araw ang mga mandaragat ay nagsimulang mag tapon sa tubig ng mga kagamitan.
ⲓ̅ⲏ̅ⲈⲢⲈ ⲂⲞⲖ ⲆⲈ ⲪⲞⲚϨ ⲈⲢⲞⲚ ⲈⲘⲀϢⲰ ⲠⲈϤⲢⲀⲤϮ ⲆⲈ ⲚⲀⲨⲂⲞⲢⲂⲈⲢ ⲈⲂⲞⲖ ⲠⲈ.
19 Nang ikatlong araw ay itinapon din ng mga mandaragat sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay ang mga kagamitan ng barko.
ⲓ̅ⲑ̅ⲞⲨⲞϨ ϦⲈⲚⲪⲘⲀϨ ⲄⲚⲈϨⲞⲞⲨ ⲀⲨϨⲒⲦⲞⲦⲞⲨ ⲚⲤⲀⲚⲒⲤⲔⲈⲨⲞⲤ ⲚⲦⲈⲠⲒϪⲞⲒ ⲀⲨⲤⲀⲦⲞⲨ ⲈⲂⲞⲖ
20 Nang ang araw at mga bituin ay hindi na nagliwanag sa amin ng maraming mga araw, at patuloy ang paghagupit sa amin ng malakas na bagyo, anumang pag-asa na maliligtas kami ay nawala.
ⲕ̅ⲈϤⲞⲨⲞⲚϨ ⲆⲈ ⲀⲚ ⲚϪⲈⲪⲢⲎ ⲚⲈⲘ ⲚⲒⲤⲒⲞⲨ ⲚⲞⲨⲘⲎϢ ⲚⲈϨⲞⲞⲨ ⲚⲞⲨⲔⲞⲨϪⲒ ⲘⲪⲰⲚϨ ⲀⲚ ⲠⲈ ⲈⲚⲀϤϢⲞⲠ ⲖⲞⲒⲠⲞⲚ ⲚⲈⲀⲤϢⲈ ⲚⲀⲤ ⲠⲈ ⲚϪⲈⲦⲈⲚϨⲈⲖⲠⲒⲤ ⲦⲎⲢⲤ ⲈⲐⲢⲈⲚⲞⲨϪⲀⲒ.
21 Nang matagal ng ubos ang kanilang pagkain, tumayo si Pablo sa harapan ng mga mandaragat at nagsabing, “Mga kalalakihan, nakinig sana kayo sa akin, at hindi naglayag mula sa Creta, at hindi kayo nagtamo ng pinsala at nawalan.
ⲕ̅ⲁ̅ⲤϢⲞⲠ ⲆⲈ ⲚϪⲈⲞⲨⲚⲒϢϮ ⲘⲘⲈⲦⲀⲐⲞⲨⲰⲘ ⲦⲞⲦⲈ ⲀϤⲞϨⲒ ⲈⲢⲀⲦϤ ⲚϪⲈⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ϦⲈⲚⲦⲞⲨⲘⲎϮ ⲠⲈϪⲀϤ ϪⲈ ⲚⲀⲤⲘⲠϢⲀ ⲘⲈⲚ ⲠⲈ ⲰⲚⲒⲢⲰⲘⲒ ⲈⲀⲦⲈⲦⲈⲚⲤⲰⲦⲈⲘ ⲚⲤⲰⲒ ⲈϢⲦⲈⲘϪⲰⲞⲨⲚ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚϮⲔⲢⲎⲦⲎ ⲚⲦⲈⲦⲈⲚϪⲈⲘ ϨⲎⲞⲨ ⲘⲠⲀⲒϢⲰϢ ⲚⲈⲘ ⲠⲀⲒⲞⲤⲒ.
22 At ngayon hinihimok ko kayo na magkaroon kayon ng lakas ng loob, upang walang mawalan ng buhay sa inyo, ngunit pagkawala ng barko lamang.
ⲕ̅ⲃ̅ⲞⲨⲞϨ ϮⲚⲞⲨ ⲞⲚ ϮϦⲰⲚϪ ⲈⲢⲰⲦⲈⲚ ⲰⲞⲨⲚϨⲎⲦ ⲞⲨⲮⲨⲬⲎ ⲄⲀⲢ ⲚⲞⲨⲰⲦ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚⲐⲎⲚⲞⲨ ⲤⲚⲀⲦⲀⲔⲞ ⲀⲚ ⲈⲂⲎⲖ ⲈⲠⲒϪⲞⲒ ⲘⲘⲀⲨⲀⲦϤ.
23 Dahil kagabi may isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin na aking sinasamba—tumayo ang kaniyang anghel sa aking tabi
ⲕ̅ⲅ̅ⲀϤⲞϨⲒ ⲄⲀⲢ ⲈⲢⲀⲦϤ ⲚⲀϨⲢⲀⲒ ⲘⲠⲀⲒⲈϪⲰⲢϨ ⲚϪⲈⲞⲨⲀⲄⲄⲈⲖⲞⲤ ⲚⲦⲈⲪⲚⲞⲨϮ ⲈⲦⲈ ⲀⲚⲞⲔ ⲪⲰϤ ⲞⲨⲞϨ ϮϢⲈⲘϢⲒ ⲘⲘⲞϤ.
24 at sinabing, “Huwag kang matakot, Pablo. Kinakailangan kang tumayo sa harapan ni Cesar, at makita na ang Diyos sa kaniyang kabutihan ay ibinigay na saiyo ang lahat na naglalayag kasama mo.
ⲕ̅ⲇ̅ⲈϤϪⲰ ⲘⲘⲞⲤ ϪⲈ ⲘⲠⲈⲢⲈⲢϨⲞϮ ⲠⲀⲨⲖⲈ ϨⲰϮ ⲚⲤⲈⲦⲀϨⲞⲔ ⲈⲢⲀⲦⲔ ⲚⲀϨⲢⲀϤ ⲘⲠⲞⲨⲢⲞ ⲞⲨⲞϨ ϨⲎⲠⲠⲈ ⲚⲎ ⲈⲦⲈⲢϨⲰⲦ ⲚⲈⲘⲀⲔ ⲦⲎⲢⲞⲨ ⲀⲒⲦⲎⲒⲦⲞⲨ ⲚⲀⲔ ⲚϨⲘⲞⲦ.
25 Kaya nga, mga kalalakihan, lakasan ninyo ang inyong loob, sapagkat nagtititawala ako sa Diyos, na mangyayari ito tulad ng pagkasabi sa akin.
ⲕ̅ⲉ̅ⲈⲐⲂⲈⲪⲀⲒ ⲚⲒⲢⲰⲘⲒ ⲞⲨⲚⲞϤ ⲚϨⲎⲦ ϮⲚⲀϨϮ ⲄⲀⲢ ⲈⲪⲚⲞⲨϮ ϪⲈ ⲤⲈⲚⲀϢⲰⲠⲒ ⲘⲪⲢⲎϮ ⲈⲦⲀⲨⲤⲀϪⲒ ⲚⲈⲘⲎⲒ.
26 Ngunit kinakailangan na mapadpad tayo sa ilang isla.”
ⲕ̅ⲋ̅ϨⲰϮ ⲄⲀⲢ ⲚⲦⲈⲚⲒ ⲈϪⲈⲚ ⲞⲨⲚⲎⲤⲞⲤ.
27 Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, nang mapadpad kami kung saan-saan sa Dagat ng Adriatico, bandang hating-gabi naisip ng mga mandaragat na papalapit sila sa isang lupain.
ⲕ̅ⲍ̅ⲈⲦⲀ ⲒⲆ ⲆⲈ ⲚⲈϪⲰⲢϨ ϢⲰⲠⲒ ⲈⲚⲬⲎ ⲤⲀⲠⲒϨⲰⲒⲘⲒ ϦⲈⲚⲠⲒⲀⲚⲆⲢⲒⲀⲤ ϦⲈⲚⲦⲪⲀϢⲒ ⲆⲈ ⲘⲠⲒⲈϪⲰⲢϨ ⲚⲀⲨⲘⲈⲨⲒ ⲆⲈ ⲚϪⲈⲚⲒⲚⲈϤ ϪⲈ ⲀⲨϦⲰⲚⲦ ⲈϦⲞⲨⲚ ⲈⲞⲨⲬⲰⲢⲀ.
28 Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim.
ⲕ̅ⲏ̅ⲞⲨⲞϨ ⲈⲦⲀⲨⲤⲒϮ ⲈⲠⲈⲤⲎⲦ ⲚϮⲂⲞⲖⲒⲤ ⲀⲨϪⲈⲘ ⲔⲚϨϤⲞⲦ ⲘⲘⲰⲞⲨ ⲈⲦⲀⲨⲈⲢ ⲞⲨⲔⲞⲨϪⲒ ⲆⲈ ⲚⲞⲨⲰϢ ⲀⲨⲤⲒϮ ⲚϮⲂⲞⲖⲒⲤ ⲈⲠⲈⲤⲎⲦ ⲀⲨϪⲈⲘ ⲒⲈ ⲚϨϤⲞⲦ.
29 Natakot sila na baka kami ay sumadsad sa mga bato, kaya ibinaba nila ang apat na angkla mula sa likuran ng barko at nanalangin na dumating na ang umaga.
ⲕ̅ⲑ̅ⲈⲚⲈⲢϨⲞϮ ⲆⲈ ⲘⲎⲠⲰⲤ ⲚⲦⲈⲚϨⲈⲒ ⲈϦⲢⲎⲒ ⲈϨⲀⲚⲘⲀ ⲈⲨⲚⲀϢⲦ ⲀⲨϨⲒ ⲆⲚⲀⲨϪⲀⲖ ⲤⲀⲪⲀϨⲞⲨ ⲘⲠⲒϪⲞⲒ ⲚⲀⲨⲦⲰⲂϨ ⲈⲐⲢⲈ ⲠⲒⲈϨⲞⲞⲨ ϢⲰⲠⲒ.
30 Naghahanap ang mga mandaragat ng paraan upang iwanan ang barko at ibinaba sa dagat ang bangka mula sa barko, at nagpanggap na itatapon lang nila pababa ang mga angkla mula sa unahan ng barko.
ⲗ̅ⲈⲨⲔⲰϮ ⲆⲈ ⲚϪⲈⲚⲒⲚⲈϤ ⲚⲤⲈⲪⲰⲦ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲀ ⲠⲒϪⲞⲒ ⲀⲨⲬⲰ ⲚϮⲤⲔⲀⲪⲎ ⲈϦⲢⲎⲒ ⲈⲪⲒⲞⲘ ϦⲈⲚⲞⲨⲖⲰⲒϪⲒ ϨⲰⲤ ϪⲈ ⲈⲨⲚⲀϨⲒⲞⲨⲒ ⲚϨⲀⲚⲀⲨϪⲀⲖ ⲈⲂⲞⲖ ⲤⲀⲦϨⲎ.
31 Ngunt sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, “Maliban na manatili ang mga lalaking ito sa barko, hindi kayo maliligtas.”
ⲗ̅ⲁ̅ⲠⲈϪⲈ ⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ⲘⲠⲒⲈⲔⲀⲦⲞⲚⲦⲀⲢⲬⲞⲤ ⲚⲈⲘ ⲚⲒⲘⲀⲦⲞⲒ ϪⲈ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲢⲈϢⲦⲈⲘ ⲚⲀⲒ ⲞϨⲒ ϨⲒ ⲠⲒϪⲞⲒ ⲘⲘⲞⲚ ϢϪⲞⲘ ⲘⲘⲰⲦⲈⲚ ⲈⲚⲞϨⲈⲘ.
32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at hinayaang mapaanod ito palayo.
ⲗ̅ⲃ̅ⲦⲞⲦⲈ ⲚⲒⲘⲀⲦⲞⲒ ⲀⲨⲤⲰⲖⲠ ⲚⲚⲒⲚⲞϨ ⲚⲦⲈϮⲤⲔⲀⲪⲎ ⲀⲨⲬⲀⲤ ⲈⲐⲢⲈⲤϨⲈⲒ.
33 Nang mag-uumaga na, pinakiusapansilang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Ngayon ang ikalabing-apat na araw na naghintay kayo at hindi kumain; wala kayong kinain na anuman.
ⲗ̅ⲅ̅ϢⲀⲦⲈ ⲠⲒⲈϨⲞⲞⲨ ϢⲰⲠⲒ ⲚⲀϤⲐⲰⲦ ⲘⲠⲞⲨϨⲎⲦ ⲦⲎⲢⲞⲨ ⲚϪⲈⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲤⲈϬⲒ ⲚⲞⲨϦⲢⲈ ⲈϤϪⲰ ⲘⲘⲞⲤ ϪⲈ ⲒⲤ ⲒⲆ ⲚⲈϨⲞⲞⲨ ⲀⲢⲈⲦⲈⲚϪⲞⲔⲞⲨ ⲈⲂⲞⲖ ⲈⲢⲈⲦⲈⲚⲤⲞⲘⲤ ⲈⲂⲞⲖ ⲘⲠⲈⲦⲈⲚⲞⲨⲈⲘ ϨⲖⲒ.
34 Kaya nakikiusap ako na kumain kayo, sapagkat para ito sa inyong kaligtasan; at wala kahit isa mang buhok ng inyong mga ulo ang mawawala.”
ⲗ̅ⲇ̅ⲈⲐⲂⲈⲪⲀⲒ ϮⲦⲰⲂϨ ⲘⲘⲰⲦⲈⲚ ⲈⲐⲢⲈⲦⲈⲦⲈⲚϬ ⲒⲚⲦⲈⲦⲈⲚϦⲢⲈ ⲪⲀⲒ ⲄⲀⲢ ϤϢⲞⲠ ⲚϢⲞⲢⲠ ⲈⲠⲈⲦⲈⲚⲞⲨϪⲀⲒ ⲞⲨϤⲰⲒ ⲄⲀⲢ ⲚⲦⲈⲦⲀⲪⲈ ⲚⲞⲨⲀⲒ ⲘⲘⲰⲦⲈⲚ ϤⲚⲀⲦⲀⲔⲞ ⲀⲚ.
35 Nang sinabi niya ito, kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa paningin ng bawat isa. Pagkatapos pinutol niya ang tinapay at nagsimulang kumain.
ⲗ̅ⲉ̅ⲚⲀⲒ ⲆⲈ ⲈⲦⲀϤϪⲞⲦⲞⲨ ⲀϤϬⲒ ⲚⲞⲨⲰⲒⲔ ⲀϤϢⲈⲠϨⲘⲞⲦ ⲚⲦⲈⲚ ⲪⲚⲞⲨϮ ⲘⲠⲈⲘⲐⲞ ⲚⲞⲨⲞⲚ ⲚⲒⲂⲈⲚ ⲞⲨⲞϨ ⲈⲦⲀϤⲪⲀϢϤ ⲀϤⲈⲢϨⲎⲦⲤ ⲚⲞⲨⲰⲘ.
36 Pagkatapos lahat sila ay lumakas ang kalooban at kumuha rin sila ng pagkain,
ⲗ̅ⲋ̅ⲈⲦⲀ ⲠⲞⲨϨⲎⲦ ⲆⲈ ⲞⲨⲚⲞϤ ⲦⲎⲢⲞⲨ ⲚⲐⲰⲞⲨ ϨⲰⲞⲨ ⲀⲨϬⲒ ⲚⲦⲞⲨϦⲢⲈ.
37 276 kami na mga tao sa barko.
ⲗ̅ⲍ̅ⲚⲒⲮⲨⲬⲎ ⲆⲈ ⲦⲎⲢⲞⲨ ⲈⲚⲀⲨϨⲒ ⲠⲒϪⲞⲒ ⲚⲀⲨⲈⲢ ⲤⲞ ⲠⲈ.
38 Nang makakain na sila ng sapat, itinapon nila ang mga trigo sa dagat upang gumaan ang barko.
ⲗ̅ⲏ̅ⲈⲦⲀⲨⲤⲒ ⲆⲈ ⲈⲂⲞⲖ ϦⲈⲚϮϦⲢⲈ ⲚⲀⲨⲐⲢⲞ ⲘⲠⲒϪⲞⲒ ⲈⲀⲤⲒⲀⲒ ⲠⲈ ⲈⲨⲤⲒϮ ⲘⲠⲒⲤⲞⲨⲞ ⲈⲪⲒⲞⲘ.
39 Nang umaga na, hindi nila nakilala ang lupain, ngunit nakakita sila ng dalampasigan, at pinag-usapan nila kung idadaan ang barko sa lugar na iyon.
ⲗ̅ⲑ̅ϨⲞⲦⲈ ⲆⲈ ⲈⲦⲀ ⲠⲒⲈϨⲞⲞⲨ ϢⲰⲠⲒ ⲘⲠⲞⲨⲤⲞⲨⲈⲚ ⲠⲒⲔⲀϨⲒ ⲚⲀⲨϮ ⲆⲈ ⲚϨⲐⲎⲞⲨ ⲚⲞⲨⲔⲞⲖⲠⲤ ⲈⲞⲨⲞⲚ ⲞⲨⲬⲢⲞ ⲚϦⲎⲦϤ ⲚⲀⲨⲤⲞϬⲚⲒ ⲆⲈ ϪⲈ ⲀⲢⲎⲞⲨ ⲤⲈⲚⲀϢⲚⲞϨⲈⲘ ⲘⲠⲒϪⲞⲒ ⲈⲘⲀⲨ.
40 Kaya pinutol nila ang tali ng mga angkla at iniwan nila ang mga ito sa dagat. Sa oras ding iyon ay niluwagan nila ang mga lubid ng mga timon at itinaas ang layag sa hangin; at tinangay sila papuntasa dalampasigan.
ⲙ̅ⲞⲨⲞϨ ⲈⲦⲀⲨϤⲒ ⲚⲚⲒⲀⲨϪⲀⲖ ⲚⲀⲨⲬⲰ ⲘⲘⲰⲞⲨ ⲈϦⲢⲎⲒ ⲈⲪⲒⲞⲘ ⲀⲘⲀ ⲆⲈ ⲀⲨⲬⲀ ϪⲰⲞⲨ ⲚⲚⲒϨⲒⲎⲞⲨ ⲈⲂⲞⲖ ⲞⲨⲞϨ ⲈⲦⲀⲨⲤⲞⲤⲒ ⲘⲠⲒⲀⲢⲦⲈⲘⲰⲚ ⲘⲠⲒⲐⲎⲞⲨ ⲈⲐⲚⲒϤⲒ ⲀⲨⲘⲞⲚⲒ ⲈⲠⲒⲬⲢⲞ.
41 Ngunit dumating sila sa lugar na may dalawang nagsasalubong na agos at sumadsad ang barko sa lupa. Naipit doon ang unahang bahagi ng barko at nanatili na hindi umaalis, ngunit nagsimulang masira ang hulihang bahagi ng barko dahil sa matinding lakas ng alon.
ⲙ̅ⲁ̅ⲈⲦⲀⲨϨⲈⲒ ⲆⲈ ⲈⲞⲨⲘⲀ ⲈϤⲞⲒ ⲚⲐⲀⲖⲀⲤⲤⲀ ⲤⲚⲞⲨϮ ⲀⲨϨⲈⲢϢ ⲠⲒϪⲞⲒ ⲈⲘⲀⲨ ⲞⲨⲞϨ ϨⲒⲦϨⲎ ⲘⲈⲚ ⲘⲘⲞϤ ⲀϤⲦⲀϪⲢⲞ ⲀϤⲞϨⲒ ⲚϤⲔⲒⲘ ⲀⲚ ⲪⲀϨⲞⲨ ⲆⲈ ⲘⲘⲞϤ ⲀϤⲂⲰⲖ ⲈⲂⲞⲖ ⲚⲦⲈⲚ ⲠϬⲒⲚϪⲞⲚⲤ ⲚⲦⲈⲚⲒϨⲰⲒⲘⲒ.
42 Binalak ng mga Kawal na patayin ang mga bilanggo upang wala sa kanila ang makalangoy palayo at makatakas.
ⲙ̅ⲃ̅ⲀⲨⲒⲢⲒ ⲆⲈ ⲚⲞⲨⲤⲞϬⲚⲒ ⲚϪⲈⲚⲒⲘⲀⲦⲞⲒ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲤⲈϦⲰⲦⲈⲂ ⲚⲚⲎ ⲈⲦⲤⲞⲚϨ ⲘⲎⲠⲰⲤ ⲚⲦⲈⲞⲨⲀⲒ ⲚⲎⲂⲒ ⲚⲦⲈϤⲪⲰⲦ.
43 Ngunit gustong iligtas ng senturion si Pablo, kaya pinigilan niya ang kanilang balak; at nag-utos siya sa mga marunong lumangoy lumangoy na maunang tumalon sa tubig at pumunta sa lupa.
ⲙ̅ⲅ̅ⲠⲒⲈⲔⲀⲦⲞⲚⲦⲀⲢⲬⲞⲤ ⲆⲈ ⲈϤⲞⲨⲰϢ ⲈⲚⲞϨⲈⲘ ⲘⲠⲀⲨⲖⲞⲤ ⲀϤϢⲀϢⲦⲞⲨ ⲈϢⲦⲈⲘⲒⲢⲒ ⲘⲠⲞⲨⲤⲞϬⲚⲒ ⲀϤⲞⲨⲀϨⲤⲀϨⲚⲒ ⲆⲈ ⲚⲚⲎ ⲈⲦⲈ ⲞⲨⲞⲚ ϢϪⲞⲘ ⲘⲘⲰⲞⲨ ⲚⲤⲈϤⲒⲦⲞⲨ ⲈⲪⲒⲞⲘ ⲚⲤⲈⲚⲎⲂⲒ ⲚϢⲞⲢⲠ ⲈⲠⲒⲬⲢⲞ.
44 Pagkatapos susunod ang mga natirang kalalakihan, ang ilan ay sa mga kahoy, at ang ilan sa ibang mga bagay mula sa barko. Sa ganitong paraan nakararing kaming lahat nang ligtas sa lupa.
ⲙ̅ⲇ̅ⲞⲨⲞϨ ⲠⲔⲈⲤⲰϪⲠ ϨⲀⲚⲞⲨⲞⲚ ⲘⲈⲚ ϨⲒ ϨⲀⲚⲤⲀⲚⲒⲤ ϨⲀⲚⲔⲈⲬⲰⲞⲨⲚⲒ ⲆⲈ ϨⲒ ϨⲀⲚⲔⲈⲈⲚⲬ ⲀⲒ ⲚⲦⲈⲠⲒϪⲞⲒ ⲞⲨⲞϨ ⲠⲀⲒⲢⲎϮ ⲀⲤϢⲰⲠⲒ ⲈⲐⲢⲈⲚⲚⲞϨⲈⲘ ⲦⲎⲢⲈⲚ ⲈⲠⲒⲬⲢⲞ.